CHAPTER 21: Her Haters

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 21
 
 
•AERIN's POV•

"Twinny, tara na!"

Ngayon ang ikalawang araw ng training namin ni Caeli.

Okay na siya at wala namang ibang nangyari kahapon bukod do'n sa pakikipaglaban nila at sa kadramahan ni Glaciero hihi.

"Oo, wait lang"

Actually, pagkatapos ko'ng makitang namumula ang tenga niya eh inasar ko pa siya no'ng biglang nag froze ang katawan ko.

At pagkatapos eh pinauwi sa dorm kasama si Daldalita. Oo, di siya sumama!

Aywan ko nga kung saan nagpunta ey.

Pero ilang sandali pa eh dumating na din silang lahat. Siguro, sinundo niya lang 'yong iba.

Ngayon, papunta na kami sa training ground at ang portal na naman ni Caeli ang gagamitin.

"Ay Twinny! Di ako nakahingi ng mint candy owemji!"

Eh?

HAHA ba't parang rhyme ata 'yon. Abaaaa may future sa pagiging makata ang babaeng 'to ah!

"Okay lang 'yon Caeli para naman masanay na ako dyan "

Di naman pwedeng aasa na lang ako lagi do'n sa mint candy baka masira pa ang mga ngipin ko.

Ang pangit ko siguro kapag bungal noh? Pero cute naman 'yong baby kahit walang ngipin ah!
 
Ba't parang ang unfair?

"Twinny! Pasok naaaa"

Napalingon naman ako kay Caeli, gumawa na pala siya ng portal, pink naman ngayon.

Ba't kaya paiba-iba ang kulay no'n? Crayon flavor ba 'yong portal niya?
______
Hay sa wakas! Nandito na rin kami sa training ground. Medyo nahihilo pa ako pero di na masyado.

May mga mages na rin ang nandito, tingin ko nag-eensayo din sila.
 
Ayy malamang! Nakuuu.

"Caeli, gusto kong mag focus muna sa paglutang tapos sa paglipad na rin"

Tumango naman siya sa'kin at pumunta sa kabilang bahagi ng pwesto namin. Mag-eensayo din ba siya?

Ipinikit ko naman ang mga mata ko at nagsimulang mag concentrate.

Gusto kong matutong lumipad para di ko na kakailanganin ang portal ni Caeli hihi.

No'ng naramdaman kong lumutang na ako eh ibinuka ko ang aking mga mata.

Napangiti ako, di na ako nagpapanic ngayon. Kaya ko na'ng controlin ang sarili ko.

Triny kong maglakad ng nakalutang, sheeeeet! Nagawa ko!

Pero para naman akong multo na nakalutang sa hangin nito.

Napailag naman ako no'ng biglang may paparating sa direksyon ko.

Abaaa! Kagagawan na naman ni Caeli 'yon panigurado.

"Magaling Twinny! HAHA di ka na bumagsak, wala pa namang Faero ang sasalo sa'yo ngayon!" 

Uminit naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Pinapaalala pa talaga nito ang nangyari no'ng nakaraan.
 
Hays! Ang cute lang kasi talaga ni Red lalo na't matitigan mo siya ng malapitan. Waaaaaaaah hihi.

Ayy t-teka? May nakalimutan yata ako!

Y-yong lalaki nga pala na nakita ko no'n, di ko pa pala naitanong kay Glaciero.

Di bale, pag nakita ko siya, tatanungin ko.

"Ayy tae!"

Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Caeli. Nandito pa rin kami sa itaas, nakalutang.

"HAHAHAHA"

Baliw.

Tumatawa na naman.

"Ba't ka ba bigla-biglang sumulpot dyan Caeli? Buti na lang di ako nalaglag"

Paano na lang? Wala pa namang Red ngayon.

Ayy takte! Ginawa ko naman siyang tagasalo, ehhh ambad ko.

"'Yon ang isa sa ituturo ko ngayon sa'yo Twinny. Dapat gamitin mo ang mga senses mo sa oras ng laban. Kailangan marunong kang makiramdam kung may paparating"

Nage-gets ko naman ang mga sinasabi niya. Syempre, matalino ata ako.

"Sige Caeli, susundin ko 'yan"

Napangiti naman siya dahil do'n. Fast learner ako at marunong sumunod sa training master ko kaya HM, baka naman hihi.

Baka naman may ibibigay kang medalya sa akin nitooooO.

"Una, talasan mo ang 'yong mga mata"

Ha?

Hakdog. 
 
Ay hehe paano ba 'yon? Pinalaki ko naman ang mga mata ko, ganito ba?

"HAHAHAHA Twinny! Ano ba 'yang ginagawa mo?"

Eh? Bakit? Mali ba 'yon? Ano ba 'tong training master ko eh wala man lang demonstration naku!

"Sabi mo talasan ey" nakapout ko pang sabi.

Tae! Nagiging pato na rin ata ako.

"Hindi ganyan! HAHA dapat maging mapagmatyag ka sa paligid mo dahil minsan, maraming patibong ang itinatanim ng kalaban at dapat nakatingin ka ng mabuti sa kalaban mo dahil minsan di mo alam na clone lang pala ang kaharap mo"

Woaaaah! Gano'n pala 'yon? Medyo kinakabahan ako sa mga sinasabi nitong si Caeli ey.

Tumango lang ako sa kanya at nakinig.

"Dapat ding makinig ka ng mabuti sa mga nangyayari sa paligid. Minsan, magagamit mo ang sense of hearing lalo na pag may lalapit na kalaban o di kaya mga sandata"

Oo nga, tulad kanina sa binato ni Caeli, narinig ko ang tunog nito kaya naging active ang adrenaline ko at nakailag.

Napangiti naman ako do'n.

"Wag ka ring basta-basta hahawak sa ano mang bagay na kahina-hinala dahil baka di mo alam na may lason pala 'yon"

Haluuuuh! Napaka-delikado naman pala talaga pag poisoner ang kalaban mo.

"At kahit na sa hangin pwedeng malagyan ng lason"

(0_0)

Jusko! Nakakamatay naman pala talaga sila.

"A-anong mangyayari pag nalason ka sa hangin?"

Mamamatay kaya agad? O may panlunas pa?

"Hmmm mapaparalyze ka kapag nangyari 'yon. May panglunas naman siya kaya lang sobrang delikado at nakakamatay ang pagkuha no'n"

E-eh? Di ka nga mamamatay sa lason ng hangin pero mamamatay ka naman sa pagkuha ng lunas.

Nakuuuuu naman.

"A-ano namang panglunas 'yon Caeli?"
 
Baka efficacient oil lang 'yon o di kaya lana hihi.

"Isa siyang bulaklak at ang pag-inom sa dagta nito ang magpapagaling sa kung sino mang nalalason sa hangin"
 
Bulaklak pala. Ano namang bulaklak 'yon?

Santan kaya? Gumamela? Yellow bell? O baka sampaguita?

"Gano'n ba? Eh ano namang gagawin para makaiwas do'n? Saka sa hangin lang ba ang pinakadelikado?"

Ngumiti naman siya at nakapandekwatro, nakalutang pa rin kami. Para siyang Buddha sa ginagawa niya.

"Para sa ating mga air user, hindi tayo makakalanghap ng gano'n at siguro alam mo na kung bakit. Saka oo, ang sa hangin ang pinakadelikado dahil mabilis itong kumalat sa buong katawan. Pag sa ibang bagay o sa pagkain, matagal pa bago ito kakalat kaya maaari pang gamutin ng mga healers".

Woaaaah! Grabe, buti na lang ligtas ako sa hangin. Akala ko pati ako pwedeng makalanghap no'n.

"Pero wag kang pakampante, maaari ka pa ring malason no'n kahit air user ka pa"

Eh?

Akala ko pa naman ligtas na ako! Caeli naman, di na lang diretsuhin eh.

"At bakit naman?"

Caeli, sabihin mo na kasi lahat, di 'yong pinuputol mo pa!

"Kung hindi 'yon makakapasok sa ilong mo o sa bibig, sa balat 'yon pupunta pero slow ang process ng pagkalat nito kaya ang dapat mong gawin para di ka malason ay ang gumawa ng shield or barrier"

S-shield?

Ano 'yon? Windshield? Shield bath soap?

"May dalawang uri ng shield or barrier. Ang una ay ang Omnis Shield, ito 'yong shield na pangkalahatan tulad ng shield/barrier natin sa buong Academia at sa battle ground. Ang ikalawa naman ay Sui Shield, ito 'yong sa sarili mo lang talaga"

Aaah grabe! Ang daming impormasyon naman, kaya pa ba 'to ng brain ko?

Sheeeeeet! Baka ma overload ang utak ko huhu.

"Gano'n? Paano naman gawin 'yong Sui Shield na sinasabi mo Caeli?"

Dapat malaman ko 'yon, nakakatakot ang lason pag sa hangin na ey.

"Si Aqua ang magtuturo sa'yo nyan Twinny!"

Eh?

Bakit siya?

"B-bakit naman?"

Siya ang training master ko pero iba ang gusto niyang magturo sa'kin no'n?

"Isa sa mga ability niya 'yon ang gumawa ng shield. Siya nga ang gumawa ng shield do'n sa battle ground eh"

(0_0)

Wow! Ang galing naman ni Rain owemji!

"Ayy sige². Nga pala Caeli, sa grupo niyo ba eh may poisoner?" tanong ko pa.

Nakita ko namang kumunot ang noo niya. Bakit? Bawal ba 'yong itanong?

"Grupo 'natin' Twinny. Saka Oo, merong poisoner sa grupo natin" nakangiti namang sagot nito.

Hehe belong pala ako sa grupo nila kahit di ako Royalty hihi. Sanaol belong.

"Taragaaa? Sino naman?"

Owemji! Baka pag nagalit ang poisoner na 'yon eh baka lasunin pa kami.
 
"Ako"
 
(0_0)

Nagulat naman ako sa sinabi niya at napalayo ng kunti.

B-baka lasunin ako nito pag di ko magawa ng tama ang ipapagawa niya huhu.

"Gaga! Anong ginagawa mo? HAHAHA wala akong balak manglason noh! Saka di ko pwedeng gamitin 'yon lalo na ang air poisoning kasi mahigpit na ipinagbabawal 'yon ng aking ina"

Napahinga naman ako ng maluwag dahil do'n. Mabuti naman hihi.

"Hehe sorry Caeli, natakot naman ako do'n"

Ngumiti lang siya sa'kin at bumalik na sa ibaba, sumunod naman ako sa kanya.

"Napahaba ang usapan natin sa lason ah! Ngayon, iba naman ang pag-uusapan natin"

Oo nga noh?

Napansin ko rin 'yon.

"Sige sige!"

Hindi ko alam kung training pa ba 'to o chitchat lang with Caeli ey.

"Dapat pag do'n na sa battle, wag mong pairalin ang emosyon mo dahil maaari nila iyong gamitin laban sa'yo, para matalo ka"

Haluuuuh! Ambad naman nila pag gano'n.

"Gano'n? Nakuuuu, madali pa naman akong maawa Caeli, paano na?"

Jusko! Kahit lamok nga di ko pinapatay kasi naaawa ako sa kanila eh, paano lang ang mga pamilya nila?

Sino na maghahatid ng pagkain sa kanila pag pinatay ko 'yon?

Kaya ayuuuun, hinahayaan ko silang kagatin ako kasi alam ko ang feeling na magutom noh!

"Problema nga 'yan Twinny. Maaari kang matalo pag di mo pinigilan ang sarili mong maawa. Pero kung gano'n, pwede kang humingi kay Ice ng pabor para mawala ang emosyon mo sa panahon ng laban"

Eh?

Pwede ba 'yon?

S-saka ba't kay Glaciero pa? Uwuuu magta-tagalog na nga pala ang isang 'yon hihi.

Ang cute niya nga ey?

"Twinny? Hey! Okay ka lang ba?"

Napakurap naman ako dahil do'n. Uwuuu nakakahiya!

"H-ha? Ah Oo, okay lang ako hihi"

Ba't ba kasi pag si Glaciero ang maidawit sa usapan eh nagiging ganito ako? Yaaaaak!

"Ano na nga ba 'yong pinag-uusapan natin? Nasaan na nga ba tayo?" nakakunot-noo nitong tanong.

Luh? Nakalimutan na niya? May Alzheimer's disease ba 'to?

"Caeli, nakalimutan mo kung nasaan na tayo?"

Ano 'yon? Instant amnesia ay este--- sudden amnesia pala?

Tumango naman ito sakin at nag-isip.

Eh?

"Caeli, nasa training ground pa rin naman tayo ah! Ba't mo nakalimutan na nandito pa tayo?"

Diba? Nasaan na daw kami, eh nandito pa rin naman kami sa training ground.

Abaaaa Caeli ah, gutom ata 'to eh.

Ay weeeeeeeyt, gutom nga!

"T-twinny... WAHAHAHAHAHAHA jusko! HAHAHAHA waaah twinny HAHAHAHA"

(-_-)

Mental hospital? Pwede pakikuha si Caeli ditooooooO, nababaliw na ey.

Anong nakakatawa do'n eh sinagot ko lang naman 'yong tanong niya!

Gaga rin naku!

"Caeli, alam mo bang natutupad ang mga nasa isip ko? Ayokong isipin na mabulunan ka kakatawa kaya tumigil ka na" 

At do'n, napatigil naman siya at gulat na napatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Oh? Anong klaseng tingin 'yan?

"N-natutupad ang mga nasa isip mo?" tanong pa niya habang nanlalaki ang mga mata.

Parang tarsier sa laki, naku!

Tumango naman ako sa kanya as a sign na totoo ang sinasabi ko.

Ilang beses ko na 'tong nagamit ey.

Una ay 'yong nadapa ang pinsan ko. Pangalawa, 'yong sa mga kuko ni Tita. Pangatlo ay 'yong sa maattitude na ale na nabangga sa poste.

Nagamit ko rin 'to no'ng halaaaaa! Kaya siguro gumising si Caeli no'n sa clinic ay dahil hiniling ko na sana gumising na siya!

Owemji, ang galing naman nitoooooO.

"Waaaaah! Ang swerte mo Twinny!"
 
H-huh? Anong swerte? Ba't naman ako nagiging swerte? Hindi ba 'to common?

"B-bakit naman?"

Di ko nga alam kung bakit ako nagkaroon nito ey.

"'Yan kasi ang special ability ni Goddess Hera, ang goddess of air!"

Napaubo naman ako sinabi niya. Ba't niya alam ang tungkol kay Hera?

"Talaga? Nagpapakita din ba siya sa'yo?" tanong ko pa.

Baka naikwento ako no'n dito kay Caeli, lagot na!
 
Nakita ko namang napakunot ang noo nito. Halaaaaa baka may naaalala siya na ikwenento ni Hera tungkol sa'kin huhu.

Lagot.

"Anong napapakita? Di naman 'yon nagpapakita sa'min o kahit sa'kin ey! Ang mga ninuno lang namin ang mga nakakakita sa mga gods and godesses. Sa libro nga lang namin sila nakilala eh"

Ayy hihi akala ko malalagot ako, buti na lang.

"Gano'n pala? Hehe"

Ngumiti naman ako ng peke sa kanya. Wala na, di na talaga ito training. Sabagay, marami na rin akong alam ngayon.

"Oo, teka? Bakit sabi mo nagpapakita din? Nakita mo na ba siya dati? Kilala mo siya?"

Ngayon nagsisisi ako kung bakit ko pa 'yon naitanong sa kanya. Ano na ang sasabihin ko?
 
"Oo, n-nakita ko na siya dati. S-sa libro namin sa G-greek Mythology. Oo tama, may gods and goddesses din kasi do'n sa libro d-do'n sa mortal world hehe"

Sheeeeet! Buti na lang at matalino ako kaya nakaisip agad ako ng palusot. Hays!

"Woaaaah, gano'n ba? Kaya siguro sa'yo niya pinamana ang ability niya dahil kinikilala mo siya, ang galing!"

E-eh? Gano'n ba 'yon? Ba't parang wala namang binanggit sa'kin si Hera na ipapamana niya sa'kin 'yon?

Sabagay, si Freymo nga pinama sa'kin lahat ng kaalaman niya. Sayang lang at di ako pwedeng gumamit ng ibang kapangyarihan maliban sa hangin.

Saka isa pa, may sinabi si Hera sa'kin dati na may kakayahan akong kunan ng hininga ang kahit na sino kaso isang malakas na enerhiya ang mawawala sa'kin.

"Nga pala Caeli, diba hangin ang kapangyarihan natin? Eh di pwede nating gawin na hindi sila makakahinga diba?"

Napatingin naman siya sa'kin at nanlalaki na naman ang mga mata niya.

Ano bang nakain ng isang 'to para ganyan ang mga reaksyon niya?

Nakakaloka, nagmumukha siyang tarsier sa paningin ko!

"Hindi mo pwedeng gawin 'yon Twinny! Isang gamit mo lang no'n, ubos lahat ng energy mo. Mapapatay mo nga ang kalaban mo pero mamamatay ka rin naman. Nakuuuu wag na noh"

Tama siya.

Wala din naman akong balak na gamitin 'yon noh, ayoko pa yatang mamatay! ni hindi pa nga ako nagkakajowa ey.

Wala pa kasing nag-aapply, ang babagal!

Ayy tae! Di naman ako nagmamadali ah.

"Gano'n pala? Grabe, ang dami namang di pwedeng gawin pero alam kong sa ikabubuti rin naman 'yon"

Nag thumbs up naman siya sa'kin at pinalulutang ang kanyang dalang bag.

Ano kayang laman nyan?

"Nagdala na ako ng pagkain Twinny para di na tayo pupunta sa cafeteria, masyadong matao do'n eh"

Uwuu pagkain!

Tamang-tama, gutom na rin ako ey.

Actually, medyo late na kami nakapunta dito sa training ground.

"Paging Ms. Aerish Caeli Ventus to please proceed at HM's office right now"

"Paging Ms. Aerish Caeli Ventus to please proceed at HM's office right now"

Eh?

"Nakuuuu, ano na naman kayang kailangan ni HM sa'kin?" takang tanong ni Caeli.

Ako ba tinatanong nito? Eh di ko nga alam kung bakit eh, magkasama kami remember?

"Pumunta ka na do'n Caeli, okay lang ako dito. Hihintayin kita"

Napalingon naman siya sa'kin at nginitian ko lang din siya.

"Sure ka? Baka may gagawa ng masama sa'yo dito Twinny, kung sumama ka na lang kaya?" tila nag-aalala niyang sabi.

"Hindi na, ikaw lang naman ang tinawag eh. Saka kaya ko ang sarili ko, wag kang mag-alala okay?"

Kung sakaling may lalapit sa'kin at gagawa ng masama, aba'y game ako do'n!

Mas okay nga 'yon eh, totoong training! Tingnan natin kung may natutunan ako hihi.

"Okay, sabi mo 'yan ah"

Tumango naman ako sa kanya at nag thumbs up. Gumawa naman siya ng portal at umalis na.

"Haaaays! Makakain na nga lang muna"

Kinuha ko naman ang bag niya at binuksan. May mga pagkain nga!

Uwuu siya ba may gawa nito? Sandwich tas may palaman na ham?

Anong tawag dito? Hamsandwich? May gano'n ba?

Tiningnan ko naman ito ng mabuti, may mga repolyo pa pero di naman luto.

Eh? Nakakakain ba talaga 'to?

Nag flashback naman isip ko 'yong kinain nila Tita dati, pero hamburger naman 'yon.

Ah basta! Pareho lang 'yon sila, ang kaibahan lang eh sandwich 'to.

Isusubo ko sana ang sandwich no'ng may narinig akong bumulong. W-wait, bumulong?
 
Napalingon naman ako sa paligid ko pati sa likuran pero wala naman akong nakita.

'Wag mo'ng kainin 'yan, may lason' 

(0_0)

Sino ba 'yon?

Waaaaaah huhu mimumulto ata ako!

'Makinig ka sa'kin, wag mo'ng kainin dahil may lason 'yan. Kinakausap kita sa utak mo,  Telephaty!'

T-telephaty?

S-saka lason? 

Napatingin naman ako sa sandwich, di ko malaman kung may lason ba 'yon o wala.

Walang sinabi si Caeli kung paano ko malalaman na meron o wala ba!

Ibinalik ko sa lalagyan ang sandwich at itinabi.

M-may lason 'yon? Sinong maygawa? Si Caeli kaya? Pero impossible!

Oo, isa siyang poisoner pero di niya magagawa sa'kin 'yon. Ba't niya naman gagawin sa'kin ang gano'ng bagay?

Maaaring may iba dito na may galit sa'kin. P-pero sino naman? Wala naman akong ibang nakilala dito ey.

*clap! clap! clap!*

Napalingon naman ako sa babaeng biglang sumulpot sa harapan ko.

Nakataas ang kilay niya. Ano kayang problema nito sa'kin? Ito na kaya ang sinasabi ni Caeli na gagawa ng masama?

Aba'y subukan lang nila, naku!

"Hi bitch!"

Tatlo sila pero tingin ko mga malalakas.

Oo, malalakas.

Malalakas ang loob na harapin ako ngayon. Gutom pa naman ako baka sila pa makain ko, raaawr!

"Anong kailangan niyo?" nakangiti ko pang tanong.

Isa sa mga pang-inis ay ang pagngiti mo sa kaaway mo. Mapipikon ang mga 'yan dahil akala nila di ka naapektuhan.

Suuus! Sarap pektusan ang mga 'to ey.

"Wala naman. Ako nga pala si Lily and nandito kami para sabihin sa'yong ang kapal mo!"

Napaatras naman ako ng kunti dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Yaaaak! Ang mga laway niya, eeeew.
  
Saka siya ba 'yong lumulutang sa tubig? 'Yong water lily? HAHAHA.

"Una, di ako interesado sa pangalan mo. Pangalawa, hindi ako libro para maging makapal. Ikaw, ang kapal eh! Ang kapal-kapal ng make-up mo. Tanggalin mo nga 'yan, nakuuuuu para ka ng make up kit nyan"
 
Grabe 'yong blush-on niya, para siyang sinampal ng pitong demonyo. Tapos 'yong kilay niya, daig pa ang Nike!

Ako nga ni hindi pa nakatikim ng make up itong mukha ko pero maganda pa rin naman, yieeeee.

"Aba't gaga ka ah! Hoy ikaw babae! Ang kapal-kapal ng mukha mo para sumama sa mga Royalties! Hoy beginner ka pa lang kaya dapat do'n ka sa Lower class! At dapat marunong kang gumalang sa mga nakakataas sa'yo!"

Ha?

Hakdog.
 
Ano daw 'yon? Gumalang sa nakakataas sa'kin? Sila Hera at Freymo nga eh di nagreklamo, sila pa kaya?

Eh kung sapakin ko kaya 'to?

"Wala akong panahon sa inyo. Pwede ba mag-ensayo na lang kayo do'n para naman eh kahit papaano manalo kayo. Mga taong 'to, hays"

Nakuuuu! Ganito ba talaga sila dito? Nakikipag-away? Ayy hihi sanay nga pala sila do'n.

"Ow! Sige, pero gusto ko totoong ensayo, totoong laban! Labanan mo'ko bitch!"

Ayy haluuuuuuh, labanan ko daw siya? Anong gagawin ko? Paano na lang kung matalo ako? Eh di nakakahiya 'yon.  

"Hindi niyo na kailangang maglaban pa"

(0_0)

Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Glaciero pero napahagikhik ako sa accent niya, pffffft. 

Kinareer niya talaga ang pagtatalog. I wonder kung gano'n din ang ginagawa niya do'n sa klase nila HAHA.

"P-prinsipe Ice! I-ikaw pala"

Abaaaa kanina lang ang tatapang pero ngayon parang pusa sa amo.  Natatakot din pala sila ey?

"Kung gusto niyong makipaglaban, hintayin niyo ang battle na magaganap, okay? Damn!"

Pfffft, may 'damn' pa talaga sa huli. Nahihirapan ba siya sa pinapagawa ko? Praktis mo 'yan Glaciero kasi 'yong dila mo parang matagal ng naka-stuck sa English mo.

"O-opo" nakayuko naman nilang sabi at tumalikod na.

"Himala at nagtatagalog na siya. Ba't kaya?"

"Oo nga, ako nga rin nagulat eh"

"Impossible pero talagang nagtatagalog na siya"

"Di kaya may nangyari?"

"Ewan"

Jusko! Talagang nagbubulungan pa eh rinig na rinig naman. Di ko alam kung matalas lang ang pandinig ko o sadyang malalakas lang ang boses nila.

"Hays! Potatoes"

Huh? Potatoes daw? Ano bang pinagsasabi nitong si Glaciero? Gusto niya ba ng potatoes?

Di ko alam vegetarian pala ito ey.

"Hoy Glaciero! Anong ginagawa mo dito? Sayang, di ko tuloy sila nalabanan eh di sana naka-experience na ako ng totoong laban"

Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo niya. Ay, ganyan naman talaga 'yan dati pa eh.

"Hey freak! You don't know what you're saying, do you? They belonged in the 'Average Class' and they're strong to defeat you. You're a weakling, as of now"

Wuuuuut?!

Pinandidilatan ko naman siya ng mata. Glaciero, 'yong kasunduan natin! Masasapak kitaaaaaaa!

"Tagalog nga kasi!" sigaw ko pa sa kanya.

Tinawag pa akong weakling amputek! Pag ito pinakitaan ko ng totoong magic ko, baka mahimatay 'to, nakuuuu ha.

"Okay okay! Aaargh! I mean, hindi mo alam ang sinasabi mo, malalakas sila kasi nabibilang sila sa Average Class. Mahina ka pa kumpara sa kanila, ngayon"

At talagang pinagkumpara niya pa ako do'n sa tatlong palaka na 'yon? Abaaa di ata makatarungan iyon!

"Hoy! Kaya ko silang talunin noh. Ikaw lang walang bilib sa'kin ey, ang dami ko na kayang natutunan, tse!"

Tumalikod naman ako sa kanya at umupo do'n sa may gilid. Tiningnan ko naman 'yong bag at napailing.
 
Sayang 'yong pagkain huhu. Sino kaya naglagay ng lason do'n? S-saka sino kaya 'yong kumausap sa utak ko?

Uwuu sana magpapakilala siya para may new found friend na akooooO hihi.
 
"Oo na, pero di mo sila kailangang labanan ngayon. Gusto mo bang ma disqualify ka at di makasali sa battle?"

Eeeeeeh? Gano'n ba 'yon? Jusko! Buti na lang pala dumating siya kundi nakuuuu na disqualify na ako.

Nubayan!

Ayy w-wait.

"Glaciero, may tanong ako sa'yo. Pumunta ka din ba dito no'ng nakaraan naming training?" tanong ko sa kanya.

Kumunot na naman ang noo niya, as usual duh.

"Hmmm No, hindi ako pumunta dito no'ng nakaraan. I was on the HM's office at that moment, kinausap niya ako about sa battle. Why?"

Taragaaaa? Kung gano'n, sino pala 'yon? Ba't parang kamukha niya?

"Glaciero, may kakambal ka ba?"

Jusko! Paano na lang kung meron? Eeeeeh ang cute siguro pag magkasama silang dalawa!

"Nope, bakit ba?"

Walaaaaa? Eh bakit kamukha niya 'yon?

"Kasi may nakita akong lalaki dito no'ng nakaraan. Ang sama pa ng tingin sa'kin at talagang mukha mo ang nakita ko"

May atraso kaya ako do'n? Pero kabago-bago ko pa nga lang dito eh. Impossible naman 'yon.

"Damn! Freak, I guess it was just a clone. Hindi ako 'yon, siguro he just copied my face para akalain mong ako 'yon"

Woaaaaah! Pwede pala 'yon? Ang galing naman niya. Pwede siyang mag panggap na kung sino kung gugustuhin niya.

Nakakatakot din dahil paano na lang kung kaibigan mo ang kinopya niya tapos akala mo totoong kaibigan mo 'yon.

Baka di mo alam pinatay ka na bigla, uwuuu.

"By the way, pumunta ako dito kasi sabi ni Aerish, wala ka da--------freak!"

(0_0)

S-sheeeeeeet!

A-anong ginagawa niya?

Waaaaaaaaaaaaah!

Bigla niya kasi akong itinulak eh pero dahil nakahawak ako sa damit niya, pati siya natumba!

Huhu ang init ng pisngi ko, nakadagan kasi siya sa'kin ey.

Glaciero, mga galawan mo nakakatang*na huhu.


-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro