CHAPTER 26: New Dormmates

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•

Panibagong umaga, bagong pag-asa, bagong kwarto, bagong buhay. Charot lang HAHAHA.

Anyway, ngayon ang last day ng training namin. Oo, last day na! Ang bilis diba? Kasingbilis ng pag-iwan niya sa'yo! Ow, I did remember that line, hbu? ChOur.

Dahil sa last day na, maaga akong pumunta ng training ground. Nauna na nga ako sa kila Lei at Daphne eh. Marami na din akong alam tungkol sa kanilang dalawa at gano'n din naman sila sa'kin pero syempre di ko sinabi ang tungkol sa titulong meron ako noh.

Baka mamaya eh ichi-chismis nila sa iba eh di nalagot pa ako? Mas mabuti ng mag-ingat kesa magsisisi. Ganyan ako katalino, gusto mo patutor?

Sa sobrang aga ko ay wala pa akong nakikitang mga mages na narito. Tulog pa kaya sila? Sabagay mas okay na rin 'to para makapag-ensayo ako ng mabuti.

Tinuturuan na nga pala ako ni Caeli ng mga strategies para magamit ko sa araw ng laban. Sabi pa niya, based daw sa performance ko eh malaki ang posibilidad na manalo ako depende sa lakas ng makakalaban ko.

Hays! Bukas na ang araw na hinihintay ng lahat at 'yon ay ang battle na magaganap. Kinakabahan ako, sana lang di ako matalo.

Ilang araw na ding wala ang mga Royalties pati na si RV eh di ko pa nakikita ulit. Nasaan na kaya ang isang 'yon? May nakita kaya siyang ibang 'Chosen Heiress'? Sino naman kaya?

Hmmm, makapag-ensayo na nga. Kailangan kong galingan bukas para manalo.

Half day lang siguro ako ngayon para makapagpahinga naman ang katawan ko bago lumaban.

Sinubukan ko lahat ng itinuro ni Caeli sa'kin except do'n sa sinasabi niyang secret attack. Kailangan daw kasi may advantage ako para malaki ang tyansa ko.
 
Sino kaya ang makakalaban ko? Isa lang kaya o marami? Nakuuu kinakabahan na talaga ako.

"Ayy!"

Muntik na akong matamaan ng tinira kong air ball, nag bounce back kasi siya eh buti na lang nakailag ako.

"Tsk. Don't forget to have your focus freak"

(0_0)

Luh? Nababaliw na ba ako at naririnig ko ang boses ni Glaciero? Waaah ano bang nangyayari sa'yo self? Focus ka dapat! Di ka dapat nawawala sa konsentrasyon. Paano na lang kung gagamitin ng kalaban mo ang weakness mo?

Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Pati sarili kong utak pinapangaralan na ako. Ayan kasi napa-praning, kung ano-ano na naririnig hays.

"Hey freak! Are you mad?"

Owemji! I'm not mad, I'm Aerin meghaaad. Impossible namang nandito siya noh, diba nasa kaharian nga sila? Kaya ba't ko siya naririnig?

Aaaaargh!

Patuloy pa rin ako sa pag-ensayo. Di na ako lumilingon dahil baka guni-guni ko lang 'yon.

Malaking tornado ang ginagawa ko ngayon dahil wala pang mga mages at saka malawak ang training ground kaya di na ako nabahala. Wala namang mapipinsala basta kaya ko itong kontrolin.
 
Gumawa din ako ng maliliit na tornado at nilagyan ng air spikes sa loob. Nagmistulang dancers ang mga tornadoes ko, HAHAHA. Ayaw niyong maniwala? Oh imagine-nin niyo na may group of tornadoes na maliliit sa harap mo tas sabay-sabay silang umiikot. Oh diba parang sumasayaw lang?

Kulang na lang music ey.

Pero nagulat naman ako no'ng biglang nag froze ang malaking tornado na ginawa ko at naging---- watdahek?!

"OLAF?!" gulat kong tanong.

Paano naging si Olaf ang tornado ko?! 

Kilala niyo ba si Olaf? Oo, 'yong kakambal ng ulap! Kaya lang made of snow or ice 'yon tapos carrot ang ilong!

"P-paanong-----?"

"I'm sorry to interrupt your training freak" 

(0_0)

Glaciero?!

Napakurap ako ng ilang beses at kinusot ko pa ang mga mata ko. Ba't siya nandito?

Saka ba't ginawa niyang si Olaf ang tornado ko? Di man lang nilagyan ng ilong! Sana nagbaon na lang siya ng carrot noh!

"Hey freak!" unta nito sa'kin.

Nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa at nakatingin lamang sa ginawa niya.

"Glaciero, si Elsa ka ba?"

"What?!"

"SI ELSA KA BA?!"

Napatakip naman siya ng tenga dahil sa sigaw ko at masamang tumingin sa'kin. Tinaasan ko naman siya ng kilay, akala ata nito papadaig ako, abaaaaa!

"Ba't ka sumisigaw?!"

Woaaaah!

"Uy himala ah! Naaalala mo pa pala ang kasunduan natin. Akala ko pa naman natunaw na 'yon ey, gets mo?"

Tumango naman ito sa'kin at ngumuso. Taeeeee! Anong ginagawa niya? Nagpapa-cute ba ang isang 'to?

Eeeer, di bagay jusko!

"Im sorry for that freak. Nasanay lang kasi talaga ako sa English eh"

Ow? May lahi ka lang sigurong high breed Glaciero, ang sosyal naku!

"Hoy Glaciero! Ba't walang ilong 'yang ginawa mo? Saka kilala mo si Olaf?"

Napalingon naman siya sa'kin at tumungo sa may upuan na kadalasang inuupuan din ng mga healers. Sumunod naman ako sa kanya. Hay naku Glaciero, kahit kailan eh distorbo ka.

Wala pa sila pero may mga iilang mages na rin pala ang narito. Siguro'y naghahanda na rin sila para bukas.

"Are you nervous?"

Napatingin naman ako sa kanya. Kinakabahan nga ba ako? Oo naman. Baka matalo ako, nakakahiya iyon sa mga hari at reyna saka ayokong mahirapan sa pagkuha do'n sa water element.

Pero laban lang, alaxan! Wag basta-basta susuko, okay?

"Slight lang naman. Nga pala, ba't ka nandito? Nasaan na sila Caeli?"

Sabi ko pa naman eh lalayo na ako sa kanila kaso sila naman itong lapit nang lapit sa'kin. Ayoko namang mang deadma, baka sabihin nila eh ang arte ko tapos walang respeto at paggalang.

Pag sasabihan nila ako ulit ng ganyan, sasapakin ko talaga sila isa-isa tapos lalayas na! Masamang galitin ang tulad ko charot, jowa niyo ang haharot.

"Our meeting ended earlier than I've expected. Nauna na ako sa kanila after that"

Meeting?

Ano naman kayang pinag-uusapan nila? Hmm ayoko na ring magtanong, baka sabihin pa niya eh ang chismosa ko.

Tae! Ba't ba ang advance ko? Hays.

"Ah gano---------sh*t!"

Bigla akong napailag dahil sa isang bagay na mabilis na bumulusok papunta sa direksyon ko.

Phew! Muntik na 'yon ah. Buti na lang magaling na reflexes ko. Sino kaya ang nagbato no'n? Sa sobrang bilis eh di ko na matukoy kung ano 'yon eh.

Napalingon naman ako sa inuupuan ni Glaciero, wala na siya do'n. Sabi sa inyo kabute ang isang 'yon eh! Saan kaya siya nagpunta? Di talaga marunong magpaalam, ano pa bang bago do'n?

"Miss! Sorry sa nangyari ha? Napalakas ata ng pagbato 'yong ka-duel ko kaya umabot dito"

Napatingin naman ako sa babaeng kaharap ko. Tingin ko mabait siya at may angking lakas, halata sa itsura niya. Saka maganda din siya, uwuu pareho kami hihi.

Wag i-down ang sarili, unique tayong lahat.

"Okay lang, di naman ako natamaan"

"Salamat, Jewel nga pala" sabi niya sabay alis.

Ang ganda ng pangalan niya ha, bagay sa kanya. Saka di man lang tinanong kung anong pangalan ko naku.

Bumalik na din ako sa pag-eensayo pero ilang sandali pa ay may biglang may kung anong sagabal sa paa ko. Yumuko naman ako para tingnan ito-----

(0_0)

B-ba't may ganito sa Academia?!

"Waaaaaaaah! Daga! Daga! Owemji! Waaaaaah" sigaw ko at nagtatalon.

Putek! Nagpapa-panic na ako dahil sa takot ko. Waaah huhu takot ako sa daga, meghaaaaad!

Jerry? Hindi ako si Tom kaya umalis ka na! Umalis ka na!

"Mamaaaaaaa!"

Teka? Ba't ko ba tinatawag ang mama ko eh di ko naman kilala 'yon?!

____________________________________
•SOMEONE's POV•

"Waaaaaaaaah!"

Napangisi naman ako ng palihim dahil sa nakikita ko. Nalaman ko na rin sa wakas ang kahinaan mo babae, matatalo na rin kita!

Kinuha mo ang atensyon na dapat ay sa akin. Hindi ko hahayaang tuluyan mo ng makuha ang lahat.

Di ako papayag.
 
Busog na ang mga mata ko habang nakatingin sa takot na takot niyang mukha.

Pwede na akong umalis, BWAHAHAHAHA.

____________________________________
•AERIN's POV•

"A-aray! Wag mo naman akong sipain, masakit 'yon ah!"

(0_0)

Napatigil naman ako sa pagsipa sa dagang ito no'ng may narinig akong maliit at matinis na boses. Owemji! N-nagsasalita siya?

Wait? Daga? Nagsasalita? As in? HelloooooO? Wala tayo sa Cinderella movie kaya impossible iyon!

Siguro'y guni-guni ko lang 'yon, k-kailangan ko na atang magpahinga. Tumitindig ang balahibo ko dahil sa dagang ito. Waaah goosebumps!

Aalis na sana ako no'ng biglang nagsalita na naman siya. Sheeeet! Nahihibang na ba ako? Nilingon ko naman siya ulit at nakatingin lang din siya sa'kin.

B-ba't ang cute naman ata niya? S-saka parang kawawa din? Hays! Gusto ko siyang lapitan kaso natatakot talaga akooooO! Daga siya ey huhu.

"Wag kang matakot sa'kin, di naman kita inaano eh"

Ang liit talaga ng boses niya pero talagang naririnig ko siya na nagsalita.

"A-aray!"

Napadaing ako dahil medyo sumakit ang pala-pulsuhan ko. Mira? Ikaw ba 'yang nagparamdam? Oo na, gagalingan ko bukas! A-ang sakit putek.

"Umupo ka muna! Umupo ka muna!"

Sinundan ko naman ng tingin ang dagang 'to habang papunta sa may mga upuan. Infairness ha, gentleman siya! Eh? Di naman siya 'man' ah, baka gentlerat? O Baka gentlemouse! Pwede ba 'yon?

Takte! Nababaliw na talaga ako.

"O-ouch!"

Ano na naman bang nangyari dito sa wrist ko? Kung kailan malapit na ang battle saka pa sasakit. Ang sarap tanggalin ng nakatakip dito kaso di naman pwede ey. Baka makita pa ng iba, malalagot ako.

Nakaupo na ako't lahat-lahat pero patuloy pa rin ito sa pagsakit. Mabuti na lang wala na si Glaciero, baka magtaka pa siya dahil dito. Hindi pa kasi panahon para malaman eh! Di ko pa natatanggap ang lahat.

Tiningnan ko naman ang daga, malayo lang siya sa'kin. D-di naman siguro siya masamang daga diba?

Huminga ako ng malalim at sinenyasan siyang lumapit sa'kin. Sabi nga nila, we must face our fears! Kaya dapat harapin ko ang takot ko.

A-ay ba't parang trinanslate ko lang? Hay matalino talaga ako kahit kailan hihi.
____________________________________ 
•AERISH's POV•

Nandito kami ngayon sa Lux Kingdom, ang punong kaharian. Ang kahariang ito ay ang pinakamataas na kaharian sa lahat at ang Hari at Reyna dito ay ang mga tinitingala at ginagalang ng mga mages pati na ng iba pang mga hari at reyna ng ibang kaharian.

May mahalaga kaming meeting at tingin ko eh biglaan din. Bigla kasi kaming pinatawag ng aming ama't ina kahit nagpe-prepare kami para bukas.

Mahalaga daw ang pag-uusapan ngayon. Ano naman kaya 'yon? Actually, hinihintay na lang namin ang Lux Queen at King.

Nandito din si Raiden, isa din kasi siyang prinsipe pero di siya sumasama sa'min. Lagi kasi siyang umaalis at mas pinipili pa niyang maging lowkey.

Sobrang seryoso niya ngayon. Ba't kaya? Ang mukha niya ngayon ay walang pinagkaiba dati. Noon kasi no'ng nangyari ang insidenting 'yon, sobrang seryoso na niya at halos magkasing-tulad na sila ni Ice ng itsura pero iba ang kay Raiden, may galit sa mga mata niya no'n.

Pero no'ng nakita namin sila ni Twinny sa dorm, bigla siyang naging cool at casual. Hindi ko alam kung bakit siya naging gano'n, p-parang wala siyang pinagdaanan. Di ko na nga nakita ang dating galit sa kanyang mga mata eh.

"Kung ice cream lang ako eh baka natunaw na ako nyan Aerish HAHA"

(0_0)

T-tumawa na naman siya. Nakamove-on na kaya siya? O pakitang-tao lang 'yan?

"A-ah HAHA hindi naman kit-----"

"Magandang umaga sa lahat"

Agad kaming napatayo dahil sa pagsulpot ng Hari, nasaan ang Reyna? Yumuko kaming lahat bilang paggalang at no'ng sumenyas siya ay bumalik kami sa pagkakaupo.
 
"Pagpasensyahan niyo na kung wala ang aking Reyna ngayon dito, may inaasikaso lang siyang mahalagang tao sa loob"

Tao? Ba't ang reyna pa? Pwede namang sa mga katulong na lang nila. Ayy mahalagang tao nga diba self? Mahalaga!

Sino kaya 'yon?

"Pinapatawag ko kayong lahat dahil may mahalaga kaming sasabihin ni Prinsipe Veton sa inyo"

"Tungkol saan naman kaya 'yon?"

"Oo nga"

"Baka tungkol sa battle"

Samu't-saring mga kuro-kuro ang maririnig sa buong silid pero bigla rin silang tumahimik no'ng tumikhim ang Lux King.

"Pero bago 'yon, pag-uusapan muna na natin ang gaganaping labanan bukas. Lahat tayo ay pupunta roon kaya dapat ay isiguro ninyo ang kaligtasan ng lahat. Ayokong may mangyaring masama sa araw na iyon lalo na ngayon na hindi pa SIYA handa at malakas"

Maraming nagtaka sa huli niyang linya at isa na ako roon. Sinong siya? 'Yon ba 'yong inaasikaso ng Lux Queen sa loob? Tingin ko'y sobrang halaga niya!

"Aerish, may hint ka ba kung sino 'yong SIYA?" bulong sa'kin ni Yesha pero umiling lang ako sa kanya. 

"Handa na ba ang lahat sa Academia para bukas?"

"Opo mahal na Hari" sagot naman ni HM.

Maliban sa mga Royalties, nandito din si HM dahil siya ang kumakatawan bilang namamahala sa Academy.

"Mabuti. Ngayo'y hindi na ako mababahala tungkol doon. Hmm pag-uusapan na natin ang susunod na mahalagang bagay"

Sheeeeez! Kanina ko pa talaga hinihintay ang bagay na ito. Atat na atat na akong malaman kung ano 'yon.

"Pasok!" utos ng Hari sa kung sino man.

Ilang sandali pa'y pumasok ang Lux Queen kasama ang isang babae? Sino 'yan? Nakita ko namang napatayo si Ice.

"Wtf!"

"Ang bibig mo Ice!" saway sa kanya ng kanyang ina.

Kilala ba ni Ice ang babaeng 'yan? Halata sa mukha ng babae na naguguluhan siya at kinakabahan. Sino ba siya? Ba't parang kung ituring siya ay napakahalaga? Di ko siya bet!

"Aerish, para siyang barbie"

Barbie? Anong barbie? Dati ko pa 'yan naririnig kay Aqua, minsan kinakanta pa nga niya eh. Pero anong meron sa barbie? Ayy tae!

No'ng nakaupo na sila ay tumikhim naman si Haring Lux.

"Prinsipe Veton, maaari bang ikaw na ang magsabi at magpaliwanag sa kanila?"

Si Raiden? May alam siya?

"Opo, mahal na Hari. Sa lahat ng narito, gusto naming ipakilala sa inyo ang babaeng ito. Siya si Yesha Villafuerte, ang 'The Chosen One', tagapagligtas nating lahat"

(0_0)

What?!

Seryoso ba siya? Paano niya naman nasabi 'yon?

"How sure you are that she's the one?" nakakunot-noong tanong ni Ice.

Oo nga naman, di kami dapat basta-basta magpapaniwala lalo na sa panahong ito, maraming mga fake o fraud.

Nginitian naman ni Raiden si Ice na parang nang-aasar. Hays! Dito pa talaga magbabangayan ang dalawang 'to?

"Siya ang naging misyon ko nitong mga nakaraang araw. Ang hanapin ang babaeng may mga simbolo sa palapulsuhan at siya iyon. Nasa kanya ang mga simbolo kaya sigurado akong siya ang 'The Chosen Heiress'".

"Tsk"

Tiningnan niya naman ang babae bago umalis. Watdahek? Umalis siya kahit di pa tapos ang meeting? Lapastangan talaga ang isang 'yon.

"Prinsipe Ice!" tawag sa kanya ng kanyang ama.

"Hayaan niyo na siya. Ang mahalaga ay nakita na natin ang tagapagligtas. Dito muna siya mamalagi sa kaharian para sa seguridad niya. Mahirap na baka makita pa siya roon ng mga traydor at baka mapahamak siya"

(0_0)

Holyc*w! Alam niyang may mga traydor sa Academy? Napatingin ako kay HM, nakayuko ito. Simabi niya ba?
 
"G-gusto naming makita ang mga simbolo mahal na Hari, kung inyong mamarapatin" pakiusap sa kanya ng Fire King, ang ama ni Faero.

Tumango naman siya at sinenyasan 'yong babae na kapangalan ni Yesha Eris. Tumayo naman ito at lumapit sa pwesto nila.

"Siya nga! Kaygandang mga simbolo!"

Pinakita din niya sa amin ang mga simbolo niya at masasabi kong totoo ngang siya ang chosen one. Mabait naman siguro ang isang 'to noh?

"Sa ngayon ay di pa niya alam kung ano pa ang kanyang mga kapangyarihan dahil bago pa lang niya ito natuklasan ngunit ang sabi niya'y apoy ang una niyang nagamit ng aksidente"

Woaaah! Apoy? Ang cool naman, bagay sila ni Faero. Nakita ko namang napairap si Aqua, problema ng isang 'to?

"Aqua, anyare sa'yo?" bulong kong tanong sa kanya.

"Wala naman, guni-guni mo lang 'yon Aerish"

Eh?

Guni-guni? Baka nga.
 
"Pagkatapos ng labanan ay pwede na siyang mag-aral sa Akademya at do'n siya titira kasama niyo mga Royalties"

K-kasama namin? Sabagay, Royalty na din siya kung tawagin. Mas mataas pa nga ang posisyon niya kesa sa amin ey.

Baka gawin kaming alipin nito? Aww di naman siguro. Sana lang mabait siya dahil kung hindi, baka lasunin ko pa siya. Pero syempre, joke lang hehe.

"Baguhan pa lang siya at di pa makontrol ang kapangyarihan kaya kayo ang inatasan kong magbantay at magtuturo sa kanya lalo ka na Prinsipe Faero"

Nagulat naman si Faero dahil do'n. Ba't pa siya nagugulat eh apoy nga ang kapangyarihan niya tulad no'ng unang kapangyarihan no'ng Yesha number 2?

Hays! Ba't pa kasi kapangalan niya si Yesha Eris. Di ako sanay ey.

"Tapos na ang ating pag-uusap, maaari na kayong umalis"

Tumayo naman kaming lahat at yumuko pagkatapos ay umalis na.

Haynaku! Obligasyon na naman, hays.

____________________________________
•AERIN's POV•

Nandito na ako sa dorm namin. Umuwi na ako dahil nga sumasakit ang palapulsuhan ko saka sinama ko na rin 'yong daga. Binigay ko muna siya kay Lei dahil sure ako na aalagaan niya iyon.

Naaalala ko 'yong sinabi ng daga:

"Pili lang ang makakarinig sa akin at nagtataka ako na naririnig mo ako samantalang hangin naman ang kapangyarihan mo"

Bakit di ba 'yon pwede? Siguro nga. Kinakabahan pa ako no'n dahil baka nalaman na niya ang secret ko buti na lang eh nakahanap ako ng palusot. Sinabi ko na lang na special ability ko iyon.

Hays, napakasinungaling ko na ata.

Saka imagine-nin niyo na lang na malilit at matinis ang boses niya para feel niyong daga talaga siya. Kilala niyo 'yong chipmunks? Gano'n ang boses niya!

Gano'n din siya ka cute, uwuuu.

"Ano na naman bang nangyari sa'yo? Ba't ka sumasakit?"

Tinitingnan ko ngayon ang wrist kong may takip. Medyo nawawala na ang sakit pero nagtataka pa rin ako kung bakit nangyari na naman 'to.

Unti-unti kong tinanggal ang suot kong pantakip dito at tiningnan ko 'yong mga simbolo.

(0_0)

May maliit na guhit na sa bahagi malapit sa air symbol pero di pa siya buo.

"Ano naman 'to?"

Aside do'n, may nakita din akong guhit malapit sa fire symbol. Don't tell me sabay nilang ibibigay sa'kin ang kapangyarihan nila? Sino at ano 'yong isa maliban kay Mira? Impossible naman ata 'yon!

*tok tok tok*

Napalingon ako sa may pintuan, may kumakatok. Sino naman kaya 'to? Dali-dali ko namang ibinalik ang pantakip sa wrist ko at kusa naman itong nag lock.

Ako lang ang may kakayahang mag tanggal ng takip nito, thanks to Freymo hihi.

*tok tok tok*

"Sandali laaaaaang!"

Binuksan ko naman ito at nakita ko ang bored na mukha ni Daphne. Oo, ganito ang itsura niya! Walang pake sa paligid at laging tutok sa libro. Version 101 siya ni Eris kaya lang mas daig pa niya 'yon.

"Bakit Daph?"

"May naghahanap sa'yo"

"Sino naman?"

"Puntahan mo na lang para malaman mo" sabi niya sabay talikod.

Aba'y bantos na bata ire.

Bumalik muna ako sa loob ng kwarto ko at nagbihis. Inayos ko na din ang sarili ko para kahit sino man 'yon ay presentable ako sa harap niya.

Pagkatapos ay lumabas na ako.
______

"RV?!" gulat kong tanong sa taong kaharap ko ngayon.

Nakabalik na pala siya? Ayy Oo nga pala, bukas na ang battle.

"Hi Ae! Kumusta? Okay ka naman ba dito?"

"Oo naman! Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit? Bawal ba ako dito?"

"Di naman!"

Tumawa naman siya at inaya ako.

"Saan tayo pupunta?"

"Do'n sa tambayan natin"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong tambayan? Saan naman 'yon? Tumatambay ba kami dati?

"Hey! Tara na"

"Oo na, wait nga lang eh! Nagmamadali? Si Flash? Si Flash? Taong 'to"

Sumunod naman ako sa kanya at hinayaan siyang dalhin ako sa tambayan na sinasabi niya.

Ilang sandali pa ay nakarating kami sa garden kung saan ko siya narinig na kumanta dati.

Madilim pa rin kahit na umagang-umaga pa naman pero bigla itong lumiwanag dahil sa umiilaw niyang espada.

Pumasok naman kami at do'n ko nakita ang tunay na ganda nito. Ba't di ko 'to nakita dati? Siguro dahil may dinaramdam ako no'n.

"Nga pala, ba't bigla kang nag-aya?" tanong ko sa kanya sabay upo sa upuang kahoy.

"Wala lang, bakit? Busy ka ba?" 

"Di naman"

"Dapat lang dahil di ka maganda para maging busy HAHAHA"
 
Taena.

Nababaliw na naman ang isang 'to.

"Heh! Di ka din naman gwapo, naku"

"Kaya nga bagay tayo eh HAHAHA"

Ha?

Hakdog.

Hanudaw 'yon? Tama ba narinig ko?
 
"Di tayo bagay dahil tao tayo! Ayy mali, mages tayo. Saka ba't ka ba laging natatawa? Baliw ka ba?"

Tinawanan na naman niya ako kaya nakaisip ako ng kalokohan. Gumawa ulit ako ng malilit na fire ball, 'yong katulad no'ng ginawa ko kay Glaciero pffft.

"Sh*t! What's that?!"

"Ang alin?"

"'Yong mainit! Aaaaah n-nasa ano ko, s-sa batok ko Ae. Pakikuha naman, ang init putek! Ano ba 'to?!" nagpapanic na tanong niya.

Pffft sayang walang cellphone dito eh di sana nakunan ko na siya ng video. Ang epic ng mukha niya, grabe! HAHAHAHA.

"Wala naman ah"

"Meron! Pakikuha na dali"

Hinawakan ko naman ang batok niya at nagpa-as if na may kinukuha. Haynaku HAHA para siyang bata kanina, pffft ayan kasi.

"Wala na ba?" 

"Wala na"

"Patingin nga kung ano 'yon?"

"Wala na, pinatay ko na nga eh"

(0_0) paktay!

"P-pinatay? Bakit ano ba 'yon?"

Haluuuuuh. Anong sasabihin ko? Nakuuu lagot na!

"A-ah wala, ano uod lang 'yon. May mga uod kasing m-maiinit lalo na pag manganganak na. Oo tama, manganganak na hehe"

Tae! Ano bang klaseng palusot 'yon? Parang tanga selp.

"M-manganganak? Tapos pinatay mo? Naku naman Ae, kawawa naman 'yon"

Eh?

"Gusto mo bang kagatin ka no'n?

Umiling naman siya ng ilang beses kaya natawa ako sa kanya. Hays! Parang batang walang alam ang isang 'to.

" Ba't ka natatawa?"

"Wala naman. Oh? Ba't tayo nandito? May sasabihin ka ba? Sabihin mo na! Wag kang mag-alala kasi nakapaglinis na ako ng tenga kanina"
 
Umiiling naman siya habang ngumingiti. Bakit? Ayaw niyang sabihin? Aba'y pa suspense pa ang isang 'to ey.

"Nahanap ko na siya"

"S-sino?"

Kinakabahan ako sa sasabihin niya, ewan ko kung bakit.

"Ang babaeng sinasabi ko sa'yo no'ng nakaraan"

Mukhang alam ko na kung ano ang sinasabi niya.

P-pero paanong nangyari 'yon?

"Ang C-chosen Heiress?"

Pwede ba 'yon? Ano 'yon? Dalawa kaming chosen heiress? Eeeeh ang gulo!

"Oo, siya nga"

"P-paano mo naman nasabi na siya nga 'yon?"

Naguguluhan ako. Kung chosen heiress din siya, ibig sabihin dalawa kami? Abaaaaa!

"Nasa kanya ang simbolo ng mga elemental powers Ae kaya nasabi kong siya nga 'yon"

Wuuuuut?! May mga simbolo din siyaaaaaa? Owemji! He must be kidding me!

Saka lahat pa talaga? Eh sa'kin nga di pa kumpleto ey. Ba't gano'n?

"P-paano pag fake 'yon? I mean, nagpa-tattoo! Alam mo kasi uso 'yon sa mortal world eh"

Tumingin naman siya sa'kin kaya napaayos ako ng upo. Di dapat ako magpahalata sa kanya.

"Impossible 'yang sinasabi mo. Nakita ko mismo sa likod ng school do'n na nawalan sila ng malay kung saan naramdaman ko rin ang malakas na enerhiya kaya alam kung siya ang hinahanap ko, idagdag mo pa ang mga simbolo"

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinasabi niya. Mukhang buo na talaga ang paniniwala niyang 'yon ang chosen heiress.

So ano ako?

Kung kumpleto ang mga simbolo niya, ba't sa'kin hindi pa? Paanong nangyari 'yon?

Sino ba talaga siya?!

Sino ba ako?

Di bale, malalaman at malalaman din ng lahat kung anong totoo. Di man ngayon pero alam kung mangyayari iyon.

Sa ngayon, kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa darating na battle.

Wish me luck!




-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro