CHAPTER 30: The Battle (Royal Class 1.2)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•

Habang pinapanuod ko si Red kanina na nasa loob ng barrier, masasabi ko talagang balisa siya at malungkot. Minsan iba-iba ang emosyon na ipinapahiwatig ng mukha niya, minsan parang galit, minsan nama'y parang may pagsisisi.

Hindi ko alam kung anong meron at gano'n na lang ang mga reaksyon niya. Ano kayang nangyari?

Namangha din ako kanina kasi 'yong higanteng bulaklak ay naging isang babae. Sobrang ganda niya pero nakakapagtaka lang kasi parang nawala sa wisyo si Red tapos bigla-bigla na lang umiyak. Kaano-ano niya kaya 'yong babaeng 'yon? Jowa niya kaya 'yon? Pero ba't siya umiiyak?

Ba't ko ba tinatanong ang sarili ko? Baliw na ba ako? Ayy tae! Basta naguguluhan akoooooO!

Pero nagulat na lang kaming lahat no'ng biglang sinaksak no'ng babae si Red gamit ang isang matalim na parang ice pagkatapos ay naging higanteng bulaklak siya ulit at do'n, n-natalo siya.

Alam ko kung bakit siya natalo, 'yon ay dahil nagpadala siya sa kanyang emosyon. Diba dapat alam niya ang bagay na 'yon dahil nga illusionist siya? Pero bakit siya nagpalunod sa emosyong 'yon? Tingin ko, may something sa babaeng 'yon.

Kung itanong ko kaya sa kanila? Kaso baka sabihin nila, masyado akong chismosa eh di naman, slight lang hihi.

Hays, naaawa talaga ako kay Red. Nakita ko kanina kung paano siya umiyak habang kausap at kayakap ang babaeng 'yon, parang matagal na silang di nagkita kaya gano'n na lang ang nararamdaman niya.

Ngayon, ginagamot na siya. Sino kaya ang sumaksak sa babaeng 'yon? Nakita ko kasi na 'yong ice na isinaksak niya kay Red ay galing din sa nakasaksak sa kanya. Basta 'yon na 'yon! Pero tekaaaaa---ice? D-di kaya si...

Hindi naman siguro.

Hindi naman siya gano'n.

"Prince Faero James Flamour, failed!"

Ouch!

P-parang ang sakit naman ata no'n.

Hindi kaya magagalit ang parents ni Red nyan?

Sana naman hindi. Tingin ko kasi labis na nasasaktan si Red dahil sa babaeng 'yon. Alam kong illusion lang 'yon pero napakalaki ng impact nito kay Red, hays.

Gusto ko siyang lapitan kaso hindi naman pwede. Di bale, pag may chance ako, kakausapin ko siya at iche-cheer up, magaling ata ako do'n.

Kulang ata ang pag cheer ko sa kanya kanina. Sana binalik ko na lang din 'yong flying kiss na binigay niya.

Back to the scene na nga tayo! Ang daldal niyo ah. Nag spin na ulit ang screen. Ilang segundo lang ay tumigil na ito at si...

"Princess Aerish Caeli Ventus!"

Owemji!

Si Caeli na! Ang training master koooooO.

"Go Caeli, kaya mo 'yaaaaaan!"

Wala akong pake kung naiingayan sila sa'kin! Hmmm bahala sila. ChOur ambad mo selp ah.

____________________________________
•AERISH's POV•

Napangiti na lang ako at kumaway kay Twinny. Masyado siyang maingay katulad ko HAHAHA syempre, ako ata ang training master niya.

Proud din ako kasi 'yong sinasanay ko ay nanalo kanina kaya parang nagkaroon ako ng lakas yieeeeee!

Bumaba na din ako mula sa kinaroroonan ko, sinalubong naman ako ni HM at binigyan ng relo.

"Galingan mo Ms Ventus"

"Opo HM"

Yumuko naman ako bilang paggalang at huminga ng malalim pagkatapos ay pumasok na. Kinakabahan ako pero laban lang!

Kailangan kong manalo ngayon para sa mga magulang ko. Ayoko silang biguin.

Pagkapasok ko may nakita akong tatlong pintuan. Ano naman kayang pakulo ito? Saan ako papasok? A-ano kayang meron sa loob ng mga pintuang 'yan? Dapat mag-isip at mag desisyon ako ng mabuti. Hindi dapat ako magpadalos-dalos.

Tama!

Nanatili ako sa malayo at ginamit ang kapangyarihan ko para mabuksan ang mga pintuan. Isa-isa ko itong binuksan para makita kung anong meron sa loob nito.

No'ng nabuksan ko na ay nakita kong may lalabas na mga sandata sa unang pintuan kaya dali-dali ko itong isinara bago pa ako matamaan. Sa ikalawang pintuan naman isang madilim na lugar lang kaya di ko makita kung anong meron do'n pero isinara ko din 'yon ulit. Sa huling pintuan ay may nakakasilaw na liwanag ang lumabas kaya napapikit ako kaya lang nakakapanghina ang hanging lumalabas mula dito kaya dali-dali ko ring isinara iyon.

Anong pintuan na ang pipiliin ko?

Kung sa unang pintuan, baka magkalasog-lasog na ang katawan ko dahil sa mga sandatang 'yon.

Kung sa ikawala naman, wala akong makita at ang hirap kalabanin ng dilim. Wala akong laban lalo na't di ko makikita kung sino o ano ang lalapit at tutuklaw sa akin. Baka mamaya niyan, kahit sarili ko di ko pa makita naku.

Kung sa ikatlong pintuan naman, nakakapanghina ang hanging dulot nito at kahit hangin ang kapangyarihan ko'y di ko kakayanin 'yon lalo na't nasa illusion lamang ako.

No choice!

Sa unang pintuan na ako papasok tutal may suot naman akong armor eh saka I can throw away those weapons gamit ang kapangyarihan ko.

I ready myself at pagkatapos ay papasok na pero tumigil din ako at huminga ng malalim. Sheeeet, kinakabahan ako!

"Whatever it takes, I should win this battle"

Pumasok na din ako and as expected, may mga lumilipad na mga sandata papunta sa'kin pero ikinukumpas ko lang ang kamay ko para malipad sila sa ibang direksyon. Sobrang dami ng mga sandata kaya gumawa na ako ng malaking tornado at natatangay naman sila do'n.

"Whew! Piece of cake"

Pero kasabay ng pagtigil ng tornado ko at ang pagbagsak ng mga sandata ay siya namang pagsulpot ng isang nilalang.

"Woooooah!"

(0_0)

Watdapak?! Erymanthian Boar? Grabe! Ngayon pa lang ako nakakita nito pero alam ko kung ano siya dahil sa nababasa kong libro at sa mga ikinekwento ni Yesha este Eris na pala.

"Roaaaaaaar!"

Napaatras ako dahil sa lakas ng ungol niya, ang sakit sa tenga amputek! Erymanthian Boar is a huge wild boar with a sharp teeth. Oo, sharp teeth p-parang patalim na handa kang lasugin o hiwain into pieces!

Sheeeeeet! How to defeat this monster? I love my body at ayoko pang maging karne noh!

Paniguradong gutom siya dahil naglalaway talaga siyang nakatingin sa'kin, grabe nanlilisik pa ang mga mata niya ah.

"Rooooooar!"

Agad akong napailag no'ng biglang may mga daggers na papunta sa'kin pero nadaplisan pa rin ang braso ko kaya amoy na amoy niya ang kunting dugo na dumaloy dito.

Tae! Wala bang silbi itong armor na suot ko? Nasugatan pa rin ako ah.

(0_0)

Literal na nanlaki ang mga mata ko no'ng bigla siyang naglakad papunta sa'kin. Dumadagundong pa ang lupa sa bawat paghakbang niya kaya agad akong lumipad sa ere at bumuo ng sandamakmak na air spikes at ipinuntirya sa kanya kaso ang walangya eh di man lang napano!

Wow! Ang strong ng boar na ito ah. Pilit niya rin akong inaabot pero di niya magawa kasi nga nakalilipad ako pero sh*t kaya niyang maglabas ng mga sandata mula sa bibig niya at akala mo eh magnet ako dahil talagang sinusundan ako ng mga 'yon.

Lumipad lang ako ng lumipad habang nag-iisip ng paraan para matalo ang lintik na boar na 'to pero sa di inaasahan ay sumalubong ang malaki niyang kamay sa'kin kaya tumalsik ako sa kung saan.

"Aaaah!"

Nagkaroon na din ako ng mga sugat dahil sa nagkakalat na mga sandata dito. Taena! Gusto pala makipag-highfive ang isang 'to pero di naman nagbigay ng warning para mapaghandaan ko diba? Ang bantos ng nilalang na ito.

*Groooooowl*

(Bahala kayo dyan, basta umungol siya, eeeer)

Agad akong napatayo no'ng namataan kong papalapit siya sa'kin. Gumawa naman ako ng air bow and arrow para puntiryahin ang mata niya.

Syempre, vision ang pinakamahalaga sa kanya dahil paano niya ako makikita kung bulag na siya diba? Pag gano'n, may advantage na ako sa kanya.

Huehuehue, matalino ako enebe.

"Heto sa'yo!"

Agad kong tinira ang mata niya pero nagawa niyang iwaksi ang arrow ko. Hutaness, are you kidding me?

"Alam mo, galit na ako ah!"

Para naman siyang tao na nakikinig sa sinabi ko. Abaaaa! Parang may history sa pagiging tao ang isang 'to ah.

T-teka--kung gamitin ko kaya ang air poisoning? Pwede kaya? Kaso natatakot ako dahil baka kakalat ang hangin sa labas, napakadelikado.

Ano bang gagawin ko dito?

Wala naman akong pangpain na pwede kong lagyan ng lason. Hays! Bahala na.

*growling*

He keeps on growling na para bang gutom na gutom. Pero agad din siyang nawala sa paningin ko.

(0_0)

Huh? Saan na nagpunta 'yon? Don't tell me may special ability din siya. Abaaa! Napakaswer------

"Aaaaaah!"

Sh*t! Bigla-bigla siyang sumulpot malapit sa'kin at kinagat ang kanang braso ko kaya nasipa ko siya bigla at ginamit ko naman ang kapangyarihan ko para mapatalsik siya.

"Waaaaah huhu"

Naiyak na lang ako sa sakit. Tang*na! Ang sakeeeeeeet! Muntik nang maputol ang braso koooo waaaaah huhu. Ang daming dugong dumaloy mula rito at kung di ko mapatay agad ang put*ng nilalang na ito ay paniguradong katapusan ko na!

Ang daming dugo! Ang dami talagaaaaa! Waaaah mauubusan ata ako ng dugo. Ang sakit! Ang sakit-sakit. Parang di ko ma feel ang braso ko pero feel ko ang sakit.

"Walangya kaaaaa!"

Kahit nanghihina ay sinubukan kong gumawa ng tornado pero di ako makabuo. Anong gagawin ko? Malapit na akong maubusan ng oras at ng dugo!

Nakita ko namang papalapit na ulit siya sa'kin kaya agad akong lumipad kaso di na masyadong mataas ang nalilipad ko dahil nanghihina na talaga ako.

Patuloy pa rin sa pagtulo ang dugo ko at sinasalo naman ito ng nilalang gamit ang bibig niya. Nakaangat ang ulo niya at nakanganga, naghihintay kung kailan ako mahuhulog. Naiiyak na rin ako, k-katapusan ko na ba?

Hinang-hina na talaga ako. Marami na ding dugo ang nawala sa'kin pero bago sumuko ay may naisip akong paraan.

Lalasunin kita!

Lalasunin ko siya gamit ang dugo ko. Tama, gano'n nga. Sa bawat pumatak na dugo mula sa braso ko ay hinahaluan ko iyon ng lason sa pamamagitan ng pagkumpas sa mga daliri ko. Nag-iba naman ang kulay nito, ang kaninang pula ay naging berde na.

"Matatalo na kita!"

Nakita ko namang hinihingal na siya. Nanghihina na din ata 'to. Success ang ginawa ko!

"Aaaaah!"

Ginamit ko naman ang pagkakataong 'yon para tirahin siya ng mga air balls, umungol naman siya dahil sa sakit. Di pa ako nakuntento at tinusok ko pa ang mga mata niya ng air spikes na naging dahilan ng pagbagsak niya.

No'ng nasiguro kong patay na siya ay agad akong bumaba sa lupa at naiiyak na hinawakan ang braso ko. Tang*na! Parang walang buhay ang braso ko dahil muntik na itong maputol dahil sa pagkagat niya huhu.

Alam kong magagamot pa ito at maibabalik sa dati pero tae lang! Sobrang sakit ng ipinaranas nila sa'kin at kahit na nanalo ako'y di ko magawang magdiwang.

Punyemas! Ang sakit lang.

"Congratulations Princess Aerish Caeli Ventus!"

Neknek niyo! Ang sama niyo sa'kin huhu.

Ang sakeeeeeet!

____________________________________
•AERIN's POV•

Haluuuuuuh!

Grabe!

Tutok na tutok ako sa panunuod kay Caeli habang nakikipaglaban sa nilalang na 'yon. Di ko alam kung anong tawag do'n pero talagang kinakabahan ako.

Itsura pa lang, nakakatakot na. Paano na kaya pag nakalaban mo na? Siguro pag ako ang nando'n, paniguradong matatalo na ako pero grabe si Caeli, nanalo pa siya at deads na deads ang kalaban niya.

Ang galing!

Kaya lang parang di siya masaya. Sino ba namang magiging masaya do'n eh ang laki-laki ng sugat niya sa braso, parang mapuputol na ata ey. Ang sakit siguro no'n, syempre kagat 'yon ng parang uso ey!

Nakita ko namang sinundo siya ng mga healers at inalalayan. Nasimangot pa rin siya at parang awang-awa sa kanyang braso.

Eeeer, kahit ako eh parang na feel ko ang sakit no'ng kinagat siya. Ang wild pala talaga ng nilalang na 'yon.

'Yon nga lang, na deads na siya. Ang sama kasi, ginawa pang pagkain ang braso ni Caeli. Kawawa naman ang training master ko.

Pero alam niyo, habang nakikipaglaban si Caeli eh nakatayo na si Cold Water at parang alalang-alala. Kulang na lang eh sumugod do'n parang tulungan si Caeli. Nakuuuu, I smell something malansa ah.

Ginagamot na din ng mga healers si Caeli, saka alam kong magagawa nilang gamutin at ibalik sa dati ang braso niya. Syempre, magic ey.

"Prince Rayndell Cold Walter!"

(0_0)

Di ko napansin, nakapili na pala ang screen sa susunod na sasalang do'n at talagang si Cold Water pa!

Siguro na sense no'ng screen na panay ang tayo ni Cold Water kaya siya ang pinili, charot lang HAHAHA.

Lumingon naman siya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Ngumuso lang din siya at bumaba na.

Anong problema no'n? Ba't siya tumingin sa'kin?

(0_0)

T-teka?----hinintay niya rin bang iche-cheer ko siya? Abaaaa! Kailan pa ako naging cheerer nila?!

Eh?

____________________________________
•RAYNDELL's POV•

Akala ko iche-cheer din ako ni Aerin, akala ko lang pala, hays! Sabagay, gwapo kasi ako.

Eh malay ko ba na di ako isa sa mga napili niyang i-cheer? Napakasama sa akin, hmmmp.

Ayy takte! Parang bakla selp.

Bumaba na lang ako at sinulyapan si Aerish do'n sa healers section. Nakita ko siyang namimilipit sa sakit dahil kasalukuyan siyang ginagamot ng mga healers.

Whew! Ang galing niya kanina ah. Ano kayang makakalaban ko? Hmmm.

Sinalubong naman ako ni HM at katulad ng mga nauna ay binigyan niya din ako ng relo.

"Galingan mo Mr Walter"

"Oo naman HM, ako pa!"

Tumawa naman siya at tinapik ang balikat ko. Happy pill mo ako HM? Gwapo ko HM noh? HAHAHA.

Pumasok na lang din ako sa barrier at hinanda ang sarili. Nanalo ang kapatid ko kaya dapat manalo din ako. Ano kayang makakalaban ko?

Ilang sandali pa'y nag-iba ang anyo ng paligid. Inaasahan ko na 'to dahil nga nasa illusion ako pero nakapagtatakang nandito ako sa kaharian namin. Anong gagawin ko dito?

Pero nagulat na lang ako no'ng lumabas ang mga kawal ng kaharian namin at isa-isang nag formation. Kilala ko ang ilan sa kanila pero bakit nila ako kakalabanin?

Katulad din ba 'to kay Faero? Ang kaibahan lang ay mga kawal namin ang kalaban ko, sa kanya eh ang kapatid niyang matagal ng namatay.

Pero di ko sila kayang patayin kaya lang dapat ko 'yong gawin kung gusto kong manalo. N-nasa illusion lang naman ako diba?

Sabay-sabay naman silang sumugod sa'kin kaya gumawa ako ng water ball para ibato sa kanila. Tumalsik ang karamihan pero may mga parating ulit.

Sh*t! Ang dami nila ah.

Inilabas ko na din ang elemental weapon ko at isa 'yong espada. Kumikislap ito dahil sa sinag mula sa araw, nakita kong nagulat naman sila.

Nasa illusion ako diba? Pero bakit sila nagugulat? Diba dapat wala silang emosyon dahil di naman totoong may buhay sila? Damn! Naguguluhan ako pero di dapat ako magdadalawang-isip.

"Hindi ito totoo"

"Illusion lang 'to"

Paulit-ulit kong sinasambit ang mga katagang 'yon habang nakikipaglaban sa mga kawal namin. Isa-isa ko silang sinasaksak gamit ang espada at minsan nama'y bumubuo ako ng mga water spikes para puntiryahin ang mga nasa likuran ko.

Patuloy lang ako sa pagwasiwas sa espadang hawak ko at isang daplis lang sa kanila'y namamatay na agad sila. Hinihingal na din ako pero ang dami ng kalaban ko, p-parang di pa rin sila nababawasan!

Pero di dapat ako sumuko. Labag sa kalooban ko ang ginagawa ko dahil mga tauhan namin sila pero ang mga katagang lagi kong sinasambit ay ang nagbibigay sa'kin ng lakas ng loob para kalabanin sila.

Dahil sa dami ng mga kawal, bumuo na lang ako ng isang malaking alon ng tubig at pinuntirya sila, natangay naman ang lahat at dinala sa pinakailalim na bahagi ng tubig dito sa aming kaharian.

"Patawad"

Wala nang natira ni isang kawal dito sa labas ng palasyo. Ano na ang sunod kong gagawin? Maghihintay na lang ba akong may lalapit at kakalaban sa'kin?

"Ayy anak ng bata!"

Nagulat ako no'ng biglang may sumulpot na isang bata sa harap ko. Ang lalim ng pagkakatitig niya sa'kin na para bang minamanipula ako.

Wuuut?

Agad akong napakurap ng mabilis at hinawakan ang espada ko. Kilala ko ang batang 'to! Siya ang madalas na naghahatid sa akin ng kape pag nandito ako. A-anak siya ng isa sa aming mga katulong.

"B-bb John"

"Kuya, eto na po ang kape niyo"

May iniabot siya sa'king tasa ng kape, umuusok pa ito at halatang mainit pa. Tinanggap ko naman ito at magpapasalamat na sana no'ng naalala kong nasa loob nga pala ako ng ilusyon.

H-hindi totoo ito!

Tinapon ko naman ang tasa na may kape, umusok naman ito at bumubula. M-may lason 'yon?! Sh*t, buti na lang di ko ininom.

Muntikan na!

Nilingon ko ang bata pero wala na ito sa kinatatayuan niya. Pumasok ako sa loob ng palasyo at nandito ang mga magulang ko. A-anong ginagawa nila dito?

Nahihirapan ako dahil nasaksihan ko na dati na pwedeng makapasok ang mga magulang ko sa ilusyon ng iba kaya di ko alam kung peke ba sila o totoo!

P-paano na lang kung totoong sila ito t-tapos mapapatay ko sila? Siguradong di ko mapapatawad ang sarili ko.

"I-ina, ama! Kayo ba talaga 'yan?"

"Oo anak, kami ito"

"Hindi sila totoo! Kami ang totoo anak!"

Napalingon ako sa kabilang panig, may kamukha sila? Bale dalawang ina at dalawang ama. S-sino ang totoo? Sinooooo?

"Sino sa inyo?! Sino?"

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang espada ko. Kailangan kong pumili ng mabuti, hindi dapat ako magkamali. A-ayokong mawala ang mga magulang ko.

"Kami anak!"

Napapikit ako dahil sabay-sabay silang nagsasalita. Naguguluhan ako, sino sa kanila ang totoo?

Napatingin ako sa relong suot ko, kunti na lang ang natitira kong oras. A-ayoko din namang matalo katulad ni Faero, ayoko p-pero paano ko malalaman kung sino talaga ang kalaban ko?

------------------flashback------------------

Pagkatapos lumabas sila ama at ina sa ilusyon na ginawa ni Faero ay may sinabi sa akin si ama.

"Anak, may mga palatandaang kailangan mong tandaan pag nasa isang ilusyon ka"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni ama. Palatandaan?

"Ano naman po iyon ama?" tanong ko sa kanya.

"Nakita mo ba ang nasa ilusyon ni Prinsipe Faero kanina? Ano ang nakikita mo?"

"Nakita ko pong sobrang dami ng kamukha ni ina doon, ni hindi ko nga po alam kung sino sa kanila ang totoong ina ko eh"

Napangiti naman si ama dahil sa naging sagot ko.

"Anak, lagi mong tatandaan na kapag ang isang tao ay nasa panig ng ilusyon, wala kang makikitang kahit na anong anino mula sa kanila at wag kang magdadalawang-isip na paslangin ang mga iyon kung ayaw mong ikaw ang paslangin nila"

--------------end of flashback-------------

Tama!

N-naalala ko ang sinabi ni ama sa akin noon. Napangiti naman ako dahil do'n, salamat ama! Salamat po.

"Ba't ka nakangiti anak?"

Sabay na naman sila. Tae! Nagpraktis ba ang mga 'to?

Di ko na lang sila sinagot. Itinaas ko ang espada ko at sinisiguradong matatamaan ito ng sinag ng araw mula sa bintana nitong palasyo.

No'ng kumislap ang espada ay itinuon ko ang sinag sa kanilang kinatatayuan at tama nga si ama, wala silang anino. Silang lahat ay mga ilusyon lang din!

"Mga peke kayo!"

Ngumisi naman silang lahat at nag-iba ng anyo, p-parang nagsanib-pwersa sila.

(0_0)

F*cking sh*t!

"HAHAHAHA matalino kang bata pero sayang lang at katapusan mo na!"

Brrrrr, nakakatakot ang dumadagundong nilang boses! Naging isang halimaw sila, iisa lang ang katawan pero apat ang ulo na parang mga galamay.

Eh? Medusa, is that you?

Inatake naman nila ako at binugahan ng isang maitim na parang tinta buti na lang at nakailag ako. Ano 'to?

Nagpaulan ako ng mga water balls sa kanilang pwesto pero nakakagulat dahil hinigop lang nila ito at naging parang maitim na tinta.

Anong klaseng nilalang ba 'to?!

Pugita? Parang di naman ata.

Ilag lang ng ilag ako sa kanilang mga atake at no'ng nagkaroon ng pagkakataon ay sinugod ko ang isa at walang alinlangang pinutol. Nagwala naman ang iba na parang labis na nasaktan.

1 down, 3 to go.

"Walangya kang bata ka!"

"Hindi ako bata!"

Bigla namang hinampas ng isa ang kanyang sarili sa akin kaya gumulong ako sa sahig pero sa di inaasahan ay may tinta ang nagulungan ko kaya napasigaw ako sa sobrang sakit.

"Aaaaaaaaaargh!"

"F*ck"

Ang sakit ng braso at tagiliran ko! Dumikit dito ang tinta at parang asido na sinunog ang balat ko pero buti na lang at hindi pati ang gwapong mukha ko.

P*ta!

Papatayin ko kayo!

Bumangon ako sa pagkakahiga at buong lakas na nag summon ng mga water spikes, dinamihan ko na para matapos na 'to!

Malapit na maubos ang oras ko.

"Aaaah!"

Rinig kong sigaw ng isa. N-natamaan ata siya!

2 down, 2 to go.

Napangisi naman ako kaya mas lalong nainis sa akin ang kasama nila. Yan! Mainis kayo hanggang sa mamatay na.

Humahapdi pa rin ang balat ko. Grabe, anong klaseng likido ba ang binubuga nila? Parang itim na tinta kasi ang kulay tapos mukhang asido kung tumama sa'yo.

Sheeez! Ayoko pa atang matusta, di ko pa nga naaamin sa babaeng mahal ko ang nararamdaman ko eh.

Kaya kailangan kong manalo para pogi points na rin hehe.

Dahil sa mga naiisip ko, di ko napansing hinampas na pala ako no'ng dalawang hinayupak kaya tumalsik ako sa may pader. Akala ko patay na ang mga ito eh, akala ko lang pala.

"Uuuuugh!"

Ang sakit ng likod ko putek!

Lagot kayo sa'kin mga hangal!

"Aaaaaaah!"

Malakas akong sumigaw para kunin ang atensyon nila. Buong lakas kong itinapon ang espada ko patungo sa isang ulo samantalang isang malaking water ball naman sa isa.

Mabilis akong gumawa ng isang mataas na water spike sabay talon malapit sa kanilang katawan at itinarak ito sa kanilang nag-iisang puso.

"Aaaaaaaaaaaah!"

Napatakip naman ako ng tenga dahil sa tinis ng kanilang boses. Sh*t! Para akong mabibingi dahil do'n. Nagkabitak-bitak na rin ang buong palasyo kaya dali-dali akong lumabas.

"Aaargh!"

Tang*na! Talagang natamaan pa ako ng isang tipak ng bato sa likod ko kaya padapa akong bumagsak.

Watda?! Ang gwapo kong mukha, baka nagalusan na 'to. Hays!

"Congratulations Prince Rayndell Cold Walter!"

Napangiti naman ako sa akin narinig. Worth it ang sakit at hirap na dinanas ko sa laban, nanalo ako!

Panalo ako!




-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro