CHAPTER 39: Who Killed Mrs. Smith?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•JESTO's POV•

Nandito kami ngayon sa office ni HM. Kasama ko ang dalawang prinsesa at ang 'chosen heiress' pati na ang suspek na si Aerin.

I felt so much pain and anger no'ng hawak-hawak ko ang malamig na bangkay ng ina ko. Wala akong ibang maisip na suspek kundi si Aerin lang dahil siya lang naman 'yong lagi kong nakikitang napaparusahan niya.

I know wala akong ebidensya pero di ko na napigilan ang sarili ko. Masisisi niyo ba ako? Mahal na mahal ko ang aking ina at kahit na sinong anak ay magagalit talaga ng sobra.

"Mr. Smith, nakikiramay ako sa sinapit ng iyong ina"

"M-maraming salamat po HM"

Ramdam ko ang butil ng luha na pumatak sa pisngi ko. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na ang ina ko. Para akong nag-iisa at walang kakampi.

H-hindi ko na siya makakasama. H-hindi ko na siya mayayakap kapag kailangan ko ng karamay. W-wala na 'yong taong laging naka-cheer sa'kin kapag may sinasalihan ako. Wala na!

"So, ang iniisip mong pumatay sa ina mo ay si Ms. Sandoval, tama ba ako?"

"O-opo"

Alam kong nakatitig sa'kin si Aerin pero wala akong balak na bawiin ang sinabi ko. Kung hindi man siya 'yon, handa naman akong humingi ng tawad kapag napatunayan niyang hindi nga siya ang pumatay.

"May ebidensya ka ba?"

"W-wala po pero hindi naman imposibleng siya ang pumatay kasi siya lang naman po 'yong laging napaparusahan at alam kong nagtatanim siya ng sama ng loob sa ina ko"

"H-hindi totoo 'yan! Never akong nagtanim ng sama ng loob sa kanya Jesto!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Patunayan mo Aerin na hindi ikaw bago ako maniniwala sa'yo!

"HM, h-hindi po talaga ako. Hindi ko po magagawa 'yon"
 
Napansin kong huminga ng malalim si HM bago humarap sa mga Royalties.

"Ang sabi mo sa akin Ms. Walter ay naniniwala kang hindi si Ms Sandoval ang may gawa no'n, bakit?" tanong niya kay Prinsesa Aqua.

Napalunok naman ako. Isang prinsesa na ang kumampi sa kanya at alam kong talo na ako. Mataas ang pwesto niya at kahit na anong gusto niya ay pwede niyang gawin.

"Opo HM. Actually, nasa clinic kami no'n dahil pinagamot namin 'yong nasugatang lalaki. Nagpaalam po ako kay Aerish na may pupuntahan ako"

May pinuntahan siya? Saan naman siya pumunta? Anong connect no'n sa pinag-uusapan namin ngayon?

"Maaari mo bang sabihin sa'min kung saan ka pumunta?" usisa sa kanya ni HM.

"Pumunta po ako sa dorm nila Aerin kasi gusto ko siyang kausapin. Nando'n naman siya no'ng panahong nangyari 'yon, magkasama po kami at nag-uusap kaya imposible po ang ibinibintang ni Jesto sa kanya"

Pagkatapos magsalita ay tumingin pa sa'kin si Prinsesa Aqua kaya napayuko ako. Totoo kaya ang sinasabi niya? Ah basta! Gusto ko pa ring patunayan ni Aerin na hindi siya ang pumatay.

"Mr. Smith, ano ang masasabi mo tungkol sa sinabi ni Ms Walter?"

Napatingin ako kay HM pagkatapos ay sa kanila ni Aerin. Wala akong ebidensya na siya nga pero 'yon ang isinisigaw ng utak ko. Kailangan kong maipaghigante ang ina ko! Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila o kung sino man siya!

"Kung hindi ikaw 'yon, linisin mo ang pangalan mo. Patunayan mong hindi nga ikaw ang pumatay sa ina ko. Maaari mong alamin kung sino talaga. Deal?"

Nagkatinginan pa muna sila pagkatapos ay tumingin naman siya sa'kin at tumango.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

I-ina, ipaghihigante kita. Kung sino man ang pumatay sa'yo, magbabayad siya! M-mahal na mahal po kita ina at sobra po akong nasaktan sa nangyari.

Kinuha ka nila sa'kin at alam kong hinding-hindi ka na babalik. Nag-iisa na lang ako ngayon ina, iniwan mo na kasi ako. Iniwan na ninyo ako ni ama, wala ng natira sa'kin.

A-ang sakit po.

Sobra.

Lalo na't nasanay ako na nandyan ka lagi para sa'kin. Gabayan niyo po ako lagi ha? Mahal na mahal ko po kayo ina ko.
___
Bago lumabas sa office ni HM ay pinahid ko muna ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko. Nakakabakla pero wala akong pake. Hindi lang babae ang umiiyak at nasasaktan pati na rin ako.

Ngayon, mag-isa na lang ako.

____________________________________
•AERIN's POV•

Pumayag na lang ako sa sinabi ni Jesto. Kahit ako, gusto ko ring linisin ang pangalan ko. Ang bait² ko kaya! Tapos pinagbibintangan lang? Aba'y di tama 'yon.

Sino kaya ang pumatay kay Mrs Smith?

Kawawa naman si Jesto.

At ako din noh!

Wala akong kasalanan pero nadawit na naman ako sa gulong 'to, hays.

"So, may idea ba kayo kung sino ang pumatay at kung bakit?" tanong sa'min ni HM.

Apat na lang kaming nandito, lumabas na kasi si Jesto habang naiiyak. May idea ako kung bakit ginawa iyon ng killer pero wala akong idea kung sino siya.

"Ako po may idea"

Napalingon kaming lahat kay Yesha. Kung di ko lang alam ang totoo tungkol sa kanya, malamang naiinis na din ako tulad ng pagkainis ni Rain ngayon. 

Napansin ko kasing pasimple siyang umismid, pffft. May galit ba siya do'n? 

"Ano 'yon Chosen?"

"Malamang, dark mage po ang isang 'yon o di kaya isang traydor"

Napakunot naman ng noo si HM. Posible nga ang sinasabi niya, maaaring may isang dark mage na may galit sa kanya.

"At bakit mo naman nasabi 'yon?" tanong pa ulit ni HM.
 
"Kanina lang, may kaguluhan pong nangyari sa bayan ng Herbalia kung saan nando'n ang mga halamang-gamot diba po? Tapos ngayon po si Mrs Smith na pangulo ng mga Smithsonian ay pinatay. Ibig sabihin lang nito, inuuna na nila 'yong parte na kung saan malakas tayo"

Tama siya.

Ang mga Smithsonian ay ang gumagawa ng mga iba't-ibang sandata at si Mrs Smith ang pangulo nito. Malaki ang ambag ng mga sandata sa paparating na digmaan katulad ng mga herbal na gawa sa bayan ng Herbalia.  

Napakatalino pala talaga ng Dark King na 'yon. Ibang klase siya kung mag-isip ng paraan kung paano matatalo ang kalaban. Dark King, pwede paambon ng katalinuhan?

Ayy, matalino na pala ako hihi.

Masasabing hindi pa nagsimula ang totoong digmaan pero para sa'kin nagsimula na sila. Inuuna nila kung saan kami angat para kapag nalagasan ang malalakas na hukbo, hihina ang Lux at may posibilidad na matalo.

Pero hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Maglalaro muna kami ng chinese garter bago mangyari 'yon, charot.

"Maaaring tama ka kaya Ms. Sandoval, ito ang magiging misyon mo, ang hanapin kung sino ang pumatay"

Tumango lang ako kay HM. Kahit di niya sabihin, 'yon pa rin ang gagawin ko. Ganyan ako kabait, chOur. 
___

Nagpaalam na din kami kay HM pagkatapos naming mag-usap. Nagpapasalamat na din ako kay Rain dahil pinagtanggol niya ako. Buti na lang pala at mabait ang prinsesang 'yon.

Umuwi na din ako sa dorm at naabutan kong nando'n na sila Lei at Daph. Nag-uusap sila at mukhang seryoso pero no'ng nakita nila ako ay agad na tumayo si Daph at pumasok sa kwarto niya samantalang sinalubong naman ako ni Lei.

"Aerin! Buti naman at dumating ka na, nag-alala ako sa'yo. Ano? Okay ka lang ba?" nag-alala nitong tanong.

"Oo, okay lang ako. Kailangan ko lang alamin kung sino ang pumatay sa kanya para malinis na ang pangalan ko"

Kung literal lang na paglilinis 'yon, malamang tapos na kaya lang hindi eh. 'Sana naman mabigyan ako ng hint kung sino siya'.

Nga pala, ang katawan ni Mrs Smith ay kusang nawala pagkalipas ng 30 minutes at ang kapangyarihan niya ay napupunta sa puno ng magicae. Hindi ko pa nakikita ang punong 'yon. Maganda kaya 'yon?

Nagpaalam na muna ako kay Lei para pumasok sa kwarto ko. Kailangan kong maligo para naman mahimasmasan ako.

Ang daming nangyari ngayong araw. Kailangan kong magpahinga, hays.

Malalaman ko rin kung sino ang pumatay. Hindi man ngayon pero alam kong darating ang panahong 'yon.

____________________________________
•FAERO's POV•

Gabi na at andito na kaming lahat sa clinic. Hindi kami kayang pagalingin ni Eris dahil pagod rin siya tulad namin at may sugat sa braso.

Actually, kaming lahat ay may mga sugat. Si Ice lang ata ang hindi napuruhan, magaling nga talaga siya. Nangunguna pa rin siya sa ranking eh.

"Ang galing talaga no'ng babae noh? Akalain mong nagawa niyang ibalik sa dati ang lahat" manghang sambit ni Cold.

Napangiti naman ako dahil do'n. Hanggang ngayon, di ko pa rin naisasauli ang batong nalaglag niya. Alam kong nakita niyang suot ko 'to pero di man lang niya kinuha.

Di ko pa rin alam ang tunay niyang pangalan at pagkatao.

"Sa tingin niyo ba tama ang sinabi ni Raiden na si Chosen 'yon?" tanong naman ni Eris.

"Sigurado ako dahil siya lang ang tanging makakagawa ng gano'n" sagot ni Raiden.

Naguguluhan ako sa nangyayari. P-parang imposibleng si Chosen 'yon dahil nag-eensayo pa lang kami. Aaminin kong magaling siya at madaling matuto pero hindi pa masyado.

Pero si Luna, parang napakabihasa at sobrang galing. Pero ang nakapagtataka lang, ang kapangyarihang taglay niya ay walang kapantay at ang Chosen lang ang may gano'ng klaseng kapangyarihan.

'Yon ang sabi sa'min ng mga guro at ng libro.

"Let's just ask her about it" suggest naman ni Ice.

Tumango lang kami at di na nagsalita pa. Maya-maya lang ay pwede na kaming bumalik sa dorm.

May kinuha lang saglit si Ms Hailey at pagbalik niya ay alam kong pwede na kaming lumabas dito.

____________________________________
•AERISH's POV•

"Ang tagal naman nila. Okay lang kaya sila?"

"Paano na lang kung napahamak sila?"

"Sana naman ligtas lang sila"

Kanina pa ako nakatingin dito kay Chosen. Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad, nahihilo na ako sa kanya.

"Ano ba Chosen, pwedeng tumigil ka na sa kakalakad? Nahihilo ako sa'yo" naiinis na saway ni Aqua.

Pinandilatan ko naman siya ng mata pero umirap lang at pumasok na sa kwarto niya. Kahit kailan talaga, hays.

"S-sa tingin mo ba Aerish, g-galit siya sa'kin?" naiiyak na tanong ni Chosen.

Nakangiti naman akong lumapit sa kanya at inaya siyang umupo. Totoo naman kasing nakakahilo siya saka kung makapag-alala eh daig pa kami, naku.

"Hayaan mo na 'yon, napagod lang siguro siya tapos nahilo pa sa'yo. Di 'yon galit, nag-aalala rin 'yon" pang-aalo ko sa kanya.

Ilang sandali lang ay nakarinig kami ng mga yabag na papalapit kaya hinanda namin ang aming mga sarili. Malay mo kalaban diba?

Nilingon ko si Chosen pero wala na siya sa tabi ko.

(0_0)

Huh?

Asan na 'yon?

"Waaah! You're here!"

Nagulat ako dahil ang bilis niyang nakarating do'n sa kinaroroonan ng mga dumating. Sila Ulan ay nandito na!

Isa siguro 'yon sa ability ni Chosen, pareho sila ni Faero. Gumagaling na siya.
 
Nanatili lang akong nakaupo sa couch at hinintay na lang sila. Umupo naman sa kabila ang iba at sa kabila naman ang isa.

"Hey! Ba't ka tumabi sa'kin?!" singhal ko naman kay Ulan.

Tae! Ano bang trip niya? Di ako makahinga pag nasa malapit siya ey.

"Hay, ano bang problema do'n? Masama bang tumabi sa'yo?"

Agad akong napaatras dahil sa biglang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Waaaaah! Ano bang ginagawa niya?!

"Tama na 'yan. Masyado kayong PDA" sabat naman ni Eris.

Wuuuuut?!

Sinamaan ko naman ng tingin si Ulan pero tinawanan lang niya ako. Walangya talaga! Pinapahiya niya ako.

"Na-miss lang kasi kita"

(0_0)

Huh?

Tama ba ang narinig ko? Binulong niya lang 'yon pero naririnig ko pa rin dahil nga sa magkatabi kami. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang lalabas sa sobrang lakas.

Aatakehin ata ako.

Ang init pa ng pisngi ko kaya napayuko na ako. Nakakatakot huminga dahil baka maramdaman niyang kinakabahan ako sa presensya niya.

Waaaah! Nababaliw na ata ako, ano bang nangyari sa'kin?
 
"Chosen, may tanong kami sa'yo"

Napalingon naman ako kay Faero. Ano naman kaya 'yon? Ba't parang ang seryoso nila?

"A-ano na--------" 

"Pwede ba akong sumali dyan?" putol ni Aqua sa itatanong sana ni Chosen.

Anyare kaya sa babaeng 'to? Parang may PMS, ang init ng ulo eh. Walang sumagot sa kanya kaya padabog siyang umupo sa tabi ni Faero habang nasa kabila naman si Chosen. Bale, nasa gitna nilang dalawa ang fire prince.

Hmmm, I felt something fishy.

"A-ano nga ulit ang itatanong niyo?"

"Chosen, ikaw ang chosen heiress diba?" tanong ni Faero.

Eh?

Anong klaseng tanong 'yan?

"O-oo naman, b-bakit?"

Ramdam ko ang kaba ni Chosen habang ini-interrogate siya ng mga kasama ko.

"We just want to know if you and the girl who helped us are one" sabat ni Ice.

Sinong babae?

Tinulungan sila? Di kaya si Luna ang tinutukoy nila?

"Kasi sobrang lakas ng kapangyarihan niya at wala kaming ibang maisip kundi ikaw lang dahil ang kapangyarihan mo naman talaga ang pinakamalakas sa lahat" dagdag pa ni Eris.

Oo nga noh?

Siya kaya 'yong kini-kwento ni Faero?

"Hindi! Imposible ang sinasabi niyo"

Napatingin kaming lahat kay Aqua. Alam kong naiinis siya kay Chosen pero bakit naman niya nasabing impossible? Nagseselos lang ata ang isang 'to eh.

"Bakit mo naman nasabi 'yon Kapatid?" usisa sa kanya ni Ulan.
 
"Tinulungan na kayo ni Luna dati diba? Sa Dark Forest? Kaya paano niyo nasasabing si Chosen nga 'yon eh wala pa naman siya dito sa Lux no'ng nangyari 'yon?" 

Oo nga noh?

May point siya do'n.

"Si Chosen ang makakasagot sa lahat. Chosen? Can you tell the truth to us?"

Huminga naman ng malalim si Chosen at nagsalita:

"Ako nga 'yon"

"Ano?! Impossible 'yon. Di ako naniniwala sa'yo"

Sinamaan namin ng tingin si Aqua kaya tumahimik naman siya at pasimpleng umirap. Nireregla ba siya? Pffft.

"A-ako talaga 'yon. Wala ako dito physically no'ng nangyari 'yon pero tinulungan ko kayo sa panaginip ko. Do'n ko din natuklasan na may kakaiba sa'kin hanggang sa dinala na ako dito ni Voltaire"

Woah!

Mukhang totoo din naman ang sinabi niya. Saka Voltaire pala ang tawag niya kay Raiden? Ang galing naman.

"Paanong ikaw? Eh diba nandito ka lang naman sa Academia no'ng nangyari ang kaguluhan sa Herbalia?" taka ko namang tanong sa kanya.

"O-oo nga pero diba nagpaalam ako sa inyo na mag cr? G-ginamit ko ang oras na 'yon para sumunod sa kanila" nakayuko pa nitong sagot.

K-kaya pala natagalan siya no'n. Pero di ba hin--------

"Chosen, ibig sabihin magaling ka na talaga? Eh ba't nag-eensayo pa kayo ni Faero?"

"'Yon ang utos ng Lux King. S-sinunod ko lang ang utos niya"

Aba'y masunurin pala ang isang 'to. Hmmm, mabait naman pala talaga siya. Ba't kaya parang naiinis si Aqua sa kanya? 

Baka nagseselos kasi malapit kay Chosen ang taong nagugustuhan niya? Hihi.

____________________________________
•AQUA's POV•

Naiinis ako.

Sobra.

Ang galing niyang magpanggap at magsinungaling! Alam ko kung sino ang totoong Luna kaya hindi niya ako makukubinsing siya nga 'yon.

Kung di lang siya ang chosen heiress, kanina ko pa siya pinitik! Aaaargh! Nakakainis talagaaa.
 
Nandito na ako sa kwarto ko. Kanina lang natapos ang pag-uusap at talagang nakukumbinsi niya ang iba na siya si Luna.

Si Faero naman mukhang masayang-masaya dahil sa wakas nalaman na niya kung sino talaga ang babaeng hinahangaan niya. Sus! Kung alam mo lang Faero.

Si Raiden naman, parang gustong-gusto niyang tawagin siyang Voltaire ng babaeng 'yon. Nakakainis! Dati naman ay ayaw niyang tawagin ko siya ng gano'n ah. Anyare ngayon? Don't tell me gusto niya ang babaeng 'yon? Eeeeer.

Hays! Di ata ako makakatulog lalo na ngayong hindi ko mailalabas ang katotohanang si Aerin ang totoong Luna. Pero ang sabi ay ang chosen heiress lang ang may gano'ng kapangyarihan, pero paanong si Luna ay si Aerin?

Luna=Chosen Heiress

Aerin= Cho-------

(0_0)

H-hindi kaya si Aerin ang totoong Chosen Heiress? Impossible. Di naman siguro, normal mage lang naman siya at walang patunay na siya samantalang si Chosen ay may mga marka.

Aaaaaargh! Mababaliw na ata akooooooO. Ang gulo!

____________________________________
•CHOSEN/YESHA's POV•

"Kinakabahan po talaga ako kanina sa mga tanong nila pero buti na lang po at nakumbinsi ko naman. Pero may isang tao na parang di naniniwala sa'kin, ano pong gagawin ko?" nag-aalala kong tanong.

Inuutusan lang nila akong magpanggap sa harap nilang lahat. Hindi ko sila nakikita pero naririnig ko ang mga boses nila at sila din ang nagbigay sa'kin ng kapangyarihan.

No'ng una, akala ko guni-guni ko lang 'yong mga naririnig ko dahil sa pagod pero no'ng naulit ng ilang beses ay naniwala na ako lalo na no'ng binanggit nila si Aerin, ang bff ko.

Nawala na lang bigla ang bff ko at ang sabi ng Tita niya ay baka naglayas daw. Sumagi din sa isipan ko ang bagay na 'yon dahil sa mga kwento ng bff ko sa'kin. Kaya nga no'ng biglang nag flash sa isip ko ang kinaroroonan ni Aerin ay naniwala na ako. May magic pala talaga at siya ang pruweba no'n.

Sinabi ng mga gods and goddesses na nanganganib si Aerin kaya nag offer akong tulungan sila. Ipinaliwanag nila sa'kin na maaaring ako naman ang mapahamak pero alam kong di nila ako pababayaan.

Kaya nandito ako sa Luxier Academy para tulungan siya pero di dapat ako magpahalata sa lahat na kilala ko siya kaya nga di naging maganda ang trato ko sa kanya eh.

Nami-miss ko ang bff ko at sana lang ay di siya galit sa'kin. Maiintindihan niya rin ako, gusto ko lang siyang tulungan.

"Yesha! Yesha!"
 
Napakurap ako ng ilang beses dahil sa pagtawag sa'kin ng fire god.

"P-po?"

"Hays! Hera, ikaw na nga ang umulit sa sinabi ko"

"Yesha, hayaan mo na lang ang taong 'yon. Wag kang mag-alala, hindi man siya naniniwala sa'yo at least ang iba ay naniniwala. Maiintindihan din nila ang lahat sa tamang panahon"

Napatango ako sa sinabi niya. Tama siya, kailangan ko lang maghinty dahil alam kong malapit na ang araw na 'yon.

Proud ako sa sarili ko dahil nagawa kong magsakripisyo para sa iba. Ito ang turo sa'kin ng mga magulang ko no'ng nabubuhay pa sila. Masaya din ako sa mga ginagawa ko.

Masaya akong matulungan ka, bff ko.

____________________________________
•AERIN's POV•

*blag! blag! blag!*

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na kalabog na 'yon. Ano naman 'yan? Ang istorbo, natutulog ako eh! Hays.

*blag! blag! blag!*

(0_0)

Huh?

Parang galing ata sa ilalim ng kama ko 'yon ah. T-tekaaa--- si Eggy!

Dali-dali naman akong bumaba sa kama ko at sinilip ang kinalalagyan ni Eggy. Gumagalaw nga ang pinaglalagyan ko sa kanya! D-di kaya lumabas na siyaaaa?

Owemji!

Excited ko namang kinuha ang kahon pagkatapos ay agad na binuksan. Napapikit naman ako dahil sa liwanag na lumabas mula dito. No'ng wala na ang liwanag ay tiningnan ko si Eggy kaso di ko siya nakita.
 
Wuuut?
 
N-nasaan na siya? Ba't wala? Tanging ang egg shell na lang ang nandito, wala ng laman.

"E-eggy? Nasaan ka?"

"Hola!"

"Aaaaaaah!"

Napasigaw ako dahil sa sobrang gulat. Paglingon ko kasi ay bigla niya akong dinakma kaya napahiga ako.
 
Waaaaaaaah!
 
Sobrang ganda ng pet ko! Kakaiba siyaaaaaaaa! P-para siyang dragon pero kakaiba ang pakpak hindi tulad ng isang normal na dragon.

"Hello Eggy! Ang cute mo namaaaaaan" gigil na gigil kong bati sa kanya.

"Salamat master!"
 
Woaaaaah! Nakakapagsalita siya?! Ang cute ng boses niya, parang inipit hihi. Ang liit pa niya kasi bagong labas pa lang, sobrang cute niya!

Hinahaplos-haplos ko lang ang balahibo niya na tulad sa aso. Ano kayang tawag nila sa pet na 'to? May bilugan siyang mga mata na kulay itim pero kumikinang tapos ang balahibo niya ay parang sa aso. Ang pakpak niya naman ay parang pakpak ng isang ibon pero maliit.

Ang gulo kung i-describe pero 'yon lang talaga ang itsura niya. May breeding siguro 'to? Bale ang nanay ay ibon na may lahing dragon tapos ang ama ay may lahing aso? Yay! Ang sagwa naman.

"Ayy Eggy, wait lang ha? Magtitimpla lang ako ng gatas para sa'yo" sabi ko sa sabay lapag sa kanya sa kama.

Paiinumin ko siya ng gatas para lumusog. Yieeeeee! May baby na ako. Ako ang magiging nanay ni Eggy, sino kaya ang tatay? Hihi.

Bago lumabas ng kwarto ay tinignan ko muna ang oras sa alarm clock ko. Hating-gabi na pala, nawala ang antok ko dahil kay Eggy.

Hmmm kahit di na siya itlog, Eggy pa rin ang itatawag ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Nagtimpla na rin ako ng para sa'kin at inilagay ko naman sa bowl ang kay Eggy.

Pabalik na sana ako ng kwarto ko no'ng may narinig akong boses sa labas. Ang kusina kasi namin dito sa dorm ay may maliit na pintuan. 

"Maawa ka, wag mo silang saktan. G-ginawa ko na ang ipinagawa mo kaya wag mo silang patayin"

T-teka?-- boses ni Daphne 'yon ah!

Sino ang kausap niya sa ganitong oras? Saka ba't siya nagmamakaawa? Hindi ganitong Daphne ang kilala ko.

At sino ang sinasabi niyang wag sasaktan?

"Wag mong saktan ang mga magulang ko!"

Huh?

"M-magulang?" bulong ko naman.

Anong magulang? Diba ulila na siya? Daphne? May itinatago ka ba sa'min?

Naguguluhan ako. Ang sabi sa akin ni Lei ay wala na ang pamilya ni Daph dahil sa sunog at siya lang ang nakaligtas. Pero bakit ngayon ay nagmamakaawa siya sa kung sino na wag patayin ang mga magulang niya?

Nagsisinungaling kaya sa'kin si Lei? Pero bakit niya naman gagawin 'yon? Anong rebelasyon na naman ba 'to?

"Aerin? Anong ginagawa mo dyan?"
 
(0_0)

S-sh*t!

N-nabitawan ko ang tinimpla kong gatas!

B-baka malaman ni Daph na narinig ko siya. What to do?!


-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro