CHAPTER 4: His mission

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 4

*blag! blag! blag!*

"Hoy Aerin! Ano? Di ka pa lalabas dyan ha?! Gusto mo sirain ko pa itong pinto?! Hoy!"

*blag! blag! blag!*

Naalimpungatan ako sa malakas na sigaw ni Ellaine. Abaaaaa! Ang aga-aga eh nag transform na agad ang demonyita.

Pero imbis na 'tok tok tok' ang tunog, naging 'blag blag blag' na. Sa lakas ba naman eh di ko malaman kung katok ba 'yon o kalabog eh.

"Oo! Andyan na!" sigaw ko sa kanya pabalik. Kala niya siya lang marunong sumigaw ha.

"Bilisan mo dyan! Pag ikaw di pa lumabas agad, humanda ka sa'kin!"

Aba! Talagang tinakot pa ako. Mukha mo pa lang, takot na ako eh sus.

Inayos ko na lang ang sarili ko at nagpunas ng mukha. Dumidikit pa 'yong laway ko kala mo glue eh.

Niligpit ko na rin 'yong higaan ko no'ng bigla akong napatingin sa arinola.

'Hays! Di ko alam kung paano ko haharapin ang mokong na iyon dahil sa'yo'

Paniguradong diring-diri sa'kin 'yon.

Ang forever ko, wala na! Huhu

"Aerin! Bilisan mo dyan, nagugutom na kami!"

Taena.

Dala ko ba kaldero nila?!

Oo nga pala, walang laman 'yon kasi nga naubos nila kagabi.

Ilang bulate kaya ang alaga nila?

Eh?

Makalabas na nga.

Dumiretso agad ako sa kusina pero nahagip ng mata ko 'yong dalawang gasul kasama no'ng magnanakaw--------este bwesita pala.

Grabe!

Parang linta kung makakapit 'yong dalawa pero 'yong mokong eh halos di na maipinta ang mukha. Pfffffft

"Oh ano? Tutunganga ka na lang ba dyan?! Male-late na kami Aerin!"

Tumalikod na lang ako at napairap.

Tsk, lasunin ko pa kayo eh.

Saka ano kayang ginagawa no'ng lalaking 'yon dito?

Don't tell me titira na siya dito forever? Jusko! Dagdag sa pahirap na naman hays.

Ang sungit² kasi ng mukha. Ang talas pa ng tingin parang ang laki ng galit sa'kin.

'Eh malamang hinampas mo ng arinola'

Oo nga noh?

Hmmm ano kayang lulutuin ko? Dapat masarap para kahit papaano eh mawala naman 'yong galit niya hehe.

Pagkatapos kong magluto eh hinanda ko na ang lamesa.

"Kain na kayoooooO!"

Tawag ko sa mga prinsesa at sa err prinsipe ng buhay ko!

Yaaaaaak! Talandeeee self.

Syempre kailangan ko ding magmadali kasi may pasok din ako noh!

Kala nila sila lang? Sus! Scholar ata ako sa isang sikat na school. Sabi sa inyo matalino ako eh!

"Bye mommy!"

"Bye po tita"

Paalam namin sa aming reynang dragona. Tumango lang ito sa'kin pero tinaasan pa ako ng kilay. Abaaaa bad mood ka te?

Napatingin ako sa kamay niya.

Eh? Anyare sa mga kuko niya?

Tatanungin ko pa sana siya kaso may bigla akong naalala

('Maputol sana kuko mong bagong pa-manicure, hmmmp!')

(0_0)

Tae! Nagkatotoo ba 'yong nasa isip ko?

Hala!

Di kaya may special power na ako? Owemji!

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Oo, maglalakad lang ako kasi malapit lang din naman eh.

Pero ang dalawang gasul eh nakasakay kasama no'ng mokong. Ang aarte eh, kala mo maganda eh mukha namang harina tsk.

Habang naglalakad, napaisip ako tungkol sa mga nangyayari sa'kin.

'Yong wrist ko, di na sumasakit pero may nakaukit na simbolo. Tinakpan ko na lang ito gamit 'yong pantali ko sa buhok. Cheap ako eh ba't ba?!

"Aray!"

(0_0)

"Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"

Napatingin ako sa aleng natumba. Tinulungan ko siyang tumayo pero winaksi niya kamay ko. Abaaaa ma attitude si tanda! Ayy bad.

"Sorry po"

Syempre dapat gumalang tayo sa matatanda kahit na di siya mukhang kagalang-galang.

"Makaalis na nga! Tatanga-tanga"

Whew!

'Mabunggo ka sana'

Tumalikod na lang ako ng biglang-------

"Aaaay!"

Huh?

Hala! 'Yong ale, nabunggo do'n sa may poste! OmooooO.

Jusko! May special power talaga ako. Seryoso? Uwuuuu hanggaling nito!

Tumakbo agad ako kasi excited na excited na ako pero joke lang! HAHA tumakbo ako kasi late na late na ako.

Pagkarating ko sa school, di pa ako pinapasok ni manong guard. Abaaaa'y matindi.

"Nasaan ang ID mo?"

Ay.

"Eto po" sabay pakita ko sa ID ko. Di ko pa naisuot kasi nagmamadali na talaga ako kanina eh.

Pagkatapos niya i-check ang ID ko eh kumaripas na agad ako ng takbo pero sa di inaasahang pagkakataon~

M-madudulas ako!

Madudulas akoooooooooO!

Parang nag slow-mo ang lahat.

Babagsak na ako taena!

____________________________________
SOMEONE's POV

I was forced.

I was forced to accept this f*cking mission.

I don't want to but I have no choice.

Head Master wants me to find that girl.

Damn!

-------------*flashback*-------------------

"Paging *******, please proceed to the Head Master's office right now"

"Paging *******, please proceed to the Head Master's office right now"

Why do they have to repeat it? Hays! Ang sakit sa tenga.

Ano na naman kayang kailangan ng matandang 'yon? Tsk.

I just teleported to his office and directly sat at his swivel chair.

So what? I want to be the Head Master soon.

"Get off *******. That's not your place"

"Whatever. Just tell me what you want and I'll leave"

Call me unrespectful but you don't care. Sanay na siya sa'kin so no need to apologize.

"Umilaw na ang libro ng urakulo. Nakalagay doon na may isang babaeng isinilang sa mortal world at taglay na niya ang kapangyarihan ng hangin"

Oh? Interesting!

"So? What do you want me to do Old man?"

Don't tell me------

"You have to find her and bring her here"

Ah told yah.

I asked him how could I do it. Then he gave me some informations about the girl and he did explain the ways on how I'm going to live there.

Ugh! I don't like it.

At first I refused to do it but:

"If you'll not going to accept this mission then you and your friends will not going to join the battle and that's final".

What?! No way! The battle is what we're waiting for.

F*ck this Old man.

"Okay. It's just a piece of cake anyway."

I'll just have to use my po----

"No power or magic *******. You have to get her with your bare hands"

F*ck! It can't be, aaaargh.

------------end of flashback------------

That's why I'm pissed.

I can't use my magic! What if the enemies will attack me?

Oh! I'd almost forgot, wala nga palang makakakilala sa'kin dito because of this f*cking transformation of mine.

I've been transformed into a not-so-good-looking-man with a normal life here.

Yah! This is not me, definitely not my real face.

I was just stunned when a woman bragged me like wtf! I'm in the process of absorbing things here like eeeer, I'm not used to it.

And now, I'm here! Wearing this so-called school uniform.

Even my name has been changed.

Everything has been changed.

I need to find that girl as soon as possible!

I don't want to live this goddamn identity for so long.

The real me is much hotter than this fake one.

Paano ko ba makikita ang babaeng 'yon when the Old man never give me the full information?

He just told me that this girl already had the power of air and she has this so-called uh? What is it?

Did I forgot something?

Damn it!

Well, mamaya ko na lang 'yon iisipin.

I need to go.

I have to.

But I was about to walk when suddenly may nakita akong tumatakbong babae sa may corridor.

Nagmamadali ba siya? Malamang tsk.

She's familiar but the hell I care?!

I followed her not until she was about to slip.

Stupid earthling.

I ran as fast as I could so that I can catch her but yah!

*blaaaaaaaag! *

It's too late.

I came late.

Not my best luck and definitely not her luck too.

Well, sorry not sorry.

I tried to but really, it was her destiny to fall out there HAHAHA.

The floor was on the place to catch her as of now.

I'm off.

Gotta go!

____________________________________
AERIN's POV

*blaaaaaaaaaaag!*

"Araaaaay!"

Ang sakit ng pwet ko tae!

Namimilipit ako sa sakit no'ng biglang may dumaang lalaki. Uwuuuu! Nakita niya ba ang nangyari sa'kin?

Takte! Nakakahiyaaaaaa.

Ba't ba kasi ang dulas nitong sahig?

Sino ba naglampaso dito para siya naman ilampaso ko? Charot lang.

"Aerin?"

Napalingon ako sa kung sino mang tumawag sa'kin.

Si Yesha! Ang bff for life koooooO.

"Yesha! Buti dumating ka. Tulungan mo'ko dali"

Agad-agad niya naman akong itinayo. Grabe! Feeling ko namanhid 'yong pwet ko.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo? Ba't ka nakaupo do'n?"

Nakaupo daw.

"Basta! Tara na. Late na tayo eh"

Nakakahiya pag sinabi ko pa noh.

Sino kaya 'yong lalaking dumaan kanina? Feeling ko talaga nakita niya ako eh.

Hays!

Sa susunod di na talaga ako tatakbo kahit na habulin pa ako ni krass.

Uwuuuu nasaan na kaya 'yong mokong na nahampas ko ng arinola?

Hanggang ngayon di ko pa alam kung anong pangalan niya at saan siya galing.

At kung bakit dumadagdag pa siya sa palalamunin ni Tita! ChOur ambad ko ah.

Tara mag-aral, wag puro landi ha?

Kailan ko kaya magagamit kapangyarihan ko? Pwede kaya 'to pang cheat sa exam?

Ay hehehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro