CHAPTER 42: god of earth

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•

"G-glaciero?"

Di ako makapaniwalang nandito siya at nauna pang sumakay sa pegasus na pinili ni RV. Kahit si RV ay di nakapagsalita sa ginawa niya. Iba ang pumili pero siya ang sumakay, aba'y iba.

"This is my favorite pegasus. You can find another pegasus if you want. I'll go ahead"

(0_0)

Napanganga na talaga ako no'ng umalis na talaga siya sakay ang pegasus na 'yon. Watdahek? Nang-aasar ba siya? Ano bang trip niya? Kalowka.

"Ha! Wow! A-ano bang----aaaargh! Ano 'yon? May saltik ba ang isang 'yon?" tanong ko pa habang pakurap-kurap.

Di talaga ako makipaniwala sa ginawa niya. P-parang bata amputek ey?

"Hahaha hayaan mo na 'yon Ae, Baka favorite niya talaga 'yon. Oh, pumili ka na lang ng iba"

Napa-pout naman ako habang tinitingnan ang mga pegasus na nandito. Ang bait ni RV, di man lang siya nagalit o nainis kay Glaciero.

"'Yang purple na lang ang sasakyan natin RV" sabi ko pa sa kanya.

Alam niyo ba 'yong 'I Purple You'? Oo, I Purple You mga mahar! Hahaha charot.

"Okay sige"

Tinawag naman niya ang pegasus na pinili ko at agad naman itong lumapit. Inilahad ni RV ang kanyang kamay na para bang hinihintay ang kanyang reyna hihi. Feel na feel ko naman ang paglapit at pagtanggap sa kamay niya. Oh? Mainggit na kayo! Napaka-gentleman ni RV, sobrang bait.

Ang swerte siguro ng babaeng magugustuhan niya.

May nagugustuhan na kaya siya? Sino naman kaya 'yon?

Sumakay agad ako sa likod ng pegasus at sumunod naman siya. Nasa likod ko siya para umalalay sa'kin. Jusko! Pirs taym ko 'to kaya natatakot ako huhu.

"RV, saan ako hahawak? Baka mahulog ako" nag-aalala kong sabi sa kanya.

"Hindi 'yan, akong bahala sa'yo. Heto, hahawakan ko lang ang kamay mo para di ka mahulog okay?"

Marahan akong tumango at may binigay siyang tali sa'kin kaya hinawakan ko din 'yon. Bale sa tali ako nakahawak habang nakahawak naman siya sa kamay ko para i-guide ako.

Enebe nemen yen hihi.

Wooooh! Ito na, l-lilipad na kami huhu. Hindi kami maaaring gumamit ng kapangyarihan pag papunta kami roon at kapag di kailangan. Ang hirap naman nito ey?

"Ay!"

Nagulat pa ako no'ng biglang gumalaw ang pegasus at unti-unting umangat. Pumikit naman ako dahil sa kaba na baka mahulog ako pero kumalma din no'ng bahagyang pinisil ni RV ang kamay ko.

Tama!

Nandito sa RV at alam kong di niya ako pababayaan.

"Ae, wag kang matakot. Tingnan mo, ang ganda diba?"

Napatingin ako sa tinuro niya. Sobrang ganda ng mga ulap pati na ang araw na hindi pa masyadong sumikat. Ang lamig ng hangin, ang sarap sa pakiramdam. Dahil sa mga nakikita ko ay kumalma na din ako.

Hindi masyadong mabilis ang pagpapalipad namin sa pegasus. Sakto lang para di ako kabahan hihi. Nae-excite na tuloy ako.

Ano kayang itsura ng tiangge nila dito? Katulad din kaya sa mortal world na maraming tao at paninda? Ano kayang bibilhin ko? T-teka----

"RV? W-wala pala akong pera!" sambit ko sa kanya.

Pupunta kaming tiangge pero walang dala na pera? Eh? Anong gagamitin ko? Wala ba akong mabibili sa pamamasyal namin ngayon? Hays! Ang pangit naman.

Tinawanan ako ni RV at kahit ang pegasus ay naririnig kong umingay. What? May mali ba sa tanong ko? Pinagkaisahan din ata ako ng mga 'to eh. Naka-pout na lang ako habang nakatingin sa mga ulap.

"May dala akong sampung pilak. Tiglilima tayo kaya wag ka ng mag-alala" sagot pa nito.

P-pilak?

Diba malaking halaga na 'yon? Pilak pa talaga ang gamit nila ditong pambili? Aba'y ang yaman.

"Saan mo naman nakuha 'yan?"

"Galing 'to sa ipon ko. Kapag may nagawa kang isang misyon o di kaya nanalo sa isang paligsahan, may matatanggap kang gantimpala at pwede mo itong palitan ng pilak"

W-woah!

Ang galing naman ni RV!

"I-ibig sabihin, marami ka ng napagtagumpayang mga misyon? Marami ka na ring napanalunan?" mangha kong tanong sa kanya.

"Oo, pero mas marami ang kay Ice. Mula noon, lagi siyang nangunguna lalong-lalo na sa puso ng babaeng mahal ko"

Napakunot ako ng noo. Di ko masyadong marinig ang huli niyang sinabi dahil na rin sa pasalungat na hangin. Ano daw 'yon?

"Ano 'yon RV?" taka kong tanong.

"Wala. Ang sabi ko, malapit na tayo"

Agad akong tumingin sa ibaba at napansin kong may mga kabahayan nga ang nando'n. Di pa masyadong malinaw ang vision ko dahil na rin sa mga ulap.

Waaaah! Excited na akong mamili!

Ano kayang magandang bilhin? Bibili din ako ng regalo para kay RV hihi. Ay! Pati na rin pala sa ibang Royalties at sa dalawa kong kasama sa dorm.

Ilang sandali lang ay dahan-dahang lumapag sa lupa ang pegasus. Naunang bumaba si RV at inalalayan ako. Nandito na kaya si Glaciero? A-ay malamang, nauna na nga siya diba? Jusko naman.

"Halika do'n tayo" aya niya sa'kin.

Sumunod ako sa kanya at pasimpleng tumitingin-tingin din sa mga paninda. Maingay ang mga taong narito at ang iba'y tumatawag ng customers.

May mga bata at matatanda, meron ding mga binatilyo at mga dalaga. Sari-saring amoy ang malalanghap, may mga usok at iba pa. Parang palengke kung tutuusin pero ang saya nilang pagmasdan.

"Ae! Heto ang limang pilak. Marami kang mabibili sa isang pilak pero wag kang magpapauto sa kanila" paalala ni RV sa'kin.

Tumango lang ako at nagpasalamat na rin. Anong tingin niya sa'kin? Uto-uto? Abaaaaa!

"Bili na kayo! Mura lang"

"Dito! Dito kayo!"

"Espada kayo riyan! Bolo! May kutsilyo rin at itak!"

"Bili na! Bili na kayo!"

Ganyan ang maririnig mo dito sa tiangge. Mga tindera at tindero na tumatawag ng mga mambibili. Sobrang hirap siguro ang ganyan? Hmmm. Kahit papaano ay maswerte pa rin pala ako.

Nauna ng maglakad si RV kaya sumunod lang ako sa kanya sabay sulyap sa mga paninda na nadadaanan namin.

Maraming klase ang itinitinda nila dito. May mga kagamitang pangkusina, may mga halamang-gamot at iba pa. May mga bagay ding luma na kung iyong titingnan, parang antique gano'n. Ang ibang paninda ay nakalapag sa lupa, may mga sandata ring narito.

"Pssssst!"

Huh?

"Psssst!"

Dali-dali akong sumunod Kay RV dahil sa naririnig kong sitsit. Di ko alam kung ako ba ang sinitsitan pero talagang ang creepy lang. Parang adik sa kanto ey, hays.

"Ae, tingnan mo. Maganda ba?"

Tiningnan ko ang tinuro niya. Isa 'yong pulseras na gawa sa kahoy. Maganda ang disenyo at sobrang simple lang. Uwu ang cute naman nyan.

"Oo, ang ganda! Magkano ba 'yan?"

"Gusto mo 'to?"

Nakakahiya man pero tumango ako. Oo, ako na makapal ang kilay. Eh ano ngayon? Totoo namang gusto ko 'yon.

"Manong, dalawa nga po nito, 'yong magkapares po sana" sabi naman niya do'n kay manong tindero.

"Oh sige apo. Ay! Alam niyo, pwede natin itong ukitan. May gusto ba kayong ilagay sa pulseras na ito mga apo?" tanong nito.

Woaaah! Ang galing! Pwede pala? Kung bibilhan ko din kaya sila Lei nito? Kaso baka ayaw ni RV na may kapareha. Hmmm, wag na lang.

"Ayy sige po manong. Ae at RV na lang po ang ilagay niyo" sagot naman ni RV.

Ae at RV?

I-ibig sabihin para sa'kin ang isa? Waaaaah! Ang sweet naman ni RV hihi.

"Oh sige apo. Pakihintay na lang, sandali lang ito"

"Sige po manong"

Naghintay lang kami sa harap ng tindahan niya at siya naman ay pumasok sa loob para siguro ukitan ang pulseras.

Naririnig ko pa rin ang sitsit pero di ko 'yon pinansin. Snob ako siszt HAHA. Saka di ako aso, duh. Ang ganda ko kaya!

Ilang sandali lang ay nakita naming papalabas na si manong. Bitbit niya ang dalawang pulseras at hinihipan. Binigay naman niya ito kay RV at nagbayad na din siya.

"Ae, itong may RV ang sa'yo para kapag tinitingnan mo 'to ay maaalala mo agad ako" nakangiti nitong sabi at isusuot na sana ang pulseras sa'kin pero nakita niyang may takip ang wrist ko.

Hala!

Oo nga pala, may suot din pala akong pantakip. OmooooooO!

"Nga pala Ae, bakit may suot kang ganyan? Saka bakit lagi mo 'yang suot? Ni minsan hindi kita nakitang tinanggal 'yan" sambit pa niya.

Jusko!

Wag naman sanang makahalata si RV. D-di pa ako handang ipaalam sa kanya ang totoo.

"H-ha? Ah eto ba? B-bigay 'to ng Tita ko do'n sa mortal world at ang sabi niya ay wag ko daw itong tatanggalin kundi magtatampo siya, ayoko namang mangyari 'yon kaya di ko tinanggal"

Wala na akong ibang maisip na palusot kundi 'yon lang. Hays! Si Tita pa talaga, eh kahit pantali sa buhok, di ako binigyan no'n. Magtampo? Sus! Asa ka pa.

"Gano'n ba? Sa kabila ko na lang 'to isusuot"

"S-sige hehe"

Sinuot niya sa kabila kong kamay ang pulseras at sobrang sakto ito. Ang ganda at napakasimple, yieeeee.

"Oh"

Nagtaka ako no'ng binigay niya rin sa'kin ang isang pulseras na may nakaukit na 'Ae'. Eh? Anong gagawin ko rito?

"Gusto ko na ikaw ang magsuot sa'kin nyan Ae"

Napangiti ako sa sinabi niya. Whew! Kakaiba ang trip ng isang Raiden Voltaire Light ah.

Pagkatapos kong isuot sa kanya ang pulseras ay umalis na din kami sa tindahang 'yon. Nagpasalamat muna kami at gano'n din naman si manong sa'min.

"Ae, pumili ka na din ng magugustuhan mo"

"Sige"

Nag-iikot lang kami sa buong tiangge. May mga nakita akong magagandang bagay kaso ang mahal, di kaya sa bulsa hihi. Kuripot ako eh, ba't ba? Ano kaya ang ireregalo ko sa kanilang lahat? Ayy sayang, di ko nadala ang magic bag ko.

Habang nakasunod kay RV, bigla na lang may humawak sa'king isang bata. Madungis siyang tingnan pero ang cute pa rin.

"Ate! Ate! Bili na po kayo nito oh"

Tiningnan ko ang bitbit niya. Mga laruan iyon na umiilaw. Ano namang gagawin ko sa mga laruang 'yan? Di ko naman 'yan magagamit kaso nakakaawa naman ang batang 'to. Mukhang kanina pa siya dito dahil pawis na pawis siya. Sino ba ang mga magulang nito? Pinagtatrabaho nila ang bata, tsk.

"Baby, sinong mga magulang mo?" tanong ko sa kanya habang namimili sa paninda niyang laruan. Di ko alam kung nasaan na si RV dahil nauna siya sa'kin, akala niya siguro eh nakasunod ako sa kanya.

"Wala na po akong mga magulang. Ang sabi ng Tiyo, patay na daw po sila" malungkot nitong sagot.

Nagulat ako sa sinabi niya and at the same time nalungkot. Mukhang pareho kami ng nararanasan pero mas nakakaawa siya dahil nagbebenta siya dito sa tiangge. Kahit malupit sa'kin si Tita, naranasan ko pa rin namang kumain ng masarap at makapag-aral.

Hays! Tunay ngang ang unfair ng mundo. Sobrang bata niya pa para sa ganito.

"Bakit ikaw ang nagbebenta nito? Nasaan ang Tiyo mo?" tanong ko naman.

"Nasa bahay lang po si Tiyo at hinihintay po ako, may sakit po kasi siya kaya ako na lang po ang nagbebenta ngayon. Para po may pambili po ako ng gamot niya at pagkain na rin po"

Bumibili pa sila ng gamot dito? Diba maaari naman silang gamutin ng mga healers? Wala bang healers sa lugar na 'to?

"Ae! Nandyan ka lang pala. Kinabahan ako sa'yo, akala ko nawala kita"

Napalingon ako kay RV. Hinihingal siya at halatang kinakabahan. Nag-aalala ba siya sa'kin? Ayieeee! Ang RV, charot lang.

"Tiningnan ko lang ang paninda niya. Tingnan mo, ang ganda ng mga laruan diba? Umiilaw pa!" masaya kong sabi sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Wala naman talaga akong balak na bumili ng laruan pero naaawa ako sa bata at sa Tiyo niya. Pwede ko sana silang tulungan gamit ang kapangyarihan ko pero hindi ko pwedeng gamitin 'yon dito kaya kahit sa pagbili man lang ng mga ito ay matutulungan ko sila.

Ibibigay ko na lang sa kanila ni Eggy at Froy ang mga laruang 'to. Oo, bibilhin ko lahat.

"Aanhin mo ang mga laruan?" taka nitong tanong.

"Naalala mo ba 'yong itlog na binigay sa'kin? Napisa na kasi siya at lumabas na ang pet ko kaya bibilhin ko 'to para may lalaruin siya"

"Hmm sige pero isa lang, marami ka pang pwedeng bilhin rito"

Napanguso naman ako sa sinabi niya. Gusto ko lahat bibilhin ko para makauwi na ang batang 'to sa Tiyo niya.

"RV, gusto kong bilhin ang lahat ng laruan niya. Magkano ba ang lahat ng 'yan baby?" baling ko sa bata.

"200 lang po lahat"

(0_0)

200? Waaaah! Paano 'to? Magkano ba ang value ng isang pilak? Ba't ba kasi ito? Wala ba silang barya dito?

"RV, magka-------"

"500 ang halaga ng isang pilak dito Ae"

Pinutol pa talaga ang sasabihin ko. Attitude ka RV? ChOur HAHA. Hays! 500 pala? Hmmm 200 lang ang halaga ng mga laruan. Paano ba?

"Bibilhin ko na lahat 'yan baby. Oh, okay na ba itong isang pilak para dyan?" tanong ko pa sa bata.

"Masyado pong malaki ang halaga ng isang pilak at wala po akong pansukli"

"Ay, wag mo ng suklian. Sa'yo na 'yan, ibalot mo na lang ang lahat ng laruan at may pupuntahan pa kami"

Binigay ko sa kanya ang isang pilak at nag-aalangan naman niya itong tinanggap. May kinuha siyang isang bag na nakasukbit sa tagiliran niya at inilagay do'n ang mga laruan.

Magic bag ba 'yan? Woaah! Sakto lang pala ang binayad ko dahil magic bag ang pinaglagyan niya.

"Heto na po. Ako nga po pala si Gab, kayo po?" cute niyang tanong.

"Tawagin mo na lang akong Ae at siya naman si RV" pagpapakilala ko sa kanya.

Taka naman akong tiningnan ni RV kaya hinila ko na siya bitbit ang bag na 'to. Magaan lang naman kaya keri lang.

"Teka! Teka! Bakit Ae at RV ang sinabi mo? Gusto ko sana na ako lang ang tatawag sa'yo ng Ae" nakanguso niyang sabi.

Hanudaw?

Pffft HAHAHA parang pato si RV kung ngumuso. Abaaaa! Selfish, gusto siya lang ang tatawag sa'kin ng gano'n. Bata lang naman ang kaagaw niya.

"Haynaku RV, hayaan mo na saka di naman kami laging magkikita no'ng bata, di ko nga alam kung magkikita pa kami ulit eh"

Sana lang at magiging okay ang Tiyo niya para dalawa na silang magtitinda. Kawawa naman siya, saan kaya ang bahay nila?

"Oo na, saka mas gwapo naman ako do'n HAHAHA"

"Kapal mo!"

Hinahampas ko pa siya at siya naman ay todo ilag. Nakakatuwa si RV, tunog mahangin pero totoo namang gwapo siya. Yieeee! Zayn Malik besh, uwuuu.

"Nga pala Ae, wag kang masyadong lalayo sa'kin baka dukutin ka, mukha ka pa namang bata pffft AHAHAHA"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ako? Mukhang bata? Eh kung sipain ko pagmumukha nito? Nakuuuu RV ah, watch me nae nae ah---este watch your words pala hihi.

Nagsimula na ulit siyang maglakad at tumitingin-tingin sa mga paninda at gano'n rin naman ako.

May nabili siyang parang maliit na bola na kapag inihagis daw ay magiging isang malapad na hugis bilog pero may matutulis sa gilid. Parang CD ang shape, basta! Imagine-nin mo na lang 'yong mukha ng virus, mukha mo charot lang HAHAHA.

Ako naman ay may nabili din na pwede kong ipang-regalo kila Lei at Daph pati na sa ibang Royalties. Isang maliit na kulungan para kay Lei kasi diba nasa kanya na ang dagang nakita ko do'n sa training ground? Kay Daph naman ay isang boots, nakita ko kasing mahilig siya do'n. Pang-ipit na hugis ulan (droplet) naman ang kay Rain at isang hair gel naman kay Cold Water kasi diba mahilig magpagwapo ang isang 'yon?

May binili rin akong isang kwentas para kay Caeli, ang pendant ay may parang hugis ng hangin, bagay sa kanya hihi. Naisip kong libro ang bibilhin ko para kay Eris pero mamaya na lang dahil wala pa akong nakitang library dito (meron kaya? Tiangge 'to ey). Kay Red ay isang espada na pwedeng paliitin, magagamit niya 'to anytime. Lastly, kay Glaciero. Ang ibibigay ko sa kanya ay isang sticker na kapag saan mo ilapat ay hinding-hindi na matatanggal unless mamatay na ang taong nagbigay no'n. Siya na ang bahala kung saan niya ilalagay basta magamit niya.

Ayy wala pa akong nabibili para kay RV, ano kayang gusto niya? Wala naman akong mabili kasi binibili na naman niya ang lahat ng gusto niya eh, hays. Hmmm, sana makahanap ako.

Pumipili siya ngayon sa may mga sandata. Alin kaya dyan ang gusto niya? Sa kanya na lang ang hindi ko pa nabibili kaya pinapanuod ko lang siya pero narinig ko ulit ang sitsit na 'yon.

"Pssssssst!"

"Psssssst!"

Palingon-lingon ako sa paligid, ang creepy naman dito huhu. Sino ba talaga 'tong sumisitsit? Naninindig na ang mga balahibo ko.

"Terra! Ano ka ba? Kanina pa kita tinatawag. Pumunta ka ngayon din sa tindahan ng mga libro"

(0_0)

Sino 'yon? Terra daw? D-di kaya si Earthremis 'yon? Grabe! Kakaiba naman ang way ng pagtawag niya, dinadaan niya sa sitsit. Seriously? Aso ba ako sa tingin niya? Ang cute ko namang aso, duh.

Napakurap ako bigla no'ng biglang may liwanag ang bumulaga sa harapan ko. Maliit lang siya pero parang nahipnotismo ako. Watdapak? Kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa kung saan.

Gusto kong sumigaw para tawagin si RV pero di ko maibuka ang bibig ko. Owemji! Anong nangyayari sa'kin? Nabitawan ko din ang bag na binitbit ko. Waaaaah! Ang mga regalo ko huhu.

Di ako napansin ni RV. Nakuuuu! Baka mag-alala na naman ang isang 'yon. Ako ba 'tong paa ko? May sarili kayong utak mga beh? Huhu baka si Earthremis ang may gawa nito? Siya nga!

Patuloy pa rin sa paglalakad ang mga paa ko hanggang sa huminto ito sa harap ng isang lumang bookstore. Anong gagawin ko dito? Baka walang tao dito dahil sa kalumaan o di kaya baka guguho na 'to. Ano bang trip no'ng god na 'yon? Balak pa ata akong tabunan ng mga libro.

Naramdaman kong kaya ko ng maglakad ng mag-isa, ako na mismo! Total nandito naman ako, bibili na lang din ako ng libro ni Eris.

Tama!

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob dahil nakasara ang pintuan. Pagkabukas ay narinig ko pa ang langitngit nito. Jusko! Ang creepy naman dito. Medyo madilim ang lugar pero naaaninag ko pa rin naman ang mga bagay na andito at may mga sapot ng lawa pa. Luma na talaga ang bookstore na ito pero parang hindi pa nabubuklat ang mga libro. May tao kaya dito? Charot rhyming words.

"HelloooooO? May tao po ba dito? Bibili po ako ng libro"

"Tao po?"

"Manong?"

"Ate?"

"Kuya?"

"Lolo?"

"Lola?"

"Ma'am, Sir?"

Nakailang tawag na ako sa kung sino man pero walang sumasagot. Bingi kayo mga beh? Wala nga sigurong tao. So, kanino ako magbabayad? Baka free lang 'to hihi. Makakuha na nga lang ng libro!

Naglakad ako papunta sa mga hanay ng libro. May mga maninipis lang at meron ding makakapal, makakapal din ang alikabok kaya inuubo ako. Wala bang nag-aalaga at naglilinis sa lugar na 'to? Sino kayang may-ari?

Pumili ako ng mga libro na maaaring magustuhan ni Eris. Mga mysteries, history, at science fiction ang kadalasang binabasa niya. Nakita ko kasi siya minsan pag nagbabasa tapos gusto niya 'yong makakapal na libro para matagal maubos. Ilan kaya ang kukunin ko?

Nasa kalagitnaan ako ng pagbubuklat sa mga libro no'ng biglang may liwanag na mabilis na bumagsak pero nawala din agad. Ano ba 'yon? Ginugulat lang ata ako. Di kaya ang may-ari na 'yon? Hmmm pipili na muna ako bago siya hanapin.

May mga librong tungkol sa mga gamot pero alam kong alam na ni Lei ang mga ito kaya di na niya ito kailangan. May mga libro ding tungkol sa mga body parts pero alam ko na ang mga 'yon. Meron ding tungkol sa kapangyarihan pero nakakantok pag basahin huhu. Saan ko ba mahahanap ang mga librong gusto ni Eris?

Lumipat ako sa ibang bahagi ng aklatan at nasulyapan ko ang nakausling libro. Ang title niya ay "Deadliest Animals" by Melissa Stewart. Ang isang libro naman ay "Plants That Kill: A Natural History of the World's Poisonous Plants" by Elizabeth A. Dauncey and Sonny Larsson. Wow! Tamang-tama ito kay Eris. For sure magugu-------

"Terra!"

"Ayy pangit!"

"Ang nagulat"

(0_0)

Watdahek? Si Earthremis! Ba't ba lagi siyang nanggugulat? Nabitawan ko pa tuloy ang dalawang libro na kinuha ko para kay Eris. Langyang god na 'to, bakit kaya gusto niyang pumunta ako dito?

"Anong kailangan mo? Ba't ka nagpapakita? Saka required ba talagang gulatin ako ha?" tanong ko sa kanya.

Nakapoker face lang siya at nakaupo sa parang counter. Ano bang trip nito? Hays!

Hala! Baka hinahanap na ako ni RV ngayon. Paktay!

"Pinapunta kita dito para hanapin mo ang libro tungkol sa mga kapangyarihan. Kapag nabasa mo ang tungkol sa kapangyarihan ng lupa at naintindihan ito, kusang mabubuo ang simbolo sa iyong palapulsuhan. Nakita mo ba ang maliit na guhit malapit sa iba mo pang mga simbolo?" tanong pa niya.

Anong sabi niya? Libro tungkol sa mga kapangyarihan? Ba't parang pamilyar sa'kin 'yon? Nabasa ko na ata 'yon kanina. Saan nga ba 'yon nakalagay? Nakalimutan ko!

"Oo pero di pa kumpleto. 'Yon na ba ang simbolo ng earth?"

"Oo, iyon nga. Hindi pa iyon kumpleto dahil hindi mo pa lubusang natatanggap ang kapangyarihan ko. Nagsimula iyan noong nakausap mo ang isang daga na sakop ng aking kapangyarihan. Malalaman mo ang aking sinasabi kapag nabasa mo na ang librong iyon"

Di na ako nag-aksaya ng oras. Bumalik ako sa una kong pwesto kanina dahil alam kong nando'n 'yon. Hinanap ko kaagad ang librong 'yon pero ilang minuto na ang lumipas ay di ko pa rin nakita. Dito lang naman 'yon ah! Saan ba 'yon nagpunta?

"Sa tingin ko ay naroon sa itaas ang hinahanap mo, Terra"

AnoooooO?!

"Ba't sa itaas eh dito lang naman 'yon sa ibaba kanina?" taka ko pang tanong.

"Isipin mo na lang na pagsubok iyan, Terra"

Tae! Terra ng Terra ang isang 'to, kung Terrahin ko siya dyan? Hays kalowka.

P-pero diba hindi ako pwedeng gumamit ng kapangyarihan? 'Yon ang sabi sa'kin ni RV dahil baka aalis ang sinasakyan naming pegasus pag may mase-sense siyang powers! Eh di wala kaming sasakyan pauwi pag gano'n.

Bahala na.

Siguro nga pagsubok ito para makuha ko ang earth element. Kailangan kong gamitin ang kapangyarihan ko para makalipad papunta sa itaas.

Huminga ako ng malalim at lumipad paitaas. Ang daming libro pero may nakita akong nagliliwanag. Ang libro tungkol sa kapangyarihan! 'Yon na nga ang hinahanap ko. Dali-dali ko itong kinuha mula sa kinalalagyan pero kasabay ng pagkuha ko sa libro ay ang pagyanig sa buong lugar.

"Hala! Anong gagawin ko Earthremis? Parang lumilindol! Baka guguho ang lugar na 'to"

Nagsimula akong magpanic at palakas ng palakas ang pagyanig. Sh*t! Anong gagawin ko? Hindi ko pa pwedeng gamitin ang ability ko. Paano ba? Nag-iisip ako ng paraan no'ng biglang may pabulusok na bagay ang papunta sa'kin. Dahil sa gulat ay naiwaksi ko ang kamay ko at pumikit pero wala akong naramdaman na may tumama sa'kin.

(0_0)

Huh?

Anyare?

Tumigil ang pagyanig pero parang naka-pause ang mga bagay-bagay. Ang bagay na bumulusok ay nakalutang pa rin pati na ang mga nahuhulog na libro mula sa itaas.

Did I just stopped the time?

Ako ba? O si Earthremis?

"Bumaba ka na riyan, Terra. Ikaw ang may gawa niyan at hindi ako. Nasa iyo ang ibang mga abilities kaya wag ka ng magtaka" rinig kong sabi ni Earthremis.

N-nasa akin? As in? Totoo? Walang keme?

Bumaba na din agad ako at pagkatapos ay ipinakita sa kanya ang libro. Tumango lang siya at sumenyas na buklatin at basahin ang tungkol sa earth element.

Naalala ko na, ito na nga 'yong libro na binuklat ko kanina. 'Yong sinabi kong nakakaantok pag binabasa, hays.

Sana lang di ako makatulog habang binabasa 'to. Eris, pwede bang pumasok ka muna sa katawan ko bago ko 'to basahin? O di kaya ikaw na lang Daph?

Hays! Para sa earth element, babasahin ko na 'to.

____________________________________
•RAIDEN's POV•

"Maraming salamat po manang. Ang ganda po nito"

"Walang anuman. Nawa'y maging ligtas ka sa iyong pag-uwi"

Yumuko na lang ako at nagpaalam kay manang. May binili akong isang bagay na maaari kong paglagyan sa iniwan sa'kin ng aking ina. Gagamitin ko lang ang binigay niya pagdating ng digmaan.

"Tara na Ae! Do'n ta------- Ae? Aerin!"

Nagulat ako no'ng wala akong nakitang Aerin sa likuran ko. Nasaan na naman ba siya nagpunta? Di pa siya kabisado ang lugar na 'to kaya delikado para sa kanya ang mag-isa. Nagsimula na rin akong kabahan. Kanina lang ba siya wala dito?

"Manang! Nakita niyo po ba 'yong kasama kong babae kanina? Dito lang po kasi siya nakatayo kanina eh"

"Naku iho, di ko siya napansin. Baka naglibot lang iyon at may binili sa iba"

Di na ako nagsalita pa at hinanap si Aerin. T-teka---ang magic bag! D-di kaya may nangyaring masama kay Ae? No, I can't forgive myself pag nangyari 'yon. Ae, where the hell are you?

Dinala ko ang magic bag at nagsimulang maghanap. Nagtanong-tanong na rin ako pero walang makapagsabi sa'kin kung nasaan siya. Nilibot ko ang buong tiangge pero wala akong nakita kahit ni anino ni Aerin.

Damn!

Dapat hinawakan ko na lang sana siya para di siya mawala. Naging kampante ako, f*ck!

Ang pegasus! D-di kaya nando'n siya? Pero bakit niya iniwan ang magic bag? No, nandito lang siguro siya. Baka nag cr or what? Saan ko ba siya hahanapin?

"Ale! May nakita po ba kayong babae na ganito kataas tapos naka-tshirt na may bunny design?"

"Wala eh"
...

"Manong, may nakita po ba kayong babae na ganito kataas, naka-tshirt na may bunny design tapos nakasapatos po?"

"Wala akong nakita"

Aaargh! Nakailang-ikot na ako pero wala pa rin. Ae, nasaan ka ba? Nag-aalala na ako sa'yo. Please show up! Nasaan ka?

"Kuya, hinahanap niyo po ba 'yong babae na kasama niyo kanina?"

Agad akong napalingon sa batang babae na nagsalita at tumango. Sh*t! Alam niya kaya kung nasaan si Ae?

"Nando'n po siya! Nakita ko pong pumasok siya do'n kanina eh"

"S-salamat sa'yo bata, sa'yo na ito"

Tiningnan ko ang tinuro no'ng bata. Tindahan iyon ng mga libro pero halatang sarado at di na ginagamit. Bakit siya pumasok dyan? Bibili ba siya ng libro? Pero bakit di niya ako hinintay?

Sana walang nangyaring masama kay Aerin.

____________________________________
•AERIN's POV

"Aaaaaaaaaaah!" malakas kong sigaw.

Sobrang sakit ng ulo ko pati na ang palapulsuhan ko. Umiilaw ito at ramdam ko ang pagguhit ng simbolo dito. Hinihingal na rin ako at halos mawalan na ng hininga.

"Aaaaaaaaaaaaaah!"

Ang sakit putek! Parang mapuputol ang kamay ko. Di ko kaya! Naiiyak na ako huhu.

Pagkatapos ko kasing basahin ang nilalaman ng aklat ay parang may sariling buhay ang mga letra at pumasok sa utak ko. Naramdaman ko ang malakas na enerhiya na dumaloy sa buo kong katawan na naging dahilan upang lumutang ako.

"Magtiwala ka sa iyong kakayahan. Wag na wag kang magpapadala sa iyong emosyon at hangga't maaari ay maging mapagmatyag ka sa iyong paligid. Ang aking kapangyarihan ay akin ng ibibigay. Tanggapin mo ito at tiisin ang sakit upang ikaw ay mas lalo pang lalakas"

Ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Earthremis ay parang patalim na dumagdag sa sakit na nararamdaman ko. Para akong sinaniban dahil di mapakali ang aking katawan at halos mapaos na ako sa kakasigaw.

Halos isang oras ang tinagal ng sakit na 'yon at para na akong mahihimatay no'ng nakalapag na ako sa maalikabok na sahig nitong bookstore pero bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang boses ng isang tao.

"A-aerin?"

"Freak!"

S-si Glaciero. Boses niya 'yon!

Anong ginagawa niya rito?

N-nakita niya ba ako sa gano'ng sitwasyon?

H-hindi maaari!

Hindi!



-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro