CHAPTER 56: Finally Accepted

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•DARK KING's POV•

Kakaibang saya ang aking nararamdaman ngayon. Kunti na lang at mapapasakin na ang lahat ng kanyang kapangyarihan.

Kapag nakuha ko na ang lahat, saka ko na siya papakawalan at pababalikin sa Lux. Tingnan natin kung anong gagawin niya o kung anong magagawa niya upang pigilan ako.

Ayokong ako ang pumatay sa kanya, mas magandang tingnan kapag unti-unti siyang nahihirapan o di kaya ang mismong taga Lux ang papatay sa kanya BWAHAHAHA.

Wala na din namang siyang kapangyarihan sa araw na 'yon, wala na siyang silbi para sa kanila kaya paniguradong sisisihin niya ang kanyang sarili sa sasapitin ng buong kaharian ng Lux!

Mamamatay siyang may pagsisisi at hindi siya matatahimik kailanman.

"Kamahalan, ang iyong anak-anakan ay narito na"

Napalingon ako sa nagsalita, isang tagasilbi kasama ng aking anak-anakan na nag-aaral din sa Academia nila. Ano na namang pakay ng taong ito rito?

Sumenyas ako sa tagasilbi na iwanan na muna kaming dalawa. Umupo ako sa aking trono at matamang tiningnan ang taong nasa harap ko.

"Anong balita at nagpunta ka rito?" tanong ko sa kanya.

"Ama, napag-alaman kong nakuha nila ang isa sa malalakas nating kasapi, ano ang ating gagawin?"

"Sino siya?"

"Si Asgar po"
 
"Patakasin mo siya" utos ko pa.

"Ngunit ama, hindi ko alam kung saan siya inilagay!"

"Gawan mo ng paraan!" sigaw ko sa kanya.

Lahat may paraan, kung gugustuhin mo ito. Kung hindi niya kaya ang ipinagawa ko sa kanya, ano pang silbi't naging anak-anakan ko pa siya?!

"Opo Ama p-pero maaaring mapahamak ako" alinlangang sagot niya.

Nag-init ang aking ulo sa kanyang sinabi. Naduduwag ba ang taong ito? Ayoko sa lahat ay 'yong naduduwag!

"Kapag hindi mo nagawa ang pinagawa ko sa'yo, tapos na ang pagiging anak-anakan mo sa akin! Umalis ka na!"

Agad naman siyang yumuko at umalis. Pinaiinit niya ang ulo ko. Nawala ang sayang nararamdaman ko kanina at napalitan ito ng inis. Hindi pwedeng hindi makabalik dito si Asgar sapagkat siya ang mamamahala sa mga kawal na papatay sa lahat ng hari at reyna ng Lux samantalang sila Jewel ang sa Academia!

Kailangang paghandaan ang darating na digmaan sapagkat malaki at malawak ang kanilang nasasakupan at gusto kong mawala silang lahat!

"Bantay, tawagin mo si Jewel!" utos ko sa aking bantay.

"Masusunod po, Kamahalan"

Nagsalin ako ng alak sa aking kupita at ininom ito. Kukunin ko na ngayon ang ikaapat na kapangyarihan niya, kailangan ko ng pampagana.
 
Maghanda kayong lahat Luxiers dahil malapit na ang araw ng aking paghihigante. Sisiguraduhin kong dadanak ang masagana niyong dugo na siyang bubuhay sa aking tagumpay!

Malalasap niyo rin ang sakit at hirap na pinatikim niyo sa akin. Babawiin ko ang lahat pati na ang aking taksil na asawa!

Papatayin ko kayong lahat!

____________________________________
•ERIS' POV•

"Mrs. Frey, good morning po"

"Good morning too iha, ang aga mo ah"

"Opo, wala naman po akong gagawin ngayon eh"

"Hala sige"

"Sige po, magbabasa na lang po ako do'n"

Tumango lang sa'kin si Mrs Frey kaya tumalikod na ako at naghanap ng libro na pwede kong basahin. Oo, nandito ako sa library ngayon.

Habang naghahanap, nilalandas ng mga daliri ko ang hanay ng mga libro. Ang sarap sa pakiramdam ang hawakan sila lalo na ang basahin.

Nabasa ko na ang karamihan dito kaya naghahanap ako ng iba na bagong-bago, 'yong hindi ko pa nababasa kahit kailan. Tumingin-tingin din ako sa itaas, baka sakaling do'n ako makakakita at di nga ako nagkamali.

May nakita akong isang nakausling libro, itim na libro to be exact. Kakaiba ang itsura niya at halatang di pa nababasa ng kahit na sino. Tungkol saan kaya ang librong 'yan? Gusto ko siyang basahin.

Akmang kukunin ko na siya no'ng may isang lalaking bigla na lang natisod malapit sa'kin. Ang lampa naman ng isang 'to, di ko naman siya hinarangan ah.

"P-pasensya ka na" nakayuko niyang sabi.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ba't siya nanghihingi ng pasensya eh wala naman siyang ginawa sa'kin?

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot dyan tapos ganyan pa talaga" tanong ko pa.

"S-sinusubukan ko lang naman pong gamitin ang isang spell"

"Spell? Anong spell naman 'yon?"

"P-para po makapagpunta kahit saan kaso di ko pa nababalanse ang katawan ko"

Ah kaya pala.

"Eh bakit dito ka sa library nag-eensayo nyang spell mo? Pwede namang sa training ground ah, wala ka pang masasaktan do'n"

Teka nga lang-----bakit parang ang daldal ko naman ata sa stranger na 'to? Tsk.

"Gusto ko po kasi dito eh saka gusto ko din pong magbasa ng libro"

"Bakit ka ba po nang po sa'kin? Mukha ba akong matanda?" masungit kong tanong sa kanya.
 
Masyado naman siyang magalang, mas matanda pa nga ata siya sa'kin.

"P-pasensya na po ulit-----ay hehe"

Tinalikuran ko na lang siya at nagsimulang maglakad pero agad din akong napatigil no'ng napagtanto kong di ko pa pala nakuha ang librong dapat kong kunin.

Siya talaga ang may kasalanan eh, nakalimutan ko tuloy. Napapikit na lang ako sa in is na nararamdaman ko.

Humarap na lang ako ulit pero nagulat ako dahil ang lapit niya na naman sa'kin.

"Ano ba? Ginugulat mo naman ako eh!"

"Ssssssh silence please" saway sa'min ni Mrs Frey.

Itong lalaking 'to kasi eh, napasigaw tuloy ako dahil sa kanya. Hays, nakakasira ng araw, nakakainis.

"S-sorry ulit, a-ano kasi uhm...i-ito na ang librong gusto mo, k-kinuha ko na"

Jusko naman, ba't ba siya nauutal? May sakit ba siya? Ano bang pakialam ko?

"Hays, akin na nga 'yan. Salamat na lang" sabi ko pa sabay kuha sa librong inabot niya.

Sino ba ang lalaking 'yon? Siguro isa siyang spell chanter na nabibilang sa Lower Class. Tsk, wala akong pakialam sa lampang 'yon.

Tumungo na lang ako sa pinakaborito kong spot dito sa library. Maganda dito dahil tahimik at halos di na ako makikita. Pansin kong maraming ang estudyante dito ngayon.

Pagkaupo ko ay agad kong tiningnan ang libro. Walang nakasulat sa cover nito kaya agad ko 'yong binuklat.

Sa unang page, may nakasulat na mga letrang di ko maintindihan, siguro ito ang title kaya lang paano ko mababasa 'to? Binuklat ko ang next pages, Tagalog naman siya ah! Sadyang ang title lang talaga ang naiiba.

"L-la vida del rey oscuro? Anong ibig sabihin nito? Anong salita 'to?" bulong kong tanong sa sarili.

Ngayon pa lang ako nakabasa ng ganitong mga salita, kakaiba siya kapag binibigkas.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito, siguro itatanong ko na lang kay HM dahil bukod sa lahat, siya ang mas nakakaalam ng mga bagay-bagay.

"A-alam ko ang ibig sabihin nyan" sambit ng isang pamilyar na boses.

Napaangat ako ng tingin at nagulat ako dahil nandito na naman siya. Sinusundan niya ba ako?!

"Ikaw na naman? Ba't ka ba lapit bang lapit ha?!" inis kong tanong sa kanya.

Ayokong kinakausap ako ng hindi ko kilala, mahirap magtiwala sa panahon ngayon saka ang lakas naman ng loob niyang lapitan ako, ako na isang prinsesa.

"P-pasensya na, w-wala na kasing bakante eh kaya dito ako dumiretso. D-di ko naman alam na nandito ka eh saka d-diba di mo alam ang ibig sabihin ng title na 'yan? P-pwede kong sabihin sa'yo"

Napatingin ako sa mga lamesang narito, wala na ngang bakante. Ayoko siyang makasama sa pagbabasa dahil hindi ako sanay saka hindi ko siya kilala at wala akong balak na kilalanin siya.

"Gano'n ba? Sige, pwede ka rito pero aalis na ako at di ko kailangan ng kaalaman mo dahil mas marami akong alam sa'yo. Naintindihan mo?"

Yumuko na lang siya kaya tumalikod na ako. Mas mabuti pang umalis na lang ako kesa uminit ang ulo ko.

Naglakad na ako paalis pero di pa ako nakakalayo no'ng bigla na lang siyang sumigaw.

"The Life of the Dark King ang ibig sabihin nyan!"

Napatigil ako sa paglalakad hindi dahil sa sinabi niya kung anong meaning no'ng title kundi dahil sa pagsigaw niya. Adik ba siya? Aware ba siyang library 'to?

Bago pa ako makalingon sa kanya, sumulpot na si Mrs Frey kaya napayuko na lang ako. Lampa na nga, pahamak pa ang lalaking 'yon tsk.

"Alam niyo naman sigurong bawal ang pag-iingay sa ganitong lugar, hindi ba?" malumanay na tanong nito.

"O-opo" nakayuko kong sagot.

"Bago pa kayo ma ban dito sa library, umalis na kayo. Ililista ko na lang iyang hiniram mo Ms Solier"

Ramdam kong papalapit si Lampa kaya nagmamadali na akong umalis, ni hindi na nga ako nakapagpaalam ng maayos kay Mrs Frey. Panira ng araw ang lalaking 'yon kaya kung maaari ay iiwasan ko siya.

"Sandali!" rinig kong tawag niya pero di ko siya nilingon.

Akmang tatawagin ko ang aking flying dahon no'ng bigla na naman siyang sumulpot sa harap ko at tulad kanina ay di siya nakabalanse, tsk lampa nga.

Di ko man lang napansin, may hawak pala siyang wand.

"Wag ka munang umalis, samahan mo na lang akong magbasa"

Ipinakita niya sa'kin ang librong dala niya habang nakangiti. Tapos ko nang basahin ang librong 'yan kaya walang dahilan para samahan ko siya. Ang swerte naman niya kung papayag ako sa gusto niya.

"Hindi kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka pa" sabi ko pa sabay talikod para umalis.

Hindi siya sumunod pero sumigaw na naman siya. Ang sakit niya sa tenga, laging sumisigaw, parang bakla amputek!

"Eros! Eros ang pangalan ko!"

(0_0)

Ansabe niya?

E-eros? Ba't parang ang lapit naman sa pangalan kong Eris. Sino ba siya? Pinagtitripan niya ba ako? Aaaaargh!

Eros, Eris. Nakakainis naman ang isang 'yon, ba't 'yon pa ang pangalan niya? Para ko naman siyang kambal, tsk.

Makabalik na nga lang sa dorm, do'n ko na lang babasahin ang librong 'to saka tungkol pala 'to sa buhay ng Dark King. Hmmm baka may malaman kami tungkol sa kahinaan niya dito.

Ilang sandali lang ay nakarating ako sa dorm pero nakapagtatakang ang ingay-ingay sa loob na para bang may isang piyesta. Pagkapasok ko'y nakumpirma ang hinala ko, nagpipyesta nga sila in their own ways.

The heck?!

Ang kalat.

"Anong nangyayari dito?" taka kong tanong kay Aerish.
 
"Nagkakasiyahan lang naman kami Eris" sagot naman nito.

"Nagawa niyong magsaya sa ganitong panahon?"

"Minsan lang naman eh saka sini-celebrate lang natin 'yong pagkakaibigan nating lahat"

"Bakit? Anong ibig mong sabihin?"

"Nagkaayos na kasi ang tatlong prinsipe kaya masaya ang lahat"

Nagulat ako sa sinabi ni Aerish at napatingin sa tatlong prinsipe na sinasabi niya. Magkatabi na ang mga ito at nagtatawanan kaya napangiti ako. Sa wakas, natigil na din ang samaan nila ng loob.

Masaya ako para sa kanila.
 
Ngayon, sama-sama na naming lalabanan ang Dark King na 'yon. We'll unite as one and mas malakas ang pinag-isa naming nga puso para gapiin ang kasamaan.

Sana matalo namin sila, sana...

____________________________________
•AERIN's POV•

Wazzup madlang people! Charot lang HAHAHA.

By the way, nandito na naman kaming lahat sa patag. Nagawa na kasi ni Eamon ang dapat niyang gawin, nailabas na din niya ang katauhan niya kapag nakikidigma. What I mean is, 'yong Eamon na nakasuot ng pandigmang kasuotan hihi.

Gwapo siya beh, reto ko sa inyo? Sssshh lang ah. Ayy nandito nga pala ang lahat ng gods ang goddesses, final training ko na daw kasi 'to ey.

Yeeeeey! Makakauwi na ako, miss na miss ko na ang lahat do'n sa labas. Ako kaya? Miss nila?
 
"Snow, Eamon, kayong dalawa ay dapat na maglaban upang makita namin kung may natutunan ba kayo sa inyong pagsasanay" sabi pa ni Iciel.

"Opo"

"Eamon, kapag natalo ka ay dapat mong harapin ang isang oras na pahirap upang mas lalo ka pang lalakas. Lagi mong tatandaan na sa oras ng digmaan, kung sakali mang dumating ang puntong mahihirapan si Leighra ay wag kang mag atubiling isakripisyo ang iyong buhay para sa kanya"

Nagulat ako sa sinabi ni Volt. M-magsasakripisyo siya para sa'kin? Parang hindi ko kayang may mamamatay para sa'kin.

"Opo, tatandaan ko po 'yan" sagot ni Eamon.

Ba't parang ayokong mangyari ang sinasabi nila? Hays.

"Aerisha, kapag nanalo ka ay pwede ka ng makauwi" nakangiting sabi ni Hera.

Na miss ko din siya hihi.

"Oo nga Darya! Kapag nanalo ka, ibig sabihin handa ka na" sabi naman ni Mira.

"Freya, mag-iingat ka at wag magpadalos-dalos" sambit naman ni Freymo.

Ano 'to? Huling tagubilin? Akala mo talaga mamamatay ako ey HAHAHA.

"Terra, sana'y magtagumpay ka. Wag na wag kang susuko kahit gaano kahirap hangga't hindi ka nagtatagumpay" sabi naman ni Earthremis.

"Oo naman, ano ba kayo? Kinabahan na ako sa inyo ah"

Ang we-weird kasi eh, parang may alam sila na di ko alam.

"Magsisimula na!"

Napahinga ako ng malalim at pumunta sa gitnang bahagi nitong patag. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na lumipad paitaas silang lahat.

"Terra! Wag kang mag alinlangan na labanan ako, okay?"

"Oo naman noh, di ako maaawa sa'yo! Saka hoy Eamon, kapag natalo kita, sasagutin mo ang lahat ng itatanong ko ha?" paninigurado ko pa sa kanya.

Nagkausap na kaming dalawa kagabi eh pero gusto ko lang talagang maniguro, baka dayain ako ng isang 'to.

"Oo, pangako 'yan!"

"Wag kang mangako, dapat gawin mo talaga"

"Oo na nga eh"

Di tulad ni Glaciero, nangakong magtatagalog pero pinapadugo na naman ang ilong ko. Nakuuu lagot talaga ang isang 'yon sa'kin!

"Sa aking hudyat, magsimula na" rinig kong sabi ni Iciel.

May kung anong bagay ang mabilis na sumabog sa itaas namin na naging dahilan upang magsilaglagan ang mga snowflakes.

Woah! Ang sosyal naman ng hudyat ni Iciel, pfffft.

Ayy dapat mag seryoso ako ngayon dahil kahit protector ko 'yang si Eamon, alam kong di rin siya magdadalawang-isip na talunin ako. Sino bang may gusto no'ng isang oras na pahirap? Kahit ako, ayoko noh!

Special ang kapangyarihang meron si Eamon. Kaya niya akong makita kapag naka-invisible ako, kaya niya ring malaman kung saan ako papunta kapag nag teleport ako kaya dapat akong mag-ingat.

Espada ang sandatang meron siya at para itong may sariling buhay na bumabalik sa kanya ng kusa, para siyang si Thor gano'n kaya lang maso ang gamit no'n.

Ginagabayan din siya ngayon ng mga gods and goddesses, ibig sabihin ay pwedeng gamitin ni Eamon ang kapangyarihan ng mga ito.

"Yaaaaaah!" sigaw ni Eamon sabay pinakawalan ang espada niya.

Mabilis itong bumulusok papunta sa'kin kaya ilag lang ako nang ilag pero kahit saan ako magpunta ay sinusundan ako nito. Wala akong ibang naisip na paraan kundi ang gumawa ng portal na pwede kong pasukan, pumasok din ang espada niya kaya nasundan pa rin ako.

Sh*t! Kakaiba talaga ang espada niya.

Pagkalabas ko sa portal ay mabilis akong lumipad at gumawa ng isang espada na gawa sa apoy. Naglalaban kaming dalawa ng espada niya ngayon. Hays! Ang daya ng Eamon na 'yon ah, pinapagod niya lang ata ako eh.

Espada pa talaga ang hinayaan niyang lumaban sa'kin, kalowka siya.

Bumaba ako sa lupa at nag-isip ng iba pang paraan, sinusundan pa rin ako nito. Ano bang gagawin ko?

Mag-isip ka naman Aerin!

Tama!

Gumawa ako ng limang clone, ako ang pang-anim. Sa tulong ng kapangyarihan ko ay inutusan ko silang ikutan ako pagkatapos ay nakihanay ako sa kanila. Nakita kong nakalutang na lang sa hangin ang espada, hindi alam kung sino ang tatamaan.

Whew! Ang talino ko talaga hihi.

Bumalik ang espada sa amo niya at gulat namang napatingin si Eamon sa'min. Kamukhang-kamukha ko ang mga clones, naaalala ko tuloy 'yong first time kong makakita ng cloner. Nakakahiya ang reaksyon ko no'n HAHA.
 
Hinayaan kong magsalita ang isa kong clone para isipin niyang ako 'yon, isa itong strategy ng panlilinlang at magaling daw dito ang Dark King.

"Ano Eamon? Hindi mo na alam kung sino sa'min ang totoo?" ngising tanong ni Clone 3.

"Oo nga, kaya humanda ka" sabi naman ni Clone 5.

"Tatalunin kita!" sabat ni Clone 2.

Sabay-sabay kaming umatake at dahil magaling si Eamon ay nagawa niyang patayin ang dalawang clone. Waaaah huhu talagang desidido siyang manalo.

Ano ba 'yan Eamon? Pagbigyan mo na lang kasi ako, ililibre kita ng snacks pagdating natin sa Luxier!

'Hindi pwede, ayokong harapin ang isang oras na pahirap Terra'

(0_0)

Huh? Kaya niya ding makipag-usap sa'kin gamit ang isip? Grabe, napakamisteryo naman nitong si Eamon. Ang dami niyang kayang gawin.

'Bakit? Natatakot ka ba do'n?'

Patuloy lang kami sa paglalaban habang nag-uusap ang mga isip namin. Malakas siya kaya minsan nagagawa niya akong patumbahin.
 
Naku naman ey!

Nagulat ako no'ng ngumisi siya sa'kin. Teka------don't tell me, alam niyang ako ang totoo?

Napalingon ako sa mga clone, tatlo pa naman kami pero parang alam niyang ako ang totoong Terra. Paktay! What to do?

Gumawa ako ng air tornado at ipinasok si Eamon do'n. Nagsisigaw siya sa loob kaya wala na akong sinayang na panahon, nagpalabas ako ng mga earth spikes at ibinato sa kanya.

Kaya lang, di nagtagal ay naglaho na lang na parang bula ang tornado na ginawa ko kanina. P-paanong-------

"Alam mong pwede kong gamitin ang kapangyarihan nila, Terra" ngising sambit nito.

May mga water blades ang papalapit sa'kin kaya umilag ako sabay tira sa kanya ng air balls, sa air kasi ako sanay eh hays. Ginamit ko na din ang apoy at ipinantapat ko sa tubig niya. Mas malakas na enerhiya ang ginamit ko para kusang mag evaporate ang tubig na 'yon.

Nawala ang mga clones kaya ako na lang ang nakikipaglaban ngayon. Gumawa siya ng halimaw na gawa sa ice kaya nagulat ako.

Jusko! Pwede niya ng magamit ang kapangyarihang 'yon samantalang ako hindi! Abaaaaa ang unfair nila ah.

Pero hindi ako magpapatalo, alam ko kung paano 'yan talunin! Tinuro na sa'kin ni Iciel 'yan ey saka napatunayan ko na 'yon sa kanya. Again, ginamit ko ang apoy at ibinato sa halimaw na 'yon pero hindi man lang siya napano.

Naku naman Eamon, ang daya mo ah. Akala mo hindi ko kayang gumawa ng ganyan? Pwes! You're wrong. Gamit ang kapangyarihan ng lupa, gumawa din ako ng isang nilalang na kasinlaki ng ginawa niya.

Silang dalawa ang naglalaban ngayon kaya hinarap ko si Eamon. Pinagbabato ko siya ng mga bato pero salag lang siya nang salag. Mas lamang ako sa kanya kasi may limitasyon ang paggamit niya sa mga kapangyarihan ng mga gods and goddesses pero ako? No limits!

Yeeeeeey! Lagot ka sa'kin Eamon, humanda ka. 

Huminga ako ng malalim at pumikit. Gagamitin ko na ang pangalawa kong katauhan, ang tinatawag nilang Luna. Kapag ito ang ginamit ko, seryoso ako at walang ibang iniisip kundi ang talunin ang kalaban.

Kapansin-pansin ang gulat sa mukha ni Eamon, hindi niya alam ang tungkol sa katauhan kong 'to at hindi niya ito inaasahan.

Kaya kong pagsabayin ang dalawang kapangyarihan at alam kong isang beses niya lang magagamit ang kapangyarihan ng mga gods and goddesses.

Nagamit na niya ang tubig at ice kaya wala siyang panama sa apoy ko pero alam kong may iba pa siyang mga abilidad dahil tulad ng sabi ko may espesyal siyang kapangyarihan. 

Agad ko siyang inatake at nagteleport papunta sa likuran niya pero tulad din ng sabi ko kaya niyang malaman kung saan ako papunta kaya nasipa niya ako. Napapansin kong mabilis ang kilos niya na tulad no'ng mga kulisap na dinadakip ko kaya nagkaroon ako ng ideya kung gaano ako kabilis iilag sa mga atake niya.

Mabilis ding kumilos ang espada niya pero nagawa ko itong pigilan gamit ang telekinesis ko. Nasa akin ang lahat ng abilities pero hindi lahat ay pwedeng gamitin, depende 'yon sa sitwasyon.

Gamit ang apoy, nagawa kong tunawin ang espada kaya napaawang siya ng bibig. Hindi niya 'yon inaasahan, opkurs. Nilingon ko ang dalawang nilalang, naglalaban pa rin ang mga ito.

"Terra! Ang lakas mo!" mangha niyang sabi.

Kinuha ko ang pagkakataong 'yon para atakehin siya pero may bigla na lang siyang isinaboy na isang pulbura na kulay berde. T-teka-----l-lason ba 'to? Dahil sa naisip, agad kong pinigilan ang paghinga ko.

Langyang protector 'to ah. Ito ba ang silbi no'ng paglublob ko sa tubig nang hindi humihinga? Jusko, pampatay na talaga ang ginagawa ng isang 'to.

Hindi ko alam kung sadyang bobo o tanga itong taong 'to eh, alam naman niyang lason ang isinaboy niya pero di man lang inisip na pwede din siyang malason.

Kaya ngayon, hawak-hawak na niya ang leeg niya at parang nagpipigil din ng hininga. Ni hindi ko pa siya nasugatan dahil sa shield niya pero parang siya lang ata ang makakatalo sa sarili niya eh. 

Gusto ko siyang tulungan pero naaalala ko ang sinabi ni Caeli at ng mga gods and goddesses na hindi ako dapat magpapadala sa emosyon ko dahil 'yon lang ang ikakapahamak ko.

*Grooooowl!*

Nilingon ko ang dalawang nilalang, natalo na ng halimaw ko ang halimaw niyang gawa sa ice. Natutunaw ang ice kaya hindi iyon nagtatagal.

"T-terra, t-tulungan mo'ko! A-ayoko pang m-mamatay" pigil-hininga niyang sabi.

Nagdadalawang-isip ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong parts pa rin ito ng laban dahil hindi man lang bumaba ang mga gods and goddesses. Anong gagawin ko?

"T-terra!"

"Ano ka ba naman Eamon!? Hindi ka kasi nag-iisip eh kaya nangyari 'yan p-pero sorry, di kita pwedeng tulungan!" sambit ko na lang.

*clap! clap! clap!*

(0_0)

May narinig akong pumapalakpak, ang mga gods and goddesses! B-bumaba na sila, ibig sabihin tapos na ang laban?

"Magaling Aerisha!"

"Nagawa mo Darya!"

"Freya, ang bagsik talaga ng second persona mo!"

"Binabati ka namin, Terra"

"Magaling ang ginawa mo Snow, nagawa mong pigilan ang emosyon mo lalong-lalo na ang awa"

"Nagamit mo rin ang ilan mong kaalaman mula sa'yong pagsasanay dito Leighra kaya karapat-dapat mo ng matanggap ng buo ang aming kapangyarihan"

Nagulat ako sa sinabi ni Volt and at the same sobrang saya ko dahil nagtagumpay ako sa pagsubok na binigay nila. Worth it ang lahat ng paghihirap ko dito sa loob ng dalawang linggo.

"Pumikit ka na Snow"

Agad naman akong pumikit at ramdam kong hinawakan nila ang balikat ko. May binanggit silang mga salita at parang naiintindihan ko ang mga ito. I-ibibigay nila ang kapangyarihan nila sa'kin nang walang hirap at sakit na mararamdaman.

Gumaan ang pakiramdam ko, para akong nakalutang. Iminulat ko ang aking mga mata at literal pala talagang nakalutang ako at dahil 'yon sa kapangyarihan nila.    

Umiilaw din ang wrist ko at nakita ko pa ang unti-unting pagguhit ng mga simbolo dito. Hindi tulad ng nauna, wala akong naramdamang kahit na anong sakit. Ang ganda ng mga simbolo! Sobra.

Tiningnan ko sila sa ibaba, nakatingala sila sa'kin. Nakangiti ang mga ito at parang masayang-masaya sila pero may napansin ako...

"Ang ating pinili ay ganap ng makapangyarihan"

Sabay nilang itinaas ang kanilang kanang palad at para akong binabasbasan.

"Nawa'y magtagumpay ang ating pinili na iligtas ang kaharian ng kabutihan laban sa kasamaan. Talunin ang masasamang nilalang at ibalik ang kapayapaan. Isakripisyo ang dapat isakripisyo para sa kapakanan ng lahat. Ang buhay ay mahalaga pero walang katuturan kung ang panangis ng karamihan ang mamayani. Ang buhay ay katumbas ng tagumpay at kapayapaan. Ikaw ay pinapayagan na naming makabalik sa inyong pinanggalingan" sabay nilang sambit habang nakapikit.

Napapikit din ako sa sobrang liwanag na lumabas sa kanilang lahat. Masakit iyon sa mata at para akong mahuhulog. Hinayaan ko na lang ang sarili ko dahil for sure, uuwi na ako pero agad akong napaisip, s-si Eamon? K-kasama ko kaya siya? Paktay! Nalason nga pala ang isang 'yon.

"Terra? Terra? Terra"

May naririnig akong tumatawag sa'kin pero di ko maimulat ang mga mata ko. Iniisip ko kasi si Eamon eh, kung okay lang ba siya o kung ligtas ba siya.

'TERRA!"

"Ayy kabayo!"

Dahil sa lakas ng pagyugyog at tawag sa'kin, nagising ako at agad na napaupo.

"H-hanya?" gulat kong tanong.
 
Nandito si Hanya!

Inilibot ko ang aking paningin, n-nandito na ako sa loob ng isang kwarto kung saan ako nakatulog. I-ibig sabihin, nakabalik na ako sa mundo ko? Makakauwi na ako!

"H-hanya? May nakita ka bang kasama kong bumalik dito?" tanong ko sa kanya.

"Kasama? Wala akong nakitang kahit anong sumulpot dito Terra"

Wala?

Kung wala, n-nasaan si Eamon? Hindi ko ba siya makakasama dito? Eh diba protector ko siya?

H-hindi kaya naiwan ko siya do'n?

No, hindi pwede.

Di bale, tatanungin ko na lang si Hera kapag kakausapin nila ako ulit. Ngayon, dapat na akong maghanda para sa pagbabalik ko sa Academy.

Na miss ko sila lalo na ang bff ko, magke-kwento ako sa kanya tungkol sa nangyari hihi.

Malapit na ding malaman ng mga taga Lux ang tungkol sa'kin. Sana magtagumpay kami sa darating na digmaan.

Sana maging masaya sila dahil nasa kanilang panig pa rin ang totoong The Chosen Heiress at sana hindi sila magagalit kay Yesha.


-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro