CHAPTER 65: He's free from the curse

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•ERIS' POV•

Dalawang linggo.

Dalawang linggo na pala simula no'ng naging boyfriend ko si Ice at sa loob ng mga araw na 'yon, pinaramdam niya sa'kin ang mga bagay na gusto kong maramdaman.

Alam kong naging makasarili ako pero wala na akong pakialam pa do'n. Ang gusto ko lang ay may magmamahal din sa'kin tulad ng pagmamahal ko sa kanila.

Ngayong araw ang huling araw namin ngunit nandito na si Freyda, nagpakita na siya sa'kin.

"Eris, alam mong ngayon ang huling araw ng kasunduan natin at maya-maya lang ay magpapakita na ako kay Ice, wag mo sanang kalimutan ang gagawin mo" rinig kong sabi niya.

Napabuntong-hininga ako, parang ang bilis lang ng araw. May hangganan talaga ang lahat at wala ka ng magagawa pa do'n.

"Oo, s-sa araw ng digmaan ay p-papatayin ko siya" sagot ko naman.

Buhay ni Aerin ang kapalit ng kasiyahang pinalasap sa'kin at dapat magawa ko ang bagay na 'yon dahil kung hindi, mapupunta sa akin ang sumpa.

At ayokong mangyari sa'kin 'yon.

Nawala na agad si Freyda at biglang sumulpot sa likuran ni Ice na kanina ko pa tinititigan. Lumapit ako ng kaunti para marinig ang kanilang pag-uusap.

"Ice!" tawag sa kanya ni Freyda.

Lumingon si Ice at wala man lang kahit na anong emosyon ang makikita sa mga mata niya.

"Sa aking kagustuhan, binabawi ko na ang aking sumpa! Ikaw ay aking pinalalaya" sambit ni Freyda.

Bago pa siya umalis ay lumingon pa siya sa'kin na parang pinapaalala ang dapat kong gawin.

Patawarin mo ako Aerin ngunit kailangan ko ang buhay mo, kapalit ng kalayaan ko at ni Ice.

Nakayuko akong lumapit kay Ice at umupo sa tabi niya. Alam kong hindi niya ako kayang mahalin dahil sa mga nagawa kong kasalanan pero wala akong pinagsisihan no'n.

Masaya ako kasi naging akin siya kahit panandalian lang pero umaasa pa rin akong titibok ang puso niya para sa akin.

Kahit napakaimposible nitong mangyari.

"I-ice, p-pinapalaya na ki------------"

"Not now Solier, not now"

(0_0)

A-anong ibig niyang sabihin? Ayaw niya bang hiwalayan ko siya? G-gusto na kaya niyang totohanin namin ang lahat?

"W-what do you mean?" tanong ko pa.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at may kunting pag-asa akong nararamdaman dahil do'n.

M-mahal na kaya niya ako?

Sana....

"I need you to act as my girlfriend as long as that f*ckin' man and freak are together" sambit niya sabay alis.

Naiwan akong naguguluhan sa sinabi niya. Man and freak? I-ibig sabihin, gagawin niya akong panakip-butas? Pampaselos kay Aerin?

Is he jealous sa kanila ni Aerin at no'ng kasa-kasama niyang lalake?

Gagamitin niya ako? Bakit hindi? Kung 'yon lang ang paraan para makasama ko pa siya ng matagal, handa akong magpagamit.

Dahil sa pagmamahal ko kay Ice, wala na akong pakialam pa sa sasabihin ng iba.

____________________________________
•AERIN's POV•

"Terra, bakit parang blooming ka ngayon? In love ka na ba sa'kin?"

Agad akong napainom ng tubig dahil sa sinabing 'yon ni Eamon, may balak pa atang patayin ako sa gulat! Kalowka, ano na naman bang hinithit ng isang 'to?

"Eamon, okay ka lang?" nakataas-kilay kong tanong.

Ang echos! Blooming daw tapos in love? Saan naman niya napulot ang ganyang mindset?

"Oo naman! Makasama lang kita, okay na ako eh" sagot niya sabay taas-baba ng kilay.

Abaaaaa! Saan naman kaya nakalanghap ng confidence ang isang 'to? Ang kapal na ng apog ah.

"Ako ba'y pinagtitripan mo ha? Kumain ka na lang dyan kung ayaw mong ipalunok ko sa'yo lahat 'yan" pagbabanta ko pa.

"'To naman, ang taray eh"

Inirapan ko na lang siya at di na pinansin pa. Kitang kumakain 'yong tao, bigla-biglang babanat ng ka-cornyhan, naku.

"Pero alam mo Terra, masaya ako para sa'yo kasi medyo nababawasan na 'yong tinik sa lalamunan mo" seryoso niyang sabi.

Kailan pa ba nagkakatinik ang lalamunan ko? Charot. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin at tama siya, medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil wala na akong iisipin tungkol sa mga magulang ko.

Ang bff ko, si Ice, ang mga taga Tenebris at taga-Lux na lang ang iniisip ko. Paano ko ba makakaya ang lahat?

"Salamat Eamon. Kung wala ka siguro, malamang mag-isa lang ako ngayon" nakangiti kong sabi.

"Ang drama ah!"

"Heh! Ikaw ang nag-umpisa dyan" nakairap kong sagot.

Minsan talaga di ko makuha ang timpla nitong si Eamon. Bigla-bigla na lang seseryoso tapos magloloko, babanat ng kung ano-ano tapos tatawanan naman ako.

Baliw nga ata ang unggoy na 'to.

"Siyanga pala Eamon, wala ka bang elemental power?" tanong ko pa.

Hindi ko kasi napapansin na gumagamit siya ng gano'n eh kaya nagtataka ako.

Nakita ko namang napayuko siya at parang may malalim na iniisip. Nag-iisip din pala ang isang 'to? Himala ah.

"Wala, mga abilities lang ang meron ako pero unlike sa iba, marami ang mga abilities ko"

Napatango naman ako sa naging sagot niya. Kahit wala siyang elemental power(s), parang katumbas lang din naman ang halaga no'n sa mga abilities niya.

Kakaiba din pala siya sa lahat tulad ko. Marami akong elemental powers samantalang marami naman siyang abilities.

Perfect combination, jowk.

"Pero kahit wala akong elemental power tulad mo, gagawin ko pa rin ang lahat kahit na kakalabanin ko pa ang ama mo"

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko kasi siya maiintindihan. Kakalabanin niya ang ama ko? As in? Weeeeeh? Kaya niya? Asa.

"Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong.

"Kakalabanin ko siya, ibigay niya lang sa'kin ang mga kamay mo"

(0_0)

K-kamay ko?

Agad naman akong tumigil sa pagkain at itinago sa likuran ang mga kamay ko.

"Oh? Bakit mo itinatago ang mga kamay mo?"

"Hoy Eamon! May dalawa ka ng kamay kaya wag mo ng pagdiskitahan itong akin" sabi ko.

Tumawa naman siya ng tumawa kaya napapalingon na sa amin ang mga estudyanteng narito sa cafeteria, nakakahiya! 

Tinakpan ko na lang ang bibig niya gamit ang kamay ko pero di ko sinasadyang mapatitig sa mga mata niya.

A-ang ganda ng mga mata ni Eamon, p-parang hihigupin ako. Parang nakikita ko ang aking repleksyon sa mga mata niya.

"A-ang ganda" wala sa sarili kong sambit.

"Oo, ang ganda nga"

(0_0)

Agad naman akong napalayo sa kanya at uminom ng tubig. Sheeeet! K-kinakabahan ako. Langya! Ba't ko ba siya tinitigan? Huhu baka lalaki ang ulo nito eh.

"Ikaw Terra ah, may pagnanasa ka pala sa'kin ah" nanunuya niyang sabi.

Tae! Sabi ko na nga ba eh.

"Heh! Tumigil ka nga dyan, asa ka pa. Tapos na akong kumain, bilisan mo"

Patawa-tawa naman niyang tinapos ang huli niyang pagkain pagkatapos ay sabay na din kaming tumayo para pumunta sa training ground.

Patuloy pa rin kasi kami sa training kahit na tapos na naman ako. Kailangan ko pa ring pumunta at makisali kasi baka magtaka sila pag wala ako do'n diba?

Di ko naman pwedeng sabihin na on-mission ako dahil kahapon lang ibinalita ni HM ang pagtigil ng mission activities, wala na ring mages ang pinayagang lumabas.

Pero bago kami makaalis ay nagpaalam pa munang mag-cr sandali sa Eamon, humirit pa ang loko na samahan ko daw siya.

Ano siya? Siniswerte? Namumuro na siya sa'kin ah.

Hinintay ko na lang siya sa may pintuan ng cafeteria pero as usual, may kontrabida na namang lumapit.

Remember Lily, Jaxiee and Aida? Naalala niyo sila? Sila kasi hindi na nakakaalala do'n sa revenge namin ni RV dati, huehue lamang pa rin kami sa kanila.

"Ow! Look who's here?" panimula ni Lily, ang cliché ng linyahan.

"Ako si Aerin, anak ni ina at ama" pang-iinis ko pa.

HAHAHA naalala ko lang si Khalil do'n sa Encantadia ba 'yon? Nanunuod ako dati nyan eh no'ng 8 years old pa ako hihi.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko!" sigaw niya sa'kin na kumuha ng mga atensyon sa iba.

Attention seeker, amp.

"Eh di sana bumanggit ka ng pangalan diba?" dagdag ko pa.

Taray!

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bakit ba lapitin ka ng mga lalake? Ganyan ka ba talaga kalandi?"

Abaaaa! Inggit lang ata ang isang 'to, di na lang magsabi, nakuuuu.

"Well, wala akong magagawa do'n kung mas maganda ako kesa sa inyo kaya nilalapitan nila ako"

Hehe ang kapal ko ba?

"Bakit parang tumapang ka ngayon?" nakataas-kilay niyang tanong.

"Napagtanto ko kasing mas magaling at malakas pa ako sa inyo eh" ngisi kong sagot.

Ano ka ngayon, b*tch?

"Wow! Bakit mo naman nasabi 'yon?" pasiring na tanong ni Aida.

"Oo nga! How? Haw you layk dat?" dagdag naman ni Aida.

Sus! Kung alam niyo lang noh. Ang sakit niyo sa bangs kahit wala akong bangs, jusko!

"Nanalo kasi ako dati sa battle eh kayo? Ano? Sasabihin ko pa ba?"
 
Hindi dapat tayo magpapaapi mga beh kasi madedemonyo ang utak ng mga ito ey.

"Aba't ang kapal mo ah!"

Akmang sasampalin ako ni Lily no'ng biglang may sumalo sa kamay niya. Ayan! Dumating na ang knight in shining armour ko kahit wala siyang armour hihi.

"Masyadong mainit ang ulo kaya maligo ka muna" sabi nito kay Lily sabay buhos ng tubig.

Di naman makapaniwala ang tatlong bibe sa ginawa nitong lalake pero agad din naman sila ng nag walkout.

Nagulat pa ako dahil akala ko si Eamon ang dumating, hindi naman pala. Jusko, baka pati ang isang yon eh na flush na din.

Ano pang silbi ng pagiging protector niya kung iba naman ang gumagawa no'n?

"Hey! Okay ka lang?" untag niya sa'kin.

Napakurap naman ako ng ilang beses at nginitian siya.

"Salamat ha? Kaya ko naman sila eh, sinasabayan ko lang" sabi ko pa.

"Alam ko pero gusto ko lang siyang pigilan. By the way, ako nga pala si Eros"

Ow, ang ganda naman ng pangalan niya, parang may meaning din.

"Ako naman si Aerin"

"Alam ko kaya nga lumapit agad ako no'ng nakita kita eh"

"Huh? Bakit naman?"

"Alam kong alam mo kung saan nila inilagay ang bihag na dark mage, inutusan kasi ako ni HM na i-check ko daw siya eh kaso nakalimutan ko namang itanong kung saan 'yon" nakanguso niya pang sabi.

Pffffft, parang bata ey.

"Gano'n ba? Eh bakit hindi mo na lang puntahan si HM sa office niya? O di kaya sa mga Royalties ka nagtanong?" tanong ko naman.

"Umalis kasi si HM kanina eh, di ko alam kung saan na siya saka nakakahiya namang magtanong sa mga Royalties. Tulungan mo na lang ako"
 
Sabagay, kahit ako ang nasa katayuan niya, mahihiya talaga ako kasi parang ngayon ko lang siya nakita dito eh.

"Oh sige pero hindi kita masasamahan ah, kailangan pa kasi naming pumunta sa training ground eh"

"Oo, ako na lang"

"Si HM ang nagkulong sa bihag, inilagay niya ito sa isang crystal ball na nasa aparador niya pero siya lang ang nakakaalam kung paano buksan 'yon kaya hanggang do'n na lang ang masasabi ko sa'yo" kwento ko pa.

Ang sosyal naman kasi ng kulungan ni HM.

"Kung gano'n, kailangan ko pang makita ang Headmaster" bulong pa nito.

"Anong sabi mo?" taka kong tanong, hindi ko kasi narinig eh. 

"A-ah w-wala, sabi ko hindi naman pala mahirap makita kung nasaan hehe. A-alis na ako ha? Baka kasi makita ako ni HM tapos hindi ko pa pala nagawa ang pinapagawa niya sa'kin, lagot ako" sabi pa niya sabay alis.

Hindi ko na lang siya pinigilan pa  at lumingon-lingon na lang sa paligid. Si Eamon, nasa isang table at nakaupo.

Abaaaa! Kanina ko pa siya hinihintay tapos may gana pa siyang umupo dyan? Naku, lagot ka sa'king unggoy ka!

"Eamon! Ba't ang tagal mo?"

"Ako pa matagal? Eh kayo nga ang tagal mag-usap eh"

Eh?

Nakita niya pala kami?

Malamang, may mata siya eh.

"Eh kasi tinulungan niya ako laban do'n sa masasamang nilalang eh ikaw? Protector pa naman kita"

"Sorry na, sa susunod hindi na ako mahuhuli ng dating"

"Dapat lang noh, ayoko sa late comers" sabi ko pa.

Hehe mema lang, lagi nga din akong late dati hihi.

"Pero Terra, it's better to be late than never naman diba?"

Aba'y gusto pang lumusot.

"Heh! Mga palusot mo, tara na nga" aya ko na lang sa kanya.

"Yes ma'am!" sigaw pa niya sabay saludo.
 
Haynaku, mababaliw ako sa unggoy na 'to eh.
 
____________________________________
•FAERO's POV•

"Hoy pareng Faero! Mabuti naman at nandito ka na" tawag sa'kin ni Cold.

Nahuli ako ng dating sa training ground pero mukhang may mas nahuhuli pa sa'kin, sila Aerin at 'yong kasama niya.

I wonder, bakit kaya sila laging magkasama? Ay Oo nga pala, mag boy/girlfriend nga pala sila.

I'm happy for them, sana ganyan din kami ni Chosen though I don't know if she's okay. I really hope so, nag-alala na ako sa kanya.

"Hoy pre!" untag sa'kin ni Cold.

"Sorry, nakatulog lang" sabi ko na lang.

"Mukhang napapadalas ang pagtulog mo ah, masama 'yon"

Napabuntong-hininga na lang ako dahil do'n. Oo, madalas akong natutulog dahil umaasa akong magpapakita na naman siya sa panaginip ko pero hindi ko siya nakita.

Hindi na siya muling nagpakita sa'kin simula no'ng narinig namin at nasaksihan ang pagkulog at pagdilim ng kalangitan.

H-hindi kaya may kinalaman siya sa nangyaring 'yon? Ano kayang ginawa sa kanya ng mga taga-Tenebris? F*ck! Hindi ko sila mapapatawad pag may masamang nangyari sa kanya.

"Tara na pre, magsisimula na"

Kahit sa training ay siya pa rin ang naiisip ko kaya minsan ay napapagalitan ako ng training master namin.

Hindi dapat ako nagkakaganito dahil maraming umaasa sa akin at isa na siya do'n kaya kailangan kong mag-ensayo ng mabuti para mailigtas ko siya.

Nag focus na lang ako sa training at ginawang inspirasyon si Chosen. She makes me more stronger kaya naman humanga sa'kin ang training master.

Kung tutuusin, marami na kaming natutunan. Malakas na kami at handa na pero ginagamit na lang namin ang huling mga araw sa pagte-training, hinihintay na lang kasi namin ang paglusob nila.

Wait for me Chosen, maililigtas din kita.

Lumipas ang ilang oras ay binigyan kami ng ilang minuto para magpahinga. Uminom muna ako ang tubig at pumunta sa may itaas na bahagi ng training ground.

Inilabas ko ang kwentas, 'yong pendant ay 'yong napulot kong bato sa Dark Forest, kay Luna ito.
 
Ang sabi ni Chosen, siya si Luna pero hindi ko siya maramdaman kapag tinitingnan ko ang kwentas na 'to. Parang hindi sa kanya pero ayokong mag-isip ng kung ano-ano, ayoko siyang pagdudahan.

Mahal ko siya at tatanggapin ko siya kahit na ano pa siya.

"Paging all the Royalties and Ms Aerin Sandoval to please come at Headmaster's office"

"Paging all the Royalties and Ms Aerin Sandoval to please come at Headmaster's office"

Ano naman kayang kailangan ni HM? Baka may sasabihin siyang importante sa amin.

Agad akong bumaba sa kinaroroonan ng iba kong kasama. Naabutan ko ang mga Royalties na nakatingin sa kanila ni Aerin.

"Hindi ka naman tinawag kaya ba't ka sasama?" tanong ni Aerin sa boyfriend niya.

"Love naman, baka pwede lang eh"

"Hindi nga pwede eh"

Napangiti ako, they looked good together. Nag-aasaran sila and I found it cute.

"Aerin, you can bring him. So, tara na?" aya ko pa.

"Let's go, don't waste our time" malamig na sabi ni Ice.

Feels like nauunahan ka na talaga ng iba, Ice.

"Sabi sa'yo pwede eh" rinig kong sambit ni Eamon, ang boyfriend niya.

"Heh! Nakakahiya, ikaw talaga" bulong naman ni Aerin sa kanya.

Napailing na lang ako at nauna na. Ilang sandali lang ay nakarating agad ako sa office ni HM, nakita ko siyang nakaupo at parang may hindi magandang nangyari.

"Good afternoon HM!" bati ko sa kanya pero nanatili lang siyang nakahawak sa noo niya.

Ano kayang nangyari?

Di nagtagal ay dumating na din ang iba pa pero tulad ko ay nagtaka din sila sa ikinikilos ni HM.

"Hi po HM!"

"Hello po"

"Good afternoon HM"

"Hey!"

Pagkatapos naming maupo ay saka pa nagtaas ng tingin si HM. Tiningnan niya kami isa-isa at umayos din siya ng upo.

"HM, ano pong meron?" tanong sa kanya ni Aerin.

"Nakatakas ang bihag natin" diretsang sabi niya.

Nagulat kami sa sinabi niya. Paanong nakatakas ang bihag eh wala namang pwedeng makagawa no'n maliban sa kanya?

"How did that happened, Old man?" ramdam ko ang inis sa pagtatanong ni Ice.

"May pumasok rito at hinahanap ang bihag. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya, bigla na lang niya akong kinontrol. Malakas ang kapangyarihan niya kaya hindi ko nagawang makawala sa kanya"

Huh?

Sino naman kaya 'yon? Malakas si HM pero imposibleng nagawa niyang kontrolin ang nag-iisa naming Headmaster.

"HM, sino kaya 'yon?" tanong sa kanya ni Aerish.

"Hindi ko alam. Ang alam ko ay hindi siya estudyante rito pero suot niya ang uniporme natin"

"Kung gano'n, isa siyang dark mage?" si Aqua naman ang nagtanong.

"Marahil ay gano'n nga pero ipinagtataka ko ay bakit alam niyang dito ko inilagay ang bihag at bakit alam niyang ako lang ang makapagpapalaya nito" kunot-noong sabi niya.

Tama siya, paano nalaman ng taong 'yon ang bagay na 'to? Hindi kaya may nagtraydor sa'min?

Sino?

Tiningnan ko ang mga kasama ko pero wala namang kahina-hinala maliban sa dalawang tao, sila Aerin at Eamon.

"Kayong dalawa, may alam ba kayo sa nangyari?" seryoso kong tanong sa kanila.

Napansin kong parang kinakabahan si Aerin habang nakahawak naman si Eamon sa kamay niya.

"K-kanina kasi habang nasa cafeteria kami, m-may lumapit sa akin na isang lalake. A-ang sabi po niya HM, inutusan mo daw  siya na i-check ang bihag. Tinanong niya ako tungkol do'n kaya n-nasabi ko po, patawarin niyo po ako, h-hindi ko po alam na d-dark mage pala siya"

"Totoo ba 'yang sinasabi mo?" tanong sa kanya ni Eris.

"Oo naman, hindi naman ako magsisinungaling"

"Baka kasi kasabwat ka do'n, di mo lang inaamin"

"Excuse me Ms Solier, I know Aerin more than anyone here at alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil nando'n din ako no'ng oras na 'yon" Eamon defended.

"Naniniwala ako sa kanya" sambit ni HM.

"Pero HM------"

"Enough Ms Solier, alam ko ang mga ginagawa ko. Hayaan na lang natin ang mga 'yon, wag na kayong mag-alala dahil nandito na ang ating tagapagligtas" sabi ni HM habang nakatingin kay Aerin.

Kinakabahan ako sa akong narinig. T-tagapagligtas? Ibig sabihin, n-nandito si Chosen?

"A-anong ibig niyong sabihin?" puno ng pag-asa kong tanong.

"Ito pa ang isa sa dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag. Gusto kong ipaalam sa inyo na nandito na si Chosen, ang inyong kaibigan"

Lalake ako pero tumulo ang mga luha ko sa sobrang saya. N-nandito siya, bumalik na siya! P-pero paano siya nakatakas? Nasaan na siya?

"Waaaaah! Ang saya ko!"

"Woah! I can't believe this"

"Salamat naman"

"Waaaah thank you Looooord! N-nandito na ang bff ko? A-ang tagapagligtas ko! N-nasaan po siya?" umiiyak na tanong ni Aerin.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang saya. Sa wakas! M-makikita ko na siya. Masasabi ko na rin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko, wala na akong sasayanging pagkakataon.

Aaminin ko na sa kanya ito.

"Ngunit may hindi magandang balita pa akong sasabihin"

"Ano po 'yon?"

"Natagpuan siyang walang malay sa labas ng ating Academia. Pinagamot ko na siya kay Ms Hailey pero hindi niya ito kayang gamutin, wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Ang pinakamasamang balita ay------*sigh*"

"A-ano po ang masamang balita?" kinakabahang tanong ni Raiden.

"Wala na siyang kapangyarihan"

(0_0)

Parang bombang sumabog sa'kin ang aking narinig, para akong nabingi dahil do'n. W-wala ng kapangyarihan ang babaeng mahal ko? I-ibig sabihin, i-isa na siyang normal na tao?

Lugmok akong napaupo, h-hindi siya pwedeng mawalan ng kapangyarihan dahil kailangan pa namin siya, k-kailangan ko pa siya!

Kailangan niyang magising, h-hindi niya ako pwedeng iwan. M-may paraan pa para magising at gumaling siya, a-alam kong meron pa at aalamin ko 'yon.
 
Handa kong gawin ang lahat para sa kanya, maibalik lang siya sa'kin. Chosen, mabuhay ka lang kahit na magiging normal kang tao, tatanggapin pa rin kita at handa akong tumira sa mundo ng mga mortal kasama ka kaya kailangan mong magising.

Hindi ko hahayaang mawala ka sa'kin, huwag mo akong iwan.
 
Kailangan ka pa namin.

K-kailangan pa kita.






-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro