CHAPTER 75: Revealing the Truth

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•

"Chosen/Luna?" gulat nilang sambit.

Parang nag slowmo ang lahat dahil sa pagkagulat naming lahat. Hindi ako umimik dahil di ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo.

Pinangungunahan ako ng kaba pero naglagay na lang ako ng invisible barrier, even us are all invisible.

Dark mages couldn't see us.

"A-ah guys? A-anong nangyari sa kanila?" biglang tanong ni Yesha, iniba niya ang usapan.

Save by the bell.

Thank you bff ko!

"Wala na si Eris kaya walang makakagamot kay RV maliban sa mga healers" sagot ni Cold Water na may iniinda ding sugat.

Lahat naman sila may mga sugat pero mukhang mas malala ang sinapit ni Eris, h-hindi ko siya kayang buhayin.

Pero maliban sa kanya, pwede kong gamutin ang iba.

"Maaari ko kayong gamutin" sabi ko pa.

Sabay naman silang napatitig sa'kin lalo na si Faero. Palipat-lipat ang tingin nila sa'min ni Yesha, naguguluhan.

B-bahala na.

"Who are you?" nakakunot-noong tanong ni Faero.

Sh*t!

"She's the real Luna and I knew her" sagot ni Aqua kaya napatingin ang lahat sa kanya.

Alam na nga pala ni Aqua ang tungkol sa second identity ko. Wag naman sana niya akong pangunahan dahil baka di na ako papakinggan ng iba.

"What do you mean, Aqua? Si Luna ay si Chosen diba?" tanong naman ni Caeli.

Nagkatinginan kami ng bff ko at huminga ng malalim, sana maiintindihan nila kami.

Para sa lahat din naman ang ginagawa namin.

"Bakit hindi na lang sila ang tanungin niyo?"

Sabay naman nila kaming nilingon pero umiwas ako ng tingin kahit na di rin naman nila iyon napapansin dahil sa takip sa mukha ko.

P-parang lalabas na ang puso ko huhu.

"Can you just explain everything to us, Chosen?" sabat ni Glaciero na naging dahilan para lumakas pa ang tibok ng puso ko.

Magkaka-heart attack na ata ako, jusko.

"A-a ano...s-sorry, n-nagsinungaling ako sa inyo. H-hindi talaga ako ang t-totoong L-luna" kinakabahang sagot ni Yesha.

"What?! I-is that true?" gulat na tanong ni Caeli.

Tumango lang si Yesha at nagsimulang magsituluan ang mga luha. Pinipigilan ko lang ang sarili kong umiyak dahil ayokong magmukhang mahina sa lahat.

"P-patawarin niyo ako *sobs* h-hindi ko g-gustong magsinungaling"

"H-how could you lie to us, Chosen?!"

Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Faero habang nakaharap sa'min especially kay Yesha. Naaawa ako sa bff ko, hays.

"F-faero, p-patawarin mo'ko. I-isa pa lang 'to sa mga sinasabi kong bagay na malalaman mo" umiiyak na sambit ni Yesha.

"I trusted you b-but you broke it. A-alam mong hinahanap at gustong-gusto kong makilala si Luna p-pero nagsinungaling ka sa'kin, s-sa aming lahat" umiiling na sambit ni Faero.

"F-faero, m-may rason ako *sobs* may rason ako kung bakit ko nagawa 'yon *sobs* m-maniwala ka naman sa'kin *sobs*"

"How could I believe you again kung naloko mo na ako, kami?" pagmamatigas nito.

"Enough! Wala siyang kasalanan. Ako, ako ang may kasalanan. Ako ang nagtulak sa kanya para magsinungaling" sabat ko kaya napalingon silang lahat sa akin.

Kung kanina at no'ng nakaraan ay di nila nakilala ang boses ko, ngayon sigurado akong kilala na nila ako.

Hindi ko kayang makitang nagmamakaawa ang bff ko. Ako na lang, wag na siya. Sobrang dami na niyang paghihirap dahil sa'kin kaya ngayon, ako naman.

"What do you mean? W-who are you?" biglang tanong ni RV, nagising na pala siya pero hinang-hina pa.

Hindi ko sila sinagot. Nilingon ko pa ang bff ko at tumingin din kay Aqua. Hinawakan ni Eamon ang kamay ko kaya napatingin din ako sa kanya.

"I'm always here, don't be scared"

Tama.

May mga tao pang naniniwala sa'kin kaya hindi dapat ako panghinaan ng loob.

"You knew her?" kunot-noong tanong ni Glaciero kay Eamon, tumango naman ito at kinuha si Eris pagkatapos ay umalis na.

Kailangan madala si Eris sa secret place para matahimik siya.

"Bago ko sabihin sa inyo, hayaan niyo munang gamutin ko kayo" baling ko sa kanila.

Pumwesto ako at ikinumpas ang kamay at itinapat sa kanila. May puting liwanag na lumabas sa kamay ko at lumapat sa kanila.

Nawala na ang kanilang mga sugat.

Bumalik na rin ang lakas nila.

Except kay Eris.

Patay na siya at ilang minuto na lang ay mawawala na ang katawan niya.

Sorry Eris, sorry.

"H-how did you do that?"

Hindi ako sumagot.

Yumuko ako at dahan-dahang tinanggal ang takip sa mukha ko. Pagkatanggal ko ay agad akong humarap sa kanila.

"F-freak/Ikaw?!" gulat nilang tanong.

Alam kong hindi sila makapaniwala sa nalaman nila. Sino ba namang mag-aakalang isang babaeng katulad ko ang Luna na tumutulong sa kanila?

Hindi ko sila masisisi kung magagalit sila sa'kin.

Matagal kong nilihim ang pagkatao ko, dinamay ko pa ang bff ko.

Masama na ba ako?

"H-how come?!"

"F*ck!"

"Gosh!"

"Y-you also lied to us?"

"Gano'n na ba talaga kadali sa inyo ang lokohin kaming mga Royalties?!"

"No wonder, mag-bestfriend nga kayo. Pareho kayong manloloko!"

*paaaaaaaak!*

(0_0)

Gulat akong tiningnan ni Caeli at maging ako ay nagulat din sa nagawa ko, s-sinampal ko siya.

N-nabigla lang ako.

"C-caeli, s-so--------------"

"Ha! I can't believe you can do this to me, Aerin. I'm so disappointed" umiiling na sabi ni Caeli kaya napaiyak ako.

Ngayon pa ba kami mag-aaway-away?

A-akala ko maiintindihan nila kami.

"Aerish, we have reasons kung bakit kami nagsinungaling sa inyo. Ginawa namin 'yon para sa lahat!" sabat ni bff.

"Kahit ano pa 'yong rason niyo, masama pa rin ang ginawa niyo. Wala kaming nililihim sa inyo pero kayo? Nagawa niyo pang magsinungaling at maglihim sa'min. You're being unfair!"

"C-caeli!" tawag ko sa kanya pero umalis na siya gamit ang portal niya kasama si Cold Water.

Hindi man lang niya ako pinapakinggan. Ang sakit lang kasi 'yong taong inakala mong makakaintindi sa'yo ay siya pa pala 'yong unang magagalit.

"F-faero, g-ginawa ko lang 'yon para sa best friend ko. H-hindi niya pa kasi pwedeng sabihin sa lahat na siya ang totoong Luna para na rin sa kaligtasan niya"

"Tama si Chosen. I know Aerin and I knew the truth. Kapag nalaman ng lahat na siya si Luna, dark mages might get her tulad ng pagkuha nila kay Chosen" biglang sulpot ni Eamon.

Tahimik lamang na nakikinig sila Faero kay Eamon at parang pilit na iniitindi ang lahat. Magkatabi naman sila RV at Aqua habang tahimik lang si Glaciero.

A-ano kayang iniisip niya?

'Sana maniwala na sila sa'min'.

"Kapag nangyari 'yon, mawawalan na talaga tayo ng pag-asang manalo sa digmaang ito. That's why nagsinungaling si Chosen para maprotektahan si Aerin at para manalo tayo" dagdag pa niya.

"Naniniwala na ako. I-im sorry Chosen, I'm sorry"

"T-talaga? S-salamat Faero! S-salamat *sobs*"

Napangiti ako. Masaya ako para sa bff ko dahil sa wakas ay natanggap rin ni Faero ang totoo.

P-pero hindi pa nila alam ang totoo tungkol sa Chosen Heiress. Sasabihin ko na ba?

"Naniniwala na din ako sa'yo Ae!" nakangiting sabi ni RV at niyakap ako.

Sumenyas naman ako sa kanila ni Aqua na makisali sa yakapan kaya lumapit na din sila sa'min at nakiyakap na rin.

Pero si Glaciero, nanatili pa ring nakatayo.

H-hindi pa rin ba niya ako pinaniniwalaan?

"Ice Prince, galit ka rin ba sa kanya?" tanong ni Eamon.

"Tsk. I'm not mad, I'm just surprised about the truth" masungit na sambit nito at umiwas ng tingin.

Napahinga ako ng maluwag.

Akala ko pati siya ay galit sa'kin. Hindi ko na kakayanin pa kung pati siya ay ayawan ako.

Siguro dapat aminin ko na sa kanya ang totoo at ang nararamdaman ko bago pa mahuli ang lahat.

Napaamin na ako tungkol sa Luna kaya siguro dapat aminin ko na din 'yong dapat kong aminin.

"G-glaciero" tawag ko sa kanya pagkatapos ay isa-isang tiningnan ang iba pa naming mga kasama.

Mukhang nakuha naman nila ang ibig kong sabihin kaya sila na mismo ang umalis at iniwan kaming dalawa.

"Freak, I have something to tell you" bigla niyang sabi.

Kinakabahan ako.

Ano naman kaya ang sasabihin niya sa'kin?

"A-ano 'yon?" tanong ko naman.

Lumapit siya sa'kin at dahan-dahang hinawakan ang mukha ko. Pagkalapat ng kamay niya ay naramdaman ko ulit ang kakaibang pakiramdam kapag hinahawakan niya ako dati.

Tinitigan niya ako.

Matangkad si Glaciero kaya napaangat ako ng tingin sa mukha niya. N-na miss ko siya!

"I missed you" sambit niya na naging dahilan para magwala ang puso ko.

Huhu wag naman sana akong magka-heart attack.

"G-glaciero, m-may sasabihin din ako sa'yo" sabi ko pa, nakatingin pa rin sa kanya.

Ngumiti siya.

Hindi ito ang unang beses na nginitian niya ako pero parang bago pa rin ang pakiramdam.

A-ang saya!

"What is it?" tanong niya habang inilalagay ang kunting hibla ng buhok sa tenga ko.

"Glaciero, a-ako ang to-----------"

*Booooooogsh!*

(0_0)

"GLACIEROOOOO!" malakas kong sigaw.

Bago ko pa masabi sa kanya ang gusto kong sabihin ay nagkaroon na ng isang malakas na pagsabog.

Nabasag ang invisible barrier na ginawa ko kaya tumalsik kaming dalawa pero sa magkaibang direksyon.

Malayo ang pinagtalsikan ko at di ko na siya nakita pa.

"Terra! Okay ka lang ba?" biglang sulpot ni Eamon at tinulungan akong tumayo.

Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko pa ang kinaroroonan namin ni Glaciero kanina pero hindi ko na talaga siya nakita.

S-saan kaya siya tumilapon?

Hindi ko pa narinig ang sasabihin niya! H-hindi niya rin nalaman pa ang totoo.

"E-eamon, a-ano bang nangyayari? Ano ba ang pagsabog na 'yon?!" gulat kong tanong.

"Terra, pagkaiwan namin sa inyo ay mga pagsabog ng nagaganap sa kabilang bahagi nitong lugar at ang pinakamalakas ay sa kinaroroonan niyo" sagot niya na ikinagulat ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. A-ang dami ng nasawing Luxiers, mga sugatan at walang malay.

Nagdulot ng kamatayan ang pagsabog at wala akong nagawa para mapigilan 'yon. D-dapat pala hindi muna ako nakipag-usap sa mga Royalties!

D-dapat pala inuna ko ang digmaan.

N-napakawala kong kwenta!

Marami ng namatay dahil sa kapabayaan ko.

P-patawad.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Lahat kami ay napapalingon sa paligid dahil sa isang malakas na pagtawa. S-sigurado akong ang Dark King na 'yon.

P-pero nasaan siya? Hindi ko siya nakikita!

"Aerin!" tawag sa'kin ng papalapit na si Yesha.

"Yesha! Nasaan ang mga hari at reyna? Si HM?"

"Nasa kabilang banda sila! A-ang ina mo, n-napuruhan siya dahil sa pagsabog, d-dinala na siya sa secret place"

A-ang ina ko?

H-hindi!

Walangya kang Dark King ka! Papatayin kitaaaaaaaaa.

"Yesha? I-ikaw na ang bahala sa kanila. Hahanapin ko ang Dark King at tatapusin ko ang digmaang ito"

"S-sige, mag-iingat ka"

Tumango ako at agad din naman siyang umalis. Patuloy pa rin sa pagtawa ang Dark King pero hindi ko pa rin siya nakikita.

"NASAAN KA?! MAGPAKITA KA SA'KIN!" malakas kong sigaw.

"HAHAHAHAHA at sino ka naman? Ang lakas ng loob mong sumigaw, babae!"

Palinga-linga ako, nagbabasakaling makita ko siya pero wala talaga.

"DUWAG KA BA AT NAGTATAGO KA?!"

Kung ayaw mong magpakita, mas mabuti pang inisin kita para ikaw na mismo ang haharap sa akin.

"ANONG SABI MO?! HINAHAMON MO BA AKO?"

Dumadagundong ang boses niya, yumayanig pa ang lupa kaya napapasigaw ang ibang mga Luxiers. A-ang lakas niya!

"Terra! May iba pang paraan para makita siya. Hindi magandang iniinis mo siya, b-baka mapahamak pa tayo lalo!" pigil sa akin ni Eamon.

'Matagal na tayong napahamak Eamon at mapapahamak pa tayo lalo kung hindi ko siya lalabanan'.

"OO! HINAHAMON KITA!"

Nakiramdam ako sa paligid. Natigil na din ang pagyanig ng lupa pero patuloy pa rin sa pakikipaglaban ang ibang mga mages.

Nasaan ka na bang Dark King ka?!

Kahit ang ability ko ay di ko magamit sa kanya. Para akong bulag na hindi nakikita ang kalaban pero alam kong magpapakita rin siya sa'kin.

"Terra ilag!"

Dahil sa sigaw na 'yon ni Eamon ay nayuko ako. May mga bumubulusok na mga sandata papunta sa direksyon ko pero dahil sa mabilis na abilidad ni Eamon ay nagawa niya itong sanggain.

Walang masakit sa akin kaya alam kong hindi ako natamaan ni nagalusan pero may dugong tumutulo sa lupa na tinitingnan ko ngayon.

Gulat na gulat ako kahit na hindi pa ako nag-angat ng tingin, ni hindi ako makakurap dahil sa nakita ko.

D-dugo.

May dugong tumutulo at alam ko kung kanino ang dugong ito.

"E-eamon" bulong ko at napaluha.

"Eamon!" sambit ko at nag-angat ng tingin.

"Eamon!"

S-si Eamon. Nakatayo pa rin siya p-pero ang mga sandatang sinangga niya ay nakatusok na sa kanya ngayon, lahat 'yon!

Sh*t! Hindi pwede 'to.

"E-eamon! B-bakit mo ginawa 'yon? *sobs*" tanong ko habang hawak-hawak siya.

Ayokong mawala siya ng dahil sa'kin, ayoko. Deserved niyang mabuhay at maging masaya, kahit 'yon man lang ay maibigay ko sa kanya.

"T-terra, m-malakas ang pwersa ng Dark King. H-hindi ko 'yon nakayanan, p-patawad. M-mag-iingat ka sa kanya at w-wag kang papatalo. N-nagawa kitang protektahan p-pero h-hanggang dito na lang. P-paalam Terra, m-mahal na mahal k-kita" hirap na hirap niyang sambit at unti-unting pumipikit.

Napapaiyak na lang ako habang yakap-yakap ang walang buhay na si Eamon, a-ang protector ko.

"Pinapangako kong ipaghihigante kita. Tatalunin ko ang Dark King na 'yon para sa lahat at p-para sa'yo. H-hindi kita bibiguin, salamat sa lahat ng nagawa mo sa'kin. M-mahal din kita Eamon kahit na bilang kaibigan o kapatid lang ang maibibigay ko" huli kong sambit.

Gumawa ako ng portal patungo sa secret place at tinawag si Froy. Pinadala ko sa kanya si Eamon para mabigyan ng tahimik na lugar bago mawala ng tuluyan.

May nagbuwis ng buhay para sa'kin at hindi ko 'yon sasayangin.

Humanda ka Dark King!

Tumayo ako at huminga ng malalim. Oras na para simulan ang totoong laban, tatalunin ko siya.

"AAAAAAAAAAAAH!"

Sumigaw ako ng malakas at lumutang sa hangin. Alam kong nakikita na ako ng lahat pero panahon na para malaman nilang....

"Hala! A-ang Chosen Heiress!"

"Nandito na siya!"

"Sa wakas!"

"Mananalo na tayo!"

"Ang pag-asa natin!"

Ilan lang 'yan sa mga sigaw nila at alam kong masaya silang makita ako. Nagkaroon sila ng pag-asang lumaban at ito ang dahilan kung bakit ngayon ko lang isiniwalat sa lahat ang totoo.

Gusto kong mabuhayan sila ng loob.

Gusto kong bigyan sila ng pag-asa sa oras na sukong-suko na sila.

At gusto kong sama-sama kaming lalaban. Lalaban para sa kapayapaan ng lahat!

Nag-iba na ang suot ko, puti na ang lahat. Ang liwanag na nagmumula sa akin ay ang nagbibigay ng pag-asa sa mga nasasakupan ng Lux at takot para sa mga dark mages.

"IKAW?! P-PAANONG-------"

Nilingon ko ang Dark King na ngayon ay gulat na gulat ng nakatingin sa akin. Hindi niya inasahang makikita niya ang totoong Chosen Heiress.

"Ako ang totoong Chosen Heiress. Mali ang nakuha mo at 'yon ang pinakamaling nagawa mo sa buong buhay mo. Ngayon, humanda ka dahil tatalunin kita!" sigaw ko sa kanya at inatake siya.

Malakas ang barrier na meron siya kaya mahirap nga siyang kalabanin pero hindi ako susuko.

"Anong mali? Tama ang kinuha ko at ikaw ang huwad! Nakuha ko ang lahat ng elemento sa kanya kaya paano mo nasasabing ikaw ang totoo ha?! HAHAHAHA"

Hindi ako sumagot at pinakita na lang sa kanya ang patunay, ang mga simbolo ko na ngayon ay umiilaw na.

Nagulat siya pero hindi pa rin nagpapatinag.

Binato niya ako ng kapangyarihan gamit ang mga elemento pero napapaatras na lang siya dahil imbis na masaktan ako, napupunta na sa'kin ang kapangyarihang 'yon.

Ang bawat elementong ginamit niya ay na-absorb ko at nadadagdagan ang lakas na meron ako.

"P-paanong----hindi! Hindi ako papayag na manalo kayo!" sigaw niya at ginamit ang dark magic.

Gumawa ako ng matibay na barrier sa katawan ko at humanda sa pag-atake niya.

Isang malaking dark ball ang ginawa niya na halos sakop na ang buong lugar. Anong ginagawa niya?

"AAAAAAAAHHH!"

(0_0)

What the hell?!

"HINDI!" sigaw ko dahil imbis na ako ang puntiryahin niya, a-ang mga mages sa ibaba ang hinagisan niya ng dark ball.

Gumawa ako ng malaking portal para do'n papasok ang dark ball pero isang malakas na kapangyarihan ang binato niya sa'kin na naging dahilan upang tumalsik ako.

H-hindi.

A-ang portal na ginawa ko ay nawala na!

*BOOOOOOGGSSH!*

Nakakabingi ang pagsabog pero mas nakakabingi ang pagtawa ng Dark King. Sinubukang sanggain ng mga hari at reyna ang dark ball pero may natatamaan pa rin.

Ginagalit niya talaga ako!

Sumusobra na siya. Napatuso niya talaga!

Ramdam ko ang malakas na enerhiyang nasa kamay ko at binato sa kanya. Matibay ang barrier niya pero alam kong kunti na lang, mababasag ko na.

Huminga ako ng malalim. Iniisip ko lahat ng mga kasamaang ginawa nila sa Lux kaya nag-init ako, nag-init ang kamay ko.

Nagtipon-tipong ang lahat ng elemento sa kamay ko at akmang ibabato ko na sa kanya no'ng biglang sumulpot ang ama't ina ni Caeli.

"Ina! Ama!" sigaw ni Caeli.

Napakuyom ako ng kamao at pinigilan ang sariling wag mapakawalan ang kapangyarihang nasa kamay ko.

Sh*t!

G-ginamit niya laban sa'kin ang ina't ama ni Caeli. A-alam kong kontrolado na sila ng itim na mahika dahil na rin sa itim nilang mga mata.

"HAHAHA tingnan natin kung kaya mo silang patayin, totoong Chosen HAHAHAHA"

Nagngingitngit na ako sa galit. Gustong-gusto ko na siyang durugin pero ang ina't ama ni Caeli. H-hindi ko sila mapapatay dahil paniguradong isusumpa ako ni Caeli kapag ginawa ko 'yon.

"Napakawalangya mo!" galit kong sigaw sa Dark King, nakalutang pa rin kami.

"Kayo! Patayin niyo ang lahat ng mga Luxiers HAHAHAHA" utos niya sa hari at reyna.

Para namang mga zombie ang hari at reyna na sinunod ang utos nito. Itinaas nila ang kanilang mga kamay at nagpalabas ng isang usok papunta sa ibaba.

A-ano 'yan?!

"Everyone! Takpan niyo ang ilong niyo at wag hayaang masinghot ang usok! Lason iyan!" rinig kong sigaw ni HM.

(0_0)

L-lason?

Oo nga pala!

Sinabi na sa akin ni Caeli ang tungkol sa lason ng hangin at sobrang delikado no'n.

"I-inaaaaa! Amaaa! Waaaaaag, tumigil kayo!" umiiyak na sigaw ni Caeli pero hindi siya pinapakinggan ng mga ito.

"Caeli!" tawag ko, kailangan ko silang patayin para matigil sila.

Ang dami ng namamatay!

Pag hindi sila napigilan, mamamatay ang lahat at kapag nangyari 'yon, mawawalan ng saysay ang pakikipaglaban namin.

"Hindi! Wag mong papatayin ang mga magulang ko!"

"Pero Caeli------"

"Hindi ako papayag! Magkakamatayan tayo kapag ginawa mo 'yon!" galit niyang sigaw.

Nagulat ako sa sinabi niya. K-kaya niyang makipagpatayan sa'kin para sa mga magulang niya, she's being selfish.

Pero hindi ko siya masisisi, matagal na nawalay sa kanya ang mga magulang niya.

Ano na bang gagawin ko?

Kontrolado na sila, nilalamon na sila ng dark magic! D-dapat na silang patayin pero parang pinatay ko na rin si Caeli pag ginawa ko 'yon.

Bakit ba ako naiipit sa ganitong sitwasyon?

Kailangan kong mag-isip ng mabuti kung paano sila patitigilin ng hindi napapatay.

Ang hirap na.

Kaya ko kaya ito?





-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro