CHAPTER 80: The Wedding

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•SOMEONE's POV•

"Wag kang mag-alala, kaya kong kontrolin ang oras. Babagalan ko 'yon para hindi agad sila makasal, ako ng bahala rito" sabi ko pa sa kaharap ko.

"Maraming salamat"

"Walang anuman. Siguro'y magpapadala na lang rin ako ng magpapanggap na kutsero tapos siya na ang bahalang gumawa ng paraan para hindi agad sila makarating. Umalis ka na, ako ng bahala sa lahat" 

Yumuko naman siya bilang paggalang pagkatapos ay agad ng umalis. Pumasok naman ako sa bulwagan at nagpanggap na isang opisyal para gawin ang plano. 

Pagkapasok ko'y nagkasiyahan pa silang lahat. Pumunta ako sa may lamesa kung saan nando'n lahat ng inumin at palihim na nilagyan ng pampatulog.

Ang bisa ng pampatulog na 'yon ay sakto lang para maabutan niya ang tamang oras. Kinakailangang makatulog silang lahat habang binabagalan ko ang oras kasi kung hindi, magtataka sila at baka pigilan pa nila ako.

Ilang sandali lang ay isa-isa na nga silang bumabagsak, siguro'y tumalab na nga ang pampatulog ko. Ang iba'y hindi uminom kaya pinatulog ko na lang sila gamit ang kapangyarihan ko.
 
Patawarin niyo sana ako.

Paniguradong magugulat kayo sa mangyayari kapag nagising na kayo.

"Kayo! Paupuin niyo sila sa kani-kanilang upuan para di sila mahirapan" utos ko sa iba pang mga kawal.

Dali-dali naman silang tumalima sa utos ko. Tinawag ko na rin ang asawa ko para ibahin ang buong lugar, kailangang magtulungan kami.

Inilibot ko ang paningin ko, lahat sila ay tulog na kaya binalik ko na ang dati kong itsura at napangiti.

"Mahal ko, tayo na" tawag sa'kin ng asawa ko.

"Sige" sagot ko at umalis na din. 

Uutusan ko pa nga pala ang isa kong tauhan para gawing kutsero na siyang susundo sa mga babae.
 
____________________________________
•AERISH's POV• 

"Teka, bakit wala pa ang kutsero na magmamaneho sa sasakyan nating karwahe?" takang tanong ni Aqua na ipinagtaka ko rin.

Wala nga kaming nakitang kutsero at kahit ang karwahe ay wala rin dito. Baka ma late kami, hindi pwede 'yon.

"Yesha, anong oras na ba?" tanong ko.

"9:46 AM"
 
(0_0)

"9:46 AM? Sigurado ka ba?" gulat kong tanong. 

Paanong 9:46 AM eh umalis kami sa dorm ng 9:42? Eh kanina lang naman kami dito ah!

"Sigurado ako, hindi naman sira ang orasan ko"

Nakakapagtataka.

Paanong...? Ang bagal naman ata ng oras ngayon. 

"Wag ka ng magtaka Aerish, ang panahon ngayon ay natural na mabagal. May mga ganyang pagkakataon, simula ngayon ay magbasa ka" nakangising sambit ni Eris, sinamaan ko naman siya ng tingin. 

Eh di ikaw na maraming alam Eris, hays.

"Uy! Nandyan na ang kutsero" tawag ni Aqua kaya napalingon kami.

Papalapit na nga ang lumilipad na karwahe at ang kutsero nito. Ang bigat ng gowns namin tapos may gana pa siyang paghintayin kami?

Buti na lang di kami pwedeng gumamit ng kapangyarihan ngayon kaya di ako makapaggawa ng portal, hmmmp.

"Magandang umaga po sa inyo mga binibini, pasensya na kung natagalan ako" paghingi niya ng patawad.

"Hays! Bakit ba kasi a------------"
 
"Oh Aerish! Ikakasal na tayo kaya wag ka ng magalit, papangit ka nyan" sabat ni Yesha kaya napatahimik ako.

Ayoko namang humarap na pangit kay Ulan b-baka aatras siya sa kasal namin pag nagkataon. Pero pag gagawin niya 'yon, hindi ko siya bubuhayin HAHAHA.

"Tara na nga!" sabi ko at nauna ng sumakay sa karwahe, sumunod naman sila.
 
Pagkasakay ng lahat ay nagmaneho na rin ang kutsero. Excited na ako saka kinakabahan din kasi magiging asawa ko na ang lalakeng mahal ko kahit na isip bata ang isang 'yon, pffffft.

"Aerish! Ikaw na ang susunod na magiging reyna ng kaharian namin kapag naikasal na kayo ng kapatid ko" masayang sambit ni Aqua, maging kapamilya ko na rin siya hihi.

"Oo nga at ikaw naman ay maging reyna na ng Lightning kingdom. Kaya mo ba 'yon eh water element ang hawak mo?" tanong ko pa.

"Ano ka ba Aerish, for sure iibahin na ang mga pangalan ng mga kaharian dahil may merging na magaganap mamaya" sabat ni Yesha.

"Anong merging ang sinasabi mo Yesha?" takang tanong ni Aqua.

Oo nga naman. 
 
"Ang ibig niyang sabihin, baka ibahin na ang pangalan ng kaharian. Magkaiba ang kapangyarihan natin sa ka-partner natin diba? Tulad nila Aqua, water element ang sa kanya samantalang Lightning naman kay Raiden. Hindi naman siguro pwedeng Lightning pa rin ang pangalan no'n eh si Aqua na ang magiging reyna na isang water holder diba?" paliwanag ni Eris na ikinatango namin.

Oo nga noh?

"Pero pwede ba 'yon? Eh matagal ng gano'n ang pangalan ng mga kaharian ah" dagdag ko pa.

"Pwede 'yon, hindi ka nga talaga nakikinig tuwing discussion Aerish HAHAHA" pang-aasar sa'kin ni Eris.

Ang isang 'to talaga, hmmmp kanina pa ako inaasar nito ah.

"Nakakaantok naman kasi makinig" pag-amin ko pa, eh ano ngayon?

"Sabi ko na nga ba eh!"
 
"Sagutin mo na lang 'yong tanong ko"

"Ganito kasi 'yon. Dati, isa pa lang ang kaharian at 'yon ay ang Lux Kingdom pero dahil sa iba't-ibang mga elemental users, hindi gaanong naipalaganap ang katahimikan sa buong lugar kaya gumawa ang mga grandparents natin ng iba't-ibang kaharian na sumisimbolo sa iba't-ibang elemento" sabi pa ni Eris.

"Oo nga! Tapos lahat ng mga may kapangyarihang hangin ay do'n inilagay sa Air Kingdom at gano'n din 'yong ibang mages sa ibang kaharian. Nagkaroon ng botohan para sa mamumuno at 'yon ang mga magulang natin" dagdag pa niya.

Oo nga pala, naaalala ko na!

"So ngayon na tayo ang susunod na mamahala sa mga kaharian, may karapatan tayong ibahin ang pangalan nito at ang iba pang mga batas na ipinapatupad dati"

Whew!

Ang dami talagang alam ni Eris, palibhasa libro lagi 'yong kausap dati pero ngayong nandyan na si Eros, silang dalawa na.

Hindi na ako nagsalita pa at inayos na lang ang gown at ang bouquet ko.

"Teka manong, hindi pa ba tayo nakakarating? Parang kanina lang tayo ah" tanong ni Aqua.

Oo nga. Napansin ko rin na parang ang bagal ng andar namin. Anyare ba kasi?

"Pasensya na po kayo mga binibini ngunit kinakailangan pa po nating tumigil sa bayang nasa ibaba para ipagamot ang isa kong alaga, bigla po kasing nagkasakit eh"

(0_0)

"Wuuuuut? Male-late na po kami sa kasal namin!" taranta kong sabi.

"Kalma lang Aerish! 1:00 PM ang kasal, 10:20 AM pa lang" awat sa'kin ni Yesha.

10:20? 

"Ba't parang ang bagal ng oras ngayon?" taka kong tanong.

"Masyado ka lang kasing excited na maging asawa ang kapatid ko kaya ka ganyan HAHAHA" sagot ni Aqua.

"Heh! Bakit kayo ba hindi excited? Hmmp"

"Excited din naman pero hindi kami napa-praning"

"Hindi ako napa-praning noh! Nag-aalala lang ako kasi baka kanina pa sila naghihintay sa'tin"

Totoo namang 'yon lang ang iniisip ko kaya ayokong matatagalan kami.

"Ako ka ba? Pareho lang din naman ang oras dito at do'n sa Lux kaya wag ka ng mag-alala"

Tumango na lang ako sa kanila at tumahimik na. 

Bumaba nga kami sa bayan ng Herbalia. Dinala na din ng kutsero ang isa niyang alaga sa isang manggagamot kaya naghintay na lang kami sa karwahe niya.

Ang malas naman.

Buti na lang mabagal ang oras kaya wala kaming dapat ipag-alala kaya lang wala kaming mapaglibangan habang naghihintay.

Hindi naman kami pwedeng gumamit ng kapangyarihan dahil pinagbawalan kami ng Lux Queen at King.

Ang paggamit ng kapangyarihan ng isang ikakasal dito sa'min ay isang lapastangang gawain para sa kanila. Wala naman kaming magawa kundi sumunod, 'yon ang patakaran ng kasal eh.

"Mga binibini, habang naghihintay, uminom na po muna kayo nito para maibsan ang kaba niyo" biglang sulpot ng kutsero at isa-isa kaming binigyan ng maiinom.

"Salamat po"

Mabuti na lang at binigyan niya kami nito. Aaminin ko, talagang kinakabahan ako k-kasi magiging reyna at asawa na ako ni Ulan.
 
Nai-imagine ko na ang future namin, kyaaaaaah!

Makainom na nga lang.

"Wuy! Ang sarap nito ah, parang pinakalma ako" sambit ni Aqua, sumang-ayon naman kami.

Pero napapansin ko na parang inaantok ako. Gusto kong matulog, matagal pa siguro 'yong kutsero kaya iidlip na muna ako.

____________________________________
•AERIN's POV•

"Waaaaaah! Ang ganda mo Insan!" manghang sambit ni Elaine.

"Oo nga, para kang reyna!"

"Dyosa kamo!"

"Pareho lang 'yon"

Nandito kami sa venue kung saan kami magbibihis. Ngayong araw na pinakahihintay kong araw, ang wedding day namin ni Tyron.

Tumawag no'ng nakaraang araw ang parents niya at ang sabi ay magkikita na lang kaming lahat sa simbahan.

Mangha kong tiningnan ang sarili ko sa salamin, a-ang ganda ko nga! Sobraaaaaa hihi.

For sure, mahuhulog ng husto ang magiging asawa ko. Hindi nakapagtatakang na-inlove sa'kin ang mokong na 'yon kasi hindi lang ako mabait kundi maganda pa.

"Aerin! Paniguradong iiyak sa saya ang fiancée mo. Sa ganda mong 'yan, baka di na niya maialis ang tingin niya sa'yo yieeee!" kinikilig na dagdag ni Hanny. 

Well, I know right hihi.

"Oh, tapos na ba kayo dyan?" tanong ni Tita na kakapasok lang sa kwartong pinagbihisan namin. 

"Opo, sila ba handa na?"

"Tapos na 'yong iba. 'Yong iba naman ay nag-ayos pa lang. Oh ano? Handa na ba ang sasabihin mo mamaya?" tanong niya sa'kin.

"Opo, handa na"

Kahit hindi naman talaga HAHAHA gusto ko kasing mula sa heart ko sasabihin 'yong akin kaya bahala na.

"Oh sige, mauuna na nga pala kami. Nandyan na ang sasakyan mo, mag-iingat kayo"

"Opo Tita"

Naiwan ako sa loob ng silid kasama ang make-up artist ko. Pinaganda niya ako ng bonggang bongga, kalowka.

"Ayan, ang ganda niyo po!" sabi pa niya.

"Salamat, may tip ka sa'kin"

Siyanga pala, no'ng nakaraang buwan lang kami nagpictorials, ang saya no'ng araw na 'yon pero mas sasaya pag ikinasal na talaga kami.

Dati lang, nanunuod lang ako ng mga kasalan kahit mapa-personal man o sa TV pero ngayon, ako na mismo ang ikakasal.

Magagamit ko na rin ang natutunan ko hihi.

"Ms Sandoval, tayo na po. Naghihintay na ang driver saka nando'n na ang lahat sa simbahan" sabi ni Hazel na kakapasok lang din.
 
Pinapunta ko siya dito sa Pilipinas para tulungan kami, nagdala na rin siya ng isang magaling na photographers.

Oo, with 's' kasi marami sila. Bongga ang kasal namin noh kasi mayayaman ang mga dumalo do'n.

"Sige, tara na"

Inalalayan niya naman ako dahil medyo may kabigatan ang gown ko. Pinili ko 'yong gown na may may sleeve para hindi ako mahubaran sa bigat.
 
May mga wedding gowns kasi na tube lang, di pwede sa'kin 'yon, wala kasing makapitan HAHAHA. 

Sumakay na rin ako sa kotse na siya ng maghahatid sa akin sa simbahan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang hawak-hawak ang bouquet ng bulaklak.

Hindi na talaga ito panaginip, ikakasal na talaga ako.

"Tara na po" sabi ko sa driver ko na kilala ko lang din.

Pinaandar na nga niya ang sasakyan at di nagtagal ay nakarating na din kami sa simbahan.

Di naman kasi masyadong malayo ang pinanggalingan namin. Sinadya namin 'yon para di na masyadong matagalan kung sakaling may traffic.

Pagkalabas ko'y sinalubong ako ng mga bridesmaids ko at tinulungan akong ayusin 'yong gown ko.

Nakahanda na nga talaga ang lahat. Ilang sandali lang ay tumunog na nga ang kampana hudyat na magsisimula na ang seremonya.

Waaaaaaah kinakabahan ako huhu.

Makikita ko na siya!

"Sige na, humanda na kayo" rinig kong sambit ng director namin. Charot, director daw HAHAHA.

Nilingon ko ang isang tao na siyang maghahatid sa'kin sa altar. A-ang ama ko! Oo, ang Lux King.
 
Nagulat nga ako kasi bigla siyang dumating kanina at sinabing siya ang maghahatid sa'kin sa altar, napaiyak pa ako sa sobrang saya.

Nagpaliwanag na din siya sa Tita ko pero syempre di niya sinabi na galing siyang Lux.

Gano'n pa rin ang itsura niya, walang nag-iba. Ang sabi niya ay may sulat siyang natanggap at ibinalitang ikakasal ako dito sa mortal world kaya agad silang nagpunta ng ina ko dito. Oo, nandito din ang ina ko pero syempre nag-iba sila ng suot.

Ito ang pinakamasayang araw ko sa lahat. Nakausap at nakasama ko ulit ang mga magulang ko sa mismong pinakaimportanteng araw ko.

"Anak, masaya ako dahil buhay ka. Sana makasama ka na namin"

"Masaya din po ako ama, maraming salamat sa pagpunta"

Niyakap niya ako kaya napayakap na rin ako sa kanya kaya lang napabitaw kami sa isa't-isa no'ng nakarinig kami ng pagtikhim.

"Ehem! Maghanda na po kayo dahil kayo na po ang susunod na papasok" sabi pa niya, tumango naman kami.

Nauna na nga palang pumasok ang mga bridesmaids at groomsmen, magkapartner sila opkurs. Sunod naman ang maid of honor at ang best man then next ang mga cute kong ring bearers then flower girls. 

Then what's next?

Ang pinakainaabangan ng lahat, ang grand entrance ng bride opkurs! Waaaaah feel na feel ko ang moment habang dahan-dahang naglalakad.

Hawak-hawak ko ang bouquet pero nanginginig talaga mga kamay ko at ang kalamnan ko huhu.

Pagkarating ko malapit sa pintuan ay isinukbit ko ang kamay ko sa braso ng aking ama at dahan-dahang lumapit sa altar.
 
Habang papalapit ay wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti ng malaki at tumitig sa isang makisig na lalakeng nagpapatibok ng puso ko.

A-ang gwapo niya!

K-kaya lang mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa katagalan ng pagtitig ko ay parang nakikita ko sa kanya si Glaciero.

Kumukurap-kurap ako at no'ng tiningnan ko siya ulit ay mukha na ni Tyron ang nakita ko, naluluha siya habang nakangiting nakatingin sa'kin.

Masaya siya, alam ko.

Pagkalapit namin ay narinig ko pa ang pagsambit ni Father ng mga salitang...

"Who gives this woman to be married with this man?"

At sinagot naman siya ng ama ko ng....

"I do"
 
Hindi ko alam kung bakit alam niya ang mga gano'n pero binigay na niya ang kamay ko kay Tyron and the moment na nahawakan niya ang kamay ko, naramdaman ko na naman ang napakapamilyar na pakiramdam.

Jusko, heto na talaga! Wala ng atrasan 'to.

Sabay naman kaming humarap kay Father. Para akong hinihingal dahil sa kaba! Ganito pala ang feeling ng ikasaaaal.

"Welcome, everyone. We have been chosen to witness this very special moment of Ms Aerin Sandoval and Mr Tyron Blake Velasco’s life. They are going to be united by the Holy bond of marriage. This special moment will remain intact in the memory of the bride and groom forever. It will also be engraved in our memory." panimula ni Father.

Ang galing umenglish ni Father ah huehuehue. 

Ang dami pa talagang pasakalye pag ganito noh? Father, baka pwedeng dumiretso na tayo, charot.

"Marriage means falling in love with the same person again and again, understanding the needs, hopes, desires, and ambitions of each other; being true to one other's self and the ability to readjust one's own mind according to the other's are the essentials that constitutes a true and happy marriage"

Ewan ko ba, dahil sa mga salitang 'yon, naaalala ko si Glaciero. Hindi ko alam kung bakit ko siya naiisip sa ganitong pagkakataon eh kinalimutan ko naman siya.

P-parang kataksilan ang ginagawa ko, dapat mawala siya sa isipan ko, hays.

"Bride and Groom, by coming here today, you have reached a crossroads in your lives.

You're turning away from your yesterdays and looking ahead to your tomorrows.

Your past is a distant memory.

Your future a waiting adventure.

It is a new dawn, a new commitment, a new life.

The bonds you are forging today will chase your lives forever" sabi pa ni Father.

"Do you GROOM promise to love BRIDE and respect her, to share your life and your dreams, to build with her a home that is a place of love, happiness, commitment and growth?" tanong ni Father kay Tyron.

"I do" sagot niya. 

Waaaaaah! Kinikilig talaga akooooO.

"Do you promise to be a companion to her in all of her successes and failures, her happiness and sadness, to always give to her your unwavering support and above all else, the freedom to be BRIDE?" dagdag pa nitong tanong.

"I do"

Yeeeeeey! Enebe, kenekeleg eke eh hihi.

"Do you BRIDE promise to love GROOM and respect him, to share your life and your dreams, to build with him a home that is a place of love, happiness, commitment and growth?" tanong din sa'kin ni Father.

Same questions lang pala ey.

"I do" sagot ko naman, enebe.

"Do you promise to be a companion to him in all of his successes and failures, his happiness and sadness, to always give to him your unwavering support and above all else, the freedom to be GROOM?"

Opo Father, promise pa!

"I do"

Kyaaaaaaaah owmeji!

Gusto kong sumigaw sa sobrang saya at kilig pero wag na lang, nakakahiya naman hehe.

Ang dami pang chuchu si Father hanggang sa exchanging of rings na. Meghaaaaaad! I'm so happy.

"I, Tyron Blake Velasco or should I say 'Ice Glaciero Frost', will give you this ring as a symbol of my truest love for you, freak. I'll treasure you forever as long as I live and will make you the happiest woman here in your world or in my world, you choose"

(0_0)

*dugdug! dugdug! dugdug!*
 
G-glaciero? 
 
W-what?

Tama ba 'yong narinig ko?!

"Freak, I was the most devastated man the day you left but now, you're alive and I don't want to lose you anymore that's why I'm here, marrying you and promise you a life that's full of happiness. I love you so much more than anyone I know, I love you with all my heart even in times of my downfalls. You gave me hopes, strengths and without you, my life seems worthless. With this ring, my love for you will never have an end" dagdag pa niya at isinuot sa akin ang singsing na hawak niya.

Isa-isang nagsituluan ang luhang kanina ko pa pinigilan. Nakatitig pa rin ako sa kanya, parang kami lang ang narito.

Hindi ako makapaniwalang ang lalakeng kaharap ko ay ang matagal ko ng gustong kalimutan. H-hindi ko inakalang siya pala ang kasa-kasama ko dati at ngayon ay ang magiging asawa ko.

K-kaya pala, iba ang pakiramdam ko kapag siya ang kasama ko. Kaya pala ang gaan-gaan ng pakiramdam ko at parang safe na safe ako kapag nandyan siya kasi siya pala si Glaciero.

A-ang lalakeng sobra kong minahal *sobs*.

Sobrang nagulat ako sa nalaman ko p-pero hindi ko maipagkailang ako ang pinakamasayang bride ngayon, a-ang lalakeng minahal ko, mahal ko, at mamahalin ko ay iisa!

Si Glaciero.

"Glaciero, I'll give you this ring as a sign of my love and care. I wholeheartedly offer myself to you, I've missed you so much. I still can't believe this day is happening, you're here" naiiyak kong sambit.

Tears of joy!  

"I love you so much too Glaciero. I promise to be at your side always even in times of your downfalls and promise to make you happy. Thank you for coming, you proved me the best" nakangiti ko pang sabi at isinuot ang singsing sa kanya.

Umiyak siya. For the second time, nakita ko siyang umiyak pero ngayon alam kong tears of joy 'yan.

Napansin ko ring nagpunas ng luha si Father at ang mga dumalo sa kasal namin.

Sobrang saya ko!

"With the power vested on me, I now pronounced you husband and wife" sabi pa ni Father.

Hanggang sa.... 

"You may now kiss the bride"

Kyaaaah owemji!

Heto naaaaaaaaaaa.

For the 3rd times, mahahalikan na niya ako ulit pero ngayon, sa harap na ng lahat.

Dahan-dahang inangat ni Glaciero ang belo na suot ko. Hinaplos ang mukha at pinunasan ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.

Agad akong napapikit no'ng dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa naramdaman ko na ang labi niya.

Wala akong ibang narinig kundi ang tibok ng aming mga puso. Parang may kung anong kumiliti sa tiyan ko hanggang sa may narinig na akong mga palakpakan.
 
Tumagal ang halik ni Glaciero at para akong dinala sa langit, para akong nakalutang: The best moment of my life.

Ilang sandali lang ay lumayo na din ang mukha ni Glaciero sa akin. Nagtitigan kami at nakikita ko ang kasiyahan sa mukha niya lalong-lalo na sa magaganda niyang mata.

"Waaaaaah! Bff koooooooooO!"

"Aeriiiiiiiiiin!"

"Waaaaaah! Twinny!"

(0_0)

Huh?

Teka---------?!

"Nandito kayo?!" gulat kong tanong habang isa-isang tinitingnan ang mga taong sobra kong na-miss. Nakasuot din ng wedding gowns ang mga kaibigan ko.

Kasal din nilaaaa? Wow!

"Ikaw ang nandito!" masaya at di makapaniwala nilang sambit.

Gulat kong inilibot ang paningin ko. Wala na kami sa simbahan at sa tingin ko ay nasa Lux kami!

"G-glaciero? N-nandito tayo?" tanong ko sa kanya, masayang-masaya.

"Yes, I brought you here as planned for them to witness our wedding too" nakangiti niyang sagot.

Masaya ko silang tiningnan at akmang yayakapin no'ng pinigilan ako ni Glaciero.

"We need to get back there on the church, your father stopped the time but it's only limited. We will be back here as long as were done. Let's go, my wife" sabi niya na ikinakilig ko pa lalo.

Sheeeeeet!

Glaciero naman kasi hihi.

Nagpaalam na din kami sa kanila at bumalik na sa simbahan. Pagkarating namin ay hinalikan niya ako ulit and the moment na tumigil kami ay ang pagbalik naman ng oras.

Parang walang nangyari ah.

Marami pa kaming ginawa sa simbahan hanggang sa natapos rin sa wakas ang kasal.

And anong kasunod?
 
Syempre kainan naaaaaa!

Pumunta na kami sa reception ng kasal. May mga pa message ang ibang mga bisita, parents namin at mga malalapit na kaibigan. 

Napag-alaman ko rin na ang totoong magulang talaga ni Glaciero ang nandito sa mortal world pero iba ang mga itsura nila.

Kaya pala minsan ko lang sila nakikita kapag bumibisita ako sa bahay nila (no'ng Tyron pa siya).

Sinabi na din sa'kin ni Glaciero na ako na naman daw ang misyon niya dito sa mortal world. Ang misyon na 'yon ay ang paibigin ako gamit ang ibang mukha, di ko man lang naisip ang bagay na 'yon.

Iba naman kasi ang personality niya bilang Tyron, makulit kasi at ang kwela kaya di ko nahalata. Ang galing niya ah.

"Mrs. Frost" banggit ko, bagay na bagay!
 
Nakahinga ako ng maluwag.

Sobrang saya ko, wala na akong hihilingin pa.

"Wife, are you ready to go back?" biglang tanong ng asawa ko sa'kin at pinahiran ako ng icing.

ChOur asawa daw, ang sarap talagang pakinggan hihi.

"Go back? Saan?" tanong ko.

"Sa Lux"

"Ngayon na?" tanong ko.

"Oo, kasi gagawin pa kitang reyna sa kaharian ko. Gusto mo 'yon?" nakangiti niyang sabi, Tagalog pa yeeeeey.

"Oo! Excited na akooooO" masaya kong sabi.

"I love you, my wife"

"I love you too, hubby ko" sagot ko.

He kissed me once again and a round of applauses filled over the whole place. 

And we lived happily ever after.








-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro