CHAPTER FIVE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

The Training

BABAE.

May isang babaeng nakatayo sa harapan ni Aerin ngayon. Yakap-yakap nito ang isang bagay na nakabalot sa isang tela na para bang pinoprotektahan. Nasa harap ni Aerin lamang ang babae, ngunit tila ba hindi siya nakikita nito. Napansin na lamang niya ang sugat sa braso ng babae. Gutay na rin ang ilang bahagi ng damit na suot nito. Halatang tumatakas mula sa anumang panganib.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong niya rito dahil na rin sa pag-aalala. Pero hindi siya nito pinakinggan. Hindi nga ba? O hindi lang talaga siya naririnig nito?

"Sandali!"

Kaagad na hinabol ni Aerin ang babae nang mabilis itong tumakbo patungo sa kung saan. Ngunit nagulantang na lamang siya nang makitang nasa harap na sila ngayon sa bahay ng kaniyang mga pinsan.

Pinapanood niya ang ginagawa ng babae. Halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Basang-basa na rin siya dahil sa ulan na kanina pa bumubuhos. Dumagdag sa kaba niya ang kulog at kidlat sa kalangitan.

Isang sanggol.

Isang sanggol pala ang nasa loob ng telang iyon! Nang bumukas ang pintuan ng bahay ay doon niya nakita ang kaniyang tiyuhin na gulat na gulat ding nakatingin sa sanggol na nasa harap nito. Buhay pa ang tiyuhin niya kung kaya't naisip niyang nasa panaginip siya-sa panahong iniwan siya sa bahay ng kaniyang tiyuhin.

Nagpalinga-linga siya sa paligid upang hanapin ang babaeng nag-iwan sa sanggol. Ang isiping baka ito ang kaniyang tunay na ina ay nagdulot sa kaniya ng labis na pagkasabik. Hindi niya inaalintana ang sakit mula sa pagkakadapa at patuloy pa rin sa paghahanap kung saan nagpunta ang babae. Halos hindi niya maaninag ang dinadaanan dahil na rin sa mga luhang sumasabay sa agos ng tubig-ulan.

Kailangan niyang makita ang babaeng iyon.

Ngunit nakailang ikot na siya sa buong lugar ay hindi na niya ito mahagilap. Wala siyang ibang magawa kun'di ang mapaupo sa semento at umiyak nang umiyak. Isang pagkakataon na naman ang nasayang niya. Akala niya'y makikilala na niya ang kaniyang ina, pero bigla na lamang itong naglaho na parang bula.

Napaangat siya ng tingin, handa na sanang bumalik sa paghahanap, ngunit naramdaman na lamang niya ang isang napakasakit na sampal sa kaniyang pisngi. Napahawak siya rito't napadaing. Wala ni isang tao ang narito sa paligid, pero sigurado siyang may sumampal sa kaniya.

"Aray!"

Sinampal na naman siya. Galit siyang napatayo at nagmamasid sa paligid upang makita ang tampalasang sumampal sa kaniyang mukha. Pero ilang sandali lang ay napahawak siya sa kaniyang leeg nang manigas siya’t hindi makahinga ng maayos.

“AH!”

Kasabay ng malakas na sigaw ni Aerin ay ang pagmanhid ng kaniyang mukha. Napabalikwas siya ng bangon sa sobrang gulat. Nang ilibot ang paningin ay nasa isang kwarto siya habang nakapalibot sa kaniya ang mga royalties. Nakita pa niya ang palad ni Aqua na nasa ere. Mukhang ito yata ang sumampal sa kaniya!

“Sorry, Aerin. Kanina ka pa kasi namin ginigising, pero...” Hindi na natapos pa ni Aqua ang kaniyang sasabihin nang makitang hawak-hawak ni Aerin ang namumulang pisngi. Mukhang paiyak na nga si Aerin habang nakatingin sa prinsesa.

“Sorry talaga, Aerin! Masakit ba?”

“Pasampal nga rin ako sa mukha mo, Aqua. Tingnan natin kung hindi ba masakit,” sambit na lamang ni Aerin. “Ano bang nangyari? Bakit narito ako?”

Kaagad namang ikinuwento ni Caeli ang nangyari at humingi rin ng tawad. Hindi na rin ito dinibdib ni Aerin dahil alam niyang hindi naman nila ito sinasadya at wala namang intensyong masama sa kaniya ang mga royalties. Mababait naman ang mga ito sa kaniya. Siguro ay kailangan na lamang niyang sanayin ang sarili sa portal ng kaniyang training master.

Pagkatapos ng ginawa ni Eris sa kaniya ay kaagad ding umayos ang pakiramdam niya. May kakayahan palang manggamot ang prinsesang ito. Iyon nga lang ay medyo hindi yata siya nito gusto. Pero isinawalang-bahala na lamang niya iyon. Baka ay naninibago lang si Eris sa kaniya. Isa itong prinsesa samantalang siya ay isang hamak lamang na mage.

Umaga na pala. Mag-uumpisa na nga pala ngayon ang kanilang training. Naka-school uniform na ang ibang mga royalties, maliban sa kanila ni Caeli at Aerin. May pasok din kasi ang mga ito, samantalang sila Aerin ay may training.

Maganda ang uniform ng Lux Academy. Long-sleeve white blouse with chest ruffles ang suot na pang-itaas ni Aqua at isang black pleated skirt naman ang pang-ibaba. Pero nang lingunin ni Aerin si Eris ay doon niya napagtantong isang loose blazer-style uniform pala ang suot ng mga royalties. Hindi pa pala naisuot ni Aqua ang kaniyang blazer!

Blazer-uniform style din ang suot ng mga lalake. Puting dress shirt din ang suot nila sa ilalim at isang black tie at sa pang-ibaba ay isang black trouser. Ang cool nilang tingnan! Dumagdag sa ganda ng uniform nila ang school emblem ng Lux na nakadikit sa kanilang blazers.

Gusto niya ring maisuot ng school uniform ng Lux, pero dahil training day niya ngayon ay wala siyang ibang magawa kun’di ang tingnan na lamang ang mga kasamang ngayon ay nagpapaalam na sa kanila.

“Good luck sa training, Aerin!”

“Thank you, Rayndell.”

“Galingan mo, Aerin.”

“Salamat, Aqua.”

“Don’t be a weakling and follow your master’s instructions,” sambit ni Ice na ikinangiwi na lamang ni Aerin. Umalis din naman ito kaagad gamit ang teleportation.

Nagpaalam na rin ang iba pa at kaagad na ring umalis. Si Caeli at Aerin na lamang ang naiwan sa dorm, pero hindi tulad niya, nakasuot na ng training outfit ang kaniyang  training master. May binigay itong damit sa kaniya. Ito raw ang kanilang training uniform. Isa itong medieval tunic na may mataas na manggas. Kung tutuusin ay para siyang isang mangangaso sa lagay niya ngayon. Hindi naman siguro gubat ang pupuntahan nila, ’di ba?

“Wow, ang ganda mo, twinny! Bagay na bagay sa’yo ang suot mo!”

“Syempre. Mana-mana lang ’to, Caeli,” biro niya sa kasama na naging dahilan upang magtawanan ang dalawa.

Portal ni Caeli ang ginamit nila. Binigyan niya ng isang pirasong mint candy ang baguhan upang hindi na ito mahilo ulit. Kailangang nasa mabuting kondisyon ang katawan ni Aerin upang hindi ito mabigla sa training na gagawin.

“Siyanga pala, Caeli. Ito rin ba ang gamit mo para maipasok ako sa kwartong iyon o pinalutang mo na lang ako basta-basta sa hangin?” tanong pa ni Aerin nang makalabas sila mula sa portal.

“Naku, twinny. Hindi ko na naisip pa ang mga ’yan nang mawalan ka ng malay. Si Ice ang nakita ko no’ng lumapag tayo kaya siya na ang pinabuhat ko sa’yo,” sagot nito habang inilalagay ang mga dalang gamit sa isang bench.

“Si Ice?” wala sa sarili niyang tanong. May kung anong kumikiliti sa puso niya nang marinig iyon. Masyadong malamig ang taong iyon, pero hindi niya inaasahang ito pa ang magbubuhat sa kaniya.

“Oo, pero hindi naman na bago iyon.”

“Anong hindi na bago?” May binuhat na ba si Ice na isang mage noon? Medyo nadismaya siya nang maisip iyon. Akala niya ay siya pa lamang ang binuhat nito.

“No’ng nasa mortal world pa lang kayo, twinny. Nang dumating ako, buhat-buhat ka na niya. Nawalan ka rin ng malay no’n, ’di ba? Galing ka raw sa isang cat fight.”

Napangiti naman si Aerin nang marinig ang mga salitang ‘cat fight’. Siguradong sinabi nga iyon ni Ice. Ito lang naman kasi ang naro’n na nakakita ng away nila ni Hanny. Binuhat pala siya nito noon. Ito rin kaya ang bumuhat sa kaniya nang mawalan siya ng malay sa likod ng kanilang eskwelahan? Ibang klase rin pala si Ice. Pero teka, bakit palagi na lamang siyang nawawalan ng malay? Gano’n ba talaga siya kahina?

“Caeli, ano nga pala ang apilyedo ni Ice?” tanong niya sa kasama nang mapagtantong hindi nga pala ito nakapagpakilala ng maayos sa kaniya. Tanging pangalan lamang ang nabanggit nito noon.

“Ice Glaciero, twinny! Bakit?”

“Wala lang.”

Pinapanood na lamang niya ang ginagawa ni Caeli habang siya ay nakatayo lamang. Napakalawak ng buong training ground. Para itong isang malawak na field at wala kang ibang makikitang kahit ano sa paligid. Pero nagulantang siya nang biglang nag-iba ang buong lugar. Ang dating walang laman na field ay nagiging isang malawak na kagubatan! Paano nangyari iyon?

Napansin yata ni Caeli ang gulat na gulat niyang ekspresyon kung kaya ay kaagad naman itong nagpaliwanag. Gano’n lang daw talaga ang training ground. Nilagyan daw ito ng Headmaster ng isang bato na pwedeng makalikha ng isang ilusyon sa tuwing may mag-eensayo.

“Twinny, ilag!” Kaagad na napaupo si Aerin nang may mabilis na bagay na muntik nang tumama sa kaniya. Nagmula ito sa kakahuyang nasa unahan ng kanilang kinaroroonan.

“Ano ’yon? May gusto bang pumatay sa akin?” hysterical niyang sambit habang nakahawak sa kaniyang dumadagundong na dibdib. Ngunit tawa lamang ang iginawad sa kaniya ng prinsesa kung kaya’y hindi niya ito makapaniwalang tiningnan.

“Sorry,” sambit nito nang maramdaman ang talim ng titig niya. “Twinny, lagi mong tatandaan na may mga kalabang idadaan ka sa usapan, pero may ginagawa na pala ito sa’yo. At anytime ay pwede kang puntiryahin ng mga ito kaya dapat ay lagi kang handa.”

Napasimangot na lamang si Aerin dahil ito pala ang may kagagawan no’n. Akala niya ay may isang mage na balak siyang patayin. Iyon pala ay nag-uumpisa na ang kanilang training nang hindi man lang niya alam. Wala man lang pasabi ang air mage na ito.

“Akala ko pa naman ay tuturuan mo ako kung paano ko gagamitin itong kapangyarihan ko.”

“Oo nga, pero bago iyon ay kailangan mo munang  gawin ang basic exercise para hindi mabigla ang katawan mo.”

Napamaang na lamang siya sa tinuran nito. Para daw hindi mabigla ang katawan niya? Ano pala ’yong kanina? Hindi pa ba siya nabigla no’n e’ halos atakehin na siya? Ibang klase rin pala ang paraan ng training master niyang ito.

“Tapos na, Caeli!”

Pero wala siyang nagawa. Sinunod pa rin niya ang utos nito. Si Ice kasi. Tumatak yata sa isipan ni Aerin ang sinabi nitong dapat niyang sundin ang instructions ng kaniyang training master!

“Ang una mong pag-aralan ay ang paggawa ng air spikes. Ito ang pinakasimpleng atake na pwede mong magamit anytime, para kahit papaano ay kaya mong lumaban kung sakaling merong mananakit sa’yo,” panimula ng prinsesa. Napalunok na lamang si Aerin sa sobrang kaba nang banggitin nito ang posibilidad na may magtangkang manakit sa kaniya.

“Sigurado naman akong meron talaga, Caeli. Syempre may battle, ’di ba? Lalaban talaga ako ro’n.”

“Hindi lang sa battle merong mananakit sa’yo, twinny. Kahit nasa Lux tayo ay meron pa ring mga mages na maaaring iba ang takbo ng isip.”

“Tama na nga, Caeli. Tinatakot mo yata ako e’. Paano ba ’yong air spikes? Madali lang ba iyon?” Sinabi na ngang ito ang pinakasimpleng atake, e’.  Bara niya sa sarili niyang tanong.

Ipinakita naman kaagad ni Caeli ang gagawin. Humarap silang dalawa sa bandang kakahuyan at hindi pa rin maiwasan ni Aerin na mamangha sa nakikita. Bigla na lamang may lumitaw na parang dart board sa hindi kalayuan habang may nagliliparang ibon sa harap nito.

“Subukan mong tamaan ang dart board gamit ang air spikes, twinny. Pero make sure na hindi mo matatamaan ang mga ibong iyan.”

“Bakit?”

“Sabihin na nating hostage ang mga ibong iyan at ang dart board ang siyang tunay na kalaban mo. Hindi mo naman siguro patatamaan ang mga hostage, ’di ba?”

Oo nga naman. Hindi naman niya naisip na patamaan ang mga ibon e’. Wala sa isip niya iyon. Kahit sinong matino ay hindi talaga maiisip iyon. Bakit naman niya ito patatamaan? Hindi naman siya baliw para gawin iyon.

“Focus, twinny,” untag nito sa kaniya. Para lang kasi siyang tuod habang nag-iisip ng kung ano-ano. “Isipin mong may lalabas na enerhiya sa mga kamay mo. Isipin mong isa itong air spike. Huwag kang kakabahan at dapat maayos ang paghinga mo para hindi maharangan ang pagdadaluyan ng kapangyarihan mo.”

Paano ba iyon? Paano ba gawin iyon? Bakit ang dali lang nitong pakinggan? Pero bakit ang hirap gawin? Naisip na lamang niya habang sinusubukang palabasin sa mga kamay niya ang kaniyang kapangyarihan.

Ilang sandali pa ay nagawa na rin niya ito. Sobrang dami ng air spikes na nailabas niya! Pero habang nalulunod ang puso niya sa tuwa ay bigla na lamang itong nawala na parang bula. Napatitig na lamang siya sa mga palad niya nang bigo. Bakit gano’n? Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa pagpopokus pero gano’n na lamang ang nangyari.

“Ayos lang ’yan, twinny.” Sigurado siyang natatawa ang kaniyang training master. Naririnig niya ang pagsinghot nito na para bang pinipigilan ang sarili. “Kaya mo ’yan!”

Sinubukan niya ulit...nang ilang beses. Ilang beses din itong naglaho. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang inulit at kung ilang beses din itong nawala sa mga palad niya. Hindi pa niya ito naititira sa dart board! Ubos na ubos na ang lakas niya.

“Relax, twinny. Huwag masyadong mainis at hayaan mong malayang dumaloy sa mga ugat mo ang kapangyarihan mo.”

Nag-init na ang batok niya. Naiiyak na siya sa sobrang pagkainis. Nauubos na ang pasensiya niya. Bumibilis na rin ang tibok ng kaniyang puso. Hindi na niya makontrol ang kaniyang sarili. “AAAAHHHHH!”

Gulat na gulat namang nakatingin si Caeli sa nasaksihan. May kung anong mist na lumabas mula sa katawan ni Aerin at isang sandamakmak na air spikes ang inilabas niya. Mabilis na natamaan ng mga ito ang dart board. Ang mga ibong nagliliparan kanina ay naglaho na lamang dahil pati ang mga ito ay natamaan din.

Pero hindi niya inaasahan na babalik sa kinaroroonan ni Aerin ang sandamakmak na air spikes na kanina lang ay inilabas nito. Mukhang masyadong malakas ang kapangyarihan ni Aerin kung kaya ibinalik  ito ng dart board!

Akmang pipigilan niya ang mga air spikes nang matumba siya. Isang mabilis na pulang liwanag ang sumagi sa kaniya! Pagtingin niya sa unahan ay nakita niya si Faero na buhat-buhat na si Aerin habang ang ilusyon ay kaagad ding naglaho kasama ng mga air spikes.

“Faero!” sigaw ni Caeli at tumakbo papalapit sa kanila.

“Mabuti na lang at tama ang dating ko,” sambit ni Faero at pinaupo sa bench si Aerin. Gising ito pero mukhang wala sa sarili dahil sa hindi nito makontrol ang sariling kapangyarihan.

“Salamat, Faero.”

Mabuti na lamang at speed ang isang ability ni Faero tapos isa pa siyang illusionist. Nagawa nitong patigilin ang mga air spikes na isa lang din palang ilusyon mula sa dart board.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro