II

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 2: Hidden Academy

Naalimpungatan ako nang maumpog ang ulo ko sa isang  matigas na bagay. Napahawak naman ako rito dahil sa sakit.

What the heck? Ayaw ba nilang maghinay-hinay?

“Hoy!” Minulat ko naman ang aking mga mata nang sumigaw na naman ang babaitang ‘yon. Hindi ba uso sa kan’ya ang tapik sa balikat at hindi pagsigaw? 

“Ano na naman ba?” inis kong sigaw kay Anto. May galit ‘ata ito sa ‘kin kaya kung makasigaw, wagas e. 

“Nandito na tayo, okay?” sigaw rin niya at showering pa. 

Bad mood ako, tapos dumadagdag pa siya. Psh! E, kung ingudngod ko kaya ang mukha niya sa tinatapakan niya ngayon? 

“E ‘di shing!” mariing sabi ko sa kan’ya at padabog na tumayo sa pagkakaupo pero wrong move dahil biglang umikot ang buong mundo ko dahil do’n. Buti na lang talaga at may nahawakan ako, kung hindi ay natumba na ako. 

“Nando’n na ‘yong babae sa labas, naghihintay na sa ‘tin.” Bigla namang sumulpot ni Kris sa aking harapan na ikinagulat ko nang kaunti.  

“Let’s go!” masiglang sabi ni Anto at hinila kaming dalawa patungo sa labas. 

Close kami? Ganern? At parang ang happy ‘ata nila? Unlike me, still depressed dahil ang bilis ng mga pangyayari ngayon. 

Yes, I’m still thinking of my tita. Hindi ko talaga aakalain na pinilit niya akong iwan siya at nagawa ko talaga siyang iwan. I don’t know kung anong nakain niya and I just hope na panaginip lang ito. 

“O, nandito na pala kayo! Sundan niyo lang ako.” I came back to my senses when I heard Ms. Allysa’s voice.

Hindi na lang ako nagsalita at sumunod na lang sa kan’ya, pati ‘yong dalawang kasama ko ay sumunod na rin. 

Naglakad kami sa isang masukal na daan. Ang dami ring lamok na pinagpi-pyestahan ang aking good looking skin. Naiinis ako dahil ang kati-kati na ng buo kong katawan kasi ang dami na nitong kagat ng lamok, idagdag mo pa ang mga damo na ang tataas.

Kung ie-estimate ko ang oras, mukhang dalawang oras na yata kami rito pero hindi pa rin kami nakakarating sa paroroonan namin.  

Ano ‘to? Long-lasting fun walk? Mukhang ang tagal naman ‘ata namin makarating. Hindi na lang ako nagsalita pa at sumunod na lang sa kanilang paglalakad.  

Dinadama ko ang bugso ng hangin habang tinatangay nito ang aking buhok. Ang ganda rin ng amoy, fresh na fresh, hindi katulad ro’n sa aming lugar na ang daming usok ng sasakyan.
  
“Hoy, babae? Kailan tayo hihinto? Parang wala ‘atang katapusan ‘tong paglalakad natin, e! Pagod na pagod na ako!” Nag-mo-moment ako rito habang naglalakad kami nang bigla na lang sumigaw ang katabi ko. Reklamador ang g*ga, e kung maglakad na lang kaya siya? Inistorbo pa ako. 

Lumingon naman sa amin ang babae saka malawak na napangiti. Weird.

“Malapit na tayo!” masiglang ani nito at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi naman nagreklamo ang katabi ko kaya matiwasay kaming nakasunod sa kan’ya.

Makalipas ang ilang minuto ay may naaninag akong isang napakatayog na puno sa harapan namin. Kumakaway si Miss Allysa sa likuran ng puno, parang sinasabi niyang pumunta kami ro’n kaya gano’n ang ginawa namin.

“We’re here!” Halos magdikit ang kilay ko sa sinabi niya. Anong we’re here? E, dead end na ito? May mga sanga-sanga ng kahoy at kung titingnan mo sa kabila ay mukhang bangin ‘ata ang nasa kabilang side nito. 

“Are you crazy?” Kris muttered. Mahina lang iyon pero rinig na rinig namin lahat dahil sa katahimikan dito sa gubat. Madilim na rin at apat na oras kaming naglakad patungo rito ngunit bakit mukhang scam yata itong isang ‘to?  

I glared at Miss Allysa. Because of what she did, nagkalayo kami ni Tita and hurtful words came out our mouths, yet she’s here just to scam us?! 

Akmang magsasalita na sana kaming tatlo upang sunggaban ng masasakit na salita ang babaeng nasa harapan namin ngunit bigla itong nagsalita.

“Relax! I am not a scammer!” she muttered, waving her hands and making some weird gestures.  

Napatingin naman ako kay Kris at Anto na mukhang nagpa-panic na nang dahil sa kanilang nalaman.  

“It is physically impossible to relax! What if ipapa-salvage mo pala kami, ha? Sugo ka ni Sir Park, ‘no? Kaya ba pinatapon niya kami sa school niya para patayin?” sunod-sunod na sigaw ni Anto na may kasama pang gestures, halatang kinakabahan talaga sa nangyayari ngayon.  

Well, she has a point. What if pinagplanuhan ito ni Sir Park dahil crush niya ‘yong isang teacher na mukhang pinahirapan namin tapos na-depress at gusto niya ng revenge? Oh, my gulay!

Sana pala naging mabait ako para hindi ako mamatay rito! Kaya siguro kanina pa sunod nang sunod ‘yong tatlong unggoy sa likuran namin kasi sila ‘yong kikitil ng buhay namin!   

“Stop overthinking, guys. Just follow my lead,” Miss Allysa said. Sumunod naman kami sa kan’ya at saka hinawi ang mga baging na nasa harapan namin.   

See? Bangin! Napakamalalim na bangin! Ano bang— Napanganga naman ako nang pumasok si Miss Allysa doon at hindi siya nahulog! Tumagos lang siya rito na para bang tumawid lang siya sa kabila at hindi na namin siya nakita pa. 

Nagkatinginan naman kaming tatlo habang tine-test kung totoo ba talaga ang nakita namin. 

It’s true! Tumagos ang kamay ko! 

“Oh my God… Is this a portal to the other world?!” Halos malaglag ang puso ko sa gulat nang hampasin ako nang malakas ni Kris. Sabing hindi kami close!  

Hinimas-himas ko naman ang aking balikat at umuna nang pumasok sa kanila. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang isang napakalaking gate sa aking harapan. Parang ten times ‘ata ang laki nito sa ten-storey building sa haba at laki nito, hindi nga nakikita mula rito kung ano ang nasa loob nito sa sobrang laki. May malaking plate naman sa gitnang bahagi nito kung saan may nakasulat na Hidden Academy.

Marami-rami ring mga taong nagkukumpulan sa aking harapan at hindi ko na rin namalayan na wala na pala sina Anto at Kris sa aking tabi.
 
“Gumawa kayo ng sampong linya at maghintay sa inyong pagpasok!” anunsyo ng kung sino. Dala ang bag ko ay pumila ako sa ikalawang linya.  

Tulala pa rin ako sa kawalan habang ina-absorb ang mga nangyari kanina. Kung totoo nga ang mga ito at kung portal nga ang nakita ko kanina, e ‘di ibig sabihin, hindi ordinaryong eskwelahan ito?  

Totoo ba ito? ‘Yong mga napapanood ko lang sa TV at nababasa sa libro tungkol sa mga kakaibang mundo ay may kabuluhan pala? Hindi ako naniniwala nang nanonood ako ng Wansapanataym at Daig Kayo Ng Lola Ko at ngayon na mismong nasa harapan ko na ay parang hindi pa rin ako makapaniwala.  

Several minutes passed, nagsilakaran na ang mga taong nasa harapan ko kaya nagsimula na rin akong maglakad. Isang napakalakas na bugso ng hangin ang umapaw nang buksan ang napakalaking gate.

Isa-isa naman kaming pinapasok dito. Nakasisilaw ang liwanag sa loob. Sabi pa ng mga nag-uusap sa unahan ko ay malimit lang daw ang nakapapasok sa eskwelahang ito at ang mga makapapasok lang dito ay ang mga karapatdapat lang daw.  

Wow? Ano ito? The chosen one?   
Pagkatapak ko pa lang sa loob ay isang nakasisilaw na mga disenyo na kaagad ang bumungad sa ‘kin. Ang tinatapakan ko ngayon ay isang bermuda kung saan nakatayo ang isang statue ng kung sino. May maliliit na fountain naman sa magkabilang gilid nito at kung pagmamasdan ang buong paligid, maaaninag mo ang naglalakihang mga gusali sa likod. May mga puno rin at mga bulaklak sa paligid na siyang nagpapaganda sa loob dahil sa iba’t ibang kulay at anyo ng mga ito.  

May isang tagapamahala naman ang naging guide namin sa paglalakad. Nilampasan namin ang isang napakalaking statue. May nakasulat doon na Queen Asralyn, Ruler of Gardenia— Charis. Wala talagang ruler of gardenia, eme lang. Nakasuot ng korona ang taong nakaukit dito at naka-crown braid naman ang kaniyang buhok.  

Nang malagpasan namin ito, isang napakagara at mahaba na hagdan ang bumungad sa amin. Umakyat kami roon at pumasok sa loob. May parang registrar office na mga cubicle sa loob ngunit pumapasok ang iilan sa mga ito. Huminto naman kami sa ikalawa at nagsimula na namang pumila.
Ang daming tao sa loob. ‘Yong iba, naiinip na habang ang iba ay masayang masaya. May mga tao namang parang wala lang sa kanila at ang karamihan ay parang may sariling mundo.  
Umabante ang nasa harapan ko kung kaya’t sumunod na ako rito. Pumasok kami sa loob at kung mukha itong maliit mula sa labas, p’wes ay ibahin niyo sa loob. Malaki ito at magarang tingnan.

Huminto kaming lahat sa harap ng isang hologram. Napapikit naman ako nang bigla itong mag-flash sa harapan ko. Grabe, teh, wala man lang timer? Paano kung ilagay sa id ‘yan? E ‘di magmumukha akong timang d’yan? 
Napasimangot naman ako nang tama nga ang hinala ko. May lumabas na laminated id namin with customized lace pa saka ito ibinigay sa amin. Napangiti naman ako nang makita ko ang aking mukha.
 
“In fairness, ang ganda ko pa rin,” puri ko sa sarili habang tinitignan ang mukha ko sa id. Pero sino bang nag-imbento ng mga ‘to? Gusto ko lang silang ma-meet at magpa-autograph para naman may remembrance ako sa kanila.   

“Maganda ba ‘yan para sa iyo?” Parang tumalon naman ang puso ko sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. 

“Oo. Bakit, may angal ka?” inis kong sabi sa lalaking nakikiusyoso sa id ko. Napakatsismoso naman ‘ata nito. Ang ayaw ko sa lahat e ‘yong tsismoso at pakialamero, e. Psh. Napairap na lang ako sa isip-isipan ko.  

“Well, maganda nga sa picture…” Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa na parang nang-ja-judge. “…pangit naman sa personal,” huling sabi niya saka umalis sa harapan ko.

E, kung upakan ko kaya siya? Sino ba siya sa inaakala niya? Tsismoso na nga, mapanlait pa. Sa ganda kong ‘to, napapangitan siya? Aba, e bulag ‘ata ang mokong na ‘yon! 

“Students! Please remain to your lines and wait for the portals to show!” Napataas naman ang kilay ko nang may biglang magsalita sa kung saan.

“Prepare yourselves!” Pagkarinig ko ro’n ay biglang lumitaw ang isang arcane circle sa paanan ko.

Umiikot-ikot ito na para bang may pinipili na isang simbolo. Huminto naman ito sa parang tao na invisible at ‘yong isa naman ay hindi. Hindi ko alam kung anong simbolo ‘yon, basta ang nakita ko lang ay parang lumagpas ito sa parang butas.  

Umalingawngaw naman ang sigaw ng mga estudyante sa buong silid at kahit ako ay napasigaw nang malakas dahil sa pagkakahulog ko sa butas.  

Oo, nahulog kami sa arcane circle at hindi ko alam kung paano ko idi-describe ang nararamdaman ko ngayon dahil nasusuka ako. 

“Fudge!” sigaw ko at napahawak sa ulo ko. Parang titirik ang mga mata ko dahil parang gusto ko itong ipikit pero hindi ko magawa sa lakas ng hangin na humahatak sa ‘kin pababa. ㅤ

BOGSH! 
 
Napadaing ako sa lakas ng pagkakahulog ko. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit parang may nadaganan ako sa aking pagkakahulog.  

“Aray!” Agad ko namang tinignan kung sino ang sumigaw. Siya pala ang nadaganan ko — ‘yong lalaking mapanlait na tsismoso kanina.   

“Buti nga sayo,” bulong ko saka tumayo na at pinagpagan ang sarili. 

“‘Di ko akaling sa payat mong ‘yan, ang baboy mo pala!” Masama niya akong tiningnan bago tumayo.

“What did you just say?” Sinabi niya na ngang pangit ako, sasabihan pa ako na baboy? Wow, ha! Kita niya naman sigurong tao ako! At magkaiba ang tao sa hayop! Baka siya ‘yong babuyin ko r’yan?  

I smirked when a thought crossed my mind. “Kaya pala parang insecure ka sa beauty ko kasi nga inggiterang unggoy na bakla ka,” pang-iinis ko sa kan’ya na mukhang hindi naman tumalab.  

“What a childish act. Did you think I will get pissed if you say that?”
My eyes narrowed into slits. “Umalis ka sa paningin ko kung gusto mo pang mabuhay.” I saw how his lips curved upward when I said that kaya nainis na naman ako rito. P’wede bang tantanan muna niya ako?   

Magsasalita na sana ang mokong nang biglang may narinig kaming palakpakan sa harapan namin kaya napalingon ako roon. Sh*t. 

“Love birds! I love love birds!” a woman that I think is in her mid 30s blabbered. She has a long wavy brown hair and is wearing a casual attire. She looks so pretty even though makikita mong may pagkamatanda na siya.

May nakita naman akong apat na estudyante sa harapan namin. Well, based on their uniforms, they’re students. Ang gagara ng mga uniform nila, parang hindi mga uniporme dahil sobrang ganda at sa palagay ko ay sobrang init.  

Nakasuot ng fit and above the ankle trousers ang mga lalaki, puting long sleeved shirt na natatakpan ng isang half-buttoned at stripes sleeveless blazer, at isang necktie sa gitna. Gano’n din sa mga babae ngunit nakapalda sila na 3 inches above the knees at hindi necktie, kun’di ribbon ang suot ng mga ito.

Pareho silang lahat na may nakadikit na school logo sa kanang bahagi ng kanilang dibdib at isang gold lace na nakabutones din sa kanilang harapan kung saan ang butones ng mga ito ay may iba’t iba itong disensyo o simbolo. Higit sa lahat, hindi magkakaparehas ng kulay ang uniforms nila.   
Dahil nalunod ako sa pag-oobserba sa kani-kanilang uniporme ay hindi ko na namalayan na hinigit na pala kami ng teacher. Kumikinang ang mga mata niya nang hinila kaming dalawa sa harapan.  

“Transferees, right?” nagagalak nitong tanong sa amin kaya tumango kaming dalawa sa kan’ya. “Then introduce yourselves!” dugtong pa nito sabay ngiti.  

Napatayo naman ako nang tuwid nang pinaharap niya kami sa mga magiging kaklase ko na ‘ata rito. 
“I’m Beatrice, nice uhm… meeting you all?” I awkwardly introduced myself, dahilan para lumabas ang pilyong ngiti ng katabi ko ngayon. What? Ano na naman bang problema niya?

“Tristan Jouesh! Pleased to meet you!” he introduced himself as well. At ano raw? Jo… Esh-esh? Ano bang klaseng pangalan ‘yon?  

Itinuro naman ng magiging adviser ‘ata namin ang mga bakanteng silya saka sinabing kami na ang pumili ng mauupuan namin. Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod.  

“So, nagtataka ba kayo kung bakit pinatawag ko kayo rito? Well, to guide those transferees, since kayo ang old students, you must guide the new ones, I guess?” she started talking in front of us. May kinuha naman siyang parang record list naming lahat. 

“By the way, guys, I am Anika. Just call me Miss An,” saad pa nito at inilagay na sa teacher’s table ang makapal na libro. 

“Miss An, bakit kailangan pa naming pumunta rito? E sila lang naman io-orient mo?” Napatingin naman ako sa nagtanong. Kulay dilaw ang buhok nito at grayish ang mga mata, singkit din ito at mukhang mabait.  

“Because I will also inform you all about the changes to the class schedule,” she answered while smiling kaya ngumiti na lang din ang nagtanong sa kan’ya.   

“So, let’s begin! First of all, let me welcome you all! Himala at may nakapasok na naman sa section na ito!” Parang sa mga sinabi niya, mukhang kinabahan ako. Paano kung brutal ang mga estudyante na naririto?   

“This is the section in which the students are seen to be special, so be thankful to be a part of this section because you’re one of those who are special!” she added. I heaved a sigh of relief. Phew! Akala ko naman. Pero anong special sa akin?   

May kailangan pa pala akong kumpirmahin. Gusto kong malaman kung totoo ba talaga ang mga nakita at naranasan ko kanina o kung namamalikmata lang ba talaga ako kaya naman itinaas ko ang kamay ko.

“May magic-magic bang nagaganap dito? I mean, like whoosh, phew! Gano’n?” nagtatakang tanong ko with matching action pa. Humagalpak naman ng tawa ang iba, dahilan para mapasimangot ako. Ano bang nakakatawa sa tanong ko?  

“Yes, of course! Nanggaling ka sa mundo ng mga mortal, hindi ba?” nakangiti nitong sagot at sinamaan ng tingin ang mga tumawa kaya natahimik sila. Much better. “So, hindi ko na pahahabain pa dahil alam kong pagod na rin kayo sa inyong paglalakbay. This school is called the Hidden Academy, dahil kinukuha nila ang mga nilalang na may kakaibang nakatagong kakayahan, maparito man sa mundong ito o sa kabilang mundo.”

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Ms. An. ‘Yon na ‘yon? Wala na bang broad explanation kung bakit ako napunta rito? At anong purpose nito para sa akin? Kakaibang kakayahan? As far as I can remember, I don’t have any of that. Kaya parang hindi ako nababagay rito. P’wede bang magback-out at umuwi na kila Tita?   

Ipinaliwanag din ni Ms. An ang iba’t ibang mga patakaran dito sa eskwelahan pero parang hindi ko ito naririnig dahil sa sobrang occupied ng isipan ko. Paano kung ipatapon yung mga walang kapangyarihan? Paano na ako? Ipakakain sa isang mythical creature? Diyos ko! Ayaw ko na!  

“Then, that’s all! P’wede na kayong magpahinga! Bye!” At sa isang iglap, nawala na siya sa aming harapan. Wait… what?  

“Let’s go,” walang ganang sabi ng isang babae sa kanila. May itim itong buhok at bangs, kulay hazelnut naman ang kulay ng mga mata niya. 
Napatigil naman ako sa paglalakad nang hilahin ako ng kung sino. “Ano ba?” Kailan pa kami naging close ng isang ‘to para hila-hilahin niya ako?

“Alam mo ba ‘yong dormitory mo? Kasi ako, hindi!” bulalas nito habang pinupunasan ang kan’yang pawis.  
Ay, oo nga, ‘no? Saan kami matutulog nito— I mean, saan ako matutulog nito? 

“Sumabay kayo sa ‘min, parehas lang tayo ng dormitory!” masiglang wika ng isang lalaki. “Ay, hindi pa nga pala kami nagpapakilala sa inyo!” dagdag pa nito sabay kamot ng kan’yang ulo. 

Nagsihintuan naman ang mga kasama niya sa pagkukuwentuhan saka pare-parehong tumingin sa direksiyon namin.  

“Ako nga pala si Jeffer Euhonn!” pagpakilala ng may dilaw na buhok kanina. Ngumiti naman ito habang kinakamot ang kaniyang ulo. May mga kuto ba sila kaya palagi nilang kinakamot ang mga ulo nila?  

“Carper James. Nice meeting you, Beatrice,” sambit ng isang lalaki saka ngumiti. May kulay grayish ito na buhok at itim na mga mata.   

“Stephen Sky and Sky for short na lang!” pakilala naman ng lalaking nagsabi sa amin na sumabay sa kanila. Hindi ko alam pero may pagka-dark blue ang kulay ng kaniyang buhok. Hindi mo ito mahahalata sa dilim ngunit kapag nasisinagan ito ng araw o ng kahit na anong ilaw ay nagiging dark blue ang kulay nito.  

“Dianna Eunice,” ani ng nag-iisang babae sa grupo nila pero mukhang siya ‘ata ang pinaka-superior sa kanila. Makikita mo naman sa kan’yang aura.  

“Wow, leader, may kasama ka na sa silid mo! Hindi kana lonel—“ Napaurong naman ang dila ni Sky nang tiningnan siya ni Eunice. “Hehe, joke time lang!”

“Let’s go,” walang ganang sabi nito kaya nagkibit-balikat na lang ako at sumunod sa kanila. 








My jaw dropped when I saw the capacious place they are living in. Ang liit tignan sa labas pero ang laki sa loob. Ganito ba sila ka high tech o gawa lang ito sa mga magic-magic kuno nila? 

Naglakad naman ako papasok dito. Una mong madadatnan ang salas nila. May apat na couch ito, isang round table sa gitna, at malaking TV sa unahan. May malaking chandelier din. ‘Yong kusina naman, nasa kabilang bahagi; hindi ko alam kung ano ang nasa loob nito dahil hindi pa naman ako pumapasok. 

“Welcome to our dorm!” masiglang wika ni Euhonn saka ini-spread ang kan’yang mga kamay.  

“Nasa itaas ang silid ng mga babae habanag sa baba naman ang atin, Jouesh!” Itinuro ni Sky ang apat na pinto na nahahati ng hagdan. Napatingin naman ako sa itaas.
 
“Room two is yours.” Nabaling naman ang atensiyon ko kay Eunice na nagsalita sa gilid ko. 

“P’wede na ba akong pumunta ro’n?” tanong ko at tumango naman siya. Bitbit ang backpak ko ay nagmadali akong umakyat doon. Hindi na ako nagpaalam pa dahil hindi ko naman sila ka-close. 

“Ako ang magiging tour guide niyo tomorrow after class!” sigaw ni Sky sa baba kaya tumango-tango na lang ako bilang tugon.  

Nang makapasok ako sa ikalawang silid ay agad kong inilagay ang backpack ko sa gilid ng kama saka nag-dive dito. 

“I’m worn out,” I mumbled. 
I closed my eyes. Makakatulog kaya ako ngayon sa dami ng nangyari sa akin? 

To think that I came here because there’s something special about me…
It makes me want to explore more about my mysterious identity. Ampon ako ni Tita at wala akong magulang. May posibilidad kaya na taga-rito ang mga magulang ko?  

Napatingin ako sa bintana ng silid. Ang dilim sa labas, tanging ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw nito. 
Pinagmasdan ko ang aking repleksiyon sa salamin ng bintana.

“Ano ba talaga ako?” I asked out of nowhere. Bigla namang lumakas ang bugso ng hangin, dahilan para mabuksan ang bintana ng k’warto. 

Hindi. Ang tamang tanong na dapat kong itanong ay kung… sino ba talaga ako?

END OF CHAPTER 2

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro