XV. P-III

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 15: Quesecre & Crudelis: The Ad​ju​ra​tion

Isang  nakababinging sigawan ang narinig ko nang tumunog ang parang hudyat na magsisimula na ang laban.

Nandito na kami ngayon sa battlefield dahil magsisimula na ang aming panghuling laban. Magiging kalaban namin ngayon sila Eunice.

Hindi katulad no’ng kanina ang aming p’westo. Nag-iba ito dahil sabi ni Ace na dapat maghanda raw kami kasi baka raw maulit ‘yong nangyari kanina sa amin, at hindi nga siya nagkamali.

Pagod naman akong napatingin sa maze na lumabas ngayon.

That maze again. Psh.

Sumenyas naman si Ace sa amin bago siya pumasok sa maze, hindi naman mawala ang bear na hayop niya sa kaniyang gilid. Pumasok na rin kami, kasabay no’n ang pagpapalabas din nila ng kani-kanilang mga hayop. Hindi ako kasali dahil wala naman akong gano’n.

Sabi pa nga sa akin ni Loreleign, hindi raw mga hayop ‘yon, kung hindi ay mga guardian daw nila. Hindi ko nga alam kung bakit mayroon silang gano’n, habang ako naman ay wala. 
Napaka-unfair naman yata ng mundong ‘to. Psh.
 
Naghiwa-hiwalay na kami. Sila ay nasa kanang bahagi ng maze, habang ako naman ay trip kong pumunta sa kaliwang bahagi ng maze.
  
Habang naglalakad ako ay ang dami-raming pumapasok sa isipan ko.
  
Simula no’ng makilala ko si Ace, ang dami niyang sinasabing lingid sa kaalaman ko, idagdag mo pa iyong Thiarina kanina na kung ano-ano ang sinabi sa akin.
 
Magkapatid yata sila ni Ace, mga weirdo. Psh.
   
Ilang minuto na akong naglalakad dito ngunit wala talaga akong planong makipaglaban sa kanila. Gagamitin ko na lang ‘yong kapangyarihan kong kayang magpa-eliminate ng kalaban sa isang iglap lang.
   
Pinagpagan ko ang bato na nakita ko at umupo rito. Agad ko namang hinilot ang mga paa ko na kanina pa sumasakit dahil sa layo ng nalakad ko.
 
Grabe ang layo ng nalakad ko tapos hindi ko pa rin mahanap ang exit ng maze na ‘to! Bakit kasi ito pa ang ginawa nila? P’wede namang iba. Ang daming kaartehan ng school na ito, e. Psh.

Makalipas ang dalawang minuto ay naisipan kong magsimula na namang maglakad upang maghanap ng kalaban. Hindi naman siguro ako display na myembro lang dito, hindi ba? Kaya lalaban din tayo para hindi ma-stress ang leader namin.
   
Akmang liliko na sana ako sa kanang bahagi dahil dead end na sa harapan ko, ngunit agad akong napahinto nang may narinig akong nagsalita, kaya nagtago muna ako sa gilid.
  
“Ayon sa nai-ulat sa akin ni George, si Beatrice at si Ace na lang ang ating ipupuntirya dahil lahat ng kasamahan nila ay natalo na.” Narinig ko naman ang tsismisan ng dalawang estudyanteng prenteng naglalakad sa harapan ko.
  
Hindi nila ako napapansin sapagkat pilit kong tinatago ang aking presensiya.
   
“Ang hihina naman ng grupo nila Ace!” Natatawang sabi ng isang babae, at parang lintang dumikit do’n sa lalaki.
 
Napakunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. Naiinis ako dahil sa mga iniwika nila na pangbabastos sa aming grupo.
   
Lumabas ako sa aking pinagtataguan, habang sila naman ay patuloy na naglalakad.
  
“Excuse me, nasaan ba ang daan papalabas dito?” I approached them as they stopped walking. Wow, Beatrice! Ang gara! Ngayon lang ako nakakita ng kalaban niya ang tinanong kung paano makalabas!  

Napalingon naman silang dalawa sa akin. Halatang nagulat sila dahil nakita nila ako, at napapatulala sila habang tinitignan ang kagandahan ko. Yes, I know, I am that pretty, no need to drool!
  
Walang pasabi naman nilang ipinalabas ang kakaiba nilang kapangyarihan sa harapan ko, ngunit naging handa ako at ipinalabas ang bolang tubig, dahilan upang maglaho lahat ng kanilang kapangyarihan. Ginawa ko itong panangga upang hindi ako tamaan nito.

“Looks like the both of you are the weakest, eh?” I said while grinning from ear to ear. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para sabihin iyon, ang alam ko lang ay parang may pumasok na kakaibang espirito sa akin. Joke lang, wala talagang multo.

Halatang nainis naman sila sa sinabi ko kaya laking gulat ko nang biglang may lumabas sa gilid nilang isang baboy ramo at lobo. Napawi naman ang pagkagulat ko no’ng makita ko ang mga wangis nila.
 
Halos matawa ako sa pangit na itsura ng baboy subalit nawala ang lahat ng iyon nang bigla itong sumulong sa akin.
   
Agad naman akong nag-teleport sa likuran nila na siyang ikinagulat ng dalawa, pati na rin ako. Hindi ako makapaniwala sa aking nagawa. Ang bilis no’n!
  
Hinawakan ko naman silang pareho, alam kong unnecessary, ngunit feel ko lang kaya ‘wag na kayong umangal.  

“I command that the two of you will be eliminated in this battle!” hinihingal na sambit ko habang ninanamnam ang kakaibang sensyasiyon na nararamdaman ko ngayon.
   
Nakita ko naman kung papano sila nagulat no’ng umilaw silang dalawa, kasabay no’n ang paglaho nila sa maze na ginawa ng school na ito. 
Isang ngiting tagumpay ang kumawala sa aking labi pagkatapos kong maipawala sila sa aking paningin.

I am loving this power! Hindi ka pagpapawisan sa iyong gagawin, dahil sa isang sabi o utos ko lang ay agad na matutupad ito. Hindi ko pa siya nata-try sa mga ibang bagay, ngunit susubukan ko pagkatapos nitong special battle na ito.
   
Kailangan ko munang tulungan si Ace dahil kung tama nga ang narinig ko, sigurado akong mahihirapan ang weirdong ‘yon kung tatamad-tamad lang ako at maghihintay lang na matapos ang laban.
  
Naglakad-lakad ako upang humanap na naman ng kung sino ang susunod kong bibiktimahin at papauwiing iyakan.
  
Kumakanta ako habang naglalakad. Masaya ko namang pinapadyak-padyak ang aking paa na parang batang bago lang nakabili ng lollipop.
 
“You’re my celebrity—” Napahinto naman ako sa pag-aawit no’ng maramdaman kong parang may gustong sumaksak sa aking leeg, kung kaya't agad akong napatigil at napatayo nang matuwid.
 
“Sumuko ka na.” Napangisi naman ako nang sabihin iyon ng isang lalaki. Hindi ako natatakot dahil alam kong kayang-kaya ko siya.
  
“Bitiwan mo ang ‘yong hawak na sandata,”  usal ko dahilan para manginig ang kaniyang kamay sabay nabitawan ang sandatang hawak nito.
 
Agad ko namang nilingon ang nagtangkang magpaeliminate sa akin sa larong ito.
  
“Calvin!” Nakangiti kong bati sa kaniya habang siya ay pilit na ginagalaw ang kaniyang nangiginig na kamay.
  
Kunot-noo naman akong tinanaw ang kanang kamay niya na ngayon ay namamaga.

“Anong nangyari riyan?” nagtataka kong tanong sa kaniya, at habang lumalapit ako ay napapa-atras siya.  

“That power is a curse, and it is the reason why my hands are injured,” he muttered while enduring the pain in his hands.
  
Halos ma-estatwa naman ako sa kinatatayuan ko nang sabihin niya iyon. I used that power to several immortals now, so does that mean that they are severely injured right now?!

“W-What do you mean?” I stuttered while asking those. I was shocked... kung alam ko lang sanang nakakasakit ito, e ‘di sana hindi ko ito ginamit sa kanila. I love this power, pero kung nakakasakit na ako ng aking mga kamag-aral ay sisikapin kong hindi na ito gagamitin pang muli.
  
Akmang lalapit na sana ako sa kaniya upang tulungan siya ngunit nagulat ako nang masama niya akong tiningnan.
 
“One wrong move, and you will be eliminated,” he angrily said. He abruptly stumped his feet on the ground, making a huge crack in the maze.
 
“Gusto kong maglaban tayo, ngunit hindi rito,” he added while releasing some of his earth manipulation ability.

Nakita ko naman kung paano lumabas ang sandamakmak na mga ugat sa nabiak na maze, kasabay no’n ang nagsisiliparang mga semento sa magkakabilang gilid ng battlefield.  

Nawindang naman ako nang makita kong nawala na nang tuluyan ang maze na tinatapakan namin, at puro mga sirasirang mga semento ang nakikita ko, ang mga ugat naman na lumabas sa lupa kanina ay agad na nawala.
   
My body stiffs. N-Nagawa niya ‘yon? 

“As I expected,” dinig kong sabi ni Eunice kaya napalingon ako sa direksyon niya.
 
Walang ka-emo-emosiyong nakikipaglaban ito kay Ace gamit ang kaniyang guardian na pulang dragon.
 
Halos mahilo naman ako nang makita ko ang nakakadiri nitong kaliskis. Diyos ko naman! Sa dami-daming p’wedeng pagpipilian na guardian, bakit ‘yong dragon pa?!
  
“Hey, Beatrice.” Lumingon naman ako kay Calvin no’ng tawagin niya ang aking ngalan. Halos mapunit na ang mga labi nito sa lawak ng kaniyang ngisi.
 
Nagulintang naman ako no’ng parang may ibinigkas siya sa hangin, at may munting thread ang unti-unting umiikot-ikot sa kinatatayuan niya. Kasama ang itim na dragon sa pagikot-ikot nito, kaya ang kinalabasan ay lumaki ito nang lumaki.
 
Ano ‘yan? Tornado with a freakin’ touch of dragon? Ako ba ay pinagloloko ninyo?! B-Bakit gan’yan iyan?

Agad naman akong napa-atras no’ng parang iniwasiwas ni Calvin ang kaniyang kamay at itinuro sa direksiyon ko.

Ang napakalaking ipo-ipo na may dragon ay hinayhinay na lumalapit sa kinaroroonan ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko nang lumakas nang lumakas ang hangin sa paligid, tanda na malapit na ito sa akin.
  
Napalunok naman ako nang sumigaw ang dragon sa loob na parang galit na galit, at wari ba’y may atraso ako sa kaniya. Kumikidlat din sa loob nito na mas lalong nagpasindak sa akin.

“Hanggang ngayon ba magtatago ka pa rin?” Calvin asked while smirking, which made me furrow an eyebrow. Ano bang pinagsasabi nito?! Calvin’s facial expression now is so irritating! I wanted to rip off that face right away!
 
I ignored his weird question and let my eyes wander around the battlefield.
 
Napahinto naman ako no’ng makita ko si Ace na maraming sugat na ngayon dahil sa dalawang kalaban niyang sina Eunice at George. May dugo na ito sa kaniyang bibig at hirap na hirap na itong i-balanse ang kaniyang katawan.
   
Napailing naman ako. No! We will not lose! Never!
   
“Are you now afraid?” Calvin muttered with his annoying smirk. Parang nagugustuhan niya ang kaniyang nasisilayan ngayon dahil sa lawak ng kaniyang pagkakangisi. E, kung punitin ko kaya mga labi niya? 

Humugot muna ako ng hininga bago seneryoso ang sitwasyong ito.
 
“You know what’s more exciting, Calvin?” I asked while playing with my gorgeous straight hair using my left index finger. 
 
“What?” he curiously asked.
 
“To use that power and make you suffer.” Now, it is my turn to throw a filthy smirk at him. Nakita ko naman kung paano naglaho ang ngisi niya at napalitan ng pagkatakot.
  
Kasalanan niya ito dahil iniinis niya ako. Wala na akong pakialam kung nakakasakit ito, may mga nurses naman o healers ang magpapagaling sa kanila kaya hindi na ako mag-aalala pa.
  
“I don’t care if this power is cursed, but seeing our team lose to your hands is more than a curse to me,” I added, enjoying the horrible expression that has been served in front of me.

I felt a strong and strange sensation all over my body as I released my omnikinesis ability. I closed my eyes, savoring that indescribable feeling, I want to savor it before it stale.
  
I open my eyes at last, and saw the tornado getting closer and closer to me. I commanded it to stop, and it vanished out of my sight.

Nakita ko naman ang gulat ni Calvin no’ng makita niyang huminto ito sa mismong harapan ko, kasabay no’n ang malakas na tunog galing sa nahulog niyang dragon.
 
Wala na itong malay at malalaman mo talagang umiinda ito ng hindi maipaliwanag na sakit.
  
“What did you do?!” nag-aalalang sigaw ni Calvin at kumaripas ng takbo patungo sa itim niyang dragon. Ngayon ka ngumisi. Psh.
  
Hindi ko alam ngunit sa tuwing na-e-expose ko masyado ang kapangyarihang ito ay parang nandidilim ang buong paligid ko, at nasisiyahan ako sa mga iyak at daing ng aking mga kalaban.

“I just fought back, that’s it!” I replied to him, grinning from ear to ear. I enjoy his mournful words while waking up his dragon.
 
Nakaramdam naman ako ng pag-iiba ng kulay ng aking mga mata, kasabay no’n ang paglitaw ng sandamakmak na klase-klaseng sukat ng asul na apoy sa loob ng battlefield. Nakarinig ako ng napakaraming singhap sa mga manonood no’ng nakita nila ang kulay asul na apoy na pumapalibot sa amin ngayon.
 
Parang akong isang masamang bruha na maganda, na may balak tustahin ang lahat ng naririto sa battlefield. Hindi naman mawala ang ngisi ko nang hinay-hinay na nahuhulog ang asul na apoy sa loob namin.

“Beatrice, stop!” Nanghihina si Ace na tumakbo patungo sa akin at niyu-yugyug ako. Nakita ko naman ang gulat at hindi makapaniwalang mukha nina George at Eunice habang nakatingin sa akin na para bang isa akong masamang tao.
 
“You need to stop!” Nagulintang ako nang malakas akong tinapik ni Ace sa aking balikat, dahilan para magising ako.

“You’re so hard-headed!” he hissed while messing his hair, para siyang ama na sinesermonan ang kaniyang anak.

Unti-unti namang nawala ang asul na apoy sa buong battlefield, kasabay no’n ang pagluhod nina Eunice at George, sabay sabing hindi nila kami kaya.

Hindi ko alam kung bakit takot na takot sila sa blue fire ko, e, alam ko namang ‘yon ang kapangyarihan ng kambal ni Eunice. Kasali ba ito sa sumpa na sinasabi sa akin ni Calvin ngayon lang?
 
“Beatrice, we need to go,” usal ni Ace kaya agad akong sumunod sa kaniya papalabas ng battlefield.

Gulong-gulo ang isip ko habang hatak-hatak ako ni Ace papuntang silid ng grupo namin. Nagsisibigay daan naman ang mga estudyante habang tinatahak namin ang silid.
  
Habang papasok kami sa respective room ng aming grupo ay agad na isinirado ni Ace ang pintuan na siyang ikinatakot ko. Anong gagawin niya? 

“A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” nauutal kong sabi sa kaniya habang niyayakap ang aking sarili, ngunit imbis na pansinin niya ito ay nandidiri lang siyang napatingin sa akin. Wow!
 
“Kailangan mong pumunta roon, sa lalong madaling panahon,” sabi nito at sumeryoso ang mukha kaya nakinig ako sa kaniya. Baka tungkol ito sa asul na apoy at sa kakayahang makontrol ko ang isang tao.   

“Naaalala mo ang dragong napuntahan mo no’n sa kagubatan no’ng ipinatapon kayo roon ng dark king?” tanong nito na ikinatango ko. 
Teka lang? Bakit nga kasi alam niya iyon?

“Masasagot ang lahat ng iyong mga katanungan kapag pumaroon ka,” seryosong dagdag nito kaya napasimangot ako.
  
“Nakakapagod naman—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla-bigla na lang itong lumabas sa loob ng silid kaya agad kong naipadyak ang aking paa.

Naman! Ano ba kasi ako? P’wede naman niyang sabihin sa akin kung ano! Bakit kailangan pang magpapunta-punta roon, e, sa pagkatatanda ko ay ang layo-layo no’n!
 
“Kung may sasakyan lang sana ako!” inis kong wika habang sinipa ‘yong silyang yari sa kahoy, dahilan upang matumba ito.

Akmang sisipain ko na sana iyong isa para ibuhos ang galit ko, ngunit nagulat ako no’ng may nagsalita sa likuran ko.

“Do you want to ride on me?” 

END OF CHAPTER 15 part 3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro