Chapter 28 (11/16/14)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dedicated to Lhene. Happy birthday! Thank you for being such a great friend! <3 

Chapter 28

 [Timi's POV]

"Umamin ka, gusto mo ba si Rika? Type mo ba siya ha?" tanong ko kay Geo habang idinuduro ko sa kanya ang french fries na kinakain ko.

        It's Saturday morning. Nandito kami ngayong dalawa sa Mcdonald's at nag b-breakfast. Actually, nagkataon lang talaga na nagkasabay kaming kumain dito. Nag jogging kasi ako habang siya naman ay tinamad magluto ng agahan kaya nag Mcdo na lang.

        "Alam mo Timi, sayang ang pag j-jogging mo. Tignan mo ang kinakain mo ngayon, puro ma cholesterol. Sayang naman ang na-burn mong fats."

        "Heh! Walang pakielamanan! Pero sagutin mo nga ang tanong ko. Do you like Rika?"

        Nginitian lang ulit ako ni Geo, "hot fudge sundae lang at fries, sapat na."

        Pinanliitan ko siya ng mata. Kanina pa ako tanong nang tanong kung gusto ba niya si Rika eh pero hindi naman niya ako sinasagot ng matino. At nakakaubos na nang pasensya ha! Pero pangiti-ngiti lang siya diyan na parang nangaasar pa rin.

        Napa-buntong hininga na lang ako, "okay fine. Kung ayaw mong sagutin edi wag!"

        Padabog kong kinain yung ilang fries habang naka-simangot ako. I heared Geo chuckled.

        "Ang pikon mo 'no?" natatawa-tawa niyang tanong sa akin.

        "Eh ayaw mo akong sagutin ng matino eh."

        "Bakit ba interesado kang malaman kung may gusto ako kay Rika o wala? Ikaw ha, don't tell me, nagiging lesbian ka na at nagugustuhan mo na si Rika?"

        "W-what the hell?! Anong conclusion 'yan?! Kung ganon ang nangyayari edi hindi ko na sana hinahabol-habol si Ice ngayon!"

        Tumawa ng malakas si Geo, "I'm just joking Timi! Wag kang seryoso. But anyway, kamusta naman ang pang su-suyo mo kay Ice?

Bumuntong-hininga ako at sumimangot.

            Nakakakilig ang nangyari sa amin ni Ice kagabi. Aba, nginitian niya na ako, tapos tinawanan pa! Pero naman kasi, naalala ko bigla si Kite at ang sinabi niya sa akin.

            “Oh, nakasimangot ka. Basted ka na naman ba?”

            Mas sinimangutan ko si Geo, “hindi ‘no! Pero kasi in love na ako kay Ice---”

            “Obvious nga.”

            “--at hindi ako papayag na hindi rin siya ma-inlove sa akin!”

            “Very Timi.”

            “Kaya lang si Kite,” bumuntong hininga ulit ako at ipinatong ko ang ulo sa mesa.

            “Edi basted-in mo siya.”

            “Kung ganun lang sana kadali yun, Geo. Kaso yung mga tipo ni Kite ang hindi tumatanggap ng rejection. He is so like me kaya alam ko. Isa pa, Rika likes Kite. Sa gagawin ni Kite, masasaktan si Rika.”

            Ipinatong ni Geo ang kamay niya sa balikat ko, “Timi, I know you are trying so hard not to hurt somebody, pero kasi hindi ganun nag w-work ang love eh. Meron at merong masasaktan at hindi mo maiiwasan ‘yun. But don’t worry, it’ll work out in the end.”

            Nginitian ko si Geo, “will you be there for Rika?”

            Napalawak ang ngiti ni Geo sa akin at ginulo niya ang buhok ko.

            “I’m always there for her, stupid. Hindi nga lang halata.”

            “Pre, advice lang.”

            “Ano yun?”

            “Yung mga ganyang bagay, pinapahalata dapat ‘yan at hindi itinatago.”

            Nginitian lang ako ni Geo pero hindi na siya sumagot.

            Sa totoo lang halata naman na may gusto talaga ang isang ‘to kay Rika. Ang hindi ko lang maisip eh kung kelan at paano nangyari ang bagay na ‘yun. Ni hindi ko man lang nahalata agad. Samantalang dati kapag may nagugustuhan ang kahit na sino sa EndMira, nalalaman ko agad kahit hindi nila sabihin. Malakas kasi ang pakiramdam ko pag dating sa kanila.

            Pero ngayon…

            Kung sabagay, naging busy ako masyado sa sarili kong nararamdaman kaya dito lang ako nag fo-focus nung mga nakaraang buwan. Nakakalungkot but at the same time, nakakatuwa.

            Nakakalungkot in a way na nawawala na ang focus ko sa ibang bagay na dapat ko ring bigyan ng pansin.

            Pero nakakatuwa because I realized that it is still not too late for me.

            Marunong pa rin pala akong mag mahal.

            “Ayan na pala sila,” sabi ni Geo at may kinawayan siya sa likuran ko.

            “Sinong sila?” napatingin ako sa likuran ko para tignan yung kinakawayan ni Geo. Nakita ko naman na papasok ng Mcdonalds sina William, Ayen, Jasper at…at… at… at si Ice.

            “W-what the hell?! What are they doing here? Bakit nandito si Ice ha? Bakit?!” natatarantang tanong ko kay Geo.

            “May band meeting kami dito, bakit ba!” naka-ngising sagot niya.

            “Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?!”

            Nakakainis naman! Kakagaling ko lang sa jogging at pawis ako at mukhang haggard! Ni hindi ako nag make-up! Wala akong dalang pang re-touch. Tanging cellphone at pouch ko lang ang dinala ko pag-alis ko kanina.

            I glared at Geo na ngingiti-ngiti sa kabilang table. Bwisit na ‘to!

            “Hi lider!” dinig kong bati ni Jasper. “Hi chikababes!” sabi naman niya sa’kin sabay patong ng kamay sa balikat ko.

            Nilingon ko siya, “what the hell?!”

            “Ay hindi pala siya chikababes!” natatawa-tawa nitong sabi.

            “Oh Timi nandito ka!” masayang sabi naman ni Ayen. “Ano yang kinakain mo? Akin na lang ‘yan!” sabay hablot ng fries ko.

            “Patay gutom!”

            “Haha ang highblood mo, Timi. Anong meron?” natatawa-tawang tanong ni William.

            Inirapan ko lang siya at hindi sinagot.

            Biglang napadapo ang tingin ko kay Ice at my heart skip a beat nang makita kong nakatingin din siya sa akin.

            “Uy,” bati niya sabay tango.

            “U-uy!” sabi ko naman sa kanya.

            “Hindi na highblood si Timi,” rinig kong bulong ni William kay Ayen at naghagikgikan pa ang dalawa sa likuran ko.

            Kung wala lang si Ice dito, pareho ko nang nasipa ang balls ng dalawang ‘yan.

            Nagsi-upuan na ang mga itlog at si Ice. In-occupy ni William at Ayen ang upuan sa tabi ni Geo samantalang si Jasper naman ay naupo sa kanan ko at si Ice… sa kaliwa ko.

            Shit. Tumabi siya sa akin! Wala naman akong putok. Mabango naman siguro ang pawis ko ‘no?! Kung alam ko lang na tatabi siya sa akin sana pala nag dala ako ng pabango!

            “Ano pala ang pag m-meetingan at ang aga-aga, pinapunta mo kami rito?” tanong ni Ayen kay Geo.

            “Guys, opening ng resto-bar ng Tito ko sa Tagaytay this coming Friday. He’s inviting us to play and babayaran naman tayo. Aside from that, may rest house sila doon at pwede tayong mag stay doon hanggang Sunday. So what do you think? Bonding moment na rin natin ‘yan!”

            “Uy maganda ‘yan! Sakto pa na holiday sa Friday oh!” sabi ni Jasper.

            “Syempre game kami!” sagot naman ni William.

            “Kasama rin si Timi?” tanong ni Ayen

            “Oo naman sasama ako kahit ayaw niyo!”

            “How about you Ice? Go ka?” naka-ngiting tanong ni Geo.

            Please say yes. Please say yes. Please say yes.

            “Okay lang,” kibit-balikat niyang sagot.

            Yes! Oh my gosh yes!

            “Teka, pwede ko bang isama si Rika?” tanong ko sa kanila.

            “Sure! Pwedeng-pwede!” sagot naman ni William.

            Tinignan ko si Geo at nakangiti siya sa akin habang iiling-iling.

            Dear friend. You gave me a chance para maka bonding si Ice. Bibigyan din kita ng chance kay Rika kaya naman nawa’y wag ka nang magpaka-torpe.

            “Ice, pwede mo rin isama si Aiscelle!” pagaalok naman ni Jasper kay Ice.

            “Hindi sasama ‘yun. She’s too busy avoidiong you,” seryosong sagot ni Ice.

            “Ouch!” Jasper clutched his right chest. “Masakit dre! Masakit!”

            At napatawa kaming lahat kay Jasper. Well, except Ice. Pero kita ko na gusto rin niyang makisama sa tawanan naming. Maybe he’s just too shy to join-in.

            Nakakatuwa isipin na nagawa niyang ngumiti at tumawa sa harap ko nung kaming dalawa lang ang magkasama.

            Nagiging kampante na rin kaya siya sa akin?

            Sana…

[Rika’s POV]

 

            “Dali na ha Rika? Sumama ka na sa amin sa Tagaytay! Masaya ‘yun promise!” pamimilit ni Timi sa akin habang busy ako sa pag-aayos ng locker ko.

            “Hmm hindi ko talaga alam Timi eh. Kailangan ko kasing mag review para sa entrance exams.”

            “Rika, maganda na masipag ka na mag-aral. Pero kailangan mo rin magpakasaya. Life is short! Kailangan mo rin maranasan na maka-bonding ang mga kaibigan mo.”

            “Pero kasi Timi…”

            “I’m not going to accept no as an answer!”

            I look at her then I smile, “sige na nga!”

            “Yeeey! Promise mag eenjoy ka kasama kami!”

            “I know I will.”

            Sa totoo lang, pagkasabing-pagkasabi pa lang ni Timi na pupunta kaming Tagaytay eh gustong-gusto ko nang sumama. Hindi naman talaga issue ang pag-rereview ko. Sadyang alam ko lang na hindi ako papayagan ng “fiancée” ni daddy na umalis. Ayun pa! Hindi pa sila kasal ni daddy eh reyna-reynahan na siya sa bahay namin. And I know she’ll do anything para harangan ang kaligayahan ko.

            Pero wala naman akong planong mag-paharang sa kanya. Ngayon pa na nag p-plano na akong lumayas sa amin.

            May isang bagay na hindi alam ang fiancée ni daddy. Malaki ang pera na iniwan ni mommy sa akin. I transferred the money in a new bank account. Yung hindi alam ni daddy para hindi nila maharang ang pera ko.

            Kaya naman pagka naka-graduate na ako ng highschool, lalayasan ko na sila. Kaya nga subsob ako sa pag-aaral para makakuha ng scholarship sa college eh.

            At kung lalayas na rin lang ako, might as well umpisahan ko na rin ang pagpapasakit sa ulo ng madrasta ko.

            “Grabe may alam akong masarap na kainan ng bulalo sa Tagaytay! Dadalhin ko kayo doon! Tsaka pala mag zipline tayo ha? Hindi ko pa nat-try yun eh!” sabi ni Timi.

            “Oo naman! Excited na ako!” sagot ko naman habang isinasarado ko ang locker ko.

            “Me too!”

            Naglakad na kami ni Timi para bumalik sa classroom habang patuloy pa rin siya sa pag ku-kwento ng mga activities na pwede naming gawin. Pag-liko naming sa hallway, bigla akong napatigil sa paglalakad nang makita ko si Kite na papalapit sa amin.

            Nag-wala na naman ang puso ko. Bumilis na naman ang tibok nito. Gusto kong tumalikod at umiba ng daan. Gusto kong iwasan siya kasi ayun na naman ang napagdesisyunan kong gawin. Kaya lang nakita na niya kami. At hindi rin makakilos ang mga paa ko.

            Napalunok ako.

            Be still, heart.

            Act casual. Umarte kang parang walang nangyayari sa loob mo. Umarte kang parang hindi nagwawala ang puso mo. Basta ngitian mo lang siya na parang wala lang.

            Lumapit siya sa amin habang naka-ngiti. Pinilit ko ring ngumiti.

            “Hi Timi!” bati niya at nilagpasan niya ako.

            “K-kite…” natatarantang bati ni Timi.

            Nawala bigla ang ngiti sa labi ko.

            “Papasok ka na?” tanong niya ulit kay Timi na para bang wala siyang kasama.

            “H-ha? Ah oo.”

            “Okay. See you sa classroom. May bibilhin lang ako saglit sa cafeteria. Bye,” nag wave siya kay Timi at umalis na.

            Parang may bumugbog sa dibdib ko. Dumating siya at umalis na parang hindi niya ako nakikita. Na parang hindi ako nag e-exist sa paningin niya.

            I feel a lump in my throat.

            Ang sakit ah.

            “Ah R-rika.. Hmm ano kaya problema nung Kite na ‘yun ‘no?” tanong ni Timi sa akin pero by looking at her, alam kong alam niya kung ano ang nangyayari.

            “Timi, m-may nakalimutan ako sa locker ko. Una ka na.”

            Tinignan niya akong maigi then she divert her eyes.

            “Okay. Bumalik ka agad sa classroom ah?”

            Tumango lang ako at tumakbo palayo sa kanya. Hindi ako dumiretso sa locker ko instead, sa restroom ako nag tungo at nagtago agad ako sa isang cubicle.

            Nanginging ang buo kong katawan. Nangingilid ang luha sa mga mata ko.

            Alam niyang gusto ko siya. Nahalata niyang gusto ko siya.

            At dahil hindi niya ako gusto, siya na mismo ang kusang umiiwas.

            I should be happy right? Mas napadali ang gagawin ko. Kung pareho kaming umiiwas sa isa’t-isa, mas madali ang pag m-move on.

            Pero bwisit.

            Bakit ang sakit-sakit?

To be continued…

***

Aly's Note:

Fallers! (Okay maka-imbento lang ng tawag sa mga nag babasa ng TFG XD) ... Sorry kung natagalan ang update ah? May isang trahedya kasi na nangyari sa akin. Isa po kasi ako sa milyong-milyong Pilipino na hindi maka-afford ng original DVD ng mga movies kaya umaasa ako kay torrent. Ang result? Nagka-virus ang aking laptop at na-corrupt ang files ko. Kaya burado lahat ng aking files including ang update sana ng TFG at SWSCA. Saya-saya XD Pati MS office ko eh wala kaya naman nag hanap pa ako ng installer bago ako nakapag update XD

Pasensya na po ulit! Salamat sa pag-aantay <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro