Chapter 38 [Last Chapter]

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 38

Last Chapter

 

[Timi’s POV]

 

Nanginginig ang buong katawan ko nang makalagpas sila sa akin. Napapikit ako bigla at pilit kong pinapa-kalma ang sarili ko.

            Wag kang iiyak, Timi. Wag kang iiyak.

            Bumuntong hininga ako at nilingon ko sila.

            “Mahal mo ba ako, Ice?” lakas-loob kong tanong sa kanya.

            Napatigil sila pareho ni Erin sa paglalakad at napatingin sa akin.

            “O Ice, tinatanong ka niya. Sagutin mo, kawawa naman eh,” Erin said with a mischievous smile.

            My hand balled into fist. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit---at takot sa sasabihin ni Ice.

            “Pinaglaruan mo lang ba ako?” diretsahan kong tanong kay Ice.

            Lumapit siya sa akin and then look at me with his cold eyes.

            “Oo, pinaglaruan lang kita.”

            Napapikit ulit ako. Ayokong tanggapin. Nagsisinungaling lang siya. Mahal niya ako. Alam ko yun. Nakita ko yun. Naramdaman ko.

            Hindi niya ako kayang pag-laruan. Hindi ganoon si Ice.

            Hindi.

            “Hindi ako naniniwala sa’yo.”

            “Hindi kita pinipilit na maniwala sa akin.”

            “Mahal mo ako.”

            “No. I love Erin.”

            Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko pero pilit ko itong hindi pinababagsak. Ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong mag mukhang kawawa.

            “You’re lying!”

            “I am not. I used you para sagutin ako ni Erin. You are so desperate for love and attention. Napaka-dali mong utuin. Ngayon hindi na kita kailangan kaya wag ka nang magpapakita sa harapan ko.”

            Hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng luha sa mata ko. Tuloy-tuloy. Ayaw nang magpaawat. Yung puso ko parang nasusunog. Parang unti-unting nagiging abo. Masakit. Mahapdi.

            Ang bigat bigat.

            Gusto ko silang pag mumurahin dalawa. Gusto kong magwala at saktan sila ng saktan.

            Pero bago ko pa nagawa yun, bigla na lang sinuntok ni Jasper si Ice.

            “YOU ASSHOLE! PAANO MO NAGAWA YUN KAY TIMI?!”

            “J-jasper! Wag!”

            Hinawakan ni Rika si Jasper sa braso habang si Erin naman ay tinutulungang makatayo si Ice.

            “It’s Timi’s fault! She’s so gullible!” sigaw ni Erin kay Jasper.

            Napailing ako.

            Hindi ako makapaniwala.

            For the second time, nagpaloko na naman ako sa isang lalaking ginagamit lang pala ako. Sa pangalawang pagkakataon, akala ko totoo na ang nararamdaman nila sa akin. Mali pala ako.

            Bakit palagi na lang akong nabibiktima?

            Napatingin ako kay Ice. He’s staring at me, expressionless. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Napa-atras ako ng hakbang at bigla ay tumakbo na lang ako palayo.

            I heard Jasper and Rika’s voice calling me. Pero hindi ako huminto. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo kahit na nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luhang patuloy na bumabagsak dito.

            Napahinto lang ako sa pagtakbo nang may biglang humatak sa braso ko. I look at that person with my tear-stained face.

            “Sabi ko sa’yo eh. Hinding-hindi ka pipiliin ni Ice,” mariin na sabi sa akin ni Kite.

            Hinatak ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.

            “Oo tama ka. Oo nagpakatanga ako. Ano, masaya ka na?”

            Bago pa siya makasagot ay tinalikuran ko na siya at tumakbo palayo. Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay.

            Nang makarating ako sa bahay, dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto ko kaya lang nakasalubong ko si mommy. Gusto kong iiwas ang mukha ko. Ayokong makita niya akong umiiyak.

            But it’s too late.

            “Anak? Ba’t ka umiiyak?”

            Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napayakap ako sa kanya habang humahagulgol ng iyak.

            Tinanong niya ulit ako kung anong nangyari pero hindi ko siya magawang sagutin. Nahihiya ako sa sarili ko. Nakakahiya ang mga pinag-gagagawa ko.

            Ang tanga-tanga ko. Ang desperada ko. Napakadali kong utu-in. Ni hindi ko man lang narealized na pinaglalaruan niya lang pala ako.     

            At nahulog ako sa kanya. Nahulog ako ng sobra-sobra.

            Game over. Talo ako.

            Buong araw akong nag kulong sa kwarto ko. Nung hapon, pumasok si Rika sa kwarto ko at tumabi sa akin. Hindi siya nagsasalita at niyakap niya lang ako.

            Gusto ko ulit maiyak.

            Hindi ko kinayang bumaba nung gabi para kumain. Tinawag ako ni daddy pero nagtulog-tulugan ako. Naramdaman ko na lang na hinahalikan niya ako sa noo.

            Nang lumabas siya ng kwarto ko, nagtalukbong ako ng kumot at umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog na talaga ako.

            Halos apat na araw akong hindi pumapasok at hindi lumalabas sa kwarto. Wala akong kinakausap. Gusto kong mapag-isa.

            Ilang beses akong pinuntahan ng EndMira pero hindi ko sila kayang harapin.

            Sa ika-limang araw, napagod na akong umiyak. Napagod na akong masaktan.

            Gusto ko nang takasan ito.

            Kinausap ko sina mommy at daddy. Sinabi ko na gusto ko nang mag transfer ng school. Alam kong napaka-ewan ng desisyon kong ito dahil limang buwan na lang, ga-graduate na kami. Pero nagulat ako nung pumayag sila.

            Nagpasa ako ng drop-out form sa Prince Academy. Hinarap ko na rin ang EndMira at humingi ng tawad sa pagtaboy ko sa kanila ng ilang araw.

            Tinanggap naman nila ng buong-buo ang desisyon ko.

            Sa loob ng limang buwan, naging maayos naman ako sa bago kong school. Yun lang, wala akong kaibigan. Lagi akong mag-isa. Pero mas prefer ko na iyon.

            Madalas pa rin kami magkita ng EndMira pero hindi na ako pumupunta pa sa mga band practices nila. Hindi rin nila binabanggit sa akin ang kahit ano mang may kinalaman kay Ice, Kite o kay Erin.

            Dito pa rin sa amin nakatira si Rika. Hindi niya alam pero palihim na nagbibigay ng pera ang daddy niya sa amin para kay Rika. Nung una, ayaw namin tanggapin. Pero nang umiyak sa harapan namin ang daddy niya at sinabing sising-sisi siya sa lahat ng nagawa niya sa anak niya, wala na kaming ibang nagawa kundi ang tanggapin ito.

            Dumating ang araw ng graduation. Palihim akong pumunta sa ceremony ng graduation ng Prince Academy.

            Nakita ko si Ice habang nag ma-martsa siya paakyat ng stage. Parang mas naging cold and distant ang mga mata niya. O baka matagal na siyang ganyan pero ngayon ko lang napansin?

            Nabulag niya kasi ako.

            Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin magawang i-alis ang tingin ko sa kanya. Ayaw pa ring tumigil ng puso ko sa pagmamahal sa kanya.

            Nasasaktan pa rin ako.

            Pero ayos lang. Ayos lang na masaktan ako ngayon dahil alam kong huli na ‘to. Alam kong ito na ang huling beses na makikita ko siya.

            Because next week, lilipad na ako papuntang France at doon na ako mag-aaral ng college.

            Mas malayo sa lahat. Mas malayo kay Ice.

            Pero ayos lang.

            Mas mabuti na ito.

~*~

 

[Ice’s POV]

 

“Nabalitaan mo na ba?” tanong sa akin ni Erin at naupo siya sa silyang katapat ko.

            “Ano?” tanong ko naman sa kanya nang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa ko.

            “Nakaalis na si Timi. Nasa France na siya ngayon.”

            Hindi ko siya sinagot o nilingon. Pero napahigpit ang hawak ko doon sa librong binabasa ko.

            Umalis na talaga siya.

            “Masyado ata talaga siyang nasaktan sa’yo. Wrong move ka kasi. Sukat umamin ka eh alam mo namang hindi mo ako magagawang iwanan.”

            “Stop it.”

            “How does it feel, Ice? How does it feel na mawala sa’yo ang babaeng sobra mong minahal noong una pa lang?”

            “Erin, tumigil ka na.”

            “Alam mo, advice ko sa’yo, kalimutan mo na siya. Madali ka rin naman niyang makakalimutan eh. Do you really think she loves you? Kaya ka lang naman niya nagustuhan dahil iniba mo na ang sarili mo eh. Pero dati ba napapansin ka niya? Di ba hindi naman? Di ba dinadaan-daanan ka lang niya noon? She doesn’t even know your very own existence!”

            Isinarado ko ang librong binabasa ko at tinignan ko siya.

            “Tapos ka na ba? Kung oo, makakaalis ka na.”

            Nagpangalumbaba si Erin habang masayang naka-ngiti sa akin.

            “Gustong-gusto ko talaga na naki-kitang nasasaktan kayong dalawa.”

            “Bakit kailangan mo pang idamay si Timi rito? Wala siyang kasalanan!”

            “No! Isa siya sa mga dahilan Ice. Kayong dalawa! Pareho niyong sinira ang buhay ko!”

            “That is an accident at kung may sisisihin ka, ako dapat yun at hindi si Timi!”

            Napatayo si Erin at tinignan ako ng puno ng galit.

            “Wag mo na siyang ipagtanggol! At ikaw, wala ka nang magagawa. You promised that you will take care of me for the rest of your life! Panindigan mo yun!”

            Bago pa ako makasagot ay naglakad na si Erin papasok ng bahay.

            Napapikit na lang ako.

            Naalala ko ang itsura ni Timi nung araw na yun. Naalala ko ang iba’t-ibang emosyon sa mata niya. Halos bumigay ako nang makita kong umiiyak siya.

            A few years ago, I saw her crying because of a guy. I badly want to approach her. To comfort her. Pero natakot ako. Pinanghinaan ako ng loob. Pero ipinangako ko sa sarili ko nung araw na yun, na kung sakaling mabibigyan ako ng pagkakataon na makilala ka, na mahalin ka, hindi ko sasayangin yun. Hindi ko siya lolokohin at sasaktan. Hindi ko siya paiiyakin.

            Pero ginawa ko rin sa kanya ang ginawa sa kanya ng ex niya.

            Akala ko hindi ko kayang mag sinungaling. Pero hindi ko akalaing napaka-galing ko pala sa larangan na ‘yan.

            At ang pinaka-malaking kasinungalingan na binitiwan ko ay nung panahong sinabi kong hindi ko siya mahal.

End of book one…

***

Author's Note:


Tama ang basa niyo! "End of book one"

The story continues in...."Game Over"

Setting: Five years Later

I'll post the first chapter of book 2 on January 5, 2015 :)

Sa mga gusto pang ipagpatuloy ang pagbabasa ng story ni Timi, kita-kits sa book 2!

By the way, ang focus na ng book 2 ay story ni Timi. Wala na ang mga side stories (like Rika, Jasper, Geo...etc...) Pero magkakaroon naman sila ng sarili nilang stories, so don't worry!

Salamat sa lahat ng nagbasa ng book one! <3

By the way, kung gusto niyo makipag-chikahan, sali kayo sa Tambayan ng mga readers ko. Search niyo lang sa facebook ang "Tambayan ng mga Alyloonytunes" 

     

Tweet meee :D -- #TFGLastChapter

- Ate A.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro