The Frailest of Them All

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"I'm so sick of this, Rion! Lagi na lang ganito!"

Ilang pares ng mga mata ang napatutok sa pinagmulan ng matinis na boses na iyon. Isang dalagang nakasuot ng kulay lilang tube dress ang sumisigaw sa kasama niyang binata. Nang mahinuhang isang tipikal na away lamang ito ng magkasintahan ay nagpatuloy na sila sa kani-kanilang ginagawa.

"What the heck is your problem, Li? We're at the mall," mariing litanya ng binata habang unti-unting inilalapit ang ulo sa kaharap na babae. Halatang nagpipigil lang siya ng galit dahil sa ngipin niyang nagkikiskisan at lumilitaw na ugat sa noo.

"So it's still me? Hindi ba't ikaw ang wala sa lugar ang pagseselos kaya pilit mo pang inaagaw ang cellphone ko?" Tumaas ang kilay ng dalagang may singkit na mata, mahabang itim na buhok, at mapupulang labi. Mahigpit ang hawak niya sa sukbit na pouch at hindi nagpapatalo sa matatalim na titig ng kaharap.

"Stop being a bitch, Aili. I never tolerate someone shouting and humiliating me in public—" Hinablot ng binata ang kaliwang braso ng kasintahan pero agad nito iyong pinaalis.

"So, gano'n? Kapag ako ang ipinapahiya mo sa mga kaibigan mo para lang makapagyabang, okay lang, pero kapag ikaw, hindi puwede? Bullshit, Rion! Bullshit!" Muli ay sinadyang laksan ng dalagang si Aili ang pananalita at isinigaw pa ang pangalan ng nobyo. Hindi na naman nakapagpigil pa si Rion at ipinalandas ang kamay sa kaliwang pisngi ng dalaga. Lumagitik iyon na muli ay nakaagaw ng pansin ng iba pang naglalakad sa kalawakan ng mall.

Agad namang natauhan ang binata at akmang hahawakan ang nobya nang bigla itong magsalita habang sapo-sapo ang namumulang pisngi.

"We're over, Rion."

Pagkatapos noon ay dali-daling tumalikod si Aili at iniwan ang binatang napahilamos na lang sa mukha. Agad na rin itong naglakad palayo, hindi iniinda ang nanlilibak na tingin ng mga nakapaligid.

•••

Nakaupo sa kanyang kama si Aili at hinuhubad na ang suot na 4-inched heels. Sunod naman niyang inalis ang stockings na kakulay ng mala-porselana niyang kutis, at panghuli ay inabot ang sala-salabid na strap sa likod ng tube dress na hapit sa kanyang katawan.

Nang mahubad na ang mga dapat hubarin ay humarap siya sa pagkalaki-laking salaming nakadikit sa pader ng kaniyang malawak sa kuwarto. Ang pares lamang ng itim na panloob ang naiwan upang itago ang mga pribado niyang parte.

Pinagmasdan ni Aili ang sariling katawan sa salamin at napangiti dahil kahit siya mismo ay nabibighani rito. Ito ang katawang hindi niya naman masyadong pinaghirapan pero nagbigay sa kanya ng kakaibang kagandahan.

Kapares pa ng kanyang mala-anghel na mukha, ito talaga ang dahilan kung bakit sa tuwing dumaraan siya ay habol ang tingin ng kalalakihan. Iyon nga lang, mukhang ito rin lang ang habol sa kanya at wala nang iba pa.

Dalawampung taong gulang na si Aili, o sa tunay na katawagan ay si Zhou Ai-Li. Hindi na lingid sa karamihan na isa siyang purong Tsino, ngunit ang hindi nila alam ay ang dahilan kung bakit sa Pilipinas siya lumaki at nanirahan.

Pinadaan niya sa kanyang itim na buhok na animo'y laging pinapaunat sa salon ang kanyang kanang kamay at napadako ang tingin sa isang estante sa sulok ng silid. Nakapatong roon ang nakakuwadrong litrato ng kaniyang ina na buong buhay niya'y sa litratong iyon lamang niya nakikilala. Inihakbang niya ang paa at nilapitan ito.

Maganda rin ang kanyang ina. Napakaganda. At higit pa roon, kamukhang-kamukha niya ito. Kung hindi mo ito kilala ay mapagkakamalan mong ito rin si Aili, ngunit nasa ibang panahon at kultura. Ang masaklap lamang ay ni pangalan nito ay hindi niya alam, dahil nang ipaampon raw siya ng kaniyang ama sa kinikilala niyang ama ngayon ay hindi nito sinabi ang pangalan ng ina at basta na lang ibinigay ang litrato.

Halos dalawampung taon na ang nakalilipas nang ipanganak ng babaeng Zhou ang kanilang panganay, ngunit sa kadismayahan nila ay isa itong babae. Mahigpit pa namang sinusunod ng kanilang pamilya ang tradisyon noon sa Tsina na ang panganay ay dapat na lalaki, dahil ito ang susunod na magdadala ng ngalan ng pamilya. Dahil doon, ninais ng amang Zhou na ipatapon na lang ang una niyang anak, isang bagay na taliwas sa moral na pamantayan ngunit legal para sa kanilang kultura.

Sa kabutihang-palad, sa halip na itapon na lang sa kung saan ay napagdesisyunan ng pamilya na ibigay ang sanggol sa kanilang kasosyo sa negosyo, ang Pilipinong si Romualdo. Dahil nasa Tsina din noong panahong iyon si Romualdo upang makipag-negosasyon sa iba pang Tsino, walang kahirap-hirap nitong tinanggap ang inialok sa kanya at pag-uwi sa Pilipinas ay bitbit na ang sanggol na si Aili.

Ito ang kuwentong sinabi sa kanya ng kanyang Tatay Waldo, at ito rin ang pinaniniwalaan niya.

Napaigtad si Aili nang biglang may tumunog mula sa may pintuan ng kuwarto niya. Tila may nahulog na bagay at napansin niya ring nakaawang na nang bahagya ang pintong kanina ay isinara niya nang maayos.

Napabuntong-hininga ang dalaga.

Sinisilipan na naman siya ng kanyang kinikilalang ama.

Mabilis niyang nilapitan ang pinto at isinara niyang muli, bago dumiretso sa aparador kung saan siya kumuha ng damit at short na isusuot.

Ibinubutones na niya ang napiling maong na short nang biglang umalingawngaw ang telepono niya, senyales na may tumatawag. Agad niya rin iyong sinagot.

"What do you want?" agresibo niyang bungad sa kausap habang nakapameywang pa ang kaliwang kamay

"L-Li... P-Please come over here... I just want to talk."

Nabigla si Aili sa mga salitang narinig mula kay Rion. Kilala niya ang binata. Matapang ito. Mayabang. Hindi niya akalaing maririnig niya ito na para bang katatapos lang umiyak at nagmamakaawa na.

"Aili, love?"

"Get a hold of yourself, idiot. I'm coming."

•••

Ilang beses nang pinindot ni Aili ang doorbell sa entrada ng tahanan ni Rion ngunit walang dumudulog. Tanaw rin niyang walang ni isang ilaw ang nakabukas sa dalawang palapag na bahay nito.

Sinubukan naman niyang itulak ang gate at nabigla siya nang malamang bukas ito.

"What the heck is happening to you, Rion?" anas niya at tuluyan nang pumasok sa residensya ng binata. Hindi naman niya nakalimutang ikandado ang dinaanang gate bago dumiretso sa pinto ng malaking bahay.

Tumutuktok sa konkretong sahig ang suot niyang 2-inched heels, na nagawa niya pang isuot kanina kasama ng isang beige na cardigan sa ibabaw ng sando at short niya.

"Rion?"

Kumatok siya sa binarnisang pintong kahoy nang maraming beses ngunit kagaya ng kanina ay walang Rion na sumusulpot.

Unti-unti na siyang kinakabahan dahil alam niyang walang kasama ang binata sa bahay, at baka kung ano na ang nangyari rito. Alam din niyang hindi imposible na subukan nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pag-overdose ng sarili sa droga dahil nangyari na ito noon. Kahit pa seryoso na siya sa pakikipaghiwalay sa lalaki kanina, may pakialam pa rin naman siya rito.

Gaya ng inaasahan ay bukas din ang main door ng bahay kaya pumasok na lang siya. Kinapa niya sa bandang kaliwa ang switch ng ilaw at bumungad sa kanya ang tahimik na interior ng mansion.

Makalat. Sobrang kalat ng paligid. Maraming mga bote ng alak, gamit na baso, balat ng pagkain, at ang hindi nakalampas sa paningin ni Aili ay ang ilang piraso ng metalikong paketeng walang laman sa bandang salas.

"Rion?"

Naglakas-loob siyang sumigaw. Umalingawngaw ang boses niya sa kabuuan ng mansion pero walang tumugon. Isang malakas na kalabog naman ang gumulat sa kanya na napagtanto niyang galing sa kuwarto ni Rion sa ikalawang palapag.

"Shit," nawika na lamang niya at nagmamadaling tinahak ang hagdanan.

"Rion? Nasaan ka ba?" pahiyaw niyang tanong habang papalapit siya sa isang pinto na kuwarto ng binata. Nang marating iyon ay agad niyang pinihit ang seradura, at bumungad sa kanya ang madilim na silid ni Rion.

Kaunting parte lang nito ang naliliwanagan ng ilaw mula sa salas, ngunit tanaw niya ang pigura ng isang lalaking nakatayo sa may balkonahe ng silid.

"Rion! What's happening to you?" Habang binibigkas ang mga salitang iyon ay kinapa niya na ang switch ng ilaw na madali niya ring nahanap. Sa isang iglap ay nabigyang-kulay ang paligid na kanina'y puro itim.

Hindi na nagulat si Aili sa nakitang estado ng kuwarto. Halos katulad lang ito ng nasa salas, pero mas makalat at may mga piraso pa ng basag na bote at baso. Maingat niyang nilakdangan ang mga ito at lumapit sa dating kasintahan na nakatalikod sa kanya.

"I was a horrible boyfriend, right?" Napatigil ang dalaga sa tanong na iyon. Ang sliding glass door na lamang ang naghihiwalay sa kanila ng binata na hindi niya pa rin makita ang mukha. Napabuntong-hininga siya.

"Yes."

Tuluyan nang nakatapak si Aili sa balkonahe. Mababaw pa ang gabi at napakaraming bituin ang nakalatag sa itim na kalangitan. Isang puting t-shirt at itim na pantalon ang suot ng kalapit niyang lalaki kasama ng mga mamahaling kadena na itinuturing nito aksesorya.

"Did I really hurt you that much?" Muling napabuga ng hangin ang dalaga sa narinig. Ito na naman. Ganito na naman ang salitaan ni Rion.

Paawa.

Manipulatibo.

Kabisado na niya ito. Ngayon lang ito magiging mabait at hihingi ng tawad, at pagkatapos ng ilang araw ay balik na sa dati.

Sinasakal siya ni Rion. Hindi lang piguratibo, ngunit literal din.

Masyado itong mahigpit sa kanya. Masyadong seloso. Simpleng pakikipag-usap niya kahit pa sa mga kaibigang lalaki na una niya pang nakilala kay Rion ay nagagalit na ito. Wala naman din siyang pagpipilian dahil walang babaeng gustong kumaibigan sa kanya.

Si Rion kasi ang pinapangarap na 'bad boy' ng halos lahat ng kababaihan sa unibersidad nila. Guwapo, astig, at higit sa lahat, mayaman. Para nga raw itong karakter sa mga piksiyonal na istorya, ang narinig niya sa iba.

Pero nang lumipat siya sa kasalukuyan nilang paaralan, nabihag niya agad ang binata. Niligawan siya agad nito na hindi naman niya pinansin, dahil una sa lahat, hindi pa sila nagkakakilala nang matagal.

Ngunit dahil sa biglaang pagtatapat nito sa kanya ng nararamdaman sa loob ng isang mall na mayroon pang partisipasyon ng publiko, hindi na siya nakatanggi. At kanina nga, sa mismong mall din na iyon niya tinapos ang relasyon nilang umabot pa ng anim na buwan.

"You're not even aware of all the harsh things you did to me? Your mind must really be in a mess."

Sa halip na magbigay ng matatamis at mapagpatawad na salita gaya ng ginagawa niya dati ay diniretso ni Aili ang binata.

Sawa na siya sa ganito. Alam niyang gusto lang ni Rion na mapabalik siya at masunod ang gusto nito. Tandang-tanda niya pa rin lahat ng pagkakataong sinaktan siya ng binata mapa-pisikal o emosyonal matapos niya itong pagbigyan sa hiling niyang pakikipagbalikan.

Napasinghap naman ang dalaga nang sa wakas ay humarap sa kanya si Rion. Namumula ang mga mata nito. Hindi niya alam kung pag-iyak ba o paghithit ng droga ang dahilan noon, pero sa tingin niya'y ang huli.

"You're not breaking up with me, Aili. After all I've given to you—"

"All you've given me is pain and agony, Rion! Wala na akong balak na makipagbalikan sa katulad mong hayop ka!"

Lagitik.

Napahawak sa kaliwang pisngi si Aili pagkatapos siyang sampalin ng ngayo'y galit na galit nang si Rion.

"You're mine, Aili! You'll always be mine!"

Lalo pang nabigla ang dalaga nang bigla siyang hablutin ni Rion at siilin ng halik. Mahigpit pa ang hawak nito sa kanyang panga kaya hindi agad siya makaalis.

"Ahh!"

Wala nang ibang nagawa si Aili kundi ang sipain si Rion sa pagkalalaki nito na ikinahalinghing ng binata. Kitang-kita ang galit sa mga mata nito habang habol ang tingin kay Aili na nagmamadaling tumakbo palayo sa kanya.

"If you leave me, I'll jump off this balcony!"

Napatigil sa paghakbang si Aili at napalingon sa lalaki. Laking gulat niya nang makitang umakyat ito sa ibabaw ng grills at tumayo roon. Agad na umikot ang mga paa niya patungo sa binata.

"I will kill myself if you won't go back—"

"Rion!"

•••

"Uulitin ko lang po ang statement n'yo Miss, tinawagan kayo ni Mr. Rion Cabrera para pumunta sa bahay niya at sinubukang makipagbalikan, pero nauwi sa pananakit niya. Noong sinubukan ninyong umalis ay nagbanta siyang tatalon sa beranda ng kuwarto niya sa ikalawang palapag, at sa kasamaang-palad ay nadulas siya at nahulog sa sementadong sahig sa baba na ikinamatay niya, tama po ba?"

"Opo," pahayag ni Aili kasabay ng pagtango.

"Sige po Miss, maraming salamat po sa kooperasyon. Condolence din po pala."

"Salamat din po, Officer. Mauna na po ako."

Nagpakawala ng mahabang buntong-hininga ang dalaga sa paglabas niya sa mansion ni Rion. Hindi niya akalain na aabot sa ganito ang lahat.

Habang papalabas ay natanaw niya ang puwestong pinagbagsakan ni Rion kagabi. Nauna ang ulo nito sa pagbagsak kaya nabasag daw ang bungo, at kita niya rin ang pagsambulat ng dugo ng dating kasintahan.

Kinagat niya ang labi bago tuluyang umalis sa residensya ng lalaking kailanma'y hindi na niya muling makikita.

Ilang oras lang ang nakalilipas, nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan upang tingnan ang kalagayan ni Rion na bumulusok na pababa, at nang makitang humihinga pa ito sa semento ay tumawag siya ng ambulansya. Dahil alam niyang hahanapin ng pamilya ni Rion ang dahilan ng pagkamatay nito at upang hindi na maghinala na may foul play, tumawag na rin siya ng pulis upang magkaroon ng pormal na imbestigasyon.

Binuksan ni Aili ang cellphone niya at napagtantong halos alas-kuwatro na ng madaling-araw. Sumagi sa isip niya ang kanyang Tatay Waldo, na iniwang niyang mag-isa sa bahay nila ngayon.

Nagmamadali siyang naglakad patungo sa pinakamalapit na sakayan ng taxi. Sa Sa kabutihang-palad ay nakasakay naman siya kaagad.

Habang nasa biyahe ay wala sa sariling napangiti ang dalaga.

Malaya na siya.

Wala nang Rion na magpapahirap sa kanya.

Alam niyang mali na matuwa pa siya sa kamatayan ng binata, ngunit talagang lumuwag ang pakiramdam niya nang malamang patay na talaga ito.

Hindi na ito makapagsasalita. Hindi na ito makakapanakit pa.

Napaisip nang malalim si Aili. Hindi naman pala permanente ang paghihirap niya. Darating ang panahon na mawawala ang lahat ng pasakit at mapapatunayan niyang hindi siya isang mahina at marupok na nilalang, na kayang pasunurin ng kahit sino.

Ilang sandali pa ay nakarating na ang dalaga sa kanyang tirahan. Nagbayad siya sa driver at naiwan na siyang nag-iisa sa tapat ng tahimik niyang bahay.

"Nag-lock ng gate si Tatay?" Nagtaka siya nang paghawak niya sa itim nilang gate ay hindi niya ito mabuksan. Kapag kasi umaalis siya, hindi isinasara ng kaniyang Tatay Waldo ang gate upang makapasok pa rin siya kahit tulog na ito. Hindi niya alam kung bakit ngayon ay nagkandado ang matanda.

"A-Aili! Ikaw... S-Saan ka ba galing na... bata ka, ha?"

Nangunot ang noo ni Aili nang marinig ang boses ng ama-amahan mula sa 'di-kalayuan. Paglingon niya sa kaliwa ay naroroon ang kalbong lalaking naka-checkered na damit at maluwag na pantalon, susuray-suray na naglalakad at pasinok-sinok pa.

"Tay? Nakiinom na naman po kayo?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga kahit alam na niya ang sagot. Nang makalapit ang matanda sa kaniya ay inakay niya ito dahil mukhang anumang oras ay tutumba ang patpating lalaki.

Kung ano-ano ang sinasabi ng lasing na matanda at panay rin ang mura. Nagmadali na nga siyang ipasok ito sa loob ng bahay dahil baka makabulabog pa ng kapitbahay.

Habang akay-akay ni Aili ang lalaki ay walang habas din ang pagmo-molestiya nito sa dalaga. Nakakapit ito sa baywang ng babae at ang kamay ay kung saan-saan napupunta. Hindi na lang pinansin ni Aili ang mga iyon dahil lasing ang matanda.

Iniupo niya ito sa upuan ng kanilang hapag-kainan. Nakapikit na halos ang mga mata nito pero salita pa rin nang salita.

"Ikaw bata ka, alam mo ba, ha! Kaya lang kita kinuha mula sa tatay mong siraulo eh ano..." Napatigil naman sa ginagawang pagtitimpla ng kape si Aili nang mapansing iba na ang sinasabi ng ama.

"Hindi alam ng tatay mo na ang anak na ipinamigay niya, ay magiging napakagandang babae... Puro kasi siya tradisyon ng mga intsik, napakatanga! Buti na lang at kinuha kita, napakasarap mo pa man ding lintik ka... Nako! Aasawahin talaga kita kaya kinuha kita... at kung ayaw mo naman, edi gagahasain ka na lang namin ng mga kumpare ko para masaya!"

•••

Sampung araw pagkatapos ng pagkamatay ni Rion. Nasa isang bar si Aili at tahimik na umiinom ng cocktail at nakatingin lang sa mga sumasayaw na tao. Nakahalumbaba siya habang paunti-unting inuubos ang order na vodka.

"What's with the long face, beauty?"

Naituon niya ang paningin sa lalaking kumausap sa kanya. Isang balbas-saradong lalaki na may batak na katawang mahahalata sa suot nitong hapit na polo at pantalon. Ngumiti naman ang dalaga bago nagsalita.

"My ex and my father died last week. Ang saya, 'di ba?"

Napatango naman ang kausap na lalaki. Napansin nitong lasing na nga ang dalaga dahil papikit-pikit na ito.

"How did they die?" muli nitong pag-uusisa. Sinusubukan niya kung nasa tamang pag-iisip pa ba ang magandang dilag na kaharap.

"That fucking Rion... he threatened to kill himself kasi... ayokong makipagbalikan... eh ayaw ko na nga! Look at him now, he really died that night. Tanga!" humagikhik pa si Aili na nagpangiti sa estrangherong kausap. May kung anong bagay itong naramdaman matapos pagmasdan ang pagkukuwento ng dalaga.

"Tapos si Tatay Waldo... si Waldong bastos! Bald, bold, basta walang kuwenta!.. Ayon, inatake sa puso dahil sa pag-iinom! Buti nga sa kalbong 'yon!" Muli ay tumawa si Aili pagkatapos magkuwento, ngunit sa pagkakataong ito ay napakalakas na. Pinagtinginan tuloy siya ng ibang nasa paligid.

Napaismid ang estranghero.

"Sorry guys, she's just too carried away. I'll bring her home now," buong pagmamalaki nitong anunsyo sa paligid at inakay ang walang kamuwang-muwang na si Aili. Wala namang nakakaalam na hindi sila magkakilala kaya walang pumigil sa lalaking may balbas.

Matagumpay nitong nadala sa pagmamay-aring silver na kotse ang tuluyan nang nakatulog na si Aili at inihiga sa back seat. Pagkatapos ay nagmamadali itong umupo sa tapat ng manibela at pinaharurot papunta sa kung saan.

Kinaumagahan...

Nagising si Aili dahil sa walang humpay na pagkirot ng kaniyang sentido. Nalukot ang mukha niya at iniunat ang katawan sa malambot na puting kama.

Nanlaki ang mga mata niya nang bumalik ang ulirat at napagtantong nasa kama siya ng isang lugar na hindi niya kilala. Napabalikwas siya at mas nasindak pa nang makitang wala na siyang ibang suot sa ilalim ng puting kumot na nakabalot sa kaniya.

"Where the heck am I? Anong nangyari?" Nanginginig niyang hinaplos ang hubad na katawan.

Alam niyang may nanamantala sa kanya. Sa kalagayan niyang ito, imposibleng wala. Kung sino man ang hudas na gumamit sa kanya, hindi niya alam. Ang huli niyang natatandaan ay umiinom lang siya sa isang bar kagabi.

Nilinga niya ang paningin sa silid na kinalalagyan niya ngayon. Halata ang karangyaan dito, may mga mamahaling painting na nakasabit sa puting dingding, isang maliit na cabinet sa bandang kanan, malaking TV screen sa tapat ng king-sized bed na hinihigaan niya, maliit na lamesang may lampara, at kulay abong kurtina na sumasakop sa buong pader sa kaliwa. Mukhang hindi ito isang simpleng kuwarto lang at sa tingin niya, condominium unit ito.

"Oh, you're up already, beauty. "

Napapitlag naman si Aili nang biglang umalingawngaw ang baritonong boses na iyon. Nagulat siya nang biglang lumabas mula sa kulay abong kurtina ang isang matangkad at bruskong lalaki, nakatapis ng puting bathrobe, balbas-sarado, at may hawak na tasa ng kape sa kaliwang kamay.

"You..."

"I'm the one who brought you to heaven last night, you don't remember? You're one of the prettiest dolls I've seen, Miss... what's your name? I can't believe I forgot to ask."

Napakuyom ng kamay sa ilalim ng kumot si Aili. Kaswal lang na umupo sa kama ang lalaking kaharap at para bang wala itong ginawang kababuyan. Nakangisi pa ito habang nakatingin nang malagkit ang kulay asul na mata sa kanya.

"I'm asking for your name, doll." Tumalim bigla ang titig ng lalaki sa dalagang hindi naman makatingin nang diretso sa kanya.

"Aili."

"Ooh." Napatango ang lalaki. "Nice to meet you, Aili. My name is Virgulino, but you can call me Virgo."

"W-Where's my clothes?" utal na tanong ni Aili. Inginuso naman sa kanya ng dayuhang si Virgo ang hinahanap niya na nagkalat sa marmol na sahig ng silid. Bitbit ang kumot ay umalis siya sa kama at nagmamadaling isinuot ang mga panloob at ang kulay itim na tube dress.

"Where are you going, my dearest doll?" Tumayo si Virgulino at akmang lalapitan siya ngunit mabilis siyang lumayo rito.

"Don't you dare touch me! Rapist!" singhal ni Aili na hindi na nakapagsuot ng damit at nakapanloob lang. Inikot niya ang puting kumot sa katawan at unti-unting umaatras papunta sa pinto ng kuwarto.

"You want to escape? Try if you can!" Kinilabutan si Aili nang tumawa nang pagkalakas-lakas si Virgulino. Hindi naman siya hinabol nito kaya matagumpay siyang nakarating sa pintuan. Nanlumo naman siya nang makitang nabubuksan lamang ang pinto gamit ang card key na siguradong nasa lalaki.

"Even if you escape this room, you'll never set a foot outside. I own this whole building, doll. And even if you call the police, I can just pay them to shut up." Napalunok ang dalaga nang maglakad papalapit ang nakahalukipkip na si Virgulino.

"I haven't told you yet, but I am a filthy rich man, Aili. You can never escape me. You will be one of my dolls forever and ever." Hinaplos ng matangkad na lalaki ang dalagang nanigas sa kinatatayuan at pinanlakihan pa ito ng mata habang nakangiti.

"Ahh!" Napatili na lang si Aili sa takot at kalituhan. Napaupo na lang siya sa sahig nang sikmuraan siya ng lalaking siguradong magpapahirap na naman sa kanya.

Baho tuluyang mawalan ng ulirat ay isang luha ang pumatak mula sa mata niya.

"B-Bakit... ganito na naman?"

•••

Lumikha ng isang maikling matinis na tunog ang awtomatikong pinto ng condominium unit nang padaanin ni Virgulino ang master key card niya sa sensor nito. Pumasok na siya sa silid habang bitbit ang isang paper bag na puno ng pagkain.

Bumungad sa kanya ang dalagang si Aili na nakapuwesto nang pahalang sa kama, nakasuot lamang ng panloob at isang see-through na blusa. Umismid ito nang makita ang lalaki.

"You're really fired up today, huh? That's why you're my favorite, my dearest doll Aili," wika niya at inilapag ang pinamiling pagkain sa maliit na lamesa.

Ilang araw pa lang mula nang dakpin niya ang dalagang nakita lang niya sa bar, ngunit heto ngayon, para bang sabik na sabik na itong makita siya.

Hindi mabura ang ngiti sa maskuladong mukha ni Virgulino. Dahil sa angking yaman niya at impluwensiya, nagagawa niyang manguha ng mga babaeng nakapukaw sa kaniyang pansin at ikinukulong sila sa mga unit ng condo niya. Tinatawag niya ang mga itong "doll" o manika, at para bang nangongolekta lang talaga siya ng manika sa paraan ng pagkulong niya sa mga ito.

Pupuntahan lang niya ang napiling dalaga kapag gagamitin niya ito. Gagamitin sa anong paraan? Basta sa paraang masasarapan siya.

Lahat ng ibang manika niya ay takot at nanlalaban palagi, ngunit iba itong si Aili. Wala pang isang linggo ay para na itong alagang aso na sumusunod sa kanya, kaya naman ibinibigay niya rin dito ang mga gusto nito. Kumpara sa ibang mga babae ay mas maganda ang trato niya kay Aili, mas marami rin ang ipinapakain niya rito at tulad ngayon, ibinibili pa niya ng mga hinihiling nito.

"Welcome back, Master Virgo." Napakagat sa labi si Virgulino nang dahan-dahan itong tumayo at lumingkis sa kanya. Niyakap siya nito at bumulong sa kaniyang tainga.

"Let's start."

Lalo namang ginanahan ang lalaki kaya nagmamadali nitong hinubad ang suot na amerikana. Dumako naman sa maliit na cabinet si Aili at tila may kinuha.

"Let's go, my doll," anyaya ni Virgulino. Humarap naman sa kanya si Aili habang nasa likuran ang kanang kamay. Muli siya nitong niyakap at iginiya pa nga patungo sa balkonahe ng kuwarto.

Bukas naman ang salaming pinto kaya tumagos lang sila sa kulay abong kurtina, at walang takot na ipinakita sa labas ang ginagawang kababalaghan. Napakataas naman ng silid na iyon kaya imposibleng may makatanaw pa sa kanila.

"I have a surprise for you, Master," saad ni Aili at inilabas pa ang dila, na talagang tinatakam pa ang kaharap.

"What is it, honey?"

"This!"

Nagulat si Virgulino nang biglang ilabas ni Aili mula sa likuran ang isang makintab at matalas na kutsilyo na nakadirekta sa kanya, ngunit mas nagulat si Aili nang masalag ng lalaki ang hawak na patalim at hawakan siya sa pulso nang napakahigpit.

"Ahh!"

"Do you really think you can kill me so easily? You worthless doll!" Kasabay ng pagbitaw ng kamay ni Aili sa kutsilyo ay ang pagsampal sa kanya ni Virgulino nang napakalakas.

Pareho nilang hindi inaasahan ang sunod na nangyari.

Kasabay ng pagkalansing ng nahulog na kutsilyo sa sahig ay ang pagtaob ng katawan ni Aili sa hanggang baywang na barandilya ng balkonahe. Nanlalaki ang mga mata siyang tumitig sa lalaking na napabuka rin ng bibig dahil sa nangyari.

Tila bumagal ang oras sa pakiramdam ni Aili. Habang hinahaplos ang katawan niya ng malamig na hangin, wala na siyang ibang makita kundi ang asul na kalangitan.

Sa kalangitang iyon ay para bang rumehistro lahat ng mga bagay na napagdaanan niya.

Ang pang-aabuso ni Rion.

Ang nangingisay nitong katawan matapos niya itong itulak mula sa balkonahe.

Ang pambabastos ng kaniyang Tatay Waldo.

Ang pagpapainom niya rito ng halo-halong gamot na naging dahilan ng atake nito sa puso.

Ang nakangising mukha ni Virgulino habang pinagsasamantalahan siya nito.

Ang gimbal na gimbal nitong reaksyon habang pinapanood siyang bumulusok pababa.

Napapikit si Aili.

Ngumiti.

Lumuha.

Matatapos na lahat ng paghihirap niya.

Hindi na naramdaman ng dalaga ang paghalik ng katawan niya sa malamig na semento.

Samantala, tatlumpung palapag sa itaas ay naroroon si Virgulino. Nakatingin lang ito sa baba at hindi makapaniwala sa nangyari sa paborito niyang dalaga.

Napabuntong-hininga siya nang mamataang sumalampak sa malawak na konkreto ang babae. Hindi nagtagal ay pinalilibutan na ito ng mga nag-uusyosong tao na nagtataka sa kalunos-lunos nitong sinapit.

Akmang papasok na siya sa loob nang matalisod niya ang kutsilyong ginamit ni Aili kanina.

Pinulot niya ito. Isa pala ito sa mga kutsilyong dinala niya noong maghatid siya ng pagkain.

Napailing na lang si Virgulino.

"You were my most loved doll, Aili. You were the prettiest. You were the boldest. But I guess..."

"... you're also the frailest of them all."

×××

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro