Chapter 05: Mr. Mysterious

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Elise

Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako binigyan ng isang ngiti. "Tara na sa loob!" pagyaya niya sabay hila sa akin papasok. "Magkatabi lang tayo ayon sa papel na iyon. Ako ang nasa number 7 at ikaw sa number 8."

Ibinaba ko ang bag ko sa upuang itinuro niya. Upang siguraduhing hindi niya ako niloloko o pinaglalaruan ay tiningnan ko nang maigi ang numero ng upuan na makikita sa likurang bahagi nito. Pagkakita ko rito ay Number 8 nga ang nakalagay.

Labing anim kami sa silid at mayroong tatlong magkakasamang upuan sa isang hanay. Ang apat na nasa likuran na upuan ay hinati sa dalawang row na may dalawang upuan kada isang set ng mga upuan.

Mauupo na sana ako nang mapansin ko ang isang matang kanina pa nakatitig sa akin simula pa noong nakatayo pa lamang ako sa labas. Inikot ko nang kaunti ang aking leeg at doon ko nahagip ang imahe ng isang lalaking may maputing balat at may kaunting haba ang buhok.

Nakaupo ito sa likuran. Dalawa lamang silang nakaupo roon. Nasa kabilang puwesto naman ang dalwa pa sa apat na sinasabi ko kanina.

Ano kaya ang pakay ng lalaking ito sa akin? Ayaw niya bang maging kaklase niya ako?

Sa lahat ng mga nasa loob ng room na iyon ay siya lamang ang napansin kong hindi umiimik bago pa man ako pumasok doon. Pag-upo ko sa aking upuan ay bigla na lamang nadagdagan ang bigat ng nararamdaman ko.

Balak ko sanang tanungin ang babaeng katabi ko subalit naalala ko ang sinabi sa akin ni Kuya na huwag dapat akong magpapasaway. Mas maigi nang sumunod na lamang ako sa kaniya lalo na't mas kilala niya ang paaralang ito.

Maya-maya lamang ay walang ano ano ay nanahimik ang lahat kasabay ng pagtunog ng bell. Ngayon ay mas nararamdaman ko ang kakaibang mga bagay na ito.

Kasunod ng bell ay ang mga yabag na patungo sa isa pang pintuan ng room namin. Mula roon ay pumasok ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng salamin na nagbibigay sa akin ng estriktong impresyon sa kaniya na siya namang mas nagpakabog ng aking puso.

"Good morning, class," bati nito sa kaniyang matured na boses.

Nagsipagtayuan ang mga kaklase ko upang bumati. Agad naman akong sumunod. "Good morning, Sir." Pagkatapos noon ay agad na kaming umupong muli.

Nakatingin pa ba sa akin ang lalaking iyon?

Pagtingin ko nang kaunti sa lalaking nakaupo sa may likuran ni Athena ay nakita kong nakatingin pa rin ang lalaking iyon sa akin.

"Balita ko ay may bago kayong kaklase," sabi pa ng guro sabay tingin sa akin. Mapupuno na sana ako ng kaba nang maya-maya ay nagbigay siya ng isang ngiting nagbigay ng kalma sa akin. "Tumayo ka, Miss, at magpakilala. Kahit diyan ka lang sa upuan mo para naman mas makilala ka pa namin ng mga kaklase mo."

Dahan-dahan akong tumayo sa kadahilanang nadagdagan ang mga titig na napunta sa akin. Binigyan ako ng thumbs up ng katabi kong si Athena at doon pa mas lalong gumaan ang loob ko.

"Ako po si Elise Buenaventura at nanggaling po ako sa De Verra High." Iyon lamang ang nasambit ko sa kanila sa takot na baka may masabi pa akong iba sa kanila kagaya na lamang ng mga lihim na itinatago ko.

Hindi ko na kailangang mangamba pa doon sa mga fake videos na nag-viral dati sa internet dahil buti na lamang ay hindi naman kinumpleto ng mga kaklase ko ang pangalan ko at masasabi kong nag-improve naman ang mukha ko ngayon. At isa pa ay agad naman itong pinabura sa kanila ng mga pulis at naalala kong pinagbayad sila nang dahil sa pinsalang idinulot nila.

Subalit kahit na ganoon ay hindi pa rin nila ako tinigilan. Mas palihim na nila akong tinatarget pagkatapos ng mga pangyayaring iyon.

"Nice to meet you, Ms. Buenaventura," pagbati sa akin ng gurong sa tingin ko ay mabait naman pala. "Ayos ka na ba riyan sa upuan mo?" tanong nito.

Akala ko ba bawal mag-iba ng upuan. Mali ba ang mga sinabi sa akin ni Kuya Aiden?

Ayoko naman sa unahan at ayoko din sa hulihan. Naiilang man ako sa lalaking nasa pinakalikurang bahagi ay parang nararamdaman kong mas ligtas at mas magaan ang pakiramdam ko na katabi ko si Athena.

"Okay na po ako rito, Sir," sagot ko sa kaniya.

"Nakakita na ng bagong paborito sa klase si Sir." Mula sa harapan ay narinig ko ang bulungan ng mga nakaupo roon. "Hindi na pala si Jessica ngayong year. Sayang naman."

Pansin kong alam naman ng guro namin na nag-uusap ang dalawa subalit wala naman siyang ginagawa. Sa mga panahong iyon ay napuno ako bigla ng mga katanungan sa aking isipan.

"Wala bang absent ngayon?" tanong niya.

Nagsimulang ilibot ng ilan sa mga kaklase ko ang mga tingin nila hanggang sa ibinigay nila ang kanilang sagot sa guro. "Wala po."

"Magaling," sagot nito. "Ngayong unang araw ng klase, nais ko sana na magbahagi kayo sa akin at sa kapwa niyo estudyante tungkol sa mga naranasan niyo noong bakasyon," dagdag pa nito.

Wala naman akong masasagot sa bagay na iyon. Napuno lang naman ng kalungkutan at pagsisi ang isipan ko.

Nakataas na sana ang kamay ng ilan sa mga kaklase ko nang bigla na lamang nabasag ang ngiti ng guro namin na agad na napalitan ng seryosong mukha.

Napatingin ito sa mga upuan sa parte namin. Sinuri kong maigi ang espisipikong patutunguhan ng tingin niyang iyon. Hindi pa nga ako natatapos sa paghahanap nang nagsimulang magsitinginan ang mga kaklase ko sa likuran.

"At saan ka naman pupunta?" tanong nito.

Pagtingin ko sa aking likuran ay nakita ko ang lalaking nakatingin sa akin kanina. Nakatayo siya at papunta na sana sa may pintuan.

"V, bumalik ka na rito," wika ng katabi niyang lalaking may kulot na buhok.

Hindi ito umimik at hindi man lamang humarap sa amin. Nakatayo lang siya roon na para bang biglang natigil ang pagtakas nang dahil sa nakita siya ni Sir.

"Vian Domingo, tama ba?" dagdag ng guro. Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay napuno ng pangamba ang mukha ng karamihan sa mga kababaihan sa loob ng room.

Doon na nga siya humarap sa amin. "Pasensiya na po, Sir," wika niya sa mahinahong boses.

"May problema ba?" tanong pa ni Sir.

"Nais ko lang po sanang tingnang muli kung ano ang pangalan ng taong nasa Seat Number 14 sa kadahilanang wala pa po siya. Hindi naman po talaga ako lalabas kasi pwede namang silipin ko lang ang papel nang hindi lumalampas sa sakop ng pintuan natin. Madali lang naman po ang gagawin ko kaya naman ay hindi na ako nagtangkang abalahin pa ang masayang usapan ninyo ng mga kaklase ko," sagot pa niya.

Ang seryoso niyang tingnan at saka parang matalino. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit kanina pa niya ako tinitingnan? May gusto ba siya sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro