Chapter 13 | First Night Jitters

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Napaupo ako sa sahig habang nakikita ko siyang kinukuha ang mga bubog sa sahig. Gamit ang kaniyang kamay ay pinuot niya ang mga piraso at tinipon ang mga ito sa dala-dalang pinggan. Kukunin niya na sana ang isa pa nang biglang nakita ko ang pagkagulat niya nang magkasugat ang kaniyang daliri.

"Tulungan na kita." Tatayo na sana ako upang kumuha ng walis subalit pinigilan ako ng kaniyang misteryosong titig.

"Pwede ba? Mind your own business!" pagsigaw niya sa akin.

"Penny, ano ba?" Narinig kong pagsita ng isa sa mga kasamahan namin sa silid. Isang lalaki ang nag-abot ng kaniyang kamay sa akin. Pagtingin ko sa kaniyang mukha ay nakita ko ang isa sa mga kasamahan namin sa upuan.

Hinawakan ko ang kaniyang braso hanggang sa ako'y nakatayo na. Sinamahan niya ako pabalik sa aking upuan. "Ako nalang ang kukuha ng tubig," sambit ni Vian sabay tayo papunta sa kukuhanan ng maiinom.

Nakita kong dinaanan lamang niya si Penny at ganoon din ang iba pang dumaraan. "Wala bang tutulong sa kaniya?" pabulong na tanong ko kay Athena.

"School Rule Number 1," sagot ni Athena, "Don't just get involve in a situation that you don't want to get involved in."

"Uhh..."

"It means that you can't just barge in into someone's business," pagdagdag ng lalaking tumulong sa akin kanina.

"Yes, I know," sambit ko. "Ang gusto ko talagang malaman ay bakit? Is there a problem with helping here? Bakit ako nga tinulungan mo?"

"It's because..." wika ni Athena.

"It's because you don't know the rules yet. If you helped that lady, you can be expelled!" pagpitik ni Vian na dala-dala na ang mga tubig.

"Expelled?"

"Oo, Elise," sagot ni Athena. "Sa susunod ay dapat alamin mo muna ang mga batas sa eskwelahang ito upang malaman mo ang mga dapat at hindi dapat gawin."

Weird! Napakawirdo naman. Bakit kaya bawal tumulong sa mga nangangailangan dito?

"Kumain ka na," wika sa akin ni Athena. "Once you hear the bell again, everyone should go outside and go back to their dormitories."

"At saka ubusin mo ang mga iyan. Huwag kang magsasayang ng kahit isang butil ng bigas," dagdag naman ng katabi niya.

Itinuloy ko na lamang ang aking pagkain. Pagtingin ko sa aking likuran ay nakita kong natapos na rin sa wakas si Penny. Itinapon niya ang hawak-hawak na mga piraso ng bubog at saka kinuha ang walis upang walisin ang mga natitira sa sahig.

After a few moments, I heard the bell rang. Agad na nagsipagtayuan ang karamihan sa mga estudyante at saka dumiretso na sa pag-alis.

Napansin kong kinukuha ng iba ang mga natirang pagkain sa kanilang pinggan at saka inilalagay ito sa dala-dala nilang lunchback. Lalaki man o babae ay sabik-sabik sa pagkolekta ng mga tira-tirang pagkaing nasa lamesa.

Are they even allowed to do that? Hindi ba't maaari silang magkalat sa mga dormitoryo nila?

Bumalik na nga kami sa mga dormitoryo namin. Sa wakas ay makakapahinga na rin ako.

Pagkatapos magsipilyo ng mga ngipin at maglinis ng katawan ay dumiretso na kami sa aming kama. Nasa taas si Athena samantalang nasa ibabang parte naman ako.

Tahimik lamang si Athena sa taas. Hindi ko alam kung natutulog na ba siya nang dahil sa hindi ko nararamdamang gumagalaw siya sa itaas at wala rin akong naririnig na ingay. Ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang tunog na ginagawa ng air conditioner sa loob ng aming kuwarto.

Ayokong istorbohin siya kaya naman nanatili na rin akong tahimik. Marami pa kaming dapat malaman tungkol sa isa't isa.

Makalipas lamang ng ilang minuto ay hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.

Narating kong muli ang lugar ng mga panaginip. Nakaupo lamang ako sa isang payapa at napakagandang na lugar. Tahimik kong pinagmasdan ang paligid hanggang sa naalala kong iyon ang gusali kung saan nakita ko ang lalaking magpapakamatay sana.

Paglingon ko ay naroon nga siya at nakatayo. Tulad ng ginawa ko dati ay kumaripas ako ng takbo papunta sa kaniya. Hahawakan ko na sana ang kaniyang braso nang bigla ko na lamang akong napahinto.

Nakatingin ako rito nang ito ay humarap sa akin. Doon na lamang nag-iba ang kaniyang anyo. Sa mga sandaling iyon ay nagi siyang maitim na usok.

Makalipas ang ilang araw ng hindi pagpapakita sa akin ay muli ko naman siyang nakita.

Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan habang may dala-dalang isang matalim na kutsilyo. Sinubukan kong tumakbo papalayo subalit hindi ko magalaw ang aking buong katawan.

"Athena?"

Sa oras na nakarating siya sa aking harapan ay inihanda niya ang kaniyang kutsilyo. Iwawasiwas niya na sana ito sa aking ulo nang bigla na lamang akong nakabalik sa totoong buhay.

"Athena, ayos ka lang?"

Nagising pala ako nang dahil sa mahinahong boses ni Athena. Pagdilat ng aking mga mata ay nakita ko siyang nakadungaw sa akin mula sa taas ng double deck.

"Gising ka pa pala," sambit ko nang makita itong nakatingin sa akin.

"Tulog ka na kaya naman hindi na kita inistorbo pa. Kanina pa ako nagbabasa ng libro," sagot niya.

"Sa dilim?"

"Gumagamit ako ng flashlight," sagot niya.

Iniunat ko ang aking kamay at saka bumangon mula sa aking pagkakahiga. Bubuksan ko na sana ang ilaw nang pinigilan ako ni Athena. Agad niyang itinutok sa akin ang dala-dalang flashlight na nagbigay sa akin ng pagkasilaw.

"Elise, huwag!" pabulong na pagsita niya sa akin.

"Naisipan ko lang na baka masira ang mga mata mo kapag nagbabasa ka sa madilim kaya bubuksan ko na sana ang ilaw," pabulong din na pagpapaliwanag ko.

"Kanina pa nag-lights off. Kapag lights off na dapat wala na dapat nakabukas na ilaw ang bawat kuwarto," wika pa niya.

"Naiintindihan ko," sagot ko.

Babalik na sana ako sa aking pagtulog nang napansin kong parang may ilaw na nanggagaling sa labas mula sa bintana. Narinig ko ring parang may mga nag-uusap na mga kalalakihan.

"Naririnig mo ba ang mga boses na iyon, Athena?" tanong ko sa kaniya.

Itinigil niya ang kaniyang pagbabasa at saka itinutok ang kaniyang ilaw sa bintana.

Hinawakan ko ang kurtina at saka ko na nakita ang isang grupo ng mga kabataang nasa labas ng kanilang dormitoryo. Ang bawat isa sa kanila ay may dala-dalang flashlight.

Agad na pinatay ni Athena ang flashlight. "Anong nangyayari?" tanong ko sa kaniya.

"Siguro ang dapat na tanong para rito ay kung ano ba ang mangyayari," sagot niya sa seryosong tono.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro