ACT 009

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ready ka na ba?" Tanong ni Rene saka ipinatong ang kaniyang mga braso sa aking balikat.

Tumango ako sa kaniya.

"Sure."

Tumawa ito sa naging sagot ko saka binawi ang braso niya sa balikat ko at inayos ang kaniyang suot na uniform.

"Baka layasan mo nanaman ako ha."  Sinundot nito ang tagiliran ko.

"Gipit ako ngayon." Sabi ko saka inayos din ang suot kong slacks.

"We."

Tumango ako.

"Oo."

Narinig ko itong tumawa.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa loob ng isa sa malaking hotel sa bansa. Ang Primentel hotel chains.

Nag simula na kami pumasok sa hotel at dumeretso sa lobby kung saan doon gaganapin ang event ngayon gabi.

Pag katapos ay dumiretso na kami sa kusina kung saan andoon din ang ibang mga staffs ng hotel.

"Anong nangyari kay fafa Hendrix?" Tanong sa akin ni Rene habang inaayos ang ilang pag kain na ihahain namin.

"Alaws pinag bago te." Sagot ko sa kaniya saka siya tinalukuran.

Balita ko ay puro bigatin ang mga tao ngayong gabi. Hindi katulad tuwing nandito kami dati.

"Itim kasi ng singit mo e." Natatawang ani ni Rene pero pinigilan nito ang sarili ng makita ang pag tingin ng ilan sa mga staffs sa amin.

"Wow ha paano mo nalaman sinisilipan mo ako ano?" Taas kilay kong tanong dito.

Kinagat nito ang labi upang pigilan ang pag tawa.

"Utot."

Napailing na lamang ako saka binaling ang tingin sa labas habang inaayos ang ibang mga pag kain.

"Sino tao ngayon?" Tanong ni Rene. Nag kibit balikat ako.

"Ewan big time raw e."

Hindi ko naman talaga kilala, narinig ko lang kanina sa ibang mga staffs.

Napatingin ako sa hita ko ng mangati iyon.

Mamaya ko na kakamutin.

"Mag waitress lang naman tayo rito pero bakit naka itim na slackings?" Tanong ko kay Rene ng ayaw tumigil ang pangangati ng binti ko.

Tinaas baba nito ang kilay sa akin.

"Para sexy tignan, dalawa pakay natin dito. Mag serve at tayo ang iseserve." Natatawang sagot nito sa akin.

Natawa ako.

"Roar!" Wika ko, nag tawanan kaming dalawa ngunit natigilan kami ng marinig namin ang malakas na pag sigaw sa likod namin.

"Ano pa kinukuda niyo diyaan? Bilisan niyo kumilos!" Ani ng lalaki.

Agad kami nag tanungan nang marinig ang pag puna sa amin ng head chef.

"Sorry chef!" Sabay naming pag hingi ng tawad ni Rene saka kami nag simulang kunin ang mga pag kain at nilagay sa isang roller tray at nilabas iyon upang ihanda sa mga bisita.

Pag kalapit ko sa isang lamesa ay agad akong ngumiti ng matamis.

Badboys want good girls, so it be.

"Good evening." I greeted to the 3 man on the table.

"Goodevening too." Sagot ng isa sa kanila.

Napalingon akong muli sa kanilang pwesto at nakita ko kung paano malandi akong kinindatan ng matandang bumati sa akin kanina.

Nang makasalubong ko sa daan si Rene ay nag pipigil na ito ng tawa.

"Wow may pakindat ka na agad."

Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad.

"Sugar de papa." Sabi ko saka siya binigyan ng flying kiss, dumiretso na ako papasok sa kusina at kinuha ang iba pang mga pagkain.

Pag katapos ko mag serve ng mga pag kain ay tumayo ako sa gilid upang hindi makaabala sa event dahil may nag sasalita na sa unahan.

Maya-maya pa ay may narinig akong sumitsit sa akin kaya napalinga-linga ako.

"Here!"

Nang mabaling ko ang tingin sa kanang bahagi ko ay nakita ko ang pag taas ng kamay ng isang matanda senyales na pinapalapit niya ako.

Lumapit ako sa kaniya at agad siyang nginitian ng matamis ng makitang siya ang lalaking kumindat sa akin kanina.

"Yes sir, what can i do for you?"

"You're new here?" Tanong nito, inignora ang tanong ko.

"No, not actually."

Nag palumbaba ito sa lamesa kaya naman napatingin ako sa mga kasama niyang abalang nakikinig sa harapan.

Bakit ba hindi na lamang makinig ang isang 'to?

"I'm often here but i don't see you around." Wika nito.

"Yeah?" Tanging naging sagot ko na lamang upang maiwasan ang pagiging bastos.

"Yes, I don't think i will be able to see heaven tonight." Malanding usal nito saka ako pinag masdan mula ulo hanggang paa.

Lihim akong napangiwi sa ginawa niyang pag suyod sa akin ng tingin.

"Can i have your . . . Number?" Ani nito ng hindi ako sumagot.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko saka ko binalik sa mukha ang matamis na ngiti.

"Sure." Sagot ko sa kaniya.

"Great." Sabi nito, saka inabot ang kaniyang cellphone sa akin.

Agad akong nag tipa roon ng random numbers saka iyon inabot sa kaniya.

Nang makuha ng ang cellphone ay binaba niya iyon sa lamesa saka ako muling tinignan.

"What specific date you're here?" Hindi ako sumagot at nag panggap na nakikinig sa harapan.

Akala ko ay titigil na ito ngunit natigilan ako ng may naramdaman akong humawak sa balakang ko pababa sa aking puwet at hita.

Para akong natuod sa kinakatayuan ko ngunit pinilit ko pa rin umabante palayo

"You have a long legs huh? " Tanong nito nang umusog ako.

Humarap ako sa kaniya at mabait siyang nginitian, mag papaalam na sana ako sa kaniya upang wala na sanang gulo ng may nilabas itong pera.

Napatingin ako sa mga kasama niyang parang walang pakealam na nanonood pa rin sa harapan.

"Here's the tip. " Sabi nito.

Hindi ko iyon inabot kaya kinuha nito ang kamay ko at nilagay doon ang pera.

"You free tonight? " Tanong nito.

Mabilis akong umiling.

"Sorry not at all. " Sagot ko saka ibinalik ang pera sa kaniya.

Gusto ko ng tip pero hindi sa ganitong paraan.

"Maybe you can give me your minute?" Pangungulit pa nito.

"I'm quite busy. "

Umilag ako ng pag tangkaan nanaman ako nitong hawakan sa kamay.

Akala ko makakaramdam na siyang ayaw ko, pero nagulat ako ng tumayo ito at inayos ang suot niyang suit saka ako hinawakan sa balikat.

"I can tell your manager to—" hindi na nito natuloy ang sasabihin nang bigla na lamang itong natumba sa kaniyang kinakatayuan. Kasunod non ay ang malakas na kalabog ng lamesa dahil sabay silang natumba.

Agad nanlaki ang mga mata ko, rinig ko rin ang pag hiyaw ng iba sa gulat.

"She said she's busy, dude. " Agad akong napalingon sa lalaking nag salita.

Umawang ang labi ko, natuos ako sa aking kinakatayuan habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa aking harapan.

Nang mag lapat ang aming mga mata ay lumapit ito sa akin at kinuha ang kamay ko saka nilagay sa kaniyang likuran.

"What the fuck? Who are you? " Tanong ng lalaki, pinunasan nito ang gilid ng kaniyang mga labi.

Napatingin ako sa mga kasamahan niyang napatayo na rin at walang kamalay malay sa mga nangayayari.

"Let's go."  Pag aaya ni Gov saka ako nito hinila.

Nag simula na kaming mag lakad ngunit natigilan kami ng may narinig kaming sumigaw.

"Hey! "

At sa pag lingon ni Gov ay muli akong nakarinig ng kalabog.

Pag tingin ko ay nasa sahig na muli ang matandang lalaki, dumadaing.

"Gov! " Tili ko saka siya hinila sa braso.

Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari.

Maya-maya pa ay may lalaking nag lakad papalapit sa gawi namin.

Napatingin ako sa kaniya at agad na kinabahan ng makita ang nameplate nito na may nakalagay na 'Mr. Primentel'

"What's happening here? " Tanong nito ng makita ang sitwasyon ng bisita niya.

Jusko, gusto ko makita ang owner ng hotel dahil sabi nila pogi, pero huwag naman sana sa ganitong paraan diba? Gusto kong umiyak habang pinag mamasdan ang kunot nitong mga noo.

"Julius, your visitor is harassing your employee. " Wika ni Gov habang hinihimas ang bridge ng kaniyang ilong.

Anong employee!? Saling ketket lang ako rito! Hindi ako official employee rito!

"What? " Tanong ni Sir Primentel.

Napatingin ako sa lalaking nambastos sa akin ng tumayo ito at tinuro si Gov sa mukha.

Jusko lolo, nasa San Juan ka. Wala ka sa teritoryo mo. At governor lang naman ng San Juan ang dinuduro mo!

"No, im not! You're slandering me! "Wika nito.

Hindi nag salita ang isa sa amin sa sinabi niya.

Lakas din ng loob mag sinungaling, dami kaya nakakita!

"I'll sue you for defamation! Fuck my face! " Ungol nito saka hinawakan ang kulubot niya nang mukha.

"I'm sorry about this, sir. " Sabi ko na lamang kay sir Primentel tumango ito sa akin.

"Sige na Hendrix, ako na bahala rito. " Wika ni Sir.

"What? You're just letting this man off!? " Sigaw muli ng lalaki.

Napatingin ako sa kaniya nang mag simula itong mag martya papalapit kay Gov.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na humarang sa daanan niya para pigilan ito sa pag tangkang pag lapit kay Gov kaya naman ako ang naitulak nito.

Natumba ako sa semento.

"Aray!"daing ko

"Akhlys!"

Agad akong napahawak sa balakang ko ng maramdaman ko itong kumirot.

Grabeng matandang 'to ang lakas pa rin manulak, sa edad niyang 'yan!?

"I'll sue you all—fuck!" Nag simulan na itong mag wala, agad siyang inawat ng kaniyang mga kaibigan.

"Jesus. " Rinig kong usal ni Gov. Lumapit ito sa akin at binuhat ako.

Gusto ko na maiyak sa sobrang sakit ng balakang ko, pero hindi naman ako makaiyak dahil buhat-buhat ako ni Gov.

Hindi ko alam ang uunahin ko, umiyak o kiligin? Siguro both?

Hindi ko na rin alam kung nasaan na kami, nang maayos na ang balakang ko ay tinapik ko ang balikat niya.

"ibaba mo na ako. " Sabi ko, nilibot ko ang aking paningin.

Nasa parking lot na kami.

"Can you walk? " Tanong ni Gov habang patuloy pa rin nag lalakad.

Natawa ako sa tanong niya.

"Over acting ka Gov, hindi naman ako pilay—" sabi ko ngunit natigilan ako ng muli kong naramdaman ang sahig.

"Aray! Sabi ko ibaba hindi bitawan! "Reklamo ko habang iniinda ang puwetan ko.

Pakiramdam ko ay mas tumanda ako ng sampung taon kaysa sa lalaking sinuntok ni Gov kanina!

"S-sorry . . ." Sabi ni Gov saka ito tumukod sa sahig at muli akong binuhat.

"Mas masakit pa ginawa mo kaysa sa pag tulak niya sa akin e! " Reklamo ko

"Why did you even make yourself a shield anyway. " Iling na sabi nito.

Napa 'O' shape ang bibig ko sa sinabi niya.

"Wow ha, imbis na mag thankyou. "

Hindi nito pinansin ang sinabi ko, napabusangot na lamang ako.

Nang nasa tapat na kami ng kaniyang kulay itim na kotse ay kinuha nito ang kaniyang susi sa kaniyang bulsa at pinatunog iyon.

"Can you walk? " tanong ulit nito.

Mukha bang makakalakad ako ngayon sa lagay kong 'to!?

"Hindi! " Sagot ko.

Napababa ito ng tingin sa akin dahil sa pag sigaw ko.

"Are you mad? "Dagdag na tanong pa nito.

"Hindi talaga! "

Tumango naman ito.

"Okay I'll send you home. " Ani niya pa.

Inis akong umismid.

Wala talagang sweetness sa katawan ang lalaking ito!

"No thank you, i can handle myself, " usal ko. Pero hindi pa rin umaalis sa pag kakakarga niya sa akin.

"You can't even walk. "

"Kasalanan mo! " Paninisi ko.

Nangunot ang noo niya.

"You're mad. " He stated. Binuksan nito ang pintuan ng kaniyang sasakyan saka niya ako marahang ipinasok doon.

"Hindi nga "

"You're unbelievable. " Sabi nito saka ipinatong ang kaniyang kamay sa ibabaw ng kaniyang sasakyan habang nakatingin sa akin.

Okay ang gwapo niya ron.

"One time you're sweet, and now you're glaring at me. " He chuckled.

Hindi ako nag salita.

Nakakatawa na 'yon? Nice joke.

"Hey, do you want me to bring you to the hospital? " Tanong nito nang hindi ako mag salita.

"Keri lang. " Sagot ko naman habang hindi pa rin siya tinitignan.

Nakita ko ang pag tango niya sa peripheral vision ko.

"Okay, I'll send you home. "

Doon na ako napatingin sa kaniya.

"Maaga pa, " sabi ko.

Napatingin ito sa kaniyang relos.

Bahagya pang nagunot ang kaniyang noo habang nakatingin doon.

"It's past 8 pm," wika nito.

Bumusangot ako.

"Ayaw ko umuwi, " sabi ko sa kaniya.

"Why? "

"Kasi maaga pa. " Pag bibiro ko pero seryoso lang itong nakatingin sa akin.

I sighed.

"Ayaw ko pa nga umuwi . . . Kung ano ano lang maiisip ko sa bahay. " I answered.

Tumango ito sa akin.

"Where do you want to go? " Tanong nito na nag pangiti sa akin.

"Kahit saan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro