CHAPTER 11: The Agreement

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 11 

ZABBY's POV

"I'll teach you the basics about that sport. I'm not an expert so bear with me, okay?" sabi ni Harry na ikinatango ko.

Nandito kami sa gitna ng court at nagsisimula na siyang magturo. Puting T-shirt ang suot niya na medyo fit sa kanya tapos maong pants. Bagay sa kanya ang ayos niya habang nakahawak ng bola.

A-ang pogi! Este ano raw? Kailan pa ako humarot ng ganito? Ew, nababaliw na ako.

Pero kasi...bakit niya ba ginagawa ito? Hindi naman siya obligated na maging coach k------

"Hey! Are you listening?" untag niya kaya napaayos ako ng tayo.

"Oo naman hehe" sagot ko at nag-peace sign na lang.

"Okay. I'm going to tell you first the basic technical skills in playing volleyball. Those are shuffling, basic stance, passing, setting and serving. You'll gonna understand it later but first---------"
 
Todo explain lang siya tungkol sa volleyball habang ako nakatingin lang sa kanya, hindi ko nga alam kung pumapasok ba sa utak ko 'yong mga sinasabi niya eh.

Kapag nag-e-explain siya, tumatango lang ako para isipin niyang naiintindihan ko kahit ang totoo ay wala naman talaga akong naiintindihan hehe.

Hawak-hawak niya ang bola at kung ano-anong pinaggagawa, muntik pa akong matawa pero mabuti na lang at napigilan ko. Mukha kasi siyang tanga, pffffft ambad ko.

"Remember that in the match, you have to reach far to the left and right to pass the ball, okay?"

"O-okay"

Huhu bakit ba ako nasadlak sa dusa? Saka required ba na kapag coach eh dapat mag-e-english? O pa-feeling cool lang 'to?

"Next, gonna explain you about the tactics. Have you ever known about 'Catch and Toss'?" tanong niya habang matamang nakatingin sa'kin.

Next na pala? Ba't parang wala akong natutunan? Jusko, sana naman makaraos ako sa hirap na 'to.

"O-oo ata?" alinlangan kong sagot.

Malay ko ba.

"Catch and Toss. You'll catch the ball and then toss it to another player, naririnig mo ba ako?"

"Oo nga sabi. Open na open itong tenga ko kaya naririnig kita, continue na kasi"

Haynaku. Ano bang tingin niya sa'kin? Hindi nakikinig? Duh, nakikinig ako pero hindi ko siya naiintindihan.

Kung may demonstration pa sana baka ma-gets ko pa siya. Dumagdag pa ang kakaibang awra ni Gale kaya hindi ako maka-focus. Ang laki ata ng galit niya sa'kin, hindi ko naman aagawin itong sa Harry sa kanya, hmmmp.

"Do you understand?... I don't think so"

(0_0)

Paktay.

Nahahalata na niya ata ako. Eh kasi...ang hirap naman kasing pag-aralan lahat ng basics² na 'yan eh. Bakit ba kasi sa lahat ng sport, volleyball pa ang napili nila? Ugh kairita.
 
"Come over!"

Agad akong napaangat ng tingin sa kanya pero napansin kong sa bleacher siya nakatingin. Paglingon ko, nakita kong papalapit ang iba pa niyang mga kasama.

Patay na. Tumawag ng back-up ang mokong. Ano na lang ang gagawin ko kung sakaling sila na ang magtuturo sa'kin? Baka ibato nila sa'kin ang bola sa sobrang inis huhu.

"Yow! Wazzup bro, Zabby!" pagtawag ni Zephyr habang papalapit, peke naman akong ngumiti.

"I've seen everything. Mukhang walang pag-asang manalo ang team ni Zabby, baka masayang lang ang effort mo n'yan" sabi ni Gale kay Harry na seryoso namang nakatayo.

Tsk. Masyado namang atribida ang babaeng 'to, sino ba siya sa akala niya? Saka anong sayang? Hindi ko naman sila inaya rito at mas lalong hindi ako ang may gusto nito.

"Hindi naman siguro Gale. Nandito naman tayo kaya matutulungan natin siya and after that, tapos na ang lahat" sabat ni Aeria.

Anong tapos na ang lahat? Ang weird naman nila.

"So? It's our turn na ba? I wanna play na kasi eh"

"I called you to show her how to play volleyball. It's better to have some demonstration for her to understand" seryosong sabi ni Harry.
 
'Yaaaaaan. 'Yan lang naman ang hinihintay ko eh. Mas maganda talaga 'yong nakikita mo kesa sa narinig mo lang diba? Agree o disagree? Wanhap wamport? ChOur.

"Oo nga. Kailangan niyang makita kung paano 'yon para ma-apply niya rin sa darating na match" Lance added.

"And remember, don't cheat. If you know what I mean, okay?" sabi naman ni Draco at hinarap ang mga kasama niya.

May cheating din pala 'yon? Paano naman kaya 'yon? Pwede ko rin kayang gawin 'yon during the game? Ayt.

"Just exclude Elianne in the game" walang ganang sambit ni Eroshi na ikinanguso ni Faerisha. Akmang aalma siya pero pinigilan siya ni Era. Cute patotie hihi.

"Bakit naman? Pwede niyo naman siyang isali ah" sabat ko.
 
"Hindi na, masakit ang paa niya kaya hindi siya pwedeng sumali"

"What? Hin-------ouch!" daing ni Faerisha habang nakahawak sa paa niya at masamang tiningnan si Eroshi.

Uh-oh, anyare? Mukhang masakit nga ang paa niya. Bakit kaya? Eh kanina lang ay okay naman siya, weird.  

___
Boys vs. Girls ang set nila ngayon. Nakaupo lang sa gilid si Faerisha habang nanunuod sa mga kasama na ngayo'y nagwa-warm up na. 

Since hindi sumali si Harry at Faerisha, pito na lang sila pero para fair ang labanan, pinasali na nila si Gabby at do'n siya sa team ng mga babae inilagay. 

Dream come true ang bakla, pfffft.

As usual, pagkatapos ng kunting warm-up ay nag-umpisa na rin sila sa tunay na laro. Todo observe ako sa lahat ng ginagawa nila pati na ang tamang pag-serve at ilang mga tactics.

"Mine!" malakas na sigaw ng kung sinumang titira sa bola.

Whew! Sanaol inaangkin, charot.

Ang galing din nilang lahat at parang sanay na sanay sa ganitong laro. Mabibilis ang mga kilos nila at sobrang nakakamangha ang bawat strategy nila.

Nangingibabaw ang galing ni Draco. Sobrang bilis niyang kumilos pero kalma lang siya at parang hindi nahihirapan. Mapapa-sanaol ka na lang talaga.

Magkaiba sila ng way sa pag-serve ng bola. Sa kabila, tino-toss pa nila sabay tira pero sa kabila naman ay hindi na. Ibig sabihin may dalawang paraan sa pag-serve, okay.
 
Lumipas ang ilang sandali, natapos na rin sila. Natalo ang team ng mga babae dahil kay Gabby, siya lang 'yong titira na nga lang ay sablay pa hehehe.

"Go over there, it's your turn"  biglang imik ni Harry habang papalapit naman ang iba pang mga lalake. Napansin kong nando'n pa rin sa court ang mga girls, i-big sabihin------ 

(0_0)

"A-ako?" gulat kong tanong at napaturo sa sarili.

T-teka---ba't parang hindi ko keri 'to? Yes, I've seen them play pero ang layo ng kakayahan nila sa'kin. I kennaaaaaaat. 

"Who else do you think?" pamimilosopo niya na ikinaismid ko, antipako tsk. 

Mabigat sa loob akong humakbang papunta sa gitna. Sinulyapan ko si Gale at naninindig talaga ang balahibo ko sa paraan ng pagtitig niya. Waaaaaah! Mukhang may binabalak talaga ang babaita.

Help me huhu.

____________________________________
GABBY's POV• 

Yeeeeeey! A-ang hot ng mga papabells na narito, uwu~. Dumagdag sa hotness nila 'yong pawis saka fresh na fresh pa rin kahit gano'n, ohlala!

Nakaka-inspire silang tingnan hihi.

Pero bumalik ako sa katinuan no'ng nakita ko ang lugmok na itsura ni Zabby habang palapit sa gitna. Jusko ang babaita, parang binagsakan ng langit at lupa, isama mo na lang buong earth.

Grabe!

Okay lang ba siya?

"Go Zabby-ghOrl!" pag-cheer ko sa kanya pero ang loka, deadma lang ang eyport ko, abaaaaa choosy. Gusto pa ata ng cheer dancing saka cheerleader eh.

Magka-partner si Zabby saka si Era tapos kalaban nila si Gale at ang tagapagbura na si Aeria. Hindi pinalaro si Faerisha na ang sarap igisa dahil baka maging lokaret at maipakita ang powers na itinatago.

Baka matakot ang prenny ko't pumangit-----este mahimatay I mean. Muntik na nga akong maging sleeping beauty eh, mabuti na lang at maganda ako kaya hindi ako namatay----este nahimatay nga.

Pansin kong parang natatae ang bruha kong kaibigan habang nakatingin sa bruhilda niyang kalaban. Whew! Mukhang magandang lar---------

"Waaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ni Zabby pagka-serve pa lang ni Aeria.

(0_0)

Yumuko ang loka!

"Hey! You don't need to bow" pag-alma ni Harry.

Oo nga naman. Masyadong respectful si Zabby-ghOrl kaya pati bola ay yinuyukuan niya HAHAHAHAHA nakakatawa ang itsura ng prenny ko, pfffft.

"Do it again" 

Nag-serve ulit si Aeria habang kinakabahan namang naghanda si Zabby pero no'ng papalapit sa kanya ang bola ay nagulat na lang kaming lahat.

HAHAHAHAHAHA jusko!

"HAHAHAHAHA Zabby, bakit mo sinalo? HAHAHAHA" tawang-tawang tanong ni Zephyr at kahit kami'y gano'n din ang reaksyon, pfffft.

"Eli, dapat tirahin mo 'yong bola at hindi saluhin" malumanay na sambit ni Draco mahlabz.

"O-okay"

Nag-umpisa ulit sila tapos umpisa ulit hanggang sa puro na lang umpisa dahil sa palaging pagtakbo ni Zabby. Kapag palapit sa kanya ang bola ay iniiwasan niya o di kaya ay tatakbo siya.

Hindi ko alam kung volleyball pa ba ang sasalihan niya o sa running contest siya lalaban HAHAHAHA.

"Uy ghOrl, wag kang tumakbo dahil hindi ka naman hahabulin no'ng bola" sabi ko sa kanya no'ng nilapitan ko siya.
 
"You're not on a running contest, why run? Here's the ball, you go and serve" sabat ni Harry at binigay ang bola kay Zabby.

"P-pasensya na, n-natatakot kasi ako eh. B-baka matamaan ako" nauutal niyang sabi.

Eh di 'yong bola ang tamaan niya para iwas tama diba? ChOur HAHAHAHA.

"Ba't ka ba natatakot? Hindi ka naman kakainin ng bola"

"Sino bang may sabing kakainin ako ng bola? Kanina mo pa ako pinupuntirya ah" nakangusong rebat niya kay Gale. GhOrl, mukha kang pato, charot hihi.
 
Well, napansin ko nga ring may something ang babaitang 'to kay Zabby kanina pa. Bakit kaya ang init ng dugo niya kay Zabby? Hmmm. 

"You're being coward"

"I'm not a coward!"

"You are" 

"I'm not!"

"Then what are you?"

"I'm....who the hell are you?"

"I'm one of your coaches!"

"Who asked you to be my coach? I don't even need you here!"

"Then, just think of me as your opponent and try to defeat me" pinal na sabi ni Gale at tumalikod na pabalik sa court.

Kalowka.
 
Lahat kami natahimik dahil sa sagutan nilang dalawa. May pa-english pa silang dalawa at kulang na lang eh magka-warla na sa harap namin, jusko.

Gigil na gigil nga si Zabby at napapayukom na lang dahil sa inis pagkatapos ay hinablot ang bolang kanina lang ay hawak-hawak ko pa. Ano na lang ang gagawin niya? Hinamon siya ng isang prinsesa at magaling sa volleyball, kaya niya kaya?

Kinakabahan din ako sa mangyayari. Paano na lang kung hindi makapagpigil si Gale at magamit niya ang powers niya laban kay Zabby?

"Zabby-ghOrl, galingan mo!"

____________________________________
ZABBY's POV


Aaaargh!

What's wrong with that girl? Bakit ba ang init ng dugo niya sa'kin? She's getting into my nerves! Kanina pa siya nananadya sa'kin tapos tatawagin niya akong duwag?

No way.

I'll prove to her na hindi ako duwag. I'm not afraid of her, who think I am? Isa pa, sino siya para kataku---------

"Are you done with your tantrums?" untag niya sa'kin. Do'n ko napansin ang higpit ng paghawak ko sa bola.
 
"What is really your problem?" tanong ko habang nagpipigil ng inis. This girl, she's really something.
 
"Why not talk about it while playing?"

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Talk about it while playing? How can we possibly talk about something while playing? Sinusubukan niya ba ako? Fine.

I heaved a deep sigh and then served the ball. Good thing, I did it right dahil kung hindi, malamang tatawanan na naman nila ako. Gosh, am I a clown? Tsk.

"Do you know why I'm being like this? Of course not. Well, let me tell you why" pagsasalita niya habang nagsasalitan kami ng tira. Kaming dalawa lang ang naglalaro dahil sa nangyari kanina.

"Yeah, why is that? I don't even know you nor see you anywhere. I've just seen you here so why are you mad at me?" tanong ko naman.

"I'm not actually mad at you. Just like you, I know how to be afraid. FYI, Harry is not what you think he is. Hindi siya ampon. Excuse me, he's my twin brother" Nagulat ako sa sagot niya kaya hindi ko natamaan 'yong bola.

T-twin brother? Seriously? Bakit hindi halata? Eh?

"Wait-----why not have an agreement with me" ngisi niyang sabi.

A-agreement? What agreement? Plano niya bang dayain ako? And paano niya nalamang iniisip kong ampon si Harry? Weird.

"Ano 'yon?" tanong ko. 

"If I win this match, you'll stay away from my brother but if you win, I'll let you be free"

What?

Anong klaseng agreement 'yan? Of course I can stay away from her brother pero 'yong 'let me be free', what does she mean by that? Is this some kind of logic?

"Can you tell me why you want me to stay away from him?" tanong ko na naman. I just can't understand, ano bang meron?

"Harry is engaged with someone else. I'm afraid that if you're around, he might break the rules of the engagement. If that will happen, our family will be at stake. But if you win, I'll do my best to help you get out of the mess and be free after"

(0_0)

E-engagement? Ibig sabihin....napalingon ako kay Harry pero nakakunot lang ang noo niya, seems like wala siyang ideya sa pinag-usapan namin. Naririnig niya ba kami?

"He can't actually hear us"
 
Eh?

B-bakit naman? Bingi ba siya? Or something?

"Fine, payag na ako"

Hindi ako alam kung guni-guni ko lang 'yon o ano pero parang nagulat pa siya sa sagot ko at agad din namang bumalik ang dati niyang ekspresyon.

"Okay----ah one more thing. Stay away from Dal----Draco too, he belongs to my friend"

What? Pati ba naman si Draco ay ipagdadamot niya sa'kin? Woah grabe! Ibang klase, masyadong possessive ang babaeng 'to ah.

"Yeah whatever" sabi ko na lang.

"Good. Who scores a point, wins" sabi naman niya at nag-serve.

I focused myself. Dapat manalo ako, hindi para malayang makasama sila Harry kundi para ipamukha sa kanya na kaya ko siyang talunin. Seryoso lang ang itsura niya pero may nakakubling ngisi sa mga labi.

She's scary and something I can't explain. She has this aura na kakaiba, hays gutom lang siguro 'to.

"Go Zabby! Kaya mo 'yaaaan, yohooooo!" rinig kong sigaw ni Gabby pero hindi ko siya nilingon.

"It seems like you're tired already" sabi niya sa kalagitnaan ng laro.

Ramdam ko ang pagbigat ng paghinga ko, h-hinihingal na ako pero wala sa'min ang magpapatalo. Kalma lang siya at parang hindi napapagod, parang hindi nga siya pinagpawisan eh.


"Pwede ka namang sumuko kung hindi mo na kaya" dagdag pa niya.

Tsk.

"Hindi. Ako. Pagod." sagot ko at malakas na tinira ang bola pero nagawa niya pa rin itong tirahin pabalik.

Kaya ko pa.
 
Kaya ko 'to!

Napansin kong medyo malayo siya sa net kaya sinadya kong hinaan ang pagtira sakto lang para makatawid ito sa kabila p-pero....

(0_0)

H-how did she do that? Nagawa niya pa ring tirahin 'yon pabalik, mabuti na lang at mabilis ko rin itong naipasa sa kanya. That's impossible! A-ang bilis niya.

Umabot ng isang oras ang laro namin. Tagaktak na ang pawis ko at parang namamanhid na ang kamay at paa, hinihingal na rin ako at parang kinakapos na. I---I can't do it anymore, hindi ko na kaya.

I've made my last spike at pabagsak na umupo sa semento. I tried catching my breath and the last thing I saw before closing my eyes is everyone clapping their hands. 

D-did I lose?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro