CHAPTER 15: The Foreseer

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 15

ZABBY's POV

"Girl, hindi mo na ata katabi ang dalawang hombre. Ano? May warlahang naganap ba?" bulong ni Gab sa'kin. Tsismosa talaga.

"Wala, hayaan mo na sila" sagot ko.

It's been days.

Simula no'ng Palaro2020, hindi na nila ako kinakausap. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko naman maitanong kasi iniiwasan nila ako. 
 
May virus ba ako? O baka sila ang meron? Baka may nakain na namang kakaiba kaya gumaganyan. Kakaiba talaga ang mga trip nila, parang mga alien.

Bahala sila.

Hindi naman ako mamamatay kung 'di nila ako kakausapin. Hindi sila kawalan! Ang lakas naman ng loob nilang iwasan ako, sus. Kaya ko rin silang deadma-hin noh, not my loss.

Tatanungin ko ba sila? Baka nagalit nga ang Harry na 'yon sa'kin. Bakit mo ba kasi niyakap 'yon, Zabby? Isa ka pang baliw eh.

Na-carried away lang naman ako, masama ba 'yon?

Baka nagulat lang.
 
Ang arte niya naman kung magagalit siya sa'kin dahil lang sa pagyakap ko.

"Good morning class. I would like to congratulate Andromeda and her team for winning the Volleyball match. Also, congratulation to Harry Sandoval for receiving the coach award. Congratulations to those who participated in every game too! Please be in front for your badge"

Oh? May pa-badge pa pala 'yon? Wow, sosyalan ang peg ng school ko ah. Aside sa trophies and certificates na natanggap namin no'ng nakaraan, hindi ko ini-expect na may badge pa pala hihi.

"Congrats guys!"

"Congrats!"

"Thank you hehe"

Si Sir mismo ang naglagay ng badge sa'min. Hindi ako mapakali kasi katabi ko pa si Harry, aside sa matangkad siya, not in good terms ata kami ngayon.

Hindi ko pa rin makalimutan ang reaksyon niya no'n, parang gustong manuntok kasi nakakuyom ang kamao, hays.

"Okay! Before you'll take your seat, let us have a picture first and I'll post it on our bulletin board" sambit ni Sir.  

Oo nga pala. Sa bulletin board nilalagay ang lahat ng naganap sa school. Honor lists, overall ranking list, winners, announcements, at iba pa. Every year, nando'n ang name ko dahil nga consistent honor student ako.

After taking some pictures, bumalik na rin kami sa kanya-kanyang upuan. Pagkaupo ko'y napansin ko pa ang isang sticky note na nakadikit sa arm desk ko.

'Let's talk later, same place

Huh?

Sino naman kaya ang naglagay nito sa desk ko? Anong same place? Hindi kaya si------

"Uy Zabby-girl, ano 'yan? Love  letter? Pabasa naman d'yan" napapikit na lang ako sa ka-tsismo-sahan ni Gab, kulang na lang sabunutan ko ang baklang 'to eh.

"Mind your own business" may diin kong sambit at tinaasan siya ng kilay.

"Bruha! Pa'no 'yan? Wala akong business eh" ngisi niyang sagot.

"Tumi-------" 

Okay, the bell just cut me off. Mabuti na rin 'yon para hindi na ako kulitin pa nitong kasama ko.

"Okay class, our session has ended. By the way, teacher Rose is not around so behave okay? Good bye everyone" Sir said then went off. 
 
Tumayo na rin 'yong mga kaklase ko pagkalabas ni Sir. Bakas sa mukha ang saya dahil free time na, ano pa bang aasahan ko? Paborito 'yon ng mga estudyante aside sa recess time. 

"Girl, tsupi muna ako ha?" pagpapaalam ni Gab habang sumesenyas na may tumawag sa kanya, tinanguan ko na lang din siya.
 
"Kita na lang tayo sa cafeteria mamaya!" sigaw ko and he just gave me an 'okay' sign.

Isinukbit ko na rin ang bag ko at akmang lalabas no'ng napatigil ako. Parang may nakahawak sa bag ko!

"Ano ba?! Bitawa-------a-ah n-naku s-sorry...h-hindi ikaw ang tinutukoy ko" gulat at kinakabahan kong sabi kay Harry habang umiiling pero no'ng napatingin ako sa kamay niyang nasa bulsa, nanlaki ang mata ko.

H-hindi siya 'yong...humawak sa bag ko?! 

"What are you doing? Stop the act and just follow me" sabi niya't nauna ng lumabas.
  
Eh?

Kinausap niya ako?

As in? Totoo ba 'yon? Woah, kinabahan talaga ako ro'n ah.
 
Pero teka----kung hindi siya ang humawak sa bag ko, sino naman kaya? H-hala, minumulto na yata ako!

"Hey! I said follow me" rinig kong tawag niya. Follow him daw, eh kung paluin ko kaya 'to? Ilang araw nila akong dini-deadma tapos ngayon, uutusan pa niya ako? Wow ha.

"Bakit ba kasi?" nakanguso kong tanong. I can't resist him though, may kasalanan din kasi ako sa kanya.

Hays.

Kung may gamot sa karupukan, malamang sold out na 'yon.
 

Hindi niya ako sinagot at nagsimula na ulit maglakad. Napabuntong-hininga na lang ako't sinundan siya. Baka tungkol sa 'tulong' na sinabi niya dati pag-uusapan namin...'yong sa foreseer kuno.

Siguro gusto niyang malaman kung sino ang future wife niya o di kaya kung sino ang dapat na iibigin niya, pffffft.

'Hihihi'

O baka gusto niyang malaman kung anong numero ang lalabas sa lotto, HAHAHAHA.

Naiisip ko pa lang ang itatanong niya sa manghuhula, natatawa na ako pffft.

"What are you laughing at?"

"Aawww!" daing ko nang tumama ako sa bag niya. Ano kayang laman ng bag niya? Ang tigas ha.

"I'm asking you..." untag niya.

"Hindi naman ako tumatawa ah" sagot ko. Nandito na pala kami sa likod ng Building A kung saan napag-usapan namin ang tungkol sa foreseer.

"Let's just say that I believed you" sarcastic niyang sabi na ikinangiwi ko. Harry and his words, eeer. 

"Ano bang pag-uusapan natin? Saka iniiwasan niyo ba ako? Sorry kung nabigla ka ro'n sa yak-----"

"I'm not"

"H-huh?"

"And I didn't"

"What?" taka kong tanong. Anong ibig niyang sabihin do'n? Bakit parang nagiging bobo ako kapag kausap 'to?
 
"Forget it. I called you out because I have something to ask you" sabi niya na ikinakunot ko ng noo.

"A-ano 'yon?"

'Wag naman sana 'Yes' or 'No' ang kailangang isagot dahil mas mahirap pa 'yon sa fill in the blanks at pagsagot sa math exams.

"Remember the payment?"

"O-Oo naman hehe"

"Can you pay me now?" 

N-now? As in ngayon? Ibig sabihin ay magka-cutting classes kami para sa payment na sinasabi niya?!

"Y-you've got to be kidding me! M-may klase pa tayo diba? Pwede namang sa susunod na lang 'yon ah" 

"Too bad, I want it now" he smirked.

"A-ANO?!" hindi makapaniwala kong tanong.

Before I've come to realize, nandito na kami sa lugar kung saan nakatira ang kilala kong manghuhula.

Hindi ko akalaing magagawa kong mag-cutting classes, umakyat at tumalon sa bakod at tumakbo ng mabilis para hindi maabutan ng nagro-rondang guard.

Sheeeeet, kinakabahan ako! Paano na lang kapag nalaman ng mommy ko 'yon? Eh di lagot ako huhu.

"Don't worry, no one will know about it"
 
Napalingon ako kay Harry. N-ngumiti siya at parang kampante na walang makakaalam ng ginawa namin eh nakita nga kami ng guard. Ays! Seriously.
 
"Nandito na tayo" imik ko at naunang pumasok sa maliit na barung-barung ng manghuhula , sumunod naman siya sa'kin.
 
"Magpapahula ba kayo?" tanong ng matabang babae at may nginunguya. Kambing ka ter? ChOur.

"Ah Opo!"

Hindi ba halata? Alangan namang pupunta kami rito para kumain diba? Pffffft. 
 
"Sinong mauu------"

Hindi ko na narinig pa ang sasabihin ng manghuhula no'ng bigla akong hinila ni Harry palabas. Tae! Anong problema ng mokong na 'to? 
 
"Teka! Ano ba? Ba't ka ba nangangaladkad?" tanong ko.

"She's not what I'm looking for!" sagot niya at binitawan ang bag ko.

"Ano? Eh hindi ba manghuhula ang hinahanap mo? Siya na 'yon!"

"She's not!"

"Ano?!"

"Lalake ang hinahanap ko!" 

(0_0)

L-lalake? 

Watda? Don't tell me ka-uri ito ni Gabby na walang ibang gusto kundi lalake? W-woah, all this time baklita rin pala ang isang 'to?

"P-ppfffffft"

"What are you laughing at?"

"W-wala naman, ppffft" pigil tawa kong sagot.  

He scoofed.

"Tsk weirdo, here!"

May binigay siyang papel at makikita rito ang iginuhit na mukha ng isang batang sa tingin ko'y nasa 8 years old na. Itim ang buhok pero may kulay gintong maliliit na strands. Brown eyes pero kulay ginto rin ang gitnang bahagi nito.

"Ano 'to?" tanong ko. Sobrang weird naman ng pagkakaguhit sa bata, parang taga-ibang planeta na dahil sa ilang features niya. 

"He's what I'm looking for"

Huwaaaaaat?

"Are you kidding me?" hindi makapaniwala kong tanong pero umiling lang siya.

"I already did some research and there are three orphanage where we can search for that kid" sabi niya't may binigay na namang papel kung saan nakasulat ang mga pangalan ng orphanage.

Blessed Children Orphanage

Home for Orphans

At Beloved Orphans of God
  
"Ano namang uunahin natin dito?" tanong ko at binabasa ang address nila.

"Sa Blessed Children Orphanage na lang!" dagdag ko pagkakita ko sa address, mas malapit kasi 'to sa kinaroroonan namin ngayon.

"Alright"

Bus lang ang sinakyan namin at 'di nagtagal, nakarating na rin kami. Sa labas pa lang, makikita mo na ang mga naglalarong mga bata at may mga madreng inaasikaso ang iba. Sarado ang gate at may guard na nakabantay. 

"Mother Anne, may gusto lang po sana kaming makita at makausap. M-may bata po ba kayo rito na kakaiba, I mean---"

"Kakaiba ba ka'mo? Oo, meron nga. Lagi siyang nag-iisa dahil ayaw rin siyang kalaro ng iba pang mga bata" may himig ng lungkot ang boses niya kaya nagkatinginan kami ni Harry.

Siya na kaya 'yon? 

"Pwede po ba namin siyang makita?" pakiusap ko sa kanya. Siya ang parang head nitong Orphanage at nandito kami sa office niya.

"Aba'y Oo. Hali' kayo't sasamahan ko kayo sa kaniya"

Dinala niya kami sa isang napakatahimik na bahagi nitong lugar. Nakita nga namin ang isang batang nakaupo malapit sa may puno, nag-iisa lang siya at walang kalaro.

Kawawa naman siya.

"May sakit siya sa balat kaya lagi siyang nakasuot ng jacket. Ayaw niyang may lalapit at kakausap sa kanya kaya lagi siyang nakayuko. Kawawa nga ang batang iyan, nag-iisa lang siya palagi" malungkot niyang sambit.

Nilapitan namin ang bata. Nakikita ko ang mukha niya pero hindi ang mata niya, nakayuko kasi siya kaya mahirap makita. Suot niya rin ang hood dahil sabi pa ni Mother Anne, naapektuhan na rin ng sakit niya ang ilang bahagi ng ulo niya.

"Anong pangalan mo?" tanong ko pero hindi siya umimik.

"Can you tell us kung anong mangyayari bukas?" tanong ni Harry pero wala pa rin.

"Hindi ko po alam" sagot niya.

"Can you see the future?"

"Hindi po"

Nakita kong pumikit si Harry at ilang sandali lang ay hinawakan niya ang kamay ko't hinatak na palayo.

"Bakit?" tanong ko pagkabitaw niya sa akin.

"Hindi siya" 

Sunod naming pinuntahan ang Beloved Orphans of God pero tulad ng nauna, hindi rin siya ang hinahanap namin.

Hindi ko alam kung anong palatandaan ni Harry aside sa drawing na hawak-hawak ko para malaman na siya o hindi ang kaharap namin. Ang alam ko, pipikit lang siya pagkatapos ay aalis na kami.

Ano kayang trip 'yon?

Gutom kaya 'to? Napasma?
 
Weird.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo mga anak?" tanong sa amin ng head nitong Homes for Orphans. Dito kami napadpad after do'n sa ikalawang orphanage. In short, last option na 'to. 

"We're looking for a different kid. An outcast, I guessed? Has a different behavior and such" direct to the point na sagot ni Harry.

Outcast. Lahat kasi ng tinuturo nilang kakaiba ay 'yong mga loner at walang nakikipaglaro.

Maisip ko pa lang na paano kaya pag ako ang nasa kalagayan nila? Siguro lagi akong iiyak tapos hindi na gugustuhin pang mabuhay pero sila? They're very strong dahil natiis at nakaya nila ang lahat ng hirap.

"Outcast? Ibig mo bang sabihin ay yaong laging nag-iisa at walang kausap? Maraming ganyan dito sa amin ngunit may isa ritong madalas binabangungot ngunit wala namang binabanggit sa amin kung ano iyon"

"Sa katunayan, kagabi nga'y may napanaginipan na naman siya. Lagi niyang sinasambit ang katagang 'kukunin nila ako'. Hindi naman namin malaman kung sino dahil ayaw naman niyang sabihin" she sighed.

Nagkatinginan kami ni Harry, bakas sa mga mata niya ang pag-asa na baka siya na nga ang hinahanap namin pero hindi ko maiwasang magtaka. 

Bakit niya hinahanap ang batang iyon? Anong kailangan niya rito? At bakit alam niya ang tungkol sa batang 'yon?

"Can we see him?" tanong ni Harry.

"Him? Lalake pala ang hinahanap niyo? Babae kasi ang sinasabi ko sa inyo ngayon" sagot nito.

"What? B-but...."

"Harry? Bakit? Hindi ba pwedeng babae ang gano'n?" sabat ko pero wala akong natanggap na sagot.

"Pwede po ba namin siyang makita?" baling ko kay Sister at tumango lang din siya.

Wala ng nagawa pa si Harry kundi ang sumunod sa amin. He's being weird. Bakit lalake lang ang hinahanap niya? A foreseer can be a boy or a girl diba? Grabeng discrimination 'to ah. 

"Nariyan siya sa loob, Wenchie ang pangalan niya. Kayo na munang bahala sa kanya at may kailangan pa akong gawin. Maraming salamat sa pagdalaw sa kanya, mga anak" sabi ni Sister at agad ding umalis.

Nasa loob kami ngayon ng isang malaking kwarto. Maraming mga higaan...siguro marami silang natutulog dito. Hindi pala siya outcast kung gano'n.

May nakita kaming bata malapit sa may bintana. Malayo ang higaan niya sa iba pa at parang dinidistansya ang sarili sa mga kasama.

"Hi, little Wenchie!" tawag ko sa kanya pero hindi niya kami nilingon.

"Kayo na po ba ang kukuha sa akin?" tanong niya na ikinagulat ko. Akmang lalapitan ko siya nang pinigilan ako ni Harry.

"Let me"

Naglakad siya palapit sa bata pero nagsalita ito na ikinagulat naming dalawa.

"May mawawalang tao na mahalaga sa'yo, ate"

Ate.

I-ibig sabihin ay ako ang kinausap niya. Kinabahan ako sa sinabi niya at hindi na halos makahakbang, nanginginig ang mga tuhod ko.

Anong ibig niyang sabihin? Siya na ba 'yong hinahanap naming foreseer?

"W-wenchie, a-anong sinasabi mo?" tanong ko, umaasang babawiin niya ang mga ito.

Lumingon siya. Tinitigan niya ako at do'n ko napansin ang kulay ng mga mata niya. K-katulad na katulad do'n sa batang nakaguhit sa papel ni Harry.

Siya nga!

"Ate, sana maging matatag po kayo at hindi po sana mangyari ang nakikita ko" malungkot nitong sabi. Mas lalo akong kinabahan sa mga sinasabi niya kahit na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi.

Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng sinabi niya, n-natatakot ako.

"Hey, don't scare your ate Yvonne hmmm?"

Yvonne.

Napabuntong-hininga ako. Did he just call me Yvonne? Si daddy lang ang tanging tumawag sa'kin ng gano'n at ngayo'y naaalala ko na naman siya.

"Pasensya na po"

Ano bang mangyayari sa hinaharap? Natatakot akong alamin, b-baka hindi ko 'yon kakayanin.

"Nakikita ko pong may masamang mangyayari sa hinaharap. Sobrang gulo, m-may mga mamamatay tapos may mag--------"

"Sssshhh, don't say it baby. Don't worry, everything's gonna be fine. We'll be careful so it won't gonna happen. You have to rest, okay?" pagpigil ni Harry sa bata. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ayaw niyang patapusin ang bata? Marami siyang gustong sabihin, alam ko.

"Kuya, sana po mapigilan niyo ang sarili niyo. Sana hindi ka po magpapadaig sa masama" dagdag niya.

"Of course baby" 

"Wenchie, s-sino ang mahalagang taong mawawala sa akin? Malapit ba siya sa akin? Anong mangyayari sa kanya?" singit ko, takot na takot. Ayokong may mawala kahit sinuman sa malalapit sa akin. Hindi ko 'yon kakayanin.

Baka may magawa ako para mapigilan 'yon.

"Malapit po siya sa inyo, sobrang malapit na malapit. Kasa-------"

"Enough. She need to rest kaya hayaan na natin siya. Yvonne, we have to go" pigil ni Harry.
 
"Marami pa akong itatanong sa kanya!"

"I told you, she needs to rest. Babalikan ko siya rito kapag kinakailangan na. Don't worry too much, it won't gonna happen" sabi niya.
 
Napatingin ulit ako sa bata, iba ang sinasabi ng mga mata niya...parang taliwas sa mga sinasabi ni Harry sa akin. 

"O-okay, s-sige" nauutal kong sagot.

Ano bang meron? Bakit parang ayaw niyang may malaman ako tungkol sa hinaharap? Totoo ba talaga 'yon o hindi? Mukha siyang totoo.

He's suspicious.

It feels like alam na niya ang lahat ng 'yon at parang hindi na siya nagulat.

Harry, are you hiding something from me?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro