CHAPTER 18: A Little Bond

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 18

 
ZABBY's POV

"Waaaaaaaaah!" 

Napatakip na lang ako ng mukha sa sobrang hiya. Napag-alaman ko kasing hindi pala kila Gabby ang private plane na 'yon! Ibinalita nila kani-kanina lang huhu.

"HAHAHAHA okay lang 'yan, 'nak. Wala namang masama kung umiyak ka eh" tawang-tawa na sabi ni mommy kaya mas lalong tinakpan ko ang mukha ko.

Taeeeee! Nakakahiyaaaaaaa.

Tumatawa pa rin si mommy pero 'di nagtagal, iniwan na rin niya ako't pumunta sa kusina. Do'n ko pa tinanggal ang takip sa mukha ko at walang pakundangang tumakbo papuntang kwarto.

Langya! Bakit ba 'yon agad ang reaksyon ko? Ni hindi ko man lang inalam muna kung tama ba ang hinala ko bago ako nag-react. Sayang 'yong luha ko ro'n ah.

Matawagan nga ang baklang 'yon.

Nag-ring ang cellphone niya kaya malamang nakarating na 'yon ng Pilipinas. 'Di nagtagal, sinagot niya rin naman agad.

"Hello?"

"Walang'ya kang bakla ka huhu akala ko ikaw 'yong sakay ro'n sa private plane na nag-crash!" pambungad ko sa kanya.

"Aba'y kasalanan ko bang mali ang akala mo? Naku girl ha, baka gusto mo lang na ako ang ma-tsugi" sagot niya. Maraming tao sa paligid niya for sure, ang ingay kasi.

"Kung 'yon nga ang gusto ko, sana hindi kita inayakan! Bruha ka"

"HAHAHAHA weh? Umiyak ka talaga girl? Nakuuu lab na lab mo'ko ah. 'Wag ka lang ma-fall sa akin at hindi tayo talo HAHAHA" tawa niya sa kabilang linya. Kung nasa harap ko 'to, malamang kanina ko pa 'to kinutungan.

"Tse! Asa ka namang papatol ako sa'yo, masuka ka nga. Nasaan ka ba? Ang pasalubong ko?" pag-iiba ko sa topic.

"May pinuntahan pa ako saglit. Mamayang gabi pa siguro ako makakauwi kaya bukas na lang ang pasalubong mo, okay?"

Saan naman kaya nagpunta ang isang 'to? Ay teka—ang pinapasabi ni Liezannise.

"Okay. Gabby, punta ka raw sa SM at may book signing event si @gaylicious do'n, 3PM" paalala ko sa kanya.

"Ba't mo knows? Follower ka na pala no'n?"

"Hindi ah. Si Liezannise ang nagsabi sa'kin, punta ka?"

"Hindi, busy ako girl eh. Sige na at tinatawag na ako. Byers pangit kong friend" maarte niyang sabi at pinatay na ang tawag. Nanlait pa ang mas pangit HAHAHA. 

Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil safe lang pala siya. Siguro nga hindi totoo ang sinasabi ni Wenchie, maybe it was just a product of her imaginations. Ganyan naman ang mga bata, bakit ba ako naniniwala ro'n? Hays, ini-stress ko lang ang sarili ko.

It's 2:50 PM na, maaga pa para matulog. Maybe I should take this time para aliwin naman ang sarili ko. These past few days, medyo occupied na ako ng mga negatives eh.

Agad kong kinuha ang light pink hoodie ko partnered with my white jeans at nagsuot ng light pink shoes. Naka-pony tail ang buhok at may ilang strands na nakalugay, pang-style lang. Pagkatapos ay agad na rin akong bumaba.

Amoy na amoy ko ang niluluto ni mommy, she's at the kitchen. Dating chef si mom no'ng sila pa ni Dad pero no'ng naghiwalay sila, she stopped at inalagaan na lang ako.

"Mommy! Lalabas lang po muna ako saglit" pagpapaalam ko.

"Okay 'nak, ingat ka ha?"

"Opo"

Lumabas na rin ako ng bahay at inilagay ang earphones sa tenga kasi nga EARphones, HAHAHA nakapakamais ko talaga kahit kailan.

Naglakad-lakad lang ako sa kalye. Taking selfies tapos napapasayaw na rin sa tugtog mula sa cellphone ko. Kahit mag-isa at mukha akong baliw, enjoy naman. 
 
Minsan, okay na rin 'yong mag-isa ka kesa 'yong may kasama ka nga pero mukha ka pa ring loner, OP gano'n. Saka kapag mag-isa ka, may oras ka para magnilay-nilay.

Nang makaramdam ako ng pagod, dumiretso ako sa isang playground. May mga batang naglalaro rito kasama ang parents nila o 'di kaya 'yong yaya nila. Masaya silang naglalaro at nagtatawanan. Naisip ko rin ang kabataan ko dati, ganyan na ganyan din ako no'n pero ngayon? Parang pasan-pasan ko na ang buong mundo.
 
Habang lumalaki ka, lumalaki rin ang responsibilidad mo.

No'ng bata ka, wala kang ibang iniisip kundi maglaro at makipaghabulan sa mga kalaro mo. Ngayon, tadhana na ang kalaro mo at nakikipaghabulan ka sa oras dahil sa mga bagay na dapat mong tapusin kahit hindi naman matapus-tapos. 

No'ng bata ka pa, sugat sa tuhod lang ang iniiyakan mo at isusumbong mo pa sa mama mo kung sino ang nang-away sa'yo. Ngayon, kahit sobrang sakit na, palihim ka ng umiiyak.
 
"Ate! Ate!" untag sa akin ng isang batang lalake.

"B-bakit?" tanong ko at ini-level ang mukha naming dalawa.

"Bakit po kayo nandito? May date po ba kayo ng boyfriend mo?" cute niyang tanong.

HAHAHA ang bata pa niya pero alam na niya ang mga salitang 'yon. Ang galing na nga niyang magsalita eh unlike sa iba na bulol kahit 13 years old na HAHAHA chOur lang.

Hays, kids nowadays.

"Walang boyfriend ang ate mo kaya siya nandito" sabi ko at inaya siyang maupo.

"Bakit po?"

"Kasi wala pa si right guy eh"

"Wala po ba kayong kilalang guy?"

"Meron naman"

"Bakit hindi po siya ang gawin mong boyfriend?"

HAHAHA masyadong madaldal ang batang 'to ah, ang cute lang. Sabi nila 'pag madaldal ang bata, matalino raw. Totoo ba 'yon?

"Hmmm ang kilala ko kasing guy, bad boy tapos weird. Kung ano-ano ang sinasabi no'n, bipolar kasi. Kaya ikaw, 'wag kang tutulad do'n ha? Be a good boy para 'di ka aawayin, okay?" sabi ko sa kanya.

"Opo. Gwapo po ba 'yon?" tanong niya, mukhang seryoso pa nga.

"Hmmm, gwapo naman kaso pangit ang ugali kay—"

"Who's that guy?" rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses.

I scoffed.

As soon as I've turned my back, I saw him standing while putting his hands on his pockets. A-anong ginagawa ng walang'yang mokong na 'to rito?

"Harry?! Why are you here?" gulat na may bahid ng pagkainis kong tanong.

"Why? Am I not welcome here?"

Napairap na lang ako. Akala niya nakalimutan ko na 'yong mga pinagsasabi niya kanina? Hindi noh. May pa-'wag ka ng makipag-usap sa'kin' chuchu pa siya tapos kakausapin niya ako ngayon? Duh. 

"You're welcome here but who are you? Are you the bad guy she told me about?"

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa tanong ni baby boy kay Harry. Marunong pala 'to mag English? Ang galing ha. Saka ang daldal pala talaga niya.

Nakita ko pang yumuko si Harry para magka-level sila no'ng bata sabay sabing, "I'm her boyfriend and yes, we have a date but I'm not a bad guy hmmm?" then patted the boy's head.

What is he saying?! Kanina pa ba siya rito? Saka...

Anong boyfriend?!

"Hoy! Anong boyfriend ang pinagsasabi mo?" bulong ko sa kanya pagkatuwid niya ng tayo.

"Boyfriend. No deep meanings but if you want it to have one, why not?" he then smirked.

Aaaaaaaaah! Ano bang ginagawa niya rito?! Peace of mind ang kailangan ko eh huhu.

"If she's your girlfriend, can you prove it?" tanong ng bata na ikinalakas ng tambol ng dibdib ko. Tae kang bata ka! 

"I want to but you're still a baby so I better do it next time, okay?" sagot naman ni Harry.
 
"Okay, but can you smile? I think it's better for you to smile a bit. Ate would love that"

Anong love that love that ka riyan bata ka ha? Tigilan mo 'ko!

"Sure!" he then smiled. 

I stupefied.

Watdapaking tape?! Bakit ang pogi niyang mag-smile? Este—hindi...I mean, mukha siyang tao kung ngumiti yown.

Teka—galit dapat ako eh. Oo, tama. Galit ako, galit okay? Okay.

"I'll call you kuya then. Can you babysit me? My yaya is on the house to get my snacks" pagpapa-cute ng bata. Bakit ba ume-english na ang makulit na 'to?

Pumayag si Harry sa gusto ng bata kaya wala na rin akong nagawa pa. It's already 3:37 PM at maya-maya lang ay uuwi na ako.

"Why are you so silent? Napipi ka na ba?" bigla niyang tanong habang dinuduyan ang bata sa swing.
 
"'Wag mo nga akong kausapin!" pagsusungit ko.

Natahimik siya. Ilang sandali lang ay kinuha na muna ng yaya si baby boy para pakainin. Akmang aalis na rin ako nang hinawakan niya ang braso.

"Are you mad? Im sorry," aniya.
 
"Mad your face. Ba't mo 'ko kinakausap ha? 'Di ba sabi mo, 'wag na kitang kausapin? Gulo mo rin eh, noh?" sambit ko.

"What are you talking about?" pagmamaang-mangan niya. Wow ha. Don't tell me, nakalimot na naman siya? Ano siya? May Alzheimer's disease?

"Hoy Harry Potter! Kung nakakalimot ka na, then let me remind you ha? Sinabi mo lang naman kanina sa school na 'wag na akong lalapit pa sa'yo' tapos ngayon, ikaw naman 'tong lapit nang lapit sa'kin. Haleeeer, sabog ba you?!" pagtatalak ko.

"What on earth are you saying? I didn't attend school today. Galing akong Hongkong, why would I be at school? Kararating ko nga lang eh" he then hissed. 

I was stunned at the moment he said those words. What the hell was that mean? 

"S-so, sinasabi mo bang hindi ikaw 'yon?!"

"Yeah, probably"

"So you mean, doppelganger 'yon?!"

"I'm not saying it was"

Owemji!

D-did I just talk to a doppelganger? T-totoo ba 'yon? Waaaaaah! Goosebumps. I've got goosebumps. Paanong nagkaroon ng gano'n si Harry?

H-halaaaa!

"What are you doing?" tanong niya no'ng mabilis akong nagtago sa may slide.

"B-baka doppelganger ka rin eh huhu" natatakot kong sambit. All this time, hindi pala siya 'yong nakausap ko ro'n waaaaah.

"I'm not. Actually, Draco told me to see you after my arrival. I think he saw that 'doppelganger' as you said, too" sabi niya pero hindi pa rin ako naniniwala.

"I know you won't believe me but  try to see this" dagdag niya at pinakita ang cellphone niya, gallery niya to be exact. Nando'n ang picture namin no'ng binigyan kami ng badge.

"Totoo ka ba talaga?" paniniguro ko.

Mahirap na noh, baka mamaya niloloko lang ako nito eh.

"Of course, Yvonne"

(0_0)

Siya nga! Yvonne na ang tawag niya sa akin at hindi na Zabby. Agad akong lumapit sa kanya at binatukan siya...hehehe.

"What was that for?" tanong niya, namumula pa ang tenga. Uwu~ sarap kagatin, raaawr! Ayy wild hihi.

"Wala lang, trip ko. Ba't ba? May angal ka? Ba't ka nga pala nagpunta ng Hongkong? For medication ba? Wala na bang masakit sa'yo?" tanong ko at umupo sa bench.

4:03 PM na pala.

Baka hinahanap na ako ni mommy.

"Ah yeah. Anyway, have you tried the swing?" pag-iiba niya sa topic.

"Oo, no'ng bata ako syempre" sagot ko.

"What I mean is ngayong matanda ka na"

"Wuy! Grabe ka ha, hindi naman ako masyadong matanda" nakanguso kong sambit and then we both laughed.

"So, have you tried it already?"

"Hindi pa HAHAHAHA"

"Wanna try?"

"Ayoko! Hindi naman ako bata eh"

"Why? Bata lang ba ang pwede? Don't worry, no one will see your face except me" aniya. Tama siya, wala ng mga bata rito sa playground dahil nga sobrang hapon na.

"Hmmm sige na nga!" sabi ko't naupo sa isang swing. Akala ko uupo rin siya sa kabila pero hindi pala. Nasa likod ko siya at dahan-dahang pinaandar ang swing.    

"Hoy, 'wag mong lakasan ha? Lagot ka talaga sa'kin 'pag nilakasan mo" pagbabanta ko sa kanya pero 'di siya umimik.
 
Feeling ko bumalik ako sa pagkabata hihi. Ang saya palang maglaro kahit minsan lang. No'ng una, medyo mahina at dahan-dahan lang ang pag-swing pero kalauna'y lumalakas na.  

"Waaaaaah! Harry! Itigil mo 'toooooo" I shouted but he just laughed at mas lalo pang nilakasan.

Tae! Parang lilipad na ang kaluluwa ko huhu. 

"Waaaaaaaaah!" 
  
"HAHAHAHA"

Sigaw lang ako nang sigaw, wala na akong pakialam kung may makakarinig sa akin pero ang loko'y tinatawanan lang ako. Masaya ka na niyan, Harry? Masaya ka?  
 
"Harry! 'Pag ito naputol at titilapon ako, hindi na kita kakausapin kahit kailan!" sabi ko pa. He just chuckled. Napansin ko namang unti-unting humina ang swing kaya nakahinga ako ng maluwag. 

Pagkatigil ng swing ay napangisi ako.

"Lagot ka sa akin ngayon" bulong ko pero mukhang narinig niya kasi bigla siyang napalayo sa'kin. Abaaaa! Ang talas ng pandinig ah.

"What are you doing?" tanong niya habang paatras nang paatras. Nakaharap ako sa kanya at parang asong ulol na nakangisi. Siguro nakakatakot ang itsura ko kasi parang takot siya eh BWAHAHAHAHA.

"Bakit? Takot ka?" panunukso ko.

"Nope. You just looked horrible"

Napaismid na lang ako sa sinabi niya at naupo sa bench. I've texted my mom na mamaya pa ako uuwi para 'di na siya mag-alala pa total malapit lang naman 'to sa amin eh.
 
"Siyanga pala, nasaan na ang mga kaibigan mo? Hindi ko na sila nakikita ah" tanong ko patungkol kila Gale. Nag-aaral pa kaya ang mga 'yon?

"They're busy. Our parents gave them some missions to be done here" sagot niya at naupo na rin.

I creased my forehead. Missions? Anong missions? Detective ba sila? Or something like that? Woah, ang cool naman.  

"Missions? Ano naman? Sa tingin ko, bata pa sila para magkaroon ng gano'ng trabaho na may missions, 'di ba?" daldal ko. Napansin kong parang napaisip siya at napakamot ng batok. Mali ba ako? Sorna agad.

5:02 PM na palaaaaaa.

"It was a secret mission"

"Secret?! Grabe naman. Hindi ba pwedeng sabihin sa akin?" tanong ko pero umiling lang siya.

"Talaga? Ako lang naman 'to, secret keeper kaya ako" nakanguso kong sambit.

Siguro pamilya 'to ng mga detectives sila Harry tapos may secret missions din. Minsan lang sila magkikita para magbigay ng mga informations. Gano'n kaya sila? Ang cool naman. Gusto ko rin gano'n eh, may action!

"Next time. I'll gonna tell you everything but of course, you have to ready yourself. It's mind blowing and seems unbelievable but a fact and surreal" sabi niya na ikinamangha ko pa lalo. Nakaka-excite naman, kailan pa kaya ang next time na 'yon? Baka isali niya ako sa missions! Waaaah ang cooooool.

"Sure 'yan ha? Walang bawian"

"Yeah, walang bawian"

We've just talked about some random things. Inalam niya lahat ng favorites ko at gano'n din naman ako sa kanya. Nalaman kong mahilig siya sa fantasies kaya nagkakasundo kami.

Nag-ala-Harry Potter pa nga siya tapos ako naman ay si Hermione kuno. Kumuha pa ako ng maliliit na sanga-sanga sa gilid para gawin naming wand. HAHAHA para kaming mga baliw.

6:00 PM.

6:30 PM.

7:03 PM.

"What if magic exist?" tanong niya. Nakahiga kami sa damuhan at nakatingala sa mga stars.

"That would be so impossible" sagot ko at nakatitig lang sa mga bituin. May mga stars kasi na nagpo-form into letters like V, P, and A. Ang ganda nga eh!
 
"What if..." pagtama niya.

"What if... Eh di maganda kasi magagawa mo na lahat tapos magiging superhero ka" nakangiti kong sagot.

"Superhero?"

"Oo, superhero. Katulad ng mga napapanuod kong movies. May mga powers sila tapos nililigtas nila 'yong mga tao sa kapahamakan, gano'n"

"Hmmm...they're saviors!"

"Yup!"

"Have you ever thought that one day, superheroes will exist in real life?" tanong na naman niya.

"Hmmm, heroes having powers? I don't think so but there are also some heroes that doesn't have and need any superpowers. They help and save people by any means" sagot ko naman habang inaalala 'yong savior ko na hanggang ngayon ay unknown pa rin. 

"Do you, by any chance, have that kind of hero?"

"Oo, kaso hindi ko siya nakilala kasi maarte eh. Hindi niya sinabi sa akin ang pangalan niya at basta na lang umalis. Nilait pa niya ako kesyo daig ko pa raw ang baboy sa sobrang bigat. Gusto ko nga siyang tadyakan eh kaso naalala ko, iniligtas nga pala niya ako" natatawa kong sagot.

We both laughed.

Few minutes before 7:20 PM will strike, hinatid na niya ako sa bahay. Sa sobrang dami ng napag-usapan namin, nabusog na ako HAHAHAHA.

"Pasok ka muna" pag-aya ko sa kanya pero tumanggi siya.

"No need. I have something to do so maybe, next time? Good night" he said then left.

Nakangiti akong pumasok ng bahay. Kahit sa pagkain ay good mood ako. Lahat ng mga hindi magandang nangyari ngayong araw ay napalitan ng maganda at kasiyahan.

Ang saya palang kausapin ang mokong na 'yon. May itinatago rin pala siyang kakulitan sa katawan. Akalain mo 'yon, mahilig siya sa fantasies kahit gano'n ang personality niya, pffft. 

Siguro kapag siya talaga 'yong nakausap ko sa school, hindi ko mararanasan 'to. Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makapaniwalang totoo nga ang doppelganger pero mabuti na rin dahil nakita ko na naman ang ibang sides ni Harry. 

Ang kulit niya pala at masarap kasama. May next time pa siguro 'to kasi 'yon ang sabi niya eh hihi.

Matutulog na naman akong masayaaaaaa! Sana paggising ko, masaya pa rin <3...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro