CHAPTER 22: Confession

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 22


ZABBY's POV• 
 

It's been weeks since nasaksihan ko ang pangyayaring 'yon pero fresh pa rin sa utak ko ang lahat. Lagi na nga akong nananaginip na nando'n daw ako sa ibang mundo at may kapangyarihan pero ang weird lang kasi bad girl ako ro'n.

Oo, pangarap ko talaga ang magic-magic na 'yan pero ni minsan hindi ko naman pinangarap na ako 'yong villain noh—'buti na lang sa panaginip lang ako bad girl. 

Kinompronta ko na rin si Gabby tungkol sa nalaman niya at todo sorry naman ang bakla kesyo ayaw niya raw maging bayag kaya niya nagawang magtago sa akin. Hindi naman ako nagalit dahil mas natawa pa nga ako sa itsura niya. 

Pero this time...

Ako na naman ang magtatago. Hindi ko kasi sinabi sa kanya na pupunta kami ng Hongkong mamaya para sa BE concert ng BTS huehue.

Oo, mamaya na 'yon at sobrang excited na ako!

Syempre, nagpaalam naman ako kay mommy pero no'ng una, hindi siya pumayag. Ayaw niya kasing lalabas ako ng bansa nang hindi siya kasama.
 
Pero 'di nagtagal, naawa ata sa'kin kaya pinayagan na rin niya ako. Iiyak na kasi sana ako...pangarap ko 'yon eh.

Sinamahan ko pa nga siyang mamalengke for this week para payagan niya ako. Sinabi ko naman sa kanya na babalik din ako agad—teleportation ang gagamitin ni Harry kaya mabilis.

Hindi ko pa na-try pero kinakabahan ako...baka maiwan ako eh o 'di kaya mapunta sa ibang dimension.

"Anak, may naghahanap sa'yo" sigaw ni mommy mula sa sala. Dali-dali naman akong bumaba.

"Sino raw po?" tanong ko.

"Storm daw"

Storm?

Bakit kaya dumalaw ang bagyo sa'kin?

Pagkakita ko sa taong pinapasok ni mommy ay napangiti ako—si Harry pala. 

"Oh Harry, naparito ka?" salubong ko sa kanya. Mamaya pa naman ang concert pero ang aga niya.
 
"Fetching you up" kaswal niyang sagot...napatingin naman si mommy sa aming dalawa.

"Ah mom, si Harry po...kaklase ko" pakilala ko sa kanya.

"Ikaw ba ang makakasama ng anak ko ro'n?" tanong niya at pinasadahan ng tingin si Harry.

"Yes po, tita. Don't worry po, marami naman po kami"

Masyado atang magalang si Harry ngayon. Bagay na bagay rin sa kanya ang suot niyang pang-airport look tulad ng kay V. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras hihi.

"Storm, ilang taon kong iningatan 'yang anak ko kaya ingatan mo rin siya at 'wag sanang pabayaan" paalala ni mommy.

"Opo, tita. Don't worry po, I'll bring her back, safe and sound"

My lips curved into a smile upon hearing my mom's words. Mahal na mahal niya talaga ako kaya kahit minsan matigas ang ulo ko, pinagpasensyahan niya pa rin ako.

I love her too, for the rest of my life.

Kaya nga ginagawa ko ang best ko sa school and everything para sa kanya eh, para masuklian ko man lang ang paghihirap niya. She deserves good things despite of what happened to our family.

"0h? Ano pang tinutunganga mo r'yan? Magbihis ka na't hinihintay ka na ng kasama mo" untag niya sa'kin. Harry chuckled kaya nag-init ang pisngi ko.

Baka akalain nito, nag-daydreaming ako.

I went back to my room at nagbihis. Out of my excitement, kagabi pa lang ay hinanda ko na ang lahat ng kakailanganin ko sa trip.

I packed everything, from albums to light stick. Fan girl na fan girl ang dating ko noh? First time 'to eh.
 
Capelet dress lang ang isinuot ko partnered with my Chelsea boots. Tapos nag make-up na rin ako pero light lang, ayoko ng heavy make-up eh.

As what I've said, It's better to be simple and the right person will appreciate you for being one.

Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako. I saw Harry talking to my mom as if close na close sila. Alam kong pinagbibilinan lang siya ni mom—she's too protective and I love it. Hindi kasi siya 'yong tipong protective pero parang sinasakal ka na, iba siya eh.

"You looked beautiful, anak!" nakangiting sambit ni mom pagkakita niya sa'kin. Harry nodded kaya napayuko ako, nahihiya ako eh.

"Thank you mom"
 
'Di nagtagal, umalis na rin kami. Nagtaka pa ako kasi kinuha ni Harry ang bag ko pero agad ding nagulat no'ng bigla na lang itong naging maliit at gumaan.

Woah, iba talaga 'pag may magic.

Hindi ko rin siya pwedeng basta-bastang buksan lalo na 'pag 'di pa naibalik sa dati niyang size. Sabi niya, 'wag ko na raw subukan kung ayaw kong lilipad mga gamit ko HAHA.

"You ready?" tanong niya.

"Ha? Ah, pupunta pa ba tayo sa bahay niyo?"

"Hindi na. We're now going to Hongkong, nauna na kasi sila"

I just nodded.

He held my hand. My heart started to pound rapidly as if an electric shock eats me up. Bakit ganito na lang ang na-pi-feel ko towards Harry? Nakatulog naman ako ng maayos kahit na excited ako.

Bigla niyang hinapit ang bewang ko, para na siyang nakayakap sa akin habang isinagawa ang teleportation. Wala akong ibang maramdaman, wala ang takot na namuo no'ng panahong iniisip ko pa kung anong feeling 'pag nagteleport.
 
Ang pagtibok lang ng puso niya na kasabay ng akin ang naririnig ko sa mga oras na 'to.

Napapikit ako.
 
Para kasing musika iyon sa pandinig ko. 

"Yvonne, we're here" untag niya kasabay ng pagtapik sa balikat ko. Napamulat ako't napatingin sa paligid—Hongkong. Ang bilis naman naming nakarating.

"Woaaaah!" mangha kong sambit habang inilibot ang paningin. Iba pa rin talaga 'yong feeling na nandito ka sa lugar kesa sa pictures lang.
 
Ang ganda! 

"Wanna go first to our house?" tanong niya. Do'n ko pa naalalang dito nga pala sila sa Hongkong nakatira aside ro'n sa Pilipinas.

"Mamaya na lang pagkatapos ng concert. Teka—malapit na pala ang time ng concert nila! Ay wait—wala nga pala tayong ticket!" bulalas ko.

"P-paano tayo makakapasok kung wala tayong tickeeeeet?" maktol ko.

Harry seems dumbfounded. Hindi nga pala niya alam na may ticket pa palang bibilhin huhu, di ko kasi nasabi sa kanya.

Ang tanga ko palaaaaa!

Ticket ang pinakamahalaga rito pero 'yon pa ang wala sa'min. Ays, nakakaloka talaga huhu.

"Don't worry, we can have our tickets" sabi niya at nginitian ako. I know na may kapangyarihan siya pero hindi kami basta-basta makakalusot sa BigHit na 'yon, ays.

"Paano?"

"Just wait and see"

Iniwan niya ako at nakikipag-usap sa ibang tao. Hindi ko alam kung anong paraan ang gagawin niya para magka-ticket pero nagtitiwala na lang ako sa abilidad niya.

Ilang saglit lang ay pangiti-ngiti na siyang lumapit sa akin at iwinawagayway ang kumikinang na tickets sa ere. Wuuuuuy! Anong ginawa niya?!

"Paano mo ginawa 'yon?" gulat kong tanong.

"I just need to see how the ticket looks like kaya nakipag-usap ako sa kanila" sagot niya at binigay sa'kin 'yon. Bahala na, hindi naman siguro nila malalaman na fake itong mga hawak ko.

Wala na kaming sinayang na oras at nagpunta na agad sa venue. Ang daming tao, sobra! Mabuti na lang at nasa VIP part kami hihi...ang galing talaga ni Harry!

Naghintay na lang kami kung kailan sila magsimula at hindi nagtagal, I saw them slowly appearing right in front of the stage.

'Kyaaaaaaaah!'

'Waaaaaaaah!'

Sari-saring sigaw ang maririnig sa buong lugar. Kanya-kanyang tawag sa mga bias nila. Masaya rin akong nakisigaw at no'ng napatingin kay Harry ay napatawa ako—wala kasi siyang emosyon HAHAHA.

Nakikanta na rin ako sa kanila. Wala akong pakialam kung mapaos man ako, ang mahalaga ay masaya akong makita at matupad ang pangarap kong 'to.

Tumagal ng tatlong oras ang concert at no'ng paglabas namin ay halos hindi ko na marinig ang sarili ko. Mabuti na lang at may kaalaman si Harry tungkol sa healing kaya bumalik na rin sa dati ang boses ko.

"Looks like you enjoyed it, hmmm" untag niya sa'kin.

"Oo, sobraaa! Nagutom nga ako eh" pabiro kong sabi. He just laughed, I laughed too.

Dinala niya ako sa isang sikat na restaurant dito sa Hong kong. Marami ang customer dahil na rin sa concert na naganap. Masaya akong kumain at gano'n din naman siya.

Ang sarap pa ng pagkain lalo na't libre niya kaya sulit HAHAHA.

Pagkatapos kumain ay tamang gala lang sa mga magagandang lugar dito sa kanila. Nagpunta kami sa Star Ferry, Hong kong Skyline at syempre sa Disneyland. Sobrang gandaaaa.

Pero wala kaming ginastos para sa pamasahe dahil sa immortal kong kasama HAHAHA. Siguro, time na rin para humanap kayo ng sarili niyong immortal friend, charot.

"Teka—bakit hindi ko pa nakikita ang mga kaibigan mo? Nasaan ba sila?" tanong ko sa kanya no'ng nagpahinga kami sa isang bench after namin makipagrambulan sa mga rides.

"They're on the house already, wanna go there?" sagot niya't tumayo sabay lahad ng kamay niya. I just nodded at tinanggap ito.

He just held my hand pero hindi tulad no'ng una na mukha na siyang nakayakap. Do'n ko naramdaman na para kaming hinila ng isang enerhiya.

Before I've come to realize, nasa tapat na kami ng isang palasyo—este bahay. Sobrang laki kasi saka ang bongga. Parang tirahan ng mga Royal families.

Well, royalties nga pala sila hihi.

"Let's go, ipapakilala ki—"

"Ha?! N-naku, nakakahiya naman. B-baka hindi ako magustuhan ng parents mo" kinakabahan kong sambit at inaayos ang sarili ko.

I've heard him chuckled kaya napataas ako ng kilay. Anong nakakakatawa? Is he making fun of me? Ang bad naman, kinakabahan na nga 'yong tao eh.

"You're not gonna meet my parents. You'll just meet my Titas and Titos" aniya, saka ginulo ang buhok ko. Napakagat ako ng labi dahil sa hiya.

Bakit ko nga ba inisip na sa mga magulang niya ako ipapakilala? Yuck, ang assuming mo naman self.

"Let's go" aya niya. Sabay kaming pumasok sa loob, sinalubong naman kami ng mga maids at ilang butlers. Grabe, parang may seremonyas sa pagdating namin ah.

"Pamangkin! Mabuti naman at narito na kayo. O, 'yan na ba si Zabby? Ang ganda mo naman, iha" salubong ng isang babaeng sa tingin ko ay nasa late 30s na.

"S-salamat po" nahihiya kong sagot.

"She's my Tita Hanny, you can call her Tita too"

"That's right iha, call me Tita okay?"

"Okay po hehe" 

Tumuloy kami sa dining hall nila at do'n ko nakita ang mga kaibigan ni Harry na kumakain. Nagkukulitan lang 'yong iba at ang iba nama'y tapos na rin.

May nakita pa akong isang babae, nasa mid 30s na ata. May bata sa gilid niya at pinapakain.

"Hi Tita! Hi baby!" bati ni Harry sa mag-ina.

"Nandito na pala kayo. Hi Zabby, naikwento ka na nila sa akin" nakangiti niyang sambit at tinuro ang pwesto nila Gale na ngayo'y nakatingin na sa'min.
 
"Hello po"

"She's Tita Ellaine" sabi ng kasama ko.

"Hello po, Tita Ellaine" bati ko at nginitian siya.

"Welcome Zabby! Maupo ka na't baka magkaugat ka n'yan sa binti" pilyong sigaw ni Zephyr.

"Tumahimik ka nga, Zipper! Ang sakit mo sa tenga" saway sa kanya ni Gale.

"Sabihin mo na lang kasing nagseselos ka"

"In your dreams!"

"Oh tama na 'yan, nasa harap kayo ng pagkain" saway sa kanila ni Tita Ellaine.

Naupo na rin kami pero hindi na kami kumain, tapos na rin kasi kami. Nag-uusap lang sila Harry tungkol sa parents niya. Kailan ko kaya sila makikita? Mabait kaya sila?

"Wait—where's Tito?" biglang tanong ni Harry.

"Nando'n siya sa veranda dahil umiiyak na naman ang bunso. Puntahan niyo na muna siya at para makilala rin niya si Zabby" sagot ni Tita Ellaine.

Ginawa nga namin ang sinabi niya. Pinuntahan namin ang asawa niya sa veranda. Sobrang dami ng dinaanan namin at parang umiikot lang kami sa buong bahay, mabuti na lang at kasama ko si Harry kaya hindi ako naligaw.

Habang naglalakad ay kinwento niya rin sa akin ang tungkol sa mga Tita at Tito niya. Nalaman kong sila pala ang may-ari ng pinakasikat at pinakamalaking company sa buong mundo. Ibinigay raw ito ng ina niya sa kanila bilang pasasalamat.

Do'n ko naisip na siguro'y mabait nga ang mommy niya.
 
Nakarating kami sa veranda at nakita namin ang isang lalakeng may hawak na bata, nakatalikod ito sa'min dahil busy siya sa pang-aaliw sa anak niya.

Ang cute.

Gustong-gusto ko talagang tingnan iyong mga lalake na mahilig sa bata, ewan ko ba—ang cute lang kasi tingnan.

"Hi baby!" tawag-pansin ni Harry.
 
"Hey Tito!"
 
Pagkalingon ng Tito niya'y nagulat ako. Nabato ako sa kinatatayuan ko't halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

'D-daddy?'

"Oh Storm, you're here. Sino iya—Yvonne?!"

Pareho kaming nagulat. Pareho naming pinasadahan ng tingin ang bawat isa. Ramdam ko ang pagkataka ni Harry habang nakatingin sa'ming dalawa.

Walang nagsalita sa'min. Unti-unti na ring namuo ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko ang sarili kong mapahikbi.

"Yvonne" muli niyang sambit sa pangalan ko. Hindi ko alam kung gaano ko na-miss ang pagtawag niya sa akin pero labis ang sakit na nararamdaman ko knowing na nandito siya sa harap ko, sa bahay ng lalakeng nagdala sa akin dito.

"I—I need to go"

Nagmamadali akong umalis. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa pag-iyak. Tuloy-tuloy pa rin ang paglakad ko na para bang kabisado ko ang daanan.

"Yvonne!"

"Anak!"

Mas lalo akong napaiyak. Ngayon ko lang ulit narinig ang pagtawag niya ng 'anak' sa akin. Ang sakit lang! Ang sakit sobra.
 
Bakit ganito ang mundo? Bakit parang ang liit? Sa lahat ng taong makikita ko ngayon ay siya pa—ang daddy ko. Ang daddy ko na asawa ng tita ni Harry. Ang tita ni Harry ang dahilan para iwanan niya ang mommy.

Hindi ko man lang nalaman.

Hindi ko man lang napaghandaan.

"Yvonne!"

Hindi ko alam kung paano ko nalaman ang tamang daan pero nakita ko na lang ang sarili kong palabas na ng bahay. Nadaanan ko pa ang mga kaibigan ni Harry at ang asawa ng daddy pero di ko sila pinansin.

Bakit ganito ang mundo sa'kin? Lagi na lang akong sinasaktan! Bakit tita pa ni Harry ang asawa niya? B-bakit ngayon ko pa siya nakita?

Ang sakit pala.

Ang sakit pa rin pala.
 
Akala ko tanggap ko nang wala siya sa buhay namin ni mommy. Akala ko tanggap ko nang iniwan na niya kami p-pero hindi pala!

Nasasaktan pa rin ako.

Nakarating ako sa isang maliit na parke. Tumigil ako't naupo sa isang bench at do'n umiyak nang umiyak. Inilabas ko lahat ng sama ng loob. Bumalik na naman sa alaala ko ang pag-iwan niya sa'min.

Naalala ko pa kung paano nagmakaawa ang mommy ko sa kanya dati pero hindi siya nakinig. Kulang na lang lumuhod ang mommy ko.

"Yvonne, anak"

Napataas ako ng tingin dahil sa boses na 'yon. Agad kong pinahid ang mga luha ko't akmang aalis na no'ng hinawakan niya ako.

"Bitiwan mo 'ko. Huwag mo akong hawakan na para bang parte mo pa ako" puno ng hinanakit kong sambit.

"Anak"

"Huwag mo akong tawaging anak dahil kahit kailan hindi ka naging ama sa'kin!" umiiyak kong sabi. 

"Anak, alam kong galit ka sa'kin p-pero hayaan mo naman akong makapagpaliwanag"

"Paliwanag? Anong paliwanag? I've seen enough! Nakita ko ang lahat ng ginawa mo sa mommy ko!" 

"May dahilan ako kung bakit ko nagawa 'yon. Maniwala ka sa'kin anak, wala akong intensyon na saktan kayo"

"But you just did. Ang pamilyang pinapangarap namin, sa iba mo binigay! Kaya wag mong sabihin na hindi mo intensyon na saktan kami!" galit kong tugon.

Umiyak siya.

Kitang-kita ko kung paano tumulo ang luha niya pero wala akong pakialam. Mas nasasaktan kami kesa sa kanya.

Akmang tatalikod na ako no'ng nagsalita siya...

"May nobya ako noon" panimula niya.

"Kaso nagkahiwalay kami dahil sa mga magulang ko at sa mommy mo" 
 
Ikinuyom ko ang kamao ko. Bakit niya sinisisi ang mommy ko?! 

"Ipinagkasundo kaming dalawa. Ayoko sanang pumayag dahil may mahal akong iba pero pinilit ako ng mga magulang ko"

Kasalanan 'yon ng mga magulang mo at hindi ni mommy!
 
"Nakiusap ako sa mommy mo na umurong sa kasal pero hindi siya pumayag dahil sabi niya'y mahal niya ako pero hindi ko siya mahal"
 
Napalingon ako sa kanya. So, sa simula pa lang ay hindi na niya mahal ang mommy? Kaya ba nagawa niyang saktan na lang ang damdamin nito? Ang sama niya!

"Natuloy nga ang kasal pero hindi kami naging masaya. Hindi ko siya magawang mahalin dahil may nagmamay-ari na ng puso ko"

Naaawa ako sa mommy ko.

"Lagi ko siyang nahuhuling umiiyak. Hindi ko siya gustong saktan at naisip kong mas lalo siyang masasaktan kapag nagpatuloy kami kaya nakiusap ako sa kanyang maghiwalay na lang kami"

Napaupo ako. Wala pa ako sa panahong 'yon kaya hindi ko alam ang sakit na naranasan ng mommy.
 
"Sinabi ko sa kanyang pareho lang kaming masasaktan at mahihirapan kaya pumayag siya..."

P-pumayag si mommy?

"Pumayag siyang makipaghiwalay sa isang kondisyon. Makikipaghiwalay lang siya kapag nagkaanak kami kaya narito ka"

May kung anong kirot akong naramdaman knowing na hindi ako nabuo dahil sa pagmamahalan nila kundi dahil sa kondisyon ni mom.

Pero imbis magalit kay mommy, mas lalo lang akong naawa sa kanya.

"Anak, ginawa ko 'yon para hindi na siya masaktan pa. Ginawa ko 'yon para hindi na siya iiyak pa dahil sa'kin. Na-gi-guilty ako kapag nakikita ko siyang umiiyak dahil sa hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya"

"P-patawarin mo 'ko, anak"

Nanginginig ang buo kong katawan sa confession ni daddy. All this time 'yon pala ang dahilan niya kung bakit niya kami iniwan. Nagalit ako sa kanya at hindi ko alam kung paano ko siya mapapatawad gayong may kasalanan din ako.

"P-patawarin niyo rin po ako, hindi ko alam...ang isasagot ko" nakayuko kong sabi.

Ilang taon akong nagalit sa kanya kaya ang hirap ding tanggapin na biktima lang din siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro