CHAPTER 26: Abduction

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 26 

ZABBY's POV• 
 

Gabi na akong nakauwi sa amin. Dumiretso ako sa kwarto ko't nagbihis pagkatapos ay pinuntahan si mommy sa kwarto niya.

Gano'n pa rin ang pwesto niya. Nakaupo at walang nagbago. Kitang-kita ko rin ang shield na inilagay ni Aeria. Kung titingnan, maamo lang ang itsura niya at parang hindi pa patay.

Nilapitan ko siya't pinagmasdan. Gustong-gusto ko ng haplusin ang mukha niya at yakapin kaso 'di ko magawa—hindi na pwede.

"M-mom, you've always been good to me. Lahat ginawa mo para sa'kin. I'm sorry for being selfish mom. Sorry kung hindi pa po kita pinapahinga ng tuluyan. I don't want to end your sufferings in this way. Gusto ko na kung mawala ka man, hindi dahil kay Dark—h-hindi dahil masama ka na. Mahal kita mommy, sobra," sambit ko habang naluluhang nakatingin sa kanya.
 
"I—I want you back but it's too impossible. Wait for me there in the afterlife, I'll be there soon."

Lumabas na rin ako pagkatapos ko siyang kausapin. Naghanda na lang ako ng makakain at naupo sa sofa. Nanunuod ako ng TV at hindi na nagulat pa sa balitang naka-flash sa screen. 

Patayan.

Nakawan.

Rape.

Ganyan ang kadalasang naririnig at nakikita ko sa TV. Napabuntong-hininga ako. Alam kong may kasalanan ako at alam ko ring may magagawa ako para masolusyunan ang lahat ng nangyayari sa mundong ito.

Should I just end my life for them?

Or end someone's life to save them?
 
I sighed.

Pagkatapos kumain at manood ay pumasok na rin ako sa kwarto ko. Akmang hihiga na ako sa kama nang mahagip ng paningin ko ang kahong pinaglagyan ko sa patalim na ibinigay ni Gale.

Naaalala ko na naman ang mga sinasabi niya sa akin dati. Pati na ang paraang naisip nila aside sa aming dalawa ni Harry.

Kinuha ko ang patalim mula sa kahon at hinaplos. Ramdam ko pa ang guhit na nakalagay sa may hawakan nito—parang pakpak. Does it mean 'freedom'?

Right.

Kapag may tinapos na buhay ang patalim na ito, sigurado akong maging malaya siya. Malaya sa lahat ng sakit at paghihirap. Malaya mula sa mga hindi magandang karanasan at mararanasan.

Masaya siguro iyon.

Masaya sigurong maging malaya sa pamamagitan nito.

Bago pa matangay ng emosyon, nagulantang ako sa lakas ng tunog mula sa cellphone kong nasa study table.
 
Si Harry.

"Hello? Napatawag ka?" bungad ko.

"Checkin' you out. Are you okay?"

Napangiti ako. Harry really knows when to call. Siguro dahil may ugnayan na kami at iyon ay ang guhit na nasa palapulsuhan naming dalawa.

"Yup! Okay lang ako," sagot ko, still wearing the smile I've put on my face.

"Great. Good night and I love you," sabi niya. Napakagat na lang ako ng labi dahil sa pagpatay niya ng tawag—ni hindi pa nga ako nakasagot.

After having my deep imaginations, I fell asleep.

Nagising akong mabigat ang pakiramdam. Oo, lagi naman akong pagod kapag nagigising dahil sa paggamit ni Dark sa katawan ko pero iba ngayon. Parang maalinsangan. Hindi ko ma-explain 'e. Nababalisa ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Mainit ang pakiramdam ko. Nilalagnat kaya ako? Nanghihina pa nga ang buo kong katawan. Pero nasa akin ang batong ibinigay ni Harry kaya imposibleng epekto ito ni Dark.

Hindi kaya dahil 'to sa bato? Naninibago lang siguro ang katawan ko sa enerhiyang nagmumula rito. A-absent na lang siguro ako.

Bumaba ako ng kusina at uminom ng tubig. Namamalat na rin kasi ang lalamunan ko. Mamaya na lang ako iinom ng gamot since hindi pa naman ako kumakain.

Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang malingon ko ang bukas na kwarto ni mommy. Napakunot ako ng noo dahil sa nakita. Naaalala ko kasing isinara ko ito bago lumabas kagabi.

Sino kaya ang nagbukas niyan? Imposible namang si mommy. Hindi siya makakatayo o makakalabas dahil na rin sa kapangyarihang pumapalibot sa kanya.

Kumabog ang puso ko. May kung ano akong nararamdaman habang papalapit sa bukas na pintuan. Nanginginig na nga ang mga kamay ko. Ramdam ko rin ang panlalamig nito sa kabila ng init na naramdaman ko kanina.

Habang palapit ako nang palapit, ramdam ko ang isang malakas na enerhiyang parang humihila sa akin. Para itong magnet at hinihila ako dahil sa elementong nasa loob ko—naalala ko ang dark magic na nasa akin.

H-hindi!

"Mommy!"

"Yvonne!"

Kasabay ng paglingon ko ay ang tuluyan kong pagkapasok sa loob ng kwarto. Kasingbilis ng kidlat ang pagdating ni Harry pero mas mabilis pa ang pagsara ng pinto kaya 'di na niya ako naabutan.

Madilim.

Sobrang dilim ng paligid. Para akong nakapikit kahit ang totoo'y mulat naman ang mga mata ko. Para akong bulag na naghahangad ng liwanag. Anong lugar 'to? Bakit wala akong makita?

S-si mommy.

Nakita ko siya kanina. Gising siya! Nagising siya. Nakawala siya sa barrier na inilagay nila. Sinong nagpalabas sa kanya? Bakit ako nandito? Anong lugar 'to?

Puro katanungan ang nasa isip ko. Kaba at takot naman ang namayani sa puso ko. Ayoko sa dilim. Para akong bilanggo na kailan man ay hindi makakalaya hangga't walang liwanag.

Sino ang magbibigay ng liwanag sa akin?

Nanlaki ang mata ko sa gulat nang hindi ko na maigalaw ang mga kamay ko. Pati ang paa ko ay parang namanhid. May kung anong pumupulupot sa akin.

Muli na namang kumabog ng mabilis ang puso ko. Parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa loob. Nakatali ako. Alam kong nakatali ako! Alam ko dahil nararamdaman ko na ngayon ang sakit ng pagkakagapos.

"Hmmmmmm!"

Hindi rin ako makapagsalita. May busal ang bibig ko. Tuluyan na talagang dumaloy ang mga luhang may takot at pangamba. Hindi ko maintindihan. Bakit ako nandito? Sinong may gawa nito?

Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong lugar na dahilan upang mapapikit ako. Masakit sa mata ang ilaw at parang ayoko na lang tingnan ang paligid.

Natatakot ako.

"Mabuti naman at gising ka na," rinig kong sabi ng isang lalake. Napamulat ako. Nakita ko ang isang hindi katangkarang lalake na sa tingin ko'y ka-edad lang ng daddy ko.

Sino siya? Bakit niya ako dinala sa lugar na 'to? Anong kailangan niya sa'kin? 

Mula sa 'di kalayuan ay natanaw ko si mommy. Wala siyang malay at tulad ko ay nakagapos din. Galit kong tiningnan ang lalakeng ngayon ay kaharap ko na. Anong ginawa niya sa mommy ko? Ano bang kailangan niya sa'min?

"Woah, mukhang palaban din ang batang ito ha. Mana sa tatay!" bulalas niya. Naririnig ko pa ang mga tawanan ng mga gunggong niyang kasama.

"Hmmmmm!" pagwawala ko pa.

"Ay, pasensya na't ngayon ko lang naalalang nakabusal ka nga pala," sambit niya. Kulang na lang patayin ko siya gamit ang tingin ko.

"Aaaaaah!" sigaw ko sa sakit dahil sa biglaan niyang pagtanggal sa tape na itinakip niya sa bibig ko.

"Walang'ya ka!" 

Napabaling ako sa kabila dahil sa malakas niyang sampal. Sinampal niya ako. Nag-init pa ang pisngi ko dahil dito. Bakit ba galit na galit siya? Sino ba siya? Hindi ko siya kilala!

"Kung walanghiya ako? Ano na lang ang tatay mo? Mas masahol pa siya sa akin!" galit niyang tugon.

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Gusto mo bang malaman? Galit ako sa tatay mo," gigil niyang sabi habang mahigpit na nakahawak sa mukha ko. Napapanguso na nga ako sa higpit ng hawak niya. Masakit.

"Galit ako sa kanya! Galit na galit. Inagaw niya sa akin ang lahat kaya pagbabayarin ko siya." 

Nagitla ako. Inagaw? Wala akong alam sa mga sinasabi niya. Hindi ko siya kilala at kahit kailan ay hindi ko siya nakita kahit saan.

"N-nagkakamali ka. H-hindi kita kilala kaya imposibleng ako ang anak ng sinasabi mong tatay ko!" sagot ko. Hindi ko pa masyadong mabanggit ang mga salita dahil nakahawak pa rin siya sa mukha ko.

Nagbabaga ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Nag-iinit ito sa galit. Pansin ko ang biglaang pag-itim nito pero agad din namang nawala—'o baka guni-guni ko lang 'yon.

"Kalokohan! Nakita ko kayong nag-uusap no'ng panahong pinagmamatyagan ko siya. Narinig ko ang lahat ng pinag-uusapan niyo. Anak ka niya!" bulyaw niya't pabiglang binitawan ako pagkatapos ay tumalikod sa akin.

"Inagaw niya ang atensyon ng mga magulang ko na dapat ay sa akin. Buong buhay ko, naghihirap ako nang dahil sa kanya! Sa mata ng pamilya ko, ako ang masama at siya ang santo. Ako ang anak pero bakit siya pa ang kinakampihan? Sino ba siya? Isa lang siyang walang kwentang tao," puno ng hinanakit niyang sabi. Gusto ko siyang murahin dahil sa sinabi niya tungkol sa daddy ko pero 'di ko magawa.

May pinaghuhugutan siya.

Si Dark—ginamit niya ang galit at hinanakit ng taong ito. Pero bakit ako? Hindi ba dapat ay protektahan niya ako dahil nasa akin din ang buhay niya?

"Nag-aral ako ng mabuti para ipakitang hindi lang ang ama mo ang magaling pero ano? Hindi niya ako pinagbigyan! Lahat na lang inagaw niya pati ang mommy mo na labis kong minahal. Alam niyang mahal na mahal ko ang mommy mo pero inagaw niya pa rin at nalaman ko pang nagkaroon sila ng anak at ikaw 'yon!"

Sinampal niya ako.

Sinampal na naman niya ako. Namanhid na ang pisngi ko sa lakas ng sampal niya. Bakit ba ako ang pinag-iinitan niya? Wala akong kasalanan sa kanya!

"Kapag nakikita kita, naaalala ko ang ama mo! Bumabalik sa akin ang lahat ng ginawa niya. Nagparaya na ako dati pero nalaman kong iniwan na lang niya bigla ang babaeng gusto kong makasama. Hindi ko 'yon matanggap kaya pinapangako ko sa sarili kong maghihigante ako. Papatayin ko ang sinumang pipigil sa'kin," aniya.

"Wala siyang kasalanan!" sigaw ko.

"Tumahimik ka! Kasalanan niya ang lahat. Kung hindi dahil sa kanya, masaya ako ngayon! Ito na ang panahon para iparanas ko sa kanya ang sakit na dulot niya sa akin. Gusto kong magmakaawa siya tulad ng pagmamakaawa ko sa kanya dati. Ilabas niyo na siya!"

Napalingon ako sa mga lalakeng may kinakaladkad. Nagulat ako nang makita ko ang bugbog-sarado at duguan na lalake—ang daddy ko.

"Daddy!"

"Bitawan niyo siya!"

"Tama na!"

"'Wag niyo siyang sasaktan!"

Puno ng sigaw ang buong lugar. Sumisigaw ako para patigilan sila sa pambubugbog sa daddy ko habang sumisigaw naman ito sa sakit. Putok na ang labi ni dad at halos di ko na makilala.

Napapahagulgol na lang ako ng iyak habang nakatingin sa kanya. Nagpupumiglas ako. Gusto ko siyang lapitan at yakapin.

"Walang'ya ka! Ang sama mo! Pakawalan niyo siya!" galit na sigaw ko sa lalakeng kaharap ko. Isang mala-demonyong tawa lang ang pinakawalan niya at sinampal ako sabay hablot sa buhok ko.

Ang sakit! 

"T-tama na! 'W-wag niyong saktan ang anak ko, a-ako na lang," nanghihinang sambit ni dad na ikinaiyak ko pa lalo.

Bakit ganito ang nangyayari sa pamilya namin? Bakit?!

"HAHAHAHA tingnan mo nga naman 'o. Kaawa-awa ang itsura mo. Ganyan na ganyan din ako noon pero hindi ka naawa sa akin kaya hindi rin ako maaawa sa'yo."

Nilapitan niya si dad at binigyan ng isang malakas na suntok. Hinang-hina na siya at hindi na makakatayo. Iyak lang ako nang iyak. Nasaan na ba si Harry? Bakit hindi pa siya dumating? Hindi niya ba ako tutulungan?

"D-dad," umiiyak kong sambit.

Ilang sandali lang ay tinanggal ng isa sa kanila ang tali sa mga kamay at paa ko. Agad akong tumakbo papalapit sa daddy ko at niyakap siya.

Hindi pa kami nagsama ng matagal kaya ayokong pati siya ay mawawala sa'kin. Niyakap din niya ako pero nang mapansin si mom ay nagulat siya. Kahit nahihirapan ay pilit siyang tumayo para lapitan ito.

Tiningnan ko ang mga armadong lalake pati na iyong sumampal sa'kin. Nakatutok lang ang mga baril nila sa'min kaya kapag may ginawa ako, sigurado akong hindi sila mag-aatubiling patayin kami.

Napatingin ako sa kamay ko, alam kong nasa akin pa ang itim na kapangyarihan ni Dark. Pero kapag ginamit ko 'to, b-baka hindi ko na makuha ulit ang katawan ko.

"Lubos-lubusin mo na ang pagkakataon mong makapagpaalam Zandro dahil hindi ka na aabutan pa ng araw," ngising sabi ng lalake. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya kilala.

Napanting ang tenga ko sa sinabi niya. Papatayin niya ba ang dad ko? I won't gonna let him do that. Never! If it takes me to use this dark magic to save my dad, then I will.

"Ang sama mo!" sigaw ko sa kanya. Pigil-hininga naman akong napaatras nang itutok niya sa akin ang baril. Narinig ko pa ang nagmamakaawang sigaw ni dad.

Nakaramdam ako ng galit.

Hindi ko alam pero nanggigil ako bigla.

"P-patawarin mo 'ko, anak. K-kasalanan ko ang lahat. Wala akong kwenta, patawarin mo 'ko," umiiyak na sambit ni dad.
 
Nilapitan ko siya. Hinaplos ang mukha niya't pinahid ang dugong dumadaloy rito. Yakap-yakap niya si mommy at alam kong alam na niyang wala na ito. 

Kumirot ang puso ko. Nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon. Napahawak ako sa dibdib ko. Nakapa ko pa ang maliit na batong ginawa naming pendant ni Gab. Naalala ko Harry. Bakit hindi siya dumating? Akala ko ba ay mahal niya ako? Bakit hindi siya nagpakita ngayong kailangan ko siya? Nasaan na ba siya? 

Sigurado akong siya 'yong nakita ko pagkapasok ko sa kwarto ni mom. Siya 'yong huli kong nakita. Pero hindi niya ako sinundan.

Mahigpit kong hinawakan ang bato at pikit-matang hinablot. Tiningnan ko ito at bumalik sa mga alaala ko ang araw na 'yon. Puro lang pala siya salita. Sa sobrang tamis ng mga 'yon ay nasasaktan ako.

Nagulat ako sa biglaang paghablot sa akin ng isang lalake dahilan upang matapon ko ang batong kanina lang ay hawak ko. Siya 'yong sumampal sa'kin kanina.

Itinutok niya ulit ang baril sa leeg ko kaya nanigas ako sa kinatatayuan. Kusang tumulo ang mga luha sa mata ko pero hindi ako nag-ingay. Parang nawalan ako ng emosyon. Namanhid sa pauli-ulit na sakit.

"Zandro, anong gagawin mo para mailigtas ang anak mo?" tanong nito habang idiniin sa leeg ko ang baril. Yakap-yakap lang ni dad si mom. Nakatalikod siya sa'min at alam kong umiiyak pa rin siya ngayon tulad ko.

Hindi sumagot si dad. Alam kong nahihirapan siya ngayon. May iba siyang pamilya kaya kapag pinili niya ako, siya naman iyong mawawala. Hindi niya iyon kaya.

Napapikit ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin dumating si Harry o kahit isa man lang sa kanila. Kunti na lang ay iisipin kong hindi ako importante sa kanya.

"Sumagot ka!"

Wala pa ring imik si daddy.

"Aaaaaah!"

Sinampal na naman niya ako. Nalalasahan ko na ang dugo sa bibig ko. Gusto ko siyang murahin pero natatakot ako na baka saktan nila si dad. Ayokong may masamang mangyari pa sa kanya maliban sa bugbog na inabot niya.

Ilang mag-asawang sampal ang natanggap ko. Sinabunutan at halos balian na pero wala pa ring imik si dad. Umiiyak ako. Halos magmakaawa na pero hindi sila nakinig.

Pinagtatawanan lang nila ako.

"D-daddy..." bulong ko.

Ilang sandali lang ay napansin ko ang paggalaw ni dad. Tumayo siya habang nakatalikod pa rin. Gusto ko siyang pigilan sa anumang gagawin niya pero natutop ko na lang ang bibig ko sa nasaksihan.

Nag-iba siya!

Nang mapatingin sa gawi namin ay napansin ko ang pag-itim ng mga mata niya na ikinagulat ko. Pamilyar sa akin ang nangyari sa kanya kaya sumigaw ako nang sumigaw.

"Dad! Huwag kang magpapadala!"

"Bumalik ka!"

"Dadddy!"

Ngunit hindi siya nakinig. Nagmistula siyang bingi sa pakiusap ko. Gulat na gulat ang lahat sa biglaang pag-iba niya. Mabilis niyang nalapitan ang iba pang mga lalake at walang-awang pinatay. Ramdam ko ang panginginig ng lalakeng may hawak sa'kin pero nawala sa kanya ang atensyon ko.

Lumuluha akong nakatingin sa dad ko. Hindi ko naisip na magagawa siyang gamitin ni Dark sa kasamaan. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.

P-pero mas nanaig ang katotohanang mas malaki ang kasalanan nila Harry. Kung hindi sila nagpunta rito sa mundo namin, wala sanang nangyaring ganito.

Tapos ngayon ay hindi nila ako tinulungan?

I can't believe this!

Nagtiwala ako sa kanila pero pinabayaan lang nila ako.

*Baaaaaaaang!"

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa putok ng baril na narinig ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang paghinto ng mundo ko. Gulat na gulat ako. Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa gulat.

Para akong nawalan ng hininga. Hindi ma sink-in sa utak ko ang pangyayari. Parang umikot ang paningin ko at bago pa tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa ang pagngiti ni dad.

"D-daddy," bulong ko at tuluyan ng nilamon ng kadiliman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro