SHARIE's Point of View
TOK TOK TOK !
"Pasok !!" sigaw ng nasa kabilang bahagi ng pinto .
Pinihit ko ang seradura ng pinto at dahan dahang itinulak ko ito papasok . Kasabay nito ang pagpasok ko sa kwarto .
"Trix ? Nasaan ka ?" tanong ko.
"Wait lang ! Naliligo ako .. Maghintay ka na lang dyan at malapit na din naman ako matapos ." sabi ni Trix na nasa banyo .
Umupo ako sa blue na sofa na nasa kwarto ..
Oo mayroon sya nito sa kwarto . Nagpalingalinga ako kasabay ang pagkamangha sa laki at ganda ng kwarto . The ceiling is designed of the blue sea , the white clouds and the green meadow na mukhang pinasadya talaga . Her bed is queen-sized na kulay blue at may carpet na blue din .
"Napaghahalataan ang kulay na paborito ." napangiti ako sa nasabi ko .
Meron syang 64" na flat screen t.v at may estante ng kanyang mga libro at mga blu-ray na palabas na puro Fantasy , romance at action ang genre .
Mayroon itong sariling ref , microwave oven at sariling banyo with walk-in closet ."Halos kasing laki na ito ng condo unit ko" bulong ko at lihim na nanliit 'Iba talaga pag isa kang Ace .' sa isip ko .
"Anong gusto mong kainin ?" nag-angat ako ng mukha at nakita ang kakaligo lang na si Trix . Naka-robe ito at kasalukuyang nagpapatuyo ng buhok gamit ang kanyang tuwalya . Napakaganda nito kahit walang make up . She is wearing a pair of bracelets sa magkabilang pulsuhan . And her glasses that prevents her from being a creature I think she doesn't want to .
"Ahh .. Eh .. Ano ba meron dyan ?" tanong ko . Nautal ako dahil masyado akong naiintimidate dito .
"Cheesecakes .." sabi nito .
"Sige .. Yun na lang .." tipid na sabi ko ..
I am intimidated by her presence tulad ng una ko syang nakita sa kanyang litrato na pagmamay-ari ni Dash . Masyado syang .. Masyado syang .. Mabait at maganda .. Simple ito kumilos na parang isa lang syang ordinaryong tao . Na nagpamangha sa akin .
Nagpunta ito sa kanyang kusina at nasimulang maghanda ng pagkain . Napa-isip tuloy ako .. 'Marahil ito ang dahilan kung bakit ganuon si Dash ..'
"By the way , why are you here ?" tanong ni Trix na nakatingin pala sakin . "Is there something that's bothering you ?" dagdag nito .
"I want to .. No .. I want you to help me kay Dash .." malakas na loob kong sabi dito .
Sa una ay nabigla ito pero natawa naman pagkatapos . Tumaas ang kanang kilay ko sa tinuran nito .
"You like him , am I right ?" sabi nito sabay pihit at kinuha ang pagkain na nilagay nya sa oven . "Ramdam ko yun at masaya ako na nakahanap sya ng katapat sa katauhan mo ." sabi nito.
Nagulat ako sa mga sinabi nito . Ibig bang sabihin , alam nya na ito simula pa lang ?
"How did you -- "
"Halata kayo .. Na may gusto kayo sa isa't isa .." naglakad ito't nilapag ang tray sa kanyang mesa . Umupo na ito pagkatapos . "Walang nakakasagot kay kuya ng ganun , at hindi sya ang tipo na hahayaan ka nya na makasagot .. I think .. " kinuha ko ang kanyang tsaa na ginawa at ininom ko ito . "I think he likes you .." muntik ko nang maibuga ang ininum ko dahil sa sinabi nito .
"He likes me ?"
Natawa naman si Trix dahil sa nangyari sa akin , agad nya akong dinaluhan ng color blue na panyo. Tinanggap ko iyon at pinunasan ang aking bibig . Habang pinupunasan ang aking bibig ay nakatingin ako sa kanya. She is smiling . At hindi namin iyon basta basta nakikita whenever Dash is around.
Pero ang isang bagay na nagpagulo sa sistema ko ay ang sinabi nito . Does Dash likes me ? For real ?
"Good luck girl . Knowing that secret of him will make you enter a new kind of world ." She said before she left me and enter her walk-in closet .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro