Chapter 8: Unexpected First Kiss

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MAZE's Point of View

"I HATE YOU !!" sigaw ko sabay takbo palabas ng unit ni Aaron .

Agad akong pumunta sa penthouse ko sa top floor ng building at sinubsob ang sarili ko sa aking kama . What happened ? Bakit nya ako hinalikan ?

Bumangon ako at hinawakan ang labi ko . And the memories of Aaron kissing me went back into my head kaya marahas akong umiling iling hoping that it will be erased in that silly gesture . Tumayo ako at agad na pumunta sa banyo at binuksan ang shower without taking off my clothes .

Aaron , why did you do that ?

Hindi sa ayoko ng ginawa nya ..

But ..

He is my friend ..

My best friend ..

At para sa akin hanggang duon na lang iyon ..

Nahilamos ko ang aking mukha ng aking dalawang palad . Naguguluhan ..

Pakiramdam ko'y tinraydor ako ..

I didn't expect the turn of events ..

He stole my first kiss ..

My very first kiss ..

Tinanggal ko ang salamin ko at ibinato sa kung saan dahil sa sobrang inis .. Alam kong hindi ko dapat tinanggal ang salaming iyon .. Pero anong gagwin ko ? I am so confused ..

Tumayo ako at tumingin sa salamin ..

"NO !! NOO !!" sigaw ko ng makita ang repleksyon ko sa salamin .

Agad kong pinulot ang salamin ko na sa kabutihang palad ay hindi nabasag o nasira . Nilinisan ko iyon at agad na sinuot .

Muli akong tumingin sa salamin at nakahinga ng maluwag ng bumalik na ako sa dati .

Ding ! Dong !

Napaigtad ako ng marinig ang doorbell sa aking penthouse . Sino ang pupunta sa lugar na ito ng dis oras ng gabi ? At walang nakaka-alam ng unit ko at kung saan ako nakatira maliban kay Aaron .. At kay ..

Napatayo agad ako bigla at humila ng itim na roba't sinuot ko ito sa sarili at naglakad takbo papunta sa pintuan ng aking penthouse . Agad kong binuksan iyon at napaatras ng malaman kung sino ang hindi inaasahang bisita .

"Papa ?"

Tumingin ito sakin ng may pag-aalala sa mga mata . Agad itong lumapit at yumakap sa akin . Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko din ito ng mahigpit .

Oo , may sama ako ng loob sa taong ito .. Pero hindi pa rin mababago ang pagmamahal ko sa aking ama . "Papa .." hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko .

I really missed my dad ..

Ilang minuto din kaming ganun ang itsura hanggang sa ako na ang nagdesisyong kumalas mula sa pagkakayakap .

I look at him with admiration . He doesn't change at all .. His black hair touches his shoulder and his red gaze met mine .

"I heard what happened lately . Are you alright my dear princess ?" nag-aalala nitong pahayag.

"I already knew it .. He told you what happened am I right ?" walang buhay kong sagot .

"Wag ka nang mabahala ukol sa kanya .. Ako na ang bahala .. Sumama ka na sa akin please ." hinawakan nito ang dalawa kong kamay at itinapat sa kanyang dibdib . "Please come back home with me ." sabi nito .

I looked at him and all I can see is his sincerety . "Before anything else .. I want and I need answers .." sabi ko dito at iginiya papunta sa receiving room ko at nagpaalam na maliligo .

"Yes . I need answers .." bulong ko habang naliligo .

Answers to clarify every thing . Mabilis man ang mga pangyayari pero , kailangan ko ng sagot .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro