Fifth Shot

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Another important AN:

Guys medyo may sira ang watty. If may mga parts na putol-putol dito sa update ko, please update your Wattpad app or sa browser niyo basahin ang update para mabasa niyo ng maayos.

I inserted photos in this update and pag 'di niyo ma view, mas okay po na sa browser niyo basahin :)


~*~


Fifth Shot

JILLIAN.

"Jillian? We're here."

Napadilat ako bigla nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at bumungad sa akin ang pagmumukha ng dati kong boss na masungit.

Nung una, nag loading pa ang utak ko kung bakit nasa harapan ko si Sir West at ginigising ako. And then it hit me. Nasa Japan na pala kami!

The whole plane ride ang lalim ng tulog ko. Ang sakit din ng tenga ko gawa ng headset ko at sobrang lakas kasi ng music ko.

Agad kong pinunasan ang gilid ng bibig ko dahil feeling ko tulo ang laway ko kanina habang

"Mag l-land na ang plane. Mag seat belt na raw," sabi ni West.

Tumango ako at ikinabit ko ang seat belt ko. Biglang nawala ang antok ko nang maramdaman kong unti-unti nang bumababa ang eroplano.

Shit! Nasa Tokyo na kami!

Para akong kiti-kiting hindi mapakali sa upuan ko. First out of the country trip ko kasi ito. Tapos sa Japan pa! Aba! Naalala ko nung may pinroofread akong novel sa publishing company nina West dati. Yung setting ng story niya nasa Japan. The way na dinescribe ng author ang Japan, sobrang nakakamangha kaya naman simula nun, pinangarap ko nang makapunta rito.

"First time mo rin sa Japan?" tanong sa akin ni Sir West.

Tinanguan ko lang siya nang hindi nakatingin sa kanya. Gusto ko nang lumabas ng plane at humiwalay sa grupo nila. Sana hindi ko na sila makita pa sa whole trip ko.

Mukhang nakaramdam naman siya na ayoko siyang kausapin kaya nanahimik na lang siya. Mabuti naman. Mas okay na nagkakaintindihan kami na hindi kami ayos dalawa.

Nang pababa na kami sa plane, may kumalabit sa akin. Yung Cupid na pinsan ni West na sobrang kulit. Naka-ngisi sa akin.

"Bakit?!" irita kong tanong.

"Hindi ka gumagalaw buong plane ride. Natakot ka 'no? Sus. Wala ngang thrill eh!"

Pinandilatan ko siya ng mata.

"I'm sleeping!"

"Weh? O baka dahil na po-pogi-an ka lang sa katabi mo?"

"What?!"

Lumapit siya sa akin at binulungan ako.

"Atin-atin lang 'to, 'yang pinsan kong si West, single yan. Pero naghahanap na rin yan ng girl friend. Gusto mo reto kita? Bagay na bagay kasi kayong dalawa eh."

"What the hell?!"

"Dali na! Pogi naman si West 'di ba? Mayaman pa, responsible, organize---"

"Pero masungit!" pag putol ko sa sinasabi niya. "Kaya nevermind."

At dali-dali akong naglakad palayo sa kanila. Jusko wag na wag ko na sana talaga silang makasabay.

Paglabas ko sa airport, sinalubong agad ako ng sobrang lamig na hangin kaya napayakap ako sa jacket ko. Kung sa Pinas summer na summer na, dito, grabe ang lamig. Yung hininga ko umuusok. Ang nipis pa naman ng suot kong damit sa ilalim ng jacket ko. Hindi nga talaga uubra ang isang layer lang ng sweater dito.

Nilapitan ko ang isang babaeng Japanese na may hawak na papel kung saan nakasulat ang travel agency na nagasikaso ng tour ko. Nagpakilala siyang si Ayako, ang tour guide namin. Sabi niya, may apat pa raw kaming iniintay na makakasabay ko sa tour.

Maya maya lang, may lumapit sa amin na isang lalaki. Tama lang ang height pero una kong napansin ang mata niya. Ang ganda ng mata, bilugan tas parang buhay na buhay. Maputi rin siya at mamula-mula ang labi. Siguro dahil sa lamig ng panahon dito. May pagka-singkit. At oo, gwapo siya. Akala mo kung sinong artista.

Shit. May kasama akong gwapo sa tour! At mukhang mag-isa rin lang siya! Feeling ko pinagpala ako ah.

"Wanderlust Travel?" tanong nung lalaki kay Ayako.

"Yes! What's your name, sir?" nakangiting tanong niya rito.

"Ryan Sabillana."

Tinignan ni Ayako ang listahan niya.

"Oh Ryan-kun! I'm Ayako and I'll be your guide for your entire tour. Now we're just waiting for West-kun's group."

Napatingin ako kay Ayako.

"W-West?"

"Yes! Do you know him?"

Sinilip ko ang papel na hawak ni Ayako at ayun nga, nakasulat ang pangalan ni West kasama si Cupid at Psyche. At hindi nga talaga sila nagbibiro na Cupid and Psyche ang name nilang mag-asawa.

And right on cue, narinig ko ang nakakairitang boses niya.

"Oh kasama pala natin si Miss Sungit!"

I glared at him. May galit ba sa akin ang tadhana?! Akala ko pinagpala na ako kasi may kasama akong pogi. Tas biglang kasama ko rin pala itong mga 'to?

"H-Hi Jillian," bati naman ni Sir West na para bang nahihiya-hiya pa.

Hindi ko siya pinansin.

"Great! We're complete!" masiglang sabi ni Ayako kaya lahat ng atensyon namin ay natuon sa kanya.

Nagpakilala ulit siya kina West at mukhang tuwang tuwa naman si Cupid sa kanya.

Masiyahin at friendly kasi ang aura ni Ayako. Maliit lang siya pero parang palaging ang taas ng energy niya.

Sumakay na kami sa bus na maghahatid sa amin sa hotel na tutuluyan namin. And guess what? Kasama ko rin sila sa hotel. Buong tour kasama ko sila. Ang saya nga naman talaga.

Habang nasa bus, pinaliwanag na sa amin ni Ayako ang pupuntahan namin bukas at kung anong oras ang call time. Pero ngayong gabi, on our own muna kami.

Binigay na sa amin ang designated rooms namin. Katabi ko ng room si pogi pero sa kabilang side ko, andoon ang kwarto ni Cupid at Psyche. Sa tapat ko naman, ang room ni West.

Hanggang sa kwarto katabi ko sila. Ibang klase talaga.

"Jillian, do you want to come with us? Kakain kami ng dinner sa baba," yaya ni West.

"Ah.. hindi. Una na kayo."

"Pero hindi ka pa kumakain..."

"May baon akong cup noodles."

Hindi ko na siya inantay sumagot at pumasok na ako bigla sa room ko.

Sa totoo lang wala naman akong dala at talagang plano ko rin kumain sa labas. May nadaanan kaming ramen shop kanina na 'di kalayuan dito at doon na lang ako kakain. Magpapahinga na lang muna ako dahil baka makasalubong ko sina West.

Okay, I know I'm being rude. Ako na niyayaya ako pa ganito. Pero kasi naman, meron talagang pagkakataon na alam mong ayaw mo sa isang tao at gusto mo na lang siyang iwasan. At ganun ang nararamdaman ko sa grupo nila. Hindi ko alam. Naiinis ako kay Cupid dahil feeling close masyado samantalang kanina pa lang kami nagkakilala.

At kay Sir West....

Oo, isang factor na yung sa trabaho namin. Ang hirap kalimutan nung sinungitan niya ako, na pinapagalitan niya ako na parang wala na akong ginawang tama. Yung mga ganoong pangyayari hindi madaling makapag move on. Feeling ko nung mga panahon na yun, parang napaka bobo ko. Halos lumipat na nga ako sa opisina niya kasi maya't-maya pinapatawag ako. Palagi siyang masungit sa akin. Parang isang malaking nuisance ang existence ko sa opisina.

Tapos ngayon bigla niya akong yayayain ng ganyan? Biglang ang bait niya sa akin? Kung makapagyaya kala mo friends kami?

Ayoko. I refuse.

Nag shower muna ako at nagpahinga saglit. Nang okay na ako, bumaba na ako para pumunta sa ramen shop. This time, nag-suot ako ng three layers of sweatshirt bago lumabas. Pinatungan ko pa ng makapal na coat. Pero kahit ganoon, ang lamig pa rin. Perfect nga ang ramen na kainin.

"Miss!"

May tumapik sa likod ko at nakita ko si pogi na kasama namin sa tour.

"Oh.. hi."

"Filipino?" tanong niya.

Napangiti ako, "yep. Pinoy 'to."

Napangiti rin siya, "oh thank god! Naghahanap ka ng makakainan?"

Tumango ako, "actually may nakita akong ramen shop."

"Pwede ba akong sumabay?"

"Sure! Tara."

Sabay kaming naglakad dalawa papunta sa ramen shop.

"What's your name again?" tanong niya sa akin.

"I'm Jillian. Ikaw?"

"Ryan. So Jillian, wala kang kasama sa tour?"

"Wala. Solo lang. Ikaw? Mag-isa ka rin?"

"Yep. Actually I'm a travel blogger and I usually travel alone."

"Oh.. wow. Ang saya naman ng work mo!"

Narating na namin ang ramen shop. Nagpapasalamat talaga ako na sumabay sa akin si Ryan dahil medyo shu-shunga-shunga ako at hindi ko alam kung paano o-order. At dahil nga travel blogger siya at madalas mag travel, nag research muna talaga siya sa Japan bago pumunta dito.

Sa labas ng ramen shop may parang vending machine. Pipindutin mo doon ang ramen na order mo then ihuhulog mo ang bayad mo. After that, may lalabas na ticket doon.



"Ano na ang gagawin?" tanong ko kay Ryan habang hawak ko ang ticket ko.

"Ibibigay natin 'to sa loob para magawa na nila ang order natin. Let's go!"

Pumasok kami ni Ryan at inabot niya ang mga tickets namin sa isa sa mga staffs. Hindi kalakihan yung ramen shop. Isang mahabang paikot na parang barstool lang ang upuan at sa gitna noon, nandoon ang pinaka-kitchen nila at pwede mong panuorin ang mga chefs sa pag gawa ng ramen.



"So Jillian, what's your work sa Manila?" tanong ni Ryan habang kumakain kami.

"Actually... wala. I mean nakabakasyon ako ngayon kasi nag resign ako sa work ko. Pero I'm planning to write a book kaya eto nandito ako, naghahanap ng inspiration."

Napatingin sa akin si Ryan at nginitian ako.

Ang ganda ngumiti ng pogi na 'to bwiset.

"Inspiration sa Japan..." tumango si Ryan. "Pareho kayo nung isang kakilala ko."

"Isang kakilala mo?"

"Oo. Yung almost girl friend ko."

"Wow. Almost girlfriend. Pwedeng intrigahin kung bakit may almost?"

"Sige ikukwento ko sa'yo ng buo. Mamaya ma-inspire kang isulat ang kwento namin."

"Patabi ah."

Napalingon ako bigla sa gilid ko at nakita ko si West doon. Positive ako kanina na narinig ko na silang bumaba at kumain eh! What the hell is he doing in here?!

"Hey! Kasama ka rin namin sa tour 'di ba?" tanong ni Ryan kay West.

Nag kibit-balikat lang si West sa kanya.

Nagkatinginan kami ni Ryan at sa mga tingin niya, parang nagtatanong siya kung anong problema ni West.

Hindi ko rin alam.

Nilingon ko siya.

"I-I thought kumain na kayo nina Cupid."

Tinignan niya ako.

"I thought may dala lang mga cup noodles."

O—kay? Bakit parang ang init ng ulo nito? At ba't parang naiinis siya na nagsinungaling ako? Eh paki ba niya?

Hindi ko na siya pinansin. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko. Kahit si Ryan hindi na nagkwento ng about sa almost girl friend niya. Natahimik kami pareho kasi parang nagkaroon ng awkward vibes sa paligid namin simula nang dumating si West.

Nang matapos kaming kumain, tahimik kaming naglakad pabalik sa hotel.

"Good night Jillian. See you tomorrow," sabi ni Ryan.

"Good night!"

At pumasok na si Ryan sa room niya.

"Night West," sabi ko kay West habang binubuksan ko ang pinto ng room ko.

Hindi siya sumagot kaya napalingon ako.

At nagulat ako na sobrang lapit niya sa akin.

"W-West... what the hell?!"

"Bakit mo ba ako sinusungitan?" seryosong tanong niya.

"H-ha?! Hindi ah..."

"Jillian, I know you."

Napalunok ako. Ang seryoso ng tingin niya sa akin. Parang bumilis ang pintig ng puso ko. Ang lapit niya sa akin at ang hirap huminga.

Bubuksan ko na sana ang pinto ko at lalayasan ko na siya doon nang bigla niya akong isinandal sa pader at iniharang ang braso niya sa gilid ko.

Holy cow. Bakit pakiramdam ko nagaakyatan ang dugo sa mukha ko?! Ano ba 'to!

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Yung dati kong boss na sobrang init ng dugo sa akin, ngayon kino-corner ako at sobrang lapit niya sa akin.

"Jillian, bakit ka ba galit sa akin?" mahinahong tanong ni West. His expression softens.

No, more like, parang nasasaktan siya.

Or am I just imagining it?

Itinulak ko siya palayo sa akin.

"Ano ba. Hindi naman talaga tayo okay 'di ba? Sa work pa lang mainit na pareho ang dugo natin sa isa't-isa. Well guess what sir West? Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin yun. Kaya kung pwede wag mo na lang akong kausapin. Ayokong masira ang tour ko."

Agad ko siyang tinalikuran. Ewan. Hindi ko kayang makita ang expression ng mukha niya. Bakit ganun? Bakit kasi ganyan siya umasta?!

Nakakapanibago.

Papasok na sana ako nang bigla niya ulit hatakin ang braso ko.

At nagulat ako na makitang naka-ngisi siya sa akin.

"Well, makakasama mo ako sa tour mo. At hindi kita lulubayan kahit ipagtulakan mo ako. Wala kang choice. Good night, Jill."

Binitiwan niya ako at pumasok na siya sa kwarto niya. Samantalang ako, naiwan sa labas at napatulala na lang sa nangyari.

To be continued...



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro