Final Shot (Epilogue)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Final Shot

(Epilogue)

JILLIAN.

January 2017


"Shit ayokong ma-late!" bulalas ko habang nakatingin sa orasan ko sa phone. It's already 8:30 in the morning. First day ko sa trabaho at gusto kong pumasok ng maaga. Pero hindi ko naman aakalain na ganitong kantinding traffic ang aabutan ko.

Usually from my condo papunta sa office, mga 30 minutes drive lang. Ngayon, halos isang oras na ang nakakalipas, ni hindi pa ako nakakalayo sa condo ko. Anong oras na ako makakarating sa opisina? Gusto ko pa naman agahan ang dating para ipakita sa boss ko na on time na ako ngayon! Gusto kong ipakita kay West Martinez na hindi na ako na-l-late para naman hindi niya pagsisihan ang pag-hi-hire niya ulit sa akin.

Kaso mukhang malabo atang mangyari yun. First day na first day ko, late ako.

Nakakainis naman. Kung kelan naman gusto ko nang mag bagong buhay atsaka pa magiging kontrabida 'tong traffic na 'to.

"Kuya, wala po bang ibang way?" tanong ko doon sa uber driver ng kotseng nasakyan ko.

"Naku ma'am, ito nap o ang pinaka-madaling daan. Rush hour po kasi kaya sobrang traffic."

Napa-buntong hininga na lang ako.

Makarating man lang sana ako kahit 9:30 sa opisina. At least maaga pa rin ng 30 minutes.

Yun lang, para kay West Martinez, pag 30 minutes early kang dumating sa opisina, ibig sabihin, you're just on time. Pag on time kang dumating, ibig sabihin ay late ka na.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganyang klaseng thinking. Siguro nung ipinapanganak siya ng nanay niya eh nagmamadali rin yun kaya lagi siyang nag mamadali.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan ko. Puro kotse, bus at jeep ang nakikita ko. Ang daming bumubusina. Siguro marami nang nabubugnot na drivers. Feeling nila ikaluluwag ng daan ang pagbubusina nila.

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko.

Biglang pumasok sa isipan ko ang itsura ni West nung interviewhin niya ako.

Sobrang gumwapo siya kaya lang masungit pa rin. After nung interview, sabi niya i-email niya na lang ako doon sa result at nung panahon na yun, akala ko hindi na niya ako tatanggapin sa trabaho. Kaya naman dire-diretso akong lumabas sa opisina niya.

Then he found me crying sa loob ng elevator. At inabutan niya ako nang panyo. He told me I'm hired. Sa sobrang saya ko, napatalon ako at napayakap sa kanya.

My heart skipped a beat nang maalala ko yung eksena namin na yun. Nung yakapin ko siya. When he awkwardly hugged me back at naramdaman ko ang palad niya sa likuran ko.

Then he told me he missed me.

Shit, ba't ko nararamdaman 'to? Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko dumoble ang kaba ko.

I missed him too. So damn much.

Umiling ako.

Ano ba! Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko?! I miss West? Yung boss kong masungit, namimiss ko? Seryoso ba ako?!

Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong few blocks away na lang ay opisina na.

Halos hindi umaandar ang mga sasakyan.

"Kuya, dito na lang po ako bababa," sabi ko sa driver.

"Sure po kayo ma'am? Medyo malayo-layo pa tayo."


"Naku kaya ko na po lakarin kuya. Baka mas ma-late pa ako kung magaantay ako."

Inabot ko sa kanya ang bayad ko at bumaba na ako.

Feeling ko rin kasi kung mag-i-stay pa ako doon, mas lalo ko lang maiisip ang mukha ni West, at—OMG ano ba! Makikita ko siya mamaya! Bakit ba ako na-e-excite?

Dahil may trabaho na ako. Tama. May trabaho na kasi ako. Tama. Tama dahil doon. Oo, dahil doon.

At ang init. Pinagpapawisan ako. For sure amoy araw at haggard na ako pagdating ko sa office. Bwiset ka traffic!

Medyo mahaba-haba rin ang nilakad ko. Tamang-tama, isang kanto na lang ay yung opisina na namin.

Nang makita kong mag green na ang light, naglakad na ako patawid.

Pero hindi ko napansin ang isang van na nasa wrong lane at humaharurot ng patakbo para makalagpas sa stoplight bago mag green ang light.

Ang sunod ko na lang na narinig ay isang malakas na busina...a blinding light and then....black out.

~*~

"Jillian?! Jillian! Please wake up!"

Napadilat ang mata ko and I saw West's worried face in front of me. Napa-bangon ako sa kama nang hingal na hingal at pawis na pawis.

"W-West.."

"You are having a nightmare," he told me and then he pulled me near him at niyakap niya ako nang mahigpit.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata ko.

Napaniginipan ko ulit yun. Yung araw na masasagasaan ako. Yung araw na namatay ako at naging dahilan kung bakit bumalik si West at Cupid sa past.

Yung dahilan kung bakit muntikan na ring mawala si West sa akin.

Akala ko dati, isang aksidente na kagagawan lamang ng katangahan ko ang nangyari. But then I've learned that everything that had happened is because of Aphrodite.

At ngayong araw na 'to... ngayon mismo.. ito yung araw kung saan masasagasaan ako.

At hindi ko maiwasang kabahan.

Sabi ni Cupid, kailangan kong bumalik doon sa lugar kung saan ako masasagasaan to set things back in motion.

But I am scared to death.

It's been months since mangayri ang mga bagay na yun. It's been months since makita ko si West na mamatay sa harapan ko at kada maalala ko yun, naiiyak ako.

I am not totally healed. I am not yet recovered. I'm dreading for this day kasi baka mamaya, magbago ang isip ni Aphrodite at kunin niya pa rin ako.

Alam kong sabi ni Cupid, ayos na ang lahat at wala nang manggugulo sa amin.

But still...

"Jill..." naramdaman ko ang mga kamay ni West na humawak sa magkabila kong pisngi at inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Jillian, you're safe. You'll be safe. You don't have to be afraid anymore, okay?"

Tumango ako habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Dito natulog si West sa tabi ko dahil alam niya ang haharapin ko pagkagising ko. He knows that I won't be able to sleep tonight because I'm going to be visited by nightmares.

After mangyari ng mga insidenteng yun, hindi na namin nakita ni West si Zyron. Pero from time to time, nakakakuha kami ng balita kay Hedone tungkol sa kapatid ni West. According to her, nasa ibang bansa ngayon si Zyron kasama si Ayesha.

Yes, they started over. Sabi ni Hedone, masaya na si Zyron at Ayesha. Little by little, they are learning to forgive themselves at starting to accept each other again.

Siguro raw sa ngayon, hindi pa nila kayang magpakita sa aming dalawa. Pero pagdumating daw ang time na okay na talaga sila, uuwi sila dito.

Alam kong namimiss ni West si Zyron, pero nirerespeto niya ang gustong mangyari nito.

As for me and West...maybe nandoon ang trauma sa lahat ng nangyari. Hindi mo ma-i-a-alis ang takot sa aming dalawa, pero masasabi kong we are getting by.

Finally, we have each other.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos, West is always making me feel loved. At kulang na lang araw araw din akong umiyak para magpasalamat kasi finally, he's at my side. Finally, masaya na kami.

At alam ko na kapag lumipas ang araw na 'to na walang nangyayaring masama, tuluyan na kaming makakapag-move on ni West sa past.

"West, I love you," bulong ko sa kanya.

I saw him smile, and then he kissed me.

"I love you too, Jillian."

Nahiga kami sa kama at niyakap niya ako nang mahigpit.

"We still have three hours to sleep. Mahaba pa araw natin mamaya," he whispered.

Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya and after a moment, I fell a sleep.

~*~

"Good morning! Breakfast in bed!" masigla kong sabi kay West habang dala dala ko ang tray ng mga pagkain at ipinatong ko ito sa kama ko.

Ngiting ngiti siya habang kinukusot kusot pa ang kanyang mata dahil bagong gising siya.

"Inunahan mo 'ko," sabi niya. "Dapat ako ang mag-luluto ng breakfast para sa'yo, eh."

"Tulog mantika ka kasi Sir West," sabi ko sabay kindat.

He chuckled then umayos siya ng upo at tinignan ang pagkaing inihanda ko. Naupo naman ako sa tabi niya para saluhan siya.

"Wow, hotdog ulit!" sabi niya.

Pinanliitan ko siya nang mata. Aba't parang nagrereklamo pa 'to ah?

"Ayaw mo? Sawa ka na?" taas kilay kong tanong sa kanya. "Edi wag kang kumain!"

Akma kong ilalayo sa kanya yung tray ng pagkain pero pinigilan niya ako.

"Hindi kaya! Favorite ko kaya 'to lalo na pag ikaw ang nagprito," nakangiti niyang sabi sabay kindat.

Bwiset ang pogi, ang bolero, sapakin ko 'to eh.

"West?"

"Hmm?" tanong niya habang ngumunguya ng niluto ko.

"Ang taas ng bill ng tubig ko. Para makatipid ako, gusto mo sabay na lang tayong maligo?"

Bigla siyang nasamid sa sinabi ko at agad niyang ininom niya ng diretso ang kape na tinimpla ko para sa kanya.

Pag harap niya sa akin, pulang pula ang buong mukha niya while me? I'm just giving him an innocent smile.

"Jillian, don't make offers like that. Hindi ako hi-hindi sa'yo."

Napalakas bigla ang tawa ko at nag peace sign ako sa kanya.

"Joke lang. Joke lang.."

"Pag ikaw pinatulan ko..."

I giggled at nagumpisa na rin akong kumain.

Naramdaman kong nakatitig pa rin si West sa akin kaya naman nilingon ko ulit siya.

"Yes? Naiisipan mo na bang patulan ako kaya ganyan ka makatingin?"

Napangiti siya umiling, "wala, naisip ko lang kung gaano ako ka-swerte. Ang ganda ganda mo, eh."

It's my turn na mamula at mag-init ang mukha. Bwiset na West na 'to, kung maka-compliment yung tipong umagang umaga at hindi pa ako naliligo!

Tinulak ko siya nang bahagya, "part goddess ako eh malamang!" sabi ko.

Napatawa siya at hinila niya ako papalapit sa kanya atsaka niyakap nang mahigpit.

"And I am the luckiest guy alive," he whispered.

I smile.

No West. I am the luckiest girl alive.

~*~

"You ready?" West whispered.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ni West at mula rito ay tanaw ko ang exact spot kung saan ako masasagasaan.

Nanginginig ang mga kamay ko. Pakiramdam ko haharapin ko ulit ang kamatayan ko.

Sabi ni Cupid, walang mangyayaring masama sa akin. Sabi ni Cupid, this time hindi na makikielam si Aphrodite.

Pero natatakot ako. Sobrang natatakot ako.

Alam kong kapag hindi ako bumaba rito, hindi babalik sa dati ang timeline namin. Magugulo ang present time sa dami nang in-alter namin.

But still, kinakabahan pa rin ako. Nanginginig ang mga tuhod ko.

"Jill," hinawakan nang mahigpit ni West ang kamay ko at napatingin ako sa kanya, "I won't let anything bad happen to you. I swear. Don't worry, okay?"

Napapikit ako at pilit kong pinakakalma ang sarili ko.

I have to trust Cupid. I have to trust West.

Everything will be fine.

Bumaba ako nang kotse at ganun din si West.

"I won't let go of your hand until we reach the other side of the street," bulong niya sa akin.

Tumango ako at hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni West.

Tumayo kami sa tawiran at inintay na mag green ang stop light. Nang mag-green ito, mas napakapit ako nang mahigpit sa kamay ni West.

"Let's go," sabi niya sa akin at humakbang kami.

Bigla akong nakarinig nang malakas na busina at nakita ko ang van na humaharurot ng mabilis papunta sa amin.

Agad akong hinila ni West pabalik ng bangketa at napayakap ako sa kanya nang mahigpit. Nangangatog ang buong katawan ko. Feeling ko any minute, hihimatayin ako dahil sa sobrang kaba. Ang bilis nang tibok ng puso ko.

"Jillian..."

Inangat ko ang tingin ko kay West and he is smiling brightly at me.

"Lumagpas ang van," sabi niya sa akin.

Nakalagpas ang van.

Nalagpasan niya kami.

I'm alive.

We're both safe.

Napahinga ako nang maluwag at naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.

"West! We're safe!"

Tumango siya habang ngiting ngiti and then, itinuro niya ang nasa harapan namin.

"Tignan mo yun."

Sinundan ng mata ko ang tinuturo niya at sa harap ko ay may malaking electronic billboard kung saan nag f-flash ang pangalan ko.

And then, nagpalit bigla ng text.

In all bold letters, ito ang nakalagay:

'JILLIAN, I WANT TO SPEND THE REST OF MY LIFE WITH YOU.'

And the moment I read those words, tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko.

Napalingon ako kay West na nakangiti pa rin sa tabi ko. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.

"We've been through a lot and I've been pierced with Cupid's arrow more than once. I think it's enough indication that you and I are meant for each other. I know we still share the same nightmares. Alam ko, we are still pretty messed up with what had happened. But one thing is for sure, Jillian: I don't want to let you go. I'm willing to get hit by an arrow over and over again if it means that I am going to end up with you. So please...."

Mas lalo akong napahagulgol nang iyak sa sunod.

He bended his knee and there, in front of me, binuksan niya ang maliit na box na may lamang singsing.

"Will you marry me?

Napatawa at napaiyak ako sa tanong niya. Ni hindi ko magawang sumagot at tanging tango na lang ang nagawa ko.

"I want to hear you say it, Jill."

"Oo nga! Yes! OO! Bakit kita hihindian?!" iyak tawa kong sagot.

Isinuot ni West sa daliri ko ang singsing at tumayo siya atska niya ako niyakap nang mahigpit na mahigpit habang ako, pinagpapapalo ko siya sa dibdib.

"I love you! I love you! I love you!" paulit ulit na sabi ni West at habang yakap yakap niya ako, he lifted me at umikot ikot siya.

Ang old school old school ng style niya pero tagos na tagos sa akin. Bwiset na lalaki na 'to. Bwisit siya! Nakakainis siya.

Lagi niyang ipinaparealize kung gaano ako ka-swerte sa kanya.

Ibinaba ako ni West and then he kissed me.

"I love you so much," he whispered again.

Nakarinig ako ng palakpakan ng mga tao. Kasi malamang nasa public place kami sa gitna ng kalsada at samu't-saring bystanders ang nanuod sa amin. Nakalabas ang mga phones at kinunuhanan kami ng video.

Napatingin ako sa kabilang side ng street.

Nagulat ako nang makita ko ang family ko na nanunuod sa akin.

Si daddy, yung step mom ko at dalawa kong half brothers.

"You invited them?"

"Of course," nakangiting sabi ni West.

"I love you, West. I love you so much."

"I love you too, Jillian."

He held my hand at nginitian niya ako.

"Let's go, my future wife?"

Tumango ako at sabay kaming tumawid.

At kahit nakalagpas na kami sa other side of the street kung saan nandoon ang family ko, he never let go of my hand.

~*~

CUPID.

Aba, marunong na ring gumawa ng eksena itong bata ko. Ang galing ko talagang mag train. Bago ang kasal nila, mabisita nga itong si West para naman maturuan ko rin ng iba pang bagay na pwede niyang gawin upang paligayahin ng husto si Jillian. Lalo na sa wedding night nila.

Ngiting ngiti ako habang nakatingin sa kanila mula sa malayo. Pakiramdam ko nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib nang makita kong ayos na sila.

Akala ko rin hindi na matatapos ang pagsubok nang dalawang yan. Akala ko wala na kong magagawa para sa kanila.

Pero masaya ako na makita silang dalawa na masaya.

Napabuntong hininga ako.

Medyo tahimik na ang buhay ko ngayon at aaminin ko, nakaka-bored din pala ang tahimik na buhay. Yun lang, i-e-enjoy ko na lang muna ito kasama si Psyche dahil pakiramdam ko, may susunod na delubyo na namang mangyayari.

"Ama!!"

Speaking of delubyo.

Nakita kong lumapag si Hedone sa rooftop ng isang establishment kung saan ako naroroon. Sa likod niya ay nakasunod si Ian sa kanya.

"Nagawa ni Ian ang first task!" masiglang sabi ni Hedone. "Nagawa niya nang hindi siya hinihimatay. Salamat naman!"

Lumapit si Ian sa akin at napansin kong medyo nakakunot ang noo niya.

"Oh, bakit parang hindi ka masaya na nagawa mo ang first task mo nang hindi nauubos ang lakas mo?"

Simula nang maging apprentice ko si Ian, madalas ko na siyang isama sa mga missions ko. Minsan, hinahayaan ko na siya ang magduktong sa kapalaran ng dalawang tao pero kadalasan, nawawalan siya ng malay dahil hindi ba kaya ng katawan niya.

Pero ngayon ang unang beses na nagawa niya ito mag-isa.

"Eh kasi itong si Ara muntik nang agawin yung lalaki doon sa babaeng nakatadhana sa kanya."

Tinignan ko si Hedone ng masama at agad naman niyang dinepensahan ang sarili niya.

"Hoy hindi ah! Sabi ko na makikipag bonding lang ako sa kanya saglit bago siya magpatali! Grabe ka! Tsaka Ara ka nang Ara. Hedone nga sabi, eh! HEDONE!"

"Ara ang gusto ko. Tsaka nakaka-cause ka ng delay sa mission ko. Next time wag ka nang sumama sa akin."

Nilingon ako ni Hedone, "ama oh! Pagsabihan mo nga yang apprentice mo! Napaka-sungit!"

Napailing na lang ako.

Madalas na nagaaway ang dalawang 'to. Pero alam kong masaya si Hedone para kay Ian.

He wants a place that will make him feel that he belong.

Sabi ni Hedone ayan ang heart's desire ni Ian. At dito sa mundo namin, dito niya naramdaman ang bagay na yun kaya hindi ko rin pinagsisisihan na isinama ko siya rito.

"Oo nga pala Cupid," sabi ni Ian, "dumaan kami kanina ni Hedone kina Ayesha at...mukhang ayos na talaga sila. Naghahanda na silang bumalik kina West."

Napangiti ako, "edi makakaabot sila sa kasal."

"Kasal?!" gulat na tanong ni Hedone. "Sino ikakasal?!"

Napatingin ako ulit kina Jillian na ngayon ay naglalakad na kasama ang pamilya niya.

"Shit! Nag propose na si West ni hindi ko manlang napanuod! That is so unfair!!" maktol ni Hedone.

Nilingon ko ulit sila.

"Ready na sa next mission?" tanong ko.

"Ready na!" sabay nilang sabi.

"Hindi ka kasama," sabi ni Ian kay Hedone.

"Sasama ako sa ayaw mo't sa gusto mo!"

Inilabas ko ang book of soulmates at ipinakita ko sa kanila ang next target nila.

Napangiti ako nang parehong nanlaki ang mata nila sa nabasa nila.

"Si Miss Sasha?!"

"Si Sasha bruha?!"

Tumango ako.

Tinignan nila ang pangalan ng lalaking nakaduktong dito.

'Alan Chavez'

Hinawakan ni Hedone ang pangalan ni Alan at binasa ang pagkatao ng mortal na ito.

"Holy shit, bakit ang pogi nito? Poging probinsyano at...at...okay..okay, simpleng mamamayan, inosente, magalang, mabait....life is so unfair talaga."

"Bakit naman?" tanong ni Ian.

"Bakit napaka bait na nilalang ang nakatadhana kay Sasha?!"

"Dahil kailangan ng balanse sa mundo," sagot ko.

"Aahh.." sabi naman ni Hedone. "Kaya pala kayo ang nagkatuluyan ni Ina."

Pinanliitan ko ng mata ang anak ko.

"Gusto mong wag na kitang pasamahin kay Ian?"

"Joke lang! Di ka na mabiro daddy!"

Napailing na lang ako.

Kung anu-ano na nakukuha niya sa mga mortal.

"Sige na, umpisahan niyo na yan."

"Yes sir!" sabay na sabi ni Ian at Hedone.

"Sasama ka talaga?" tanong ni Ian dito.

"Oo nga! Alam kong binasted mo 'ko pero hindi mo 'ko mapipigilan na sumama sa'yo! Wag kang mag-alala, hindi rin kita type! Nanjo-joke lang ako dati!"

At bago pa makasagot si Ian, tuluyan nang nawala na parang isang bula si Hedone sa harapan namin.

"Sundan mo na siya. Alam ko naman na gusto mo siyang kasama."

Nahihiya hiyang ngumiti si Ian at sumunod na rin siya kay Hedone.

Nang maiwan ulit ako mag-isa, napatingin ako kay Jillian at nakita kong nakatingin siya sa kinalulugaran ko habang nakangiti.

Narinig ko ang boses niya mula sa aking isipan.

'Thank you, Cupid.'

I smiled back at her.

'Be happy, Jillian.'

Kumaway siya sa akin bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse ni West.

Habang papalayo ang kotse nila, di ko maiwasang mapangiti.

Masyadong maraming nangyari. Ilang beses silang nahirapan at nasaktan.

Pero at least ngayon kasama na nila ang isa't-isa.

At ako naman, mukhang mapapahinga nang matagal tagal.

Tumalikod na ako at umalis....pabalik sa aking asawa.

~ END ~

Aly's Note

GUYS! Thank you po nang maraming marami sa pagbabasa ng SWSCA at TLA! Sobrang thank you kahit na nitong mga huli, ang bagal nang update!

Grabe, mamimiss ko sina Jillian, West, Cupid at the rest ng mga characters. Sobrang naging attached ako sa mga characters dito kaya naman grabe kong minahal ang mga ito.

Sana kayo rin!

Iniisip kong bigyan ng story si Hedone at Ian. Kahit si Sasha. Pero wag niyo muna intayin kasi sobrang matagal pa yun. Pagiisipan ko pa at marami pa masaydong ganap sa buhay ko. Wahahahaha.

Again, maraming salamat po sa pagbabasa!

- Alyloony

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro