Seventh Shot

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dedicated to auroraalexus

Maraming salamat sa magandang cover ng SWSCA <3


~*~


                 

Seventh Shot

JILLIAN.

Saktong 8am, nasa lobby na kaming lahat at ready to go para sa tour namin. May lumapit naman na isang Japanese na babae sa amin na tingin ko is mga around 23 to 25 years old ang edad. Maliit, balingkinitan ang katawan, above the shoulder length ang buhok at masayang naka-ngiti sa amin.

            She introduced herself as Chiharu. Substitue raw siya ni Ayako since may emergency si Ayako kaya si Chiharu na ang makakasama namin buong tour.

            Pero katulad ni Ayako, masiyahin at puno rin ng energy si Chiharu. Actually pansin ko karamihan ng mga Japanese puro masisiyahin at palangiti. Kanina nga sa elevator may nakasabay akong girl tapos lahat ng papasok sa elevator binabati niya ng "ohayo" or "good morning."

            Pinaliwanag ni Chiharu ang itinerary namin today. At since lilipat na kami ng hotel sa Shinjuku tonight, dala-dala na rin namin ang mga bagahe namin.

            Ngayon ko lang na realized na ang bigat ng maletang dala ko. Paano kasi si Tita Sally ang daming ipinadala sa akin na sweatshirts, scarves at coats. Takot na takot na ginawin ako.

            Pero pareho naming nakalimutan ang gloves.

            Napatingin ako sa gloves na suot ko. Color itim siya at may design na ribbon na pula sa may pinaka wrist, Natatanggal din yung tela sa may index finger at thumb para pag gagamitin ang phone, hindi ako mahirapan.

            Nakita ko si Psyche na nakasunod kay Cupid. Dala niya ang backpack ni Cupid habang buhat-buhat naman pareho ni cupid ang mga maleta nila.

            Nilapitan ko si Psyche.

            "Uy Psyche!"

            "Oh hi Jillian!" nakangiti niyang sabi. "Sabi ni Chiharu may kasabay raw tayo sa tour na apat na babae. Magbabarkada ata. Pero mga Pinoy naman daw."

            "Oh.. I see! Edi maganda! Nga pala, pinahiram sa akin ni West yung gloves mo. Sorry ah?"

            "Eh?"

            Pinakita ko yung gloves na suot ko. Nagtataka naman na tumingin sa akin si Psyche.

            "Sabi ni West akin 'yan?"

            Tumango ako, "uhmm.. hindi ba sa'yo?"

            Bigla siyang napangiti ng malawak. Tatanungin ko sana kung bakit kaso biglang may kumuha sa maleta ko.

            "Uy teka--!"

            "Ako na," sabi ni West at tuloy-tuloy siyang naglakad palapit sa bus habang hatak-hatak ang maleta ko at hindi man lang humaharap sa akin.

            Nagtataka kong tinignan si Psyche na ngiting-ngiti naman sa akin.

            "Gentleman si West. Shy lang," sabi nito. "Bagay sa'yo yung gloves. Alam na alam ni West kung ano ang magugustuhan mo."

            Bago pa ako makasagot, naglakad na rin papasok ng bus si Psyche.

            O—kay?

            Ba't ang weirdo nila ngayon? Anong nangyayari?

            Sumunod na ako kay Psyche. Sinalubong naman ako ng Chiharu at sinabing walo lang kami sa bus na sasakay kaya kahit saan ako umupo. Doon ako pumwesto sa likod ni Ryan.

            Tumayo si Ryan at sinilip ako sa likuran niya habang nakangiti.

            "Hey, do you think kakain tayo ulit sa ramen house? Nag c-crave ako sa ramen!" sabi niya.

            Napangiti naman ako. "Hindi ko alam eh. Pero ako rin sobra. Yung kinain natin kagabi, the best talaga!"

            "Oh my gosh ang pogi naman!" dinig kong sabi nung mga babae sa bandang unahan ng bus. Sila yung magbabarkada na kasama namin sa tour.

            Sinilip ko kung sino yung tinutukoy nila.

            It's Cupid.

            Naka leather jacket ang loko at naka shades pa tas ngiting-ngiti. Nung umakyat sa bus, nag s-swag pa siya. Lecheng 'to. Alam kong gwapo siya. Oo gwapo talaga siya. Pero bakit kada nakikita ko siya, gusto ko siyang batukan ng malakas?!

            "Hi! Ang gwapo naman ng kasama namin sa tour!" sabi nung isang babae na may mahabang buhok, pulang-pulang lipstick at nag b-beautiful eyes na matang nakatingin kay Cupid.

            Nagulat ako nang biglang lumapit si Psyche kay Cupid at isinkubit niya ang braso niya sa braso ni Cupid.

            "Mine," mariin na sabi ni Psyche.

            Mas lalong lumawak ang ngiti ni Cupid.

            "Sorry girls, I'm married"

            Napangiti rin ako. Kahit bwiset 'tong si Cupid at ang sarap sipain most of the time, ewan pero kinikilig ako sa kanila ni Psyche. Pag nakikita ko kasi silang magkasama, halatang sobrang mahal na mahal nila ang isa't-isa.

            "Ayan si West single 'yan!" sabi naman ni Cupid sabay turo kay West na kaakyat lang din sa bus.

            Napatingin naman si West doon sa mga babae na takang-taka kung ano ang pinaguusapan nila.

            Yung isang babae na matangkad at naka-perm ang buhok, hinatak si West.

            "Dito ka na lang umupo," sabi niya at inalis ang bag sa tabi niya.

            Napa-irap ako. Ang landi bwiset. Ano, nagpunta ng Japan para humanap ng jowa? Kurutin ko 'to sa singit eh.

            Tinignan ko si West. Hindi siya umupo doon sa tabi nung maharot na babae pero hindi rin siya makaalis sa unahan dahil iniinterview siya ng mga babaeng yun. Tinatanong na kung ano ang trabaho niya, saan siya sa Manila nakatira, etc. Bwiset.

            Biglang may nag snap ng daliri sa harap ko kaya napatingin ako dito. Nakangiti sa harap ko si Ryan.

            "Malapit nang mamatay yung mga babae sa talim ng tingin mo," natatawa-tawa niyang bulong sa akin.

            "Landi kasi," pabulong na sabi ko naman sa kanya.

            Napatawa siya ng mahina.

            "Crush mo 'no?"

            "Huh?! Huy anong crush ang sinasabi mo diyan. Hindi 'no!"

            Mas natawa siya, "o joke lang yun. Wag kang defensive!"

            Sinimangutan ko si Ryan. Grabe 'to, pinagtitripan ako.

            Kung alam niya lang kung gaano ako ka-inis kay West! At hindi ako nagseselos. Hindi. Naiirita lang ako sa mga babae. Makakita lang ng gwapo, para ng mga kiti-kiti. Kainis.

            "May girlfriend ka na, West?" tanong sa kanya nung isang babae.

            Napalingon siya sa akin at nagtama ang tingin namin. Agad kong iniwas ang tingin ko.

            Titingin-tingin niya rito?! Kainis.

            "Wala," sabi nito at nag tawanan naman ang mahaharot.

            O ayan sige, dahil wala kang girlfriend makipagharutan ka sa mga yan. Magsama-sama kayo. Malalandi.

            "Pero may nililigawan ako."

            Napa-angat ulit ang tingin ko sa kanya. He's looking at my direction....o guni-guni ko lang na sa akin siya nakatingin?

            Bakit siya nakatingin dito?!

            "Excuse me."

            Naglakad palayo si West doon sa mga babae at in-occupy niya yung seat sa likuran ko.

Dahil nga walo lang kami sa bus, tig-iisang row kami at pare-parehong walang katabi para lahat, nasa window side.

            Well, except kay Cupid at Psyche na nag tabi.

            Nagsimula nang umandar yung bus namin. Nagpakilala ulit si Chiharu sa amin. Sabi niya ang first stop namin is sa Meiji Shrine Habang nasa byahe, ipapaliwanag niya yung iba't-ibang lugar na nadadaanan namin.

            At ako? Lumulutang ang isip.

            Wala ngang girlfriend pero may nililigawan naman. May nililigawan pala siya pero isinandal niya ako sa pader, sinuotan pa niya ako ng gloves. Anong ibig sabihin non?!

            Wala. Walang ibig sabihin. Wag mong bigyan ng meaning.

            At oo nga! Ba't ko bibigyan ng meaning? Eh inis nga ako sa kanya. Dapat itatak ko sa isip ko nainis ako sa kanya.

            Shit. Bakit ko ba kasi siya iniisip?

            Nang makarating na kami sa Meiji Shrine, kita ko mula sa bus na ang taas ng araw kaya hindi ko na isinuot pa yung pinaka-coat ko. Kaya lang bwisit, pag labas ko ang lamig lamig kahit ang taas ng araw. Napa-balik tuloy ulit ako sa loob para kuhanin ang coat ko at isinuot ko na rin ang hat na binili ni Tita Sally para sa akin.

            Pagbaba ko sa bus, nakita ko na naglalakad na sila palayo. Mukhang hindi ako napansin. Pero si West nahuhuli. Lumingon siya sa akin at nang makita niya akong nakasunod na, binagalan niya ang paglalakad hanggang sa kasabay ko na siya.

            Ewan ko bakit ako biglang nahiya sa kanya. Dumistansya ako ng onti. Medyo nauuna sa akin si West kaya naman napagmamasdan ko siya.

            He's wearing a black duffle coat na ipinatong niya sa cream turtle neck niyang sweatshirt. Ang simple lang ng attire niya pero kung dalhin niya ang sarili niya para siyang modelo ng mga winter clothes.

            Hindi siya palangiti tulad ni Cupid. There's something mysterious about him. Siguro yung aura na niya na yun ang humahatak sa mga kababaihan kanina doon sa bus. Feeling ko kahit hindi sabihin ni Cupid na single si West, palilibutan pa rin siya ng malalandi nay un.

            Napailing ako bigla sa sarili ko. Jusko Jillian. Pinupuri mo ba si Sir West?! Ano bang nangyayari sa'yo? May gayuma ba 'tong gloves na pinahiram niya sa akin?!

            Binilisan ko ang paglalakad at hindi ko napansin na nakahinto na si West sa unahan ko kaya naman bumangga ako sa likod niya.

            "Aray!"

            Napalingon siya.

            "Ay, sorry." Iniwas niya ang tingin niya sa akin at diretsong tumingin sa harap. "Look."

            Napa-angat din ang tingin ko sa tinitignan niya at nakita ko ang isang malaking torii gate.

"Wow!"

            "Uy picture!" dinig kong sigaw ni Cupid at inabot niya sa akin ang phone niya. "Pa-picture kami ni Psyche!"

            Pumwesto sila sa harap ng torii gate at binuhat ni Cupid si Psyche na pa-bridal style. Pinicture-an ko sila na ganun ang posing at tuwang tuwa naman ako sa litrato nilang dalawa.

            "Newly wed na newly wed ah!" sabi ko habang inaabot yung phone kay Cupid.

            "Mahal bagay na bagay talaga tayo!" sabi naman ni Cupid habang pinapakita yung litrato kay Psyche.

            "Oo naman. Bawal kang mapunta sa iba. Akin ka lang ha?" at kinurot niya sa ilong si Cupid.

            "Oo. Sa'yo lang ako."

            At napuno ng langgam ang Japan.

            "O kayo naman mag picture!" sabi ni Cupid at ipinuwesto kami ni West doon.

            "T-teka. Magkasama kami sa picture?!"

            "Bakit? Masama? Para hindi kayo mukhang loner dalawa."

            Kinuha ni Cupid ang phone ni West at kami naman, pumwesto kami doon. Medyo magkalayo kami at ni-hindi nagdidikit ang mga braso namin.

            "Nandidiri ba kayo sa isa't-isa? Closer naman!" sabi ni Cupid.

            Medyo umusog ako hanggang sa magdikit na ang braso namin.

            "Ano ba naman 'yan. Ang boring naman ng itsura niyo diyan. Onting posing naman."

            "Anong gusto mong gawin ko? Buhatin ko rin si Jillian?" tanong ni West na medyo may pagka-sarcastic ang tono.

            Pero kesa maasar si Cupid, ngumiti pa siya.

            "Pwede rin. Buhatin mo si Jillian!"

            "S-shut up," sabi ni West.

            "Posing na!" utos ni Cupid.

            Nag peace sign na lang ako at hindi ko nililingon si West. Ang awkward masyado ng picture na 'to. And I can't understand why my heart is fluttering.

            "One... two.." pagbibilang ni Cupid.

            Nagulat ako nang bigla akong hilahin palapit ni West at inakbayan.

            "Three."

            Shit! Anong itsura ko doon sa picture!

            Inalis ni West ang pagkakaakbay niya sa akin at napatakbo ako papalapit kay Cupid.

            "Patingin!"

            Pinakita niya yung photo sa akin. Ang laki ng ngiti ni West samantalang ako nanlalaki ang mata dahil sa gulat sa biglaan niyang pag-akbay sa akin.

            "Burahin mo! Ang panget!"

            Inagaw ni West ang phone niya at tinignan ang picture.

            "Ang ganda. Iuupload ko 'to."

            "What?! No!"

            Pilit kong inagaw yung phone sa kanya kaya lang itinaas niya ang kamay niya kaya hindi ko maabot. Leche! Ba't ang tangkad nito?!

            "Ayoko. Phone ko 'to. Wala kang karapatan."

            "Mukha ko yung nandyan! May karapatan ako!"

            "Eh basta. Gusto ko yung pic."

            Itinago niya yung phone niya sa bulsa ng coat niya. Tinignan ko siya ng masama.

            "Burahin mo na. Mag picture na lang tayo ulit."

            "Style mo Jillian!" pang-asar naman ni Cupid. "Gusto mo lang ulit akbayan ka ni West eh!"

            "H-hoy! Hindi 'no!"

            "Sige isang picture pa raw kayo ni Jillian, West. Pero buhatin mo raw siya."

            "O-oy--!"

            "Pwede rin."

            Napalingon ako kay West. Nakangisi siya sa akin.

            I blink.

            Shit. Ba't ang ganda ng ngiti niya?

            ESTE NAKAKAINIS! PINAGTITRIPAN NA NILA AKO!

            "Ewan ko sa inyo!"

            Tinalikuran ko sila doon at nilapitan ko si Ryan na busy kuhanan ng picture ang lugar.

            Sa kanya na lang ako sumabay ng paglalakad. Feeling ko ang pula ng mukha ko kasi nararamdaman ko ang init nito.

            At weird, kasi ang lamig lamig ng panahon dito.

            "Ang ganda 'no?" tanong ni Ryan.

Napatingin ako sa kapaligiran. Paglagpas kasi ng torii gate, dadaan ka sa mga hile-hilerang mga puno. Para kang naglalakad sa gitna ng forest. Ang ganda ganda ng lugar. Sobrang relaxing. Nag request pa ako kay Ryan kung pwedeng picture-an niya ako ng solo. Isesend ko mamaya kina daddy para makita nila.

            Bago kami makarating sa pinaka-shrine, may nadaanan pa kaming mga sake barrels. Nag selfie naman kaming dalawa ni Ryan doon. After that, umuna na ako ng pasok sa kanya sa loob ng shrine dahil kailangan pa niya mag take ng maayos na photo para sa magazine at blog niya.

            Pagpasok ko sa pinaka shrine, nakita ko si Chiharu kasama yung apat na babae. Nilapitan niya ako.

            "Jillian-san, you should wash your hands here."

            May nilapitan kaming isang parang maliit na well. Doon sa well, may mga nakapatong na bamboo sticks na may pang scoop sa dulo.


Sinundan ko si Chiharu sa kung paano ang gagawin. She took the scoop using her right hand at kumuha siya ng tubig. After that, ibinuhos niya ang tubig doon sa kaliwang kamay niya.

            Ginawa ko ang ginawa niya. Tinanggal ko ang suot kong gloves at hinugasan ang kaliwang kamay ko. Feeling ko magkaka frost bite ako sa lamig ng tubig.

            After that, inilipat niya sa kaliwang kamay niya ang pang scoop at yung kanang kamay naman ang hinugasan. Sunod non, inilipat ulit namin sa right hand namin ang pang scoop then naglagay kami ng tubig sa kaliwang kamay at idinikit sa labi namin.

            Tradition pala talaga dito iyon. Isa sa mga form of respect nila before entering the shrine.

Lumapit ako doon sa isang parang board kung saan may mga nakasabit na mga piece of woods na korteng square kung saan may mga nakasulat dito.

   "That's called ema."

            Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si West.

            "Wooden wishing plaques," sabi niya. "Diyan nila sinusulat ang prayers at wishes nila."

            Napatango ako.

            "Oh. I see. Nakakatuwa ang mga traditions nila 'no?"

            Tumango si West.

            "Jillian."

            "Hmm?"

            "West! You're here!"

            Biglang may lumapit sa kanyang babae at isinukbit nito ang braso niya sa braso ni West. Yung babae na kasama namin sa bus. Yung lakas maka-perm ng buhok di naman bagay sa kanya.

            "Oh! Mga wishes 'yan 'no?" masiglang sabi nung babae habang nakaturo doon sa mga ema. "Wish ko sana samahan ako mamayang gabi ng crush ko," sabi niya then she giggled.

            Ang harot nakakairita!

            Inalis ni West ang pagkakahawak ni Miss Perm sa braso niya at nginitian niya si Ms. Perm.

            "May wish din ako."

            Mas lalong lumawak ang ngiti ni babaeng perm kay West.

            "Ano? Baka maging totoo," at kinindatan niya ito.

            Hindi ko alam bakit nanggigigil ako. Tinalikuran ko sila. Nakakainis na kasi eh.

            "Wish ko sana hindi na ako pagsungitan at itaboy ng babaeng gusto ko."

            Napahinto ako bigla at napalingon kay West.

            He's looking at me.

            Anong ibig niyang sabihin?

            Nginitian niya ako and then, iniwan niya na kaming dalawa nung babae na parehong takang-taka sa sinabi niya.

To be continued...

Aly's Note:

Hi guys! Kung mapapansin niyo po iniba ko ang tour guide nina Jillian. Nawala sa isip ko na Ayako rin ang name ng character ni Kuya Ray sa 23:57. Hindi po magkaduktong ang mga stories namin. Iniba ko na lang para hindi na malito ang iba. Ayun.

And thank you sa mga comments last update! Sa mga ayaw maniwala sa edad ko, bahala kayo. Wahahaha. Sa mga nagtatanong kung nakapunta na ako sa Japan, yes po. No, hindi po ako rich kid. Sadyang childhood dream ko ang makapunta ng Japan at matagal kong pinagipunan ang perang ginastos ko doon. I choose to invest my money para matupad ko ang childhood dream ko. It's all worth it though <3 Walang mamahaling gadget ang makakapantay sa experience :D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro