Third Shot

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Third Shot

WEST.

"West, si Cupid 'to. Puntahan mo ako sa mall. Nagawan ko na ng paraan ang pagpunta mo sa Japan!" masiglang sabi ni Eros—este Cupid mula sa kabilang linya ng telepono. Yes, he insisted na Cupid na lang ang itawag ko sa kanya kesa Eros. Kung bakit, wala akong idea.

Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng cellphone at kung paano niya nalaman ang number ko. Pero kailangan ko pa bang alamin? He's a freakin' Olympian God.

"Kailangan ba talagang pumunta ako dyan? Agad agad?"

"Oo. Dali na! Iniintay kita. Yung travel agency na nasa tapat ng Starbucks, andoon ako."

Bago pa ako makasagot, binabaan na niya agad ako ng telepono.

Buti na lang din at saktong lunch break na ngayon.

Ibinilin ko sa secretary ko na medyo ma-l-late ako ng balik at kung may mga dapat asikasuhin, kay Sasha na lang niya muna sabihin.

Dumiretso naman ako sa mall na sinabi ni Cupid at pinuntahan ang travel agency na sinasabi niya. Nang makarating ako doon, ang lawak nang ngiti ni Cupid.

Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti niyang 'yan at kinakabahan ako palagi?

"West! Okay na ang tour mo. Na-book ko na!" masiglang sabi ni Cupid na may kasama pang thumbs up. "Kinuha ko yung same tour ni Jillian. Pati flight kaparehong-kapareho. End of February na ang alis mo."

Napangiti ako, "talaga? Thanks pare," tinapik ko siya sa braso.

"Magbabayad na lang."

"Ah okay."

Lumapit ako doon sa babaeng nasa desk para i-settle ang payment.

"Sir half po ba ang babayaran or full na?" nakangiting tanong niya.

"I-f-full ko na siguro. How much ulit?" tanong ko habang binubunot ang credit card sa wallet ko.

"Php 300,451 sir."

Napahinto ako sa pagkuha ng credit card ko at nilingon ko siya.

"Magkano ulit?!"

"Php 300,451 po sir," ngiting ngiti niyang sabi.

"Ba't ganyang kamahal?!"

Nawala ang ngiti sa labi nung babae at nilingon niya si Cupid na parang takang-taka siya. Si Cupid naman, nginitian ako at nag peace sign ulit.

"Cupid! Ano 'to?!"

"Eh West, mahal talaga yung kinuhang tour ni Jillian eh. Two weeks tour kasi siya sa Japan. Pero included na diyan ang plane ticket."

"At inabot nang mahigit three hundred thousand?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ah sir, Php100,150.33 po per head," sabi naman nung babae. "Included na rin po diyang ang hotel niyo pati breakfast, lunch and dinner. Kaya po pagdating doon, pasalubong na lang ang gagastusin niyo."

"Eh bakit umabot ng mahigit three hundred thousand?!"

"Ah... syempre binayaran mo ang tour ko at ang tour ni Psyche ko," ngiting-ngiti na sabi ni Cupid.

"Huh?!"

Hinatak ko siya palayo doon sa babae at tinignan ko nang masama.

"Ba't kailangan bayaran ko pa yung inyo? Mahal na nga na ako lang mag-isa eh!"

"Kaya mo na 'yan. Rich kid ka naman! Kailangan mo kami ni Psyche doon."

"Eh, 'di ba kaya mo naman mag teleport? May kapangyarihan kayo 'di ba?! Ba't kailangan pa kitang bayaran? Ba't di ka na lang pumunta doon!"

"Syempre kailangan mo kaming pasakayin ng eroplano! Isa pa paano kami makakasama sa tour sa'yo kung 'di kami bayad. Kaya mo na 'yan! Babayaran din naman kita. At yung ibabayad ko sa'yo, di mahihigitan nang anumang salapi."

Nagtaas-baba ang kilay ni Cupid habang naka-ngisi sa akin.

I'm positive, inuuto ako nang isang 'to. Malamang eh gusto lang nito makasakay sa eroplano at sumama sa tour.

Mas lalong naging creepy ang ngiti niya sa akin.

Damn it!

"Oo na! Sige na! Wag mo lang akong ngitian nang ganyan!"

"Yun oh! 'Di bale pareng West, para naman kay Jillian lahat nang 'to eh. Isipin mo na lang na siya ang pinagkakagastusan mo."

"Oo. Kahit mukhang ako ang sasagot nang pang honeymoon niyo nang asawa mo sa Japan," inis kong sabi sabay lapit ulit doon sa babae para magbayad.

Pag nakita ng mom ko ang nagastos ko ngayon, malamang ku-kwestyunin ako nang husto nun. Kahit pa sabihing sa savings ko nanggagaling ang perang yun.

Nang matapos kaming magbayad, nagpapalibre naman sa akin ng lunch ang isang 'to. Hindi na ako pumayag. Aba namimihasa na siya.

"Grabe ka West! Ginugutom mo ako? Ako na si Cupid kung saan nakasalalay ang lovelife ng mga tao eh ginugutom mo? Grabe ka. Grabe ka talaga. Magagalit ang mga fans ko sa'yo. Ibabash ka nila!"

"Manahimik ka nga. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho!"

"Eh! 'Di ba 'di ka pa nag l-lunch? Idamay mo na 'ko sa lunch mo! Sige na pre! Kahit sa Jollibee lang!"

"May sandwich ako sa opisina."

"Sandwich? Pagkain ba yun ng mayaman na tulad mo? Nag d-diet ka ba? Nagpapalaki ng katawan para kay Jillian? Pre kahit maging isang dosena pa ang abs mo, kung torpe ka naman at kuripot, walang mararating 'yan!"

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ko si Cupid.

"Nakakain ka ba ng pwet ng manok at hindi matigil ang bunganga mo sa kakasalita?"

"Kain na kasi tayo ng lunch!"

Napahawak na lang ako sa noo ko habang iiling-iling.

Hanga ako kay Jillian kasi nagawa niyang pakisamahan itong si Cupid noon. Ang haba haba siguro ng pasensya ni Jillian. Samantalang ako, gusto ko na talagang manapak.

"Sus si Jillian mahaba ang pasensya? Hindi rin. Ako pa ang mahaba ang pasensya sa kanya!"

Tinignan ko siya nang masama.

"Ayan ka na naman sa pagbabasa ng...." I trailed off.

Napatulala ako sa nakikita ko sa harapan ko.

"Huy. Anyare?" lumingon si Cupid sa tinitignan ko. "Uy! Si Jillian---!"

Agad kong hinila si Cupid patago sa may fire exit para hindi kami makita ni Jillian.

"Huy, ba't nagtago ka? Na-torpe ka na naman pre?"

Hindi ko pinansin si Cupid at sinilip ko si Jillian. Parang nagkakarerang kabayo sa bilis ang pintig ng puso ko. Matapos ang lahat ng nangyari, ngayon ko na lang ulit siya nakita. Gusto ko siyang lapitan kaya lang alam kong pag ginawa ko yun ngayon, mayayakap ko siya at mahahalikan kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko na lapitan siya.

Pinagmasdan ko na lamang siya sa malayo. Naka-upo siya sa bench na katapat ng fountain na nasa gitna ng mall. Ang lapit lang ng pwesto niya sa amin. Sobrang lapit kaya nagagawa ko siyang titigan ng husto.

Walang halos pinagbago ang itsura niya pero bakit ganoon? Pakiramdam ko ang ganda ganda niya ngayon?

She's smiling brightly. She looks so peaceful and happy.

Nung sinabi sa akin ni Cupid na burado pa rin ang alaala ni Jillian, na depress ako nang husto. Lagi kong hinihiling sana pwede na lang ibalik ang memories niya. Lalo na yung alaala niya about sa aming dalawa. Nakakalungkot na ako na lang ang nakakaalala kung ano ang naging relasyon namin at kung paano namin napasaya ang isa't-isa.

Pero ngayong nakikita ko siyang masaya at peaceful, nagpapasalamat na rin ako na wala siyang naalala.

Sigurado akong dadalhin niya ang pagkawala ni Kuya Zyron. Paniguradong nasugatan siya ng malalim dahil sa mga nangyari. Isang sugat na hindi madaling gumaling.

Kahit ako, ayokong naalala ang nangyari kay kuya. Mahirap tanggapin. Sobrang sakit. May mga times pa rin na nagiisip ako na tama ba 'tong ginagawa ko? Jillian is supposed to be with Kuya Zyron and not me. Sila naman ang original na mag soulmate eh.

Kaya lang, mas ifino-focus ko ang sarili ko ngayon sa will na mailigtas si Jillian kaya naman hangga't maari, pilit kong ibinabaon sa kailailaliman ang mga doubts na naglalaro sa utak ko.

"Uy ang tagal mo!" nakangiting sabi ni Jillian sa isang lalaking lumapit sa kanya.

Matangkad, mestizo, artistahin. Inakbayan nito si Jillian.

"Sorry, sorry, sobrang traffic eh."

"Ay sus. Nagdahilan pa. Tara na nga mag lunch!"

"Sige! My treat nang makabawi naman ako sa'yo."

"Aba'y dapat lang!" tatawa-tawang sabi ni Jillian.

Inalis nung lalaki ang pagkakaakbay niya kay Jillian pero ipinulupot naman ni Jillian ang braso niya doon sa lalaki.

Napatingin ako kay Cupid.

"May boyfriend si Jillian!" sabi ko rito.

Yung kaninang magaan na pakiramdam ko napalitan ng bigat. Parang gusto kong sumugod sa kanila at gulpihin ang lalaking kasama niya!

"Weh?" sagot naman ni Cupid at sinilip din si Jillian na ngayon eh palayo na sa amin kasama yung lalaki.

"Shit West, ang gwapo nung kasama ni Jillian ah? Artistahin. Mukhang modelo. Pakiramdam ko may abs 'yan. Di na kailangan mag workout niyan pre!"

Natataranta akong tumingin kay Cupid.

"P-paano na? Sino ba yang lalaki na yan? Mapagkakatiwalaan niya ba yan? Totoo bang mahal niya 'yan ha? Paniguradong sasaktan lang siya ng gagong yun kasi sa akin nakatadhana si Jillian! Sa March ba talaga pa kami magkikita? Pwede bang magpakita na ako ngayon at ilayo na si Jillian sa lalaking 'yon?!"

"Kahit ilayo mo si Jillian sa lalaking 'yon, 'di lalayo si Jillian doon. Baka ikagalit pa niya 'yan sa'yo!"

"Shit. So mahal niya talaga?!"

"Oo."

Napahawak na lang ako sa noo ko at parang sasabog sa inis ang dibdib ko.

I know it sound so selfish pero ayokong ayoko na nakikita at naririnig na may ibang gusto na si Jillian. Masakit eh. Gusto ko akin lang siya.

"Nagmumukmok ka na naman diyan? Jusko bagay nga kayo ni Jillian!"

"H-hindi mo naman kasi naiintindihan ang nararamdaman ko. Pan aka lang nang pana. Minsan hindi mo naisip na masakit na masyado ang pagpana mo."

"Wow kumo-quotable quotes! Sinisi pa ang pana ko. Umayos ka West! Half-brother ni Jillian ang kasama niya ano ba!"

Napa-angat ang tingin ko sa kanya.

"H-half-brother?! Talaga?!"

"Oo. Anak yun ng daddy niya sa pangalawa nitong asawa. Kasama na ni Jillian ang father niya at okay na silang dalawa. Close siya sa mga half-siblings niya."

Napangiti ako nang malawak.

"Ayun naman pala!" tinapik ko sa likod si Cupid. "Sana sinabi mo nang mas maaga!"

"Eh naka-emote ka dyan agad eh! Ang dali mong mag doubt sa sarili mo alam mo yun? Baguhin mo 'yan West."

Napayuko ako at napaiwas ng tingin kay Cupid.

"Hindi ko maiwasan eh. Hindi ko maiwasang mag-isip kung kaya ko ba 'to."

"Wag mong isipin kung kaya mo. Dapat ang iniisip mo ay kailangang magawa mo ito kasi nakasalalay ang buhay ni Jillian dito. Siguro niloko-loko ko lang nung una at mukhang hindi ako seryoso, pero West, pag pumalpak tayong dalawa, malaki ang consequence na magiging kapalit nito. Maaring hindi mo na makita pa ulit si Jillian. Mamaya gawin pang kabit yun ni Hades sa underworld."

Napahinga ako ng malalim at hinayaan kong mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Cupid.

Naiinis ako sa sarili ko. Ako yung tipo ng tao na sigurado sa lahat ng ginagawa niya. Kalkulado ko na ang mga mangyayari. Palagi akong may back-up plan. Never akong nag doubt sa sarili ko kung tama ba ang ginagawa ko o hindi.

Pero ngayon, eto ako, hindi pinagkakatiwalaan ang sarili ko. Siguro nga si Jillian ang weakness ko. But at the same time, she's also my greatest strength.

I love her. I don't want her to die.

Kaya tama si Cupid, dapat magawa ko 'to. Walang lugar ang doubt ngayon sa isip namin. Bawal mag dalawang isip.

I want to be with Jillian that's why I need her to live. At mas lalong ayoko na maging kabit siya ni Hades sa underworld!

Napatingin ako kay Cupid.

"Bakit nga pala gusto ni Hades si Jillian? Sa dinami-rami ng mga babae rito, bakit siya pa?"

"Half goddess eh."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatakip naman ng bibig si Cupid.

"A-ano?! S-Si Jillian...?!"

"Uhmm... kain tayo?"

"Cupid! Ano pa ang hindi mo sinasabi sa akin tungkol kay Jillian?!"

"Ahmmm... naghihilik siya pag natutulog?"

Tinignan ko siya ng masama.

"Ika-cancel ko ang tour niyo ni Psyche sa Japan o sasabihin mo sa akin ang totoo? Mamili ka."

"Ito na nga! Sasabihin na!"

Ikinuwento sa akin ni Cupid ang lahat. Yung tungkol sa ina ni Jillian na anak pala ni Aphrodite sa isang mortal. Kaya naging part goddess si Jillian. At kadugo pa siya ni Cupid.

"Pero hindi na isang goddess si Jillian ngayon, West," pagpapatuloy ni Cupid. "Isa na siyang ganap na tao dahil ito ang buhay na pinili niya. Yun lang, pag namatay siya, pwedeng mapunta siya sa mundo namin. Kaya siya gusto ni Hades. Malakas ang pinagmulang bloodline ni Jillian at may potensyal naman talaga siyang maging isang malakas na goddess."

Natahimik ako. Parang mas lalo pa akong kinabahan dahil sa sinabi ni Cupid, eh.

Mas lalong dapat kong seryosohin ito. Bawal pumalpak.

I need her to fall in love with me.

Then, I'll do my best to make her happy.

That night matapos kong mag-trabaho, naisipan kong dumiretso sa isang bistro para uminom saglit. Madalang lang akong uminom, pero may mga pagkakataon talaga na kailangan ko ito para pakalmahin ang sarili ko.

"Sir West?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isa sa mga proofreader namin na si Edgar.

"Uy, nandito ka."

Naupo si Edgar sa katabing barstool na kinalulugaran ko.

"Sir, mag-isa kayong umiinom ah? Problemado ba?"

"Ah, hindi. Natripan lang. Ikaw? Ba't wala kang kasama? Gusto mo mag-shot?"

"Hindi na sir. Bawal uminom kahit isang shot. Magkikita kasi kami ni Diana. Eh ipagmamaneho ko. Ayoko namang ipagmaneho ko siya nang nakainom ako. Alam mo na, prinsesa ko yun eh."

Napangiti ako habang iiling-iling.

Si Diana ay yung sikat na beauty queen na ngayon eh girl friend na nitong si Edgar. Lahat kami nagulat sa totoo lang.

Pero nakakatuwa naman kasi kitang-kita na mahal na mahal niya ito.

"Alagang-alaga mo talaga ah?"

"Naman sir! Mahal ko eh! Ay, sir ah wag kang mawawala sa kasal naming dalawa ah? Next month na 'yon!"

"Of course I'll be there."

"Ayun oh! Ayos 'yon!"

I sighed.

"Pre, may tanong ako. Yun lang medyo ma-keso. Pero for research purposes naman.

"Ano yun sir?"

Napakamot ako sa likod ng ulo ko at parang nagiinit na naman ang mukha ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang tanong kong ubod ng korny.

Pero bahala na!

"Uhmm.. p-paano mo nalaman na si Diana na ang babaeng gusto mong pakasalan?"

Nakita kong nabigla rin si Edgar sa tanong ko sa kanya at parang mas lalo akong nahiya. Mamaya kung ano isipin ng isang 'to eh!

Pero curious lang ako. Gusto ko lang talagang malaman.

"Ang hirap naman ng tanong niyo ser!" natatawa-tawa niyang sabi.

I laugh awkwardly, "o-oo nga. Wag mo nang pansinin!"

Umiling si Edgar.

"Sa totoo lang sir, mahirap sabihin 'yan. Walang signs, basta mararamdaman mo na lang. Ewan, siguro kung yung pakiramdam mo ay 'di na kumpleto ang buhay mo pag wala siya? O willing kang gawin ang lahat, kahit mag mukha ka pang tanga, mapasaya lang siya? Siguro yun. Ewan. Ang keso rin ng sagot ko."

Napatango ako.

"Ayos lang. Gets ko."

Bumuntong-hininga si Edgar.

"Sa totoo lang sir, sa umpisa nakakaduwag din. Si Diana yung minahal ko eh. Hindi lang siya basta-basta. Alam mo na, sikat siya, maganda, beauty queen eh. Maraming lalaking naloloko sa kanya. At sino naman ako? Hindi naman ako kagwapuhan kumpara doon sa mayayaman at mapopormang mga gagong nanliligaw sa kanya noon. Pero ewan, swerte ko dahil ako ang minahal niya kahit minsan napapa-isip ako kung ano ba nagustuhan nun sa akin," natatawa-tawang sabi ni Edgar. "Pero wala eh, minahal ko rin ng husto eh. Yung kahit na maraming may ayaw sa akin o maraming hindi makapaniwala na sa akin na-hulog ang isang Diana Martin, eh wala na akong paki. Kahit anong sabihin nila o kahit anong paninira nila, bahala sila. Basta mahal ko. Basta si Diana ang focus ko at gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya. Siguro, dahil ganoon ang nararamdaman ko para sa kanya, sigurado akong siya ang gusto kong pakasalan. At siguro kasi pakiramdam ko, yung best self ko nailalabas ko dahil sa kanya kaya alam kong siya na talaga."

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Edgar at napaisip ako nang husto. Alam kong marami akong empleyado na bwiset kay Edgar. Pero lately nga napapansin ko mas nagiging okay na siyang makitungo sa iba. Mas umaayos din ang performance niya. Palagi rin siyang masaya.

Pwede ka talagang baguhin ng pagmamahal. Kung minsan nakakasama, pero may positive part din naman pala.

At ako?

Sigurado akong si Jillian lang ang babaeng kaya kong mahalin nang husto. Wala nang iba.

At ngayon, willing na talaga ako. Ayoko nang sukatin ang pagmamahal ni Kuya Zyron para kay Jillian. Ayoko nang mag doubt kung kaya ko ba siyang pasayahin.

Mas lalong ayoko nang husgahan ang nararamdaman ko.

Papatunayan ko na lang ang lahat.

Jillian, wag ka munang ma-i-inlove sa iba ah? Wait for me.

To be continued...



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro