Thirty Eighth Shot

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Thirty Eighth Shot

JILLIAN.

"Say it again," sabi ko kay West.

"I love you, Jillian," bulong niya sa akin.

Nandito pa rin ako sa opisina ni West. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa at paulit-ulit kong ipinapabulong sa kanya na mahal niya ako. Paulit ulit kong gustong marinig ang mga salitang yun para malaman kong hindi ako nag i-ilusyon.

Napa-yakap ako ng mahigpit sa kanya at ipinatong ko ang balikat ko sa dibdib niya. Naramdaman kong mas humigpit din ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

"Alam mo, feeling ko malapit nang maghinala ang secretary mo kung bakit hanggang ngayon hindi pa ako lumalabas sa opisina mo."

"Hayaan mo siya," nakangiting sabi ni West. "Dito ka lang. Wag kang aalis."

Napangiti ako, "tapos ma-chi-chismis tayong dalawa. Edi masaya."

Napangiti rin si West ngunit agad itong nawala at napalitan agad ng pag-aalala ang mukha niya.

"I still need to talk to Sasha about us."

Parang biglang bumagsak ang mood ko.

Nilingon ako ni West at mahinang tinapik ang pisngi ko.

"I need to break up with her because I want to be with you."

Napangiti ako sa sinabi niya at bahagya siyang nilingon.

"West?"

"Hmm?"

"Uhmm.. k-kelan mo naramdaman na mahal mo 'ko?"

Napa-ayos ng upo si West at napaiwas ng tingin.

"Actually... I-I saw you with him."

"H-ha? S-sino...?"

Hindi na niya kailangan pang sumagot para malaman ko kung sino ang tinutukoy niya. Kitang kita ko na agad sa expression ng mukha niya.

"You two... kissed."

"West, I--I don't love him."

"I know."

"H-ha?"

"He told me. Sabi niya sa akin, gusto ka niya but it seems like I am the one you like. Sabi niya kung ayaw ko sa iyo then, kukunin ka na lang niya. Nung sinabi niya yun, I felt a stab of pain in my chest. Ramdam na ramdam ko na hindi ko kaya kapag napunta ka sa iba. Nakokonsensya ako kay Sasha at pakiramdam ko, naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko that's why I fired you. Pero kanina..." ibinaba niya ang tingin niya sa labi ko then he brushed his finger in my lower lip. "Kanina, hind ko na napigilan. I know I cannot lose you, Jillian. Ramdam na ramdam ko na hindi ko kakayanin kapag nawala ka."

Napangiti ako at niyakap ko ulit si West ng mahigpit.

"Hindi naman ako mawawala. Sus. Eh dati nga kahit grabe mo akong ipagtulakan, dikit pa rin ako nang dikit sa'yo!" masigla kong sabi.

He tap the top of my head, "ngayon ako naman ang gagawa nun sa'yo."

"Nagawa mo na yun dati."

"Dati?" nagtataka niyang tanong.

I stiffened.

I cleared my throat at tinignan ko siya, "ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nag resign dati dito?" tanong ko sa kanya.

Pinitik niya ako sa noo habang nakangiti, "hindi ka nag resign. I fired you kasi pasaway ka."

Napalunok ako at pinilit akong ngumiti.

"Sus, in love ka sa'kin nun kaya mo 'ko pinatalsik!"

Napangiti si West, "alam mo nga sa totoo lang, inis na inis ako sa'yo dati. Kaya nga ngayon nagtataka ako bakit na-in love ako sa'yo. Ikaw ha, ginayuma mo 'ko!" at napatawa siya.

"Loko!"

Niyaya akong kumain ni West ng lunch at sumama naman ako sa kanya. Ang dami naming pinagusapan. Mga normal na kwentuhan. He's extra sweet. Malambing. Kung gaano ka-lambing si West sa akin noon, ganun din siya ngayon.

Pero hindi ko maiwasang ma-bother. I know something is wrong.

Hindi pa rin siya nakakaalala.

~*~

HEDONE.

"Drawing mo 'to? Ang ganda naman," sabi ko kay Ian habang tinitignan yung mga sketches na naka-dikit sa desk niya.

"Don't touch!" suway niya sa akin.

Sinimangutan ko siya, "ikaw, ang sungit sungit mo sa akin. Kita mo yung mga boys dito? Lahat sila laging naka-smile sa akin at ang bait bait. Samantalang ikaw lagi kang naka-simangot at pinagtutulakan ako palayo."

Hindi siya umimik at nakapako lang ang tingin niya doon sa monitor screen ng laptop niya. Nagpapaka-busy sa pag e-edit ng manuscript.

Sinubukan ko ulit. Sinubukan ko siyang gamitan ng mahika ko. Kahit onti lang. I try to tug the strings of his desire. Pero nag b-bounce back lang sa akin yung magic ko. Ni hindi man lang dumadampi sa kanya. Ni hindi umaabot.

Kagabi ang unang beses kong sinubukan na gamitin ang kapangyarihan ko kay Ian. Pero hindi talaga. Ni lasing ko na siya. I waited until he let all his guards down pero wala. Tulog na tulog na siya sa kalasingan, hindi pa rin siya tinatablan.

Samantalang sa kahit na kaninong mortal ay tumatalab ang mahika ko. Mapapa lalaki man o babae. Isang pitik ko lang ay nahuhulog na sila sa kamay ko, nababaliw na sila sa akin at ginagawa na nila ang nais ko.

Pero si Ian, atensyon lamang niya ang hinihingi ko, ni hindi ko pa makuha.

Mortal naman siya. Yes, he got the eye. He got the gifts from the gods. But he is still a mortal.

Hindi kaya...?

No. That's impossible. This guy hates me.

Kinalabit ko siya.

"Ian, kain tayo ng dinner! My treat!" masigla kong sabi.

"Ara, I'm working," sagot niya nang hindi man lang ako tinitignan.

"Hedone---that's my real name. Not Ara."

Hinarap niya ako habang nakakunot ang noo.

Finally, nakuha ko rin ang atensyon niya.

"Mas sanay ako sa Ara. At nandito ka sa mundo namin kaya ikaw si Ara dito at hindi si Hedone."

"Eh ikaw, Ian? Sino ka rito?"

"H-ha?"

"Maaring mortal ka ngunit hindi ka isang normal na tao."

Napaiwas ng tingin si Ian sa akin.

"Ipinamigay ka ng mga magulang mo sa kamag-anak. Pinagpasa-pasahan ng kung sinu-sino. Wala kang permanenteng tahanan nung panahong nag-aaral ka pa lang. Walang kaibigan dahil tingin nila sa'yo, may sira ka sa ulo dahil sa mga pinagsasasabi mo. Connection? Nakatadhana? Madalas mong mabanggit sa mga tao yan ngunit hindi ka naman nila pinaniniwalaan. Mag-isa ka sa mundong ito, Ian."

Nakita kong napakuyom ang kamay niya, nag iba ang timpla ng aura niya. Napalitan ng inis, ng galit. Nawala yung aura niya na kinakabahan, nahihiya, natatakot.

At dahil doon, nakita ko ang isa sa mga heart's desire niya. Hindi ito ang greatest, pero at least isa ito sa pinaka malakas.

Gusto niyang makahanap ng mga taong tatanggapin siya, ng mga taong paniniwalaan siya at mamahalin siya.

Pwede naman ako ngunit lagi mo akong tinataboy.

"Ganyan ba talaga kayo? Inaalam ang buong pagkatao namin?" tanong niya. Nakakunot ang noo at kita ko ang galit sa mga mata dahil sa binitiwan na salita.

Nag-kibit balikat ako, "syempre. Baka magamit namin ang information sa near future, 'di ba?"

"Para i-blackmail kami. Pero kailangan pa ba? Masyado kayong makapangyarihan. Isang kumpas niyo lang ng kamay, susunod na kami agad sa inyo."

Kung alam mo lang, Ian. Walang talab ang kapangyarihan ko sa iyo. Feeling ko nga kahit maghubad pa ako sa harapan mo, wala pa ring talab.

Bwiset ka.

Bakit ba masyado akong concern at apektado sa'yo?

Kagatin kita diyan, eh.

"May kapangyarihan ka rin naman," sabi ko sa kanya.

"Oo. Isang walang kwentang kakayahan. Nakikita ko ang nakatadhana sa kanila? O, eh ano ngayon? May naniniwala ba sa 'kin? Wala naman 'di ba? Sa paningin nila, sira-ulo ako. Baliw. Kaya mas mabuti pang wag ko na lang gamitin 'to."

"P-pero bakit? Regalo yan sa'yo at sobrang piling pili lang ang binibigyan ng ganitong regalo. The gods know that you are meant to use this gift dahil malaki ang maitutulong mo sa mga tao. Kaya wag mong sabihin na walang kwenta ito."

"Regalo? Baka sumpa."

"Ian!" sigaw ko. Hindi ko mapigilan ang pagka-inis. Maaring hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari, pero ang isipin na walang kwenta ito?

Hinawakan ko siya sa wrist, "sumama ka sa'kin!"

"Saan? Sa bar na naman? Sa inuman? Matapos mo ako pagbayarin ng lahat ng in-order mo, tingin mo sasama pa 'ko sa'yo?"

Siniko ko siya, "kaw naman! Afford mo naman. Laki laki ng ipon mo. Nasilip ko," I winked at him.

Napaiwas agad siya ng tingin at ibinaling na lang ulit sa laptop niya.

"Busy ako."

I snapped my finger at napalayo agad siya sa laptop niya.

"Anong ginawa mo?! Ba't biglang namatay?!" he tried opening his laptop pero ayaw nitong mag bukas. "Ara!! Ano ba! Importante yung in-eedit ko! Deadline na nun! Kung sa'yo laru-laro lang 'to, sa akin hindi!"

"Oh chillax, pogi. Na-email na kay West yung ine-edit mo. Don't worry, walang mali yun ni-isang tuldok. Para na rin hindi mahirapan sa pag p-proofread si Jillian," kinindatan ko ulit siya.

Hinarap niya ako. Galit na galit.

"Ano bang gusto mong mangyari?!"

Infairness, kahit geek siya nagiging hot siya sa paningin ko kapag nagagalit.

"Sumama ka nga sa akin."

"Ayoko nga! Wala na akong pera!"

"Hindi ka gagastos! Pupunta tayo sa amin. May ipapakilala ako sa'yo."

"S-sino naman yan?"

"Her name is Ayesha. Sobrang apektado niya ngayon dahil sa lalaking mahal niya. At alam kong kailangan niya ng tulong mo."

Napaiwas siya ng tingin, "b-bakit naman ako tutulong?"

"Para mapatunayan ko sa'yo na hindi walang kwenta yang kapangyarihan mo!"

"Pero kasi---!"

"Wala nang pero pero! Sumama ka na sa 'kin!"

At bago pa siya ulit maka-angal, nag teleport ako papunta sa condo ni Jillian habang kala-kaladkad ko si Ian.

"P-p-paano mo nagawa yun?!" gulat na gulat na sabi ni Ian nang makita niya na nandito na kami sa loob ng condo ni Jillian.

"Because I'm great!" proud na proud kong sabi. "Now, where's Ayesha?"

Naglakad ako papunta sa dining area habang nakasunod naman sa akin si Ian. Nadatnan namin si Ayesha doon at si Jillian.

Napahinto ako.

Nakapatong ang kamay ni Ayesha sa balikat ni Jillian at si Jillian....she's crying.

"U-uy, anong nangyari?!"

Nilingon ako ni Jillian and I saw her tear-stained face. Sa kamay niya ay may isang papel.

Hindi ordinaryong papel kundi isang papel na nababalutan ng mahika.

"J-Jillian...?"

"S-Si West... kinuha nila si West..."

To be continued.

AN:

Hi guys! I suggest wag kayo mag skip ng mga POV kahit POV pa ni Ayesha yun :) Maraming importanteng bagay akong isinulat doon na mag m-make sense sa dulo :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro