Twenty Eighth Shot

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

IMPORTANT NOTE:

Baka po kasi di niyo nakita dahil buset si wattpad, nag update po ako last week, 27th shot. :)


Twenty Eighth Shot

JILLIAN.


"Wala na bang i-iikli pa 'yang skirt mo?" tanong ni Cupid sa akin.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Yung totoo? Gusto mo ba mag hubad na lang ako sa harap ni West habang ini-interview niya 'ko?!"

Ngumisi si Cupid.

"Pwede rin. Malay mo yun lang pala ang solusyon para manumbalik ang mga alaala niya sa'yo."

I rolled my eyes at him. Minsan talaga hindi ko alam kung nakakatulong ang isang 'to, eh.

Interview ko na mamaya kay West. Para akong back to basic. Babalik ako sa publishing company na yun at magiging boss ko ulit siya. Walang pinagbago. For sure pag iinitan na naman ako ng ulo nun araw araw.

Ang pinagkaiba lang, dati ginagawa niya yun to hide what he truly feels, pero ngayon, matinding galit talaga ang nararamdaman niya sa akin. Thanks to Hades.

At ngayon, abot langit ang kaba ko dahil makikita ko na ulit si West. Sa totoo lang, hindi naman ako kinakabahan sa interview. I'm confident na makakapasok ako thanks to my dad na kaibigan ng ama ni West.

Kinakabahan ako kasi pakiramdam ko iiyak ako sa harapan niya kapag may binitiwan siyang masakit na salita sa akin.

I am not a sensitive person. Pero si West 'yun, eh.

"Mukha kang manang Jillian!" sabi ni Cupid.

Lecheng 'to. Parang gusto atang mangyari eh i-seduce ko si West mamaya.

Tumayo si Cupid sa pagkakaupo niya sa kama ko at binuksan niya ang cabinet ko.

Feel at home talaga.

Dahil kay Cupid, napakuha ako ng condominium malapit doon sa opisina namin. Nakakahiya naman kasi sa kanya, eh. Wala siyang tutuluyan sa bahay namin at ayoko namang maya't-maya siyang nag t-teleport sa kwarto ko. Buti na lang at pinahiram ako ni daddy ng pera.

May palamunin na naman ako.

"Ito isuot mo."

Inihagis sa akin ni Cupid ang isang sleeveless plain black dress na above the knee ang haba.

Tinignan ko, "pwede rin. Mag b-blazer na lang ako."

Tinaasan niya ako ng kilay, "blazer talaga? Baka sabihin niyan CEO na ang job position na ina-apply-an mo."

I rolled my eyes at him.

"Asawa ng CEO ang ina-applyan kong posisyon."

Napa-ngisi si Cupid.

"Hidden agenda natin yun. Pero sa ngayon, mag tiis ka muna sa pagiging tatanga-tangang proofreader."

"Hoy!" binato ko siya ng unan. "Tatanga-tanga talaga?!" pinaghahampas ko siya sa braso.

"Oy! Child harassment! Susumbong kita kay Zeus!"

"Mag-sumbong ka! Leche ka! Naalala ko pala kung paano mo ako pagtripan sa Japan! Hayop ka! May pa myth myth ka pang nalalaman tungkol sa babaeng nasagasaan kasi tatanga-tanga, ako na pala ang kinukwento mo ha!"

"Uto-uto ka naman! Tsaka ikaw ang nagsabing tanga yung babaeng nasagasaan. Sinabihan mong tanga ang sarili mo!" at humagalpak siya nang tawa.

Lecheng 'to!

"Ewan ko sa'yo! Lumabas labas ka nga dito sa kwarto ko at magbibihis ako!"

Binelatan pa ako ni Cupid bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.

Pinalitan ko yung suot kong white longsleeves at black skirt nung dress na pinili ni Cupid. In all fairness, mas okay 'to kesa sa kanina kong suot.

Nag-ayos ako ng buhok. Nag make up ako ng maganda. Humanda ka talaga West! So nakalimutan mo 'ko ganun? So napalitan ng galit ang lahat ng memories mo sa akin?

So akala mo Hades ganun ganun mo lang ako kadaling mapapatumba.

Aba! Pinili ko mang maging mortal pero I'm still proud to say na kalahi ko si Aphrodite! Goddess of beauty yun teh! Ibang level yun!

Babawiin ko talaga si West makikita mo!

~*~

"Uuwi na 'ko," tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo.

"Teka nga!" hiniklat ni Cupid ang braso ko. "Kanina paglabas mo sa kwarto mo eh taas noo ka at full of confidence na akala mo handang handa nang sumabak sa gyera. Tapos ngayong nandito na tayo umaatras ka?"

"Eh galit sa akin si West.."

"Kaya nga nandito tayo 'di ba? Para nga tulungan si West na makakawala sa kung ano mang sumpa na ibinigay sa kanya ni Hades at Zyron."

Napayuko ako.

"H-hindi pa ako ready. For sure pagsasalitaan niya ako ng masasakit mamaya. Baka maiyak ako sa harapan niya."

"Jillian, isipin mo na lang, hindi si West yung nagsasalita. That guy in front of you is just a shell at nasa loob ng shell na yun ang tunay na West. Now go inside and get him out of his shell. Hindi na tayo pwedeng mag-antay kung kelan ka pa magiging ready. Aba! Mamaya niyan gawing asawa ni Hades si West sige ka."

Mabilis akong napatingin kay Cupid.

"Y-you mean lalaki rin ang hanap niya?"

"Hindi. Pero malay natin."

"Okay. Okay sige papasok na ako."

"Ah Jillian?"

"Hmm?"

"Baka nandyan din sa loob si Zyron. Kung makasalubong mo man siya, wag kang magpahalata na naalala mo na ang lahat."

Tumango ako.

"Okay. Noted."

Napahinga ako nang malalim at pumasok sa loob ng building. Nasa sixth floor ang pinaka opisina ng publishing company na 'to pero sa seventh floor nag o-opisina sina West.

Sabi sa akin ng secretary ni West, sa seventh floor na ako dumiretso. Pagkarating ko naman doon, agad akong sinalubong ng secretary ni West.

"Yes you're here!" sabi niya na para bang nakakita siya ng liwanang nang makita niya ako. "Kanina pa mainit ang ulo ni Sir West. Ba't daw ang tagal mo."

Napatingin ako sa orasan ko. I'm 30 minutes early.

"Di ba 10am pa ang interview? Mali ba ang oras ko?"

"Uhmm tama naman. Ewan ko nga ba't parang highblood si sir, eh."

Malamang. Ako iinterviewhin niya, eh.

"Pero don't worry. Hindi ka naman niya siguro susungitan because you got recommendation directly from his father."

"W-well, I hope so."

"Tara?"

Tumango ako at sumunod sa kanya.

"Sir West, Jillian is here."

She opened the door at pinapasok niya ako sa loob.

Nakita ko si West doon na nakapako ang tingin sa laptop niya.

"Please sit down," sabi niya without looking at me.

Leche nagpaganda ako tapos hindi mo ako titignan?!

Naupo ako sa harap niya. He's still not looking at me.

At lumipas ang 10 full minutes na hindi niya ako pinapansin. Na mukhang nakalimutan na niya na nandito ako dahil busy pa rin siya sa laptop niya at hindi niya ako tinitignan.

Nakakainis.

Napatitig na lang ako sa kanya. He's wearing an eyeglass today. Halos magsalubong ang dalawa niyang kilay. Gusto kong lumapit sa kanya at unatin ang noo niya.

I want to hug him.

West, natatandaan ko na ang lahat. West, pwede na tayo ngayon. West please, sana maalala mo na rin yung totoong nararamdaman mo sa akin.

"So..."

Napaangat ang tingin ni West at nagtama ang mga mata namin.

Natigilan si West at kahit ako parang nawalan nang hininga nang tignan niya ako.

Sabay kaming napaiwas ng tingin.

He cleared his throat.

"So...bukod sa wala na akong magagawa kundi i-employ ka dahil utos ng dad ko, ano pang dahilan why should I hire you?"

Kasi leche ka kapag hindi mo ako ini-hire, gagawin kang asawa ni Hades.

Napahinga ako nang malalim at tinignan ko ulit siya.

"I used to be an employee here, sir. No need to train me dahil alam ko na po ang gagawin ko."

Napasandal siya sa upuan niya and then he grinned at me.

"Really? Sa pagkakaalala ko pasaway kang employee."

It's my turn to grin.

"Pero nakakapagtaka sir 'no? Kahit po medyo may pagka-pasaway ako noon, ang taas pa rin ng evaluation ko. Bakit kaya?"

Kumunot ang noo ni West pero kitang kita ko pa rin ang pamumula ng tenga niya.

Ha! Akala niya wala na akong effect sa kanya!

He cleared his throat.

"Suot mo pa pala 'yan," tinuro niya yung kwintas ko.

Yung compass necklace.

Napahawak ako bigla dito at tumango ako.

"To keep me safe," halos pabulong kong sabi.

Ayun ang sinabi mo sa akin nung nasa Japan tayo West. Binigay mo sa akin ang compass necklace para maging safe ako.

And in return, ikaw naman ang napahamak ngayon.

Napaiwas ulit nang tingin si West.

"Naniwala ka naman doon. Nabili ko lang yan sa halagang isang daan."

Ayun ba ang ipinasok ni Zyron sa memory mo?

Tumango ako.

"Okay lang. Gusto ko pa rin 'to."

"Ang dali mo namang makuha. Sa halagang isang daan masaya ka na."

Parang may sumaksak sa dibdib ko dahil sa sinabi ni West.

Kung alam mo lang, West.

"Sige na. You can go now. Wala na naman akong itatanong sa'yo dahil wala na akong choice kundi i-hire ka."

"O-okay. Thank you for hiring me, sir. I'll do my best."

Ibinalik niya ang atensyon niya sa kanyang laptop.

"Siguraduhin mo lang," he told me without looking at me.

I grab my things at lumabas ako sa opisina niya. Nangingilid man ang luha ko, at least hindi ako umiyak sa harap niya.

I miss West. I miss him so much. Ang sakit sa puso na makita siya na ganito. Yung kada titignan niya ako parang gusto niya akong saktan.

Nakakainis isipin na ang dami namang hadlang. Alam kong sa isang relasyon, ang daming pagsubok. Kailangan daw yun para tumibay ang relasyon niyo.

Pero putakte naman oh. Ano ba namang pagsubok itong sa amin ni West?

Una, yung loka lokang apprentice ni Aphrodite na si Ayesha. Ngayon naman si Hades?

Sino na susunod? Si Voldemort? Si Dart Vader? Si Loki? Leche lahat na!

Nagbukas ang elevator at nagulat ako nang makita ko si Zyron.

Napa-kuyom ako pero pilit kong pinigilan ang sarili ko na wag sugurin ang hayop na 'to at saktan.

Siya ang may kasalanan. Kasabwat siya ni Hades. Akala ko tinanggap na niya nung panahong nag sacrifice siya para kay West.

Pero bakit na naman niya ginagawa ito?!

Napayuko ako at ayoko siyang tignan directly dahil baka makita niya ang galit sa mata ko.

Nilagpasan ko siya pero nagulat ako nang hawakan niya ako sa wrist.

Napalingon ako bigla sa kanya.

"Sir?"

I was taken a back dahil sa tingin niya sa akin.

He's looking at me as if he wanted to say something.

Parang nakikiusap?

Nagbago agad ang expression ng mukha niya at ngumiti siya.

"Welcome to the company," sabi niya.

Tumango ako.

"T-thanks sir."

He released my hand at dire-diretso siyang nag lakad papalayo.

What was that?

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro