Twenty First Shot

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Twenty First Shot

JILLIAN


"West is what?!" magkahalong gulat at natatawang tanong ni Ryan sa akin.

Hinampas ko siya nang mahina sa balikat.

"Wag kang maingay!"

Napatingin ako kay West habang kausap yung isang Japanese doon na pinapakitaan siya ng mga Sake nila o Japanese wine. Nandito kasi kami sa winery at mukhang interested itong si West bumili kaya naman si Ryan ang kasama ko ngayon.

"Ulitin mo ulit yung sinabi mo," sabi ni Ryan.

"Nagseselos si West sa'yo."

At tumawa ng malakas si Ryan.

Hinatak ko siya palayo bago pa siya mag agaw eksena doon.

"Wait, wait! Hindi ko kinaya," hinawakan ni Ryan ang tyan niya at pang hinang-hina siya kakatawa. "Sabi ko na, eh. Sabi ko na talaga kaya ganon makitungo sa akin si West! Ang pogi ko talaga!"

Hinampas ko ulit siya sa braso.

"Ang saya saya mo, ah!"

He grinned at me.

"So ito na ba ang panahong sasabihin mo sa akin na layuan na kita kasi nagseselos si jowa?"

"Heh! Hindi ko siya boyfriend. Hindi pa," at nginitian ko siya nang malawak.

"Hindi pa. Hay naku Jillian, hanggang kelan mo pa papatagalin? Mahal mo na, eh! Sagutin na siya!"

Napangiti ako.

"Oo dadating din kami doon."

Napabuntong hininga si Ryan and he gave me a genuine smile.

"I'm so happy for you. At least okay na kayo. At nakakatuwa kasi mas lalong naging meaningful ang pagpunta mo rito sa Japan."

Napatango ako.

"Hindi ko rin nga inexpect na ganito ang mangyayari sa akin."

Ipinatong ni Ryan ang kamay niya sa ulo ko at tinignan ako habang nakangiti.

"Tell West na wala siyang dapat ikaselos kasi wala akong balak na agawin ka sa kanya."

"Sasabihin ko hindi ka pa maka-move on sa ex mo kaya wala siyang dapat ipag-alala."

"Ang sakit mong mag salita Jillian!" sabi naman ni Ryan habang hinihimas-himas ang dibdib niya.

Tinawanan ko siya. "Pero bukas na ba talaga ang flight mo paalis? Hindi ka na sasama sa amin pabalik sa Tokyo?"

Umiling si Ryan, "hindi na, eh. I'm going to Singapore. May imi-meet akong kaibigan doon. Tapos siguro mag stay ako doon ng three days then I'll go to Korea."

"Wow. Wala kang balak umuwi sa Pinas?"

"Pag ikakasal na kayo ni West, uuwi ako."

"Sabi mo 'yan ah? Invited ka talaga!"

"Pag hindi si West ang pinakasalan mo hindi ako pupunta."

"Aba aba so lahat talaga kayo botong boto kay West 'no?"

"Syempre naman!"

"Eh ikaw kelan mo balak magpakasal? Imbitahin mo rin ako ah!"

Biglang lumungkot ang ngiti ni Ryan.

"Kapag nahanap ko na siya..."

"Hmm?"

"Ah, wait lang Jillian."

Lumapit si Ryan doon sa isang staff ng winery at may inabot na naman siyang paper crane.

Nang bumalik si Ryan sa tabi ko, tinanong ko siya kung para saan iyon.

"Nag babaka-sakali na bibisita siya sa Japan at makakarating sa kanya ang mga paper cranes. She'll know na hinahanap ko siya."

"Sino? Si almost girl friend?"

Tumango si Ryan.

"Her name is Serenity, and she's the reason why I'm travelling the world."

Natigilan ako sa sinabi ni Ryan and I look at him with a mixture of awe and disbelief.

"You mean to say, hinahanap mo itong Serenity na 'to sa buong mundo?"

Tumango si Ryan then he grinned at me.

"Yep. Ang romantic ko 'no? Romantic na dakilang tanga."

Napatawa ako nang mahina.

Ang romantic ng dating but yes, this is so absurd. Kaya lang ganun naman talaga ang nagagawa ng isang taong in love. Who am I to judge?

"Is she a Filipino?"

Tumango siya.

"Yep. She's a Filipino."

"Hmm hindi kaya nasa Pinas siya?"

"I doubt it. Hinding hindi siya uuwi sa Pinas."

"May I ask why?"

Ngitian niya ako.

"I don't think kaya kong ipaliwanag sa'yo."

Tumango ako, "I understand. Pero penge nung paper crane."

"Huh?"

"Just in case na makita ko siya sa Pinas."

Naglabas si Ryan ng purple na paper crane sa bag niya at inabot niya sa akin ito.

"Ito ang itsura niya."

May inabot siya sa akin na isang maliit na picture. Isang litrato ng babaeng mahaba ang buhok, medyo singit ang mata at may magandang ngiti.

"Oh, ang ganda ah."

"Naman!"

"Serenity huh? Sana mahanap mo na siya."

"Sana nga, Jillian. Sana nga."

~*~

"So, aalis na bukas si Ryan?" tanong ni West habang naglalakad kami palapit sa Osaka castle. "I mean, hihiwalay na siya sa atin?"

Tumango ako, "yep. Aalis na siya. Bukas na ang flight niya papuntang Singapore."

Napangiti si West, "buti naman."

Napangiti na lang din ako habang iiling-iling. Talagang napaka honest niya sa akin na masaya siyang aalis na si Ryan.

Napatingin ako sa harap at tanaw na tanaw na namin ang Osaka Castle.

Sa paligid ng dadaanan namin maraming hile-hilera ng mga punong wala pang dahon. Sabi ng tour guide naming si Chiharu, cherry blossom trees daw ang mga ito. Dahil nga first week pa lang ng March ngayon at patapos pa lang ang winter, hindi pa sila namumunga. Doon pa lang sa Izu kung saan kami dinala nung una may full bloom na ng cherry blossom.

Sayang!

"Pero sino mas pogi sa amin ni Ryan? Ako o siya?"

Napatingin ako kay West at halos matawa ako dahil seryoso nga talaga siya sa tanong niya sa akin.

"Hmm, sino nga ba?" sabi ko.

He look at me na para bang kabado si West sa magiging sagot ko.

Pinigilan ko talaga ang sarili ko na wag matawa at seryosohin itong tanong niya na 'to.

Sa trabaho, kapag nakikita ko si West, nag uumapaw ang self confidence niya. May aura siyang strikto at hindi gagawa ng mali. Yung datingan niya eh yung alam niyang tama lahat ng ginagawa niya.

Pero may side din pala siya na ganito. Yung side niya na kailangan niya ng assurance na sa paningin ko, mas lamang siya sa kahit na sino dahil siya si West.

Kung alam lang niya.

Napangiti ako, "si Ryan ang mas pogi."

"What?!" lumungot ang mukha niya. "Alam ko naman nag tanong pa ako. Sige bye."

Wow nag tampo agad.

"West! Saan ka pupunta?" natatawa tawa kong tanong habang naglalakad siya palayo.

"Magpapa gwapo."

"Mahal ata plastic surgery rito. Punta ka na lang kay Belo."

Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Sabi mo nung lasing ka ang gwapo ko."

Tumango ako, "yep, I said that. Hindi ko ide-deny yun."

"Sabi mo kapag lasing hindi nagsisinungaling."

Napangiti ako ng malawak, "that's right."

"Pero mas gwapo sa paningin mo si Ryan?"

Napatawa ako nang mahina, "ano ba ang problema, West? Ask mo si Beth sino mas gwapo."

"Wala akong paki sa opinyon ng iba. Opinyon mo lang ang mahalaga sa akin."

Hindi ko na mapigilan ang malawak na pag ngiti ko.

Hinawakan ko si West sa magkabilang balikat at medyo inilayo ko siya sa akin.

Huminga ako nang malalim.

"West, i-imagine mo na lang namumunga na yung mga cherry blossoms sa paligid natin para movie worthy ang dating. Akala ko kasi in full bloom na rin ito sa Osaka, eh."

"H-ha? Anong meron?" takang taka na tanong niya sa akin.

Huminga ulit ako nang malalim kasi pakiramdam ko parang naninikip ang dibdib ko. Kinakabahan ako na ewan. Halos pagpawisan ako kahit ang lamig lamig ng panahon.

Pero papatagalin ko pa ba?

"West, may pagka pabebe ako, pero slight lang. Mas naniniwala ako na pag gusto mo ang isang bagay, push lang nang push, wag nang magpatumpik tumpik pa at baka maunahan."

Tinitigan ko sa mata si West. He look so confused kung ano ang pinagsasasabi ko. Malamang tumatakbo sa utak niyan na lasing ako o naka drugs o may sayad. Baka nagdadalawang isip na siya kung bakit niya minahal ang isang tulad ko.

Shet Jillian. Focus okay? Focus.

"West, joke lang yung kanina. Mas pogi ka kay Ryan."

He blinked. At nakita kong parang hindi niya alam kung paano mag reresponse sa sinabi ko.

"Actually kahit kay Channing Tatum, Leonardo De Caprio, Orlando Bloom, Alex Pettyfer, Matt Bomer, Enrique Gil, James Reid at Daniel Padilla, mas pogi ka pa rin sa paningin ko. Hindi lang pogi, ang hot mo pa. At hindi mo alam kung gaano ako ka swerte na nagkagusto ka sa akin. Kahit gulong gulo ako sa una o feeling ko mabilis 'to o ano ba, insta-love ba 'to? Hindi ako naniniwala doon pero parang ganun ang nararamdaman ko. My point is, okay lang kahit wala kang masyadong alam sa kobe beef, o kahit naging masungit ka sa akin noon, o kahit seloso ka kasi wala kang dapat ipag-selos because I love you West and I want to be your girl friend."

West blinked again. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin na para bang nakitaan niya akong tinubuan ng pakpak sa likod.

Napayuko ako.

"God this is embarrassing," I muttered. "Shit West magsalita ka."

"Jillian," he breathed.

At dire-diretso siyang lumapit sa akin, hinawakan ang magkabilang side ng mukha ko, and started kissing me.

Pakiramdam ko parang may biglang dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Parang ramdam ko bigla ang pagikot ng buong mundo. Parang naging blurred lahat ng nasa paligid namin at wala na akong ibang naririnig o nararamdaman bukod sa ang labi ni West na nasa labi ko.

Napahiwalay kami pareho sa isa't-isa.

Kita ko ang pamumula ng tenga niya.

"Jillian I---"

"Don't," pagputol ko sasabihin niya. "Wag kang mag so-sorry kundi babayagan kita."

He grinned.

"I'm not planning to say sorry sa paghalik sa'yo. Ginusto ko naman, eh."

Napangiti rin ako.

"Good."

He touched my cheek and he gave me a genuine smile.

"Please be my girlfriend."

"Ako ang unang nag tanong."

"Please be my girlfriend," paguulit niya.

Napabuntong hininga na lang ako habang ang lawak nang ngiti sa labi ko.

Sige na nga. Let's do it his way."

"Yes, I'll be your girlfriend."

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni West at niyakap niya ako nang mahigpit.

"I love you. I love you very much."

"Me too, West."

Humiwalay siya sa akin at napatingin sa paligid. Napatingin din ako at ngayon ko lang napansin na people are giving us disapproving look dahil masyado kaming PDA dito sa gitna.

Nag init ang mukha ko. Nakita kong dumoble ang pamumula ng mukha ni West. Napatawa ako.

He held my hand.

"Let's go?"

"Let's go."

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro