Twenty Third Shot

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng




                 

Twenty Third Shot

JILLIAN.


"Are you nervous?" tanong ko kay West.

            "I'm not."

            Sinilip ko ang mukha niya.

            "Weh? Seriously?"

            He gave me an encouraging smile.

            "I'm okay."

            I grinned.

            "Ganito ka ba pag nasa eroplano? Buong byahe hindi ka halos kumikibo dyan. Takot ka sa heights?"

            Umiling siya.

            "No. Ilang beses na akong sumakay sa eroplano."

            "Eh ba't parang natatakot ka?"

            Lumunok siya.

            "Sino uli ang susundo sa'yo?"

            Ah kaya pala.

            "Si daddy at ang dalawa kong step brother."

            Hindi umimik si West nang pa take off na ang eroplano.

            Nasa Manila na kami.

            At halatang hala ko ang kaba nitong gwapong lalaki sa tabi ko.

            Hinawakan ko ang kamay ni West.

            "Don't worry, hindi ka naman siguro papatayin ni daddy."

            "Bakit parang hindi nakatulong ang sinabi mo?"

            Napatawa ako nang mahina.

            "Gusto mo ba na next time na lang kita ipakilala para makapag handa ka? Baka gusto mo pa kasing mag prepare ng makabagbag damdaming speech sa harap nila eh. O baka trip mong magpa lechon."

            "N-no. I'm okay. Gusto ko na talagang maging official tayo as soon as possible. Hihingin ko na ang blessings ng magulang mo."

            Napatawa ako ulit.

            "West! Ano ba! Yayayain mo ba akong magpakasal sa harap ng parents ko mamaya?"

            Nilingon niya ako, "pwede ko bang gawin yun?"

            Hinampas ko siya sa braso, "magpakilala ka munang boyfriend ko. Wag kang magalala, hindi ka babarilin ni daddy o nung mga kapatid ko. Mababait naman sila. Bago ka nila awayin, ako muna ang papagalitan nila."

            "That's the reason why I'm so nervous. Mamaya grabe silang magalit sa'yo."

            Nginitian ko lang.

            "Basta ipakita mo lang ang killer smile mo sa kanila. Charming ka naman, eh."

            He smiled back.

            "Really?"

            "Yes."

            He heave a sigh

            "Sana tablan sila ng charms ko."

            "Naman! Kaw pa ba?"

            Maya maya lang, nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin. Ang sakit ng leeg ko dahil sa four hours na byahe.

            "Paano ba 'yan pareng West. Ready ka na ba sa meet the parents?" nakangising tanong ni Cupid.

            Hindi siya pinansin ni West.

            "Wag kang mag alala, kung sakali mang mag b-background check ang tatay ni Jillian sa'yo, malinis na record mo. Ipinatumba ko na yung huling pinagbentahan mo ng droga."

            "Loko!" sabi ni West.

            Inakbayan ni Cupid si West.

            "Pero umamin ka, sulit ang 300k na ibinayad mo 'no? Nakapag Japan ka na, nagka girl friend ka pa ng baliw."

            "Hayop ka!" sigaw ko. "Ako ba ang tinutukoy mo na baliw, ha?!"

            "Ay hindi! Hindi ikaw ang tinutukoy ko. May iba pang naging girlfriend 'tong si West," sarcastic na sabi ni Cupid.

            Hanggang sa pag uwi sarcastic pa rin siya. Bwiset.

            "Jillian wag mo nang pansinin 'tong si Cupid," sabi naman ni Psyche. "Masyado lang siyang masaya na kayo na ni West."

            "At bakit naman?"

            "Ay naku kung alam mo lang!" sabi ni Cupid.

            Tinignan ko si West. Napayuko siya. Nilingon ko si Psyche, ngiting ngiti siya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Cupid.

            "At ba't naman ang saya-saya mo na naging kami na ni West?"

            Huminga nang malalim si Cupid.

            "Sige na nga sasabihin na naman ang totoo sa'yo, Jillian."

            "Huh? Totoo?"

            Biglang pumunta si West sa harap.

            "Hey. Are you serious? Are you going to tell her the truth?"

            "West? Ano yun?"

            Tinapik ni Cupid sa braso si West, "relax ka lang. Jillian will understand."

            "Ano nga yun?!" irita kong inis.

            Ayoko nung ganito, eh. Yung parang may malaking bagay akong na m-miss out tapos pinaguusapan nila ako kahit nandito lang ako sa tabi?

            At kinakabahan ako. Hindi ako mapakali.

            "Jillian the truth is," huminga nang malalim si Cupid.

            "Ano nga! Leche ah? Diretsahin niyo nga ako."

            Nag lean forward si Cupid at bumulong sa akin.

            "Virgin pa si West."

            Hindi ko alam kung gusto kong humagalpak ng tawa o sapakin itong si Cupid dahil sa ibinulong niya sa akin.

            Pero ramdam ko ang pag init ng mukha ko.

            "H-huy! Anong sinabi mo kay Jillian?" natatarantang tanong ni West.

            "The truth," nakangising sagot ni Cupid.

            Napatingin sa akin ni West na parang kinakabahan na ewan.

            "Jill.."

            I laughed nervously at tinapik ko si West sa braso.

            "O-okay lang yan. Pareho naman tayo."

            Napatingin si West kay Cupid.

            Ngumisi ang balahurang lalaki.

            "Edi ayos pala! Pareho pala kayong virgin! Galingan niyo na lang!" masiglang sabi niya at medyo napalakas pa ang boses niya kaya napatingin yung mga katabi namin na nagiintay sa mga bagahe nila.

            Mas lalong naginit ang mukha ko. Nakita ko rin ang unti-unting pamumula ng tenga ni West.

            Nakatanggap ng malakas na batok si Cupid mula sa kanya.

            "Aray ha! Ano ba! Concern citizen lang ako tapos ako pa nabatukan?!"

            "Mahal naman kasi! Ang kulit kulit mo!" saway sa kanya ni Psyche at hinila niya si Cupid papalapit doon sa mga lumalabas na bagahe kaya naman naiwan kami ni West doon.

            West cleared his throat.

            "Uhmm wag mo na lang intindihin yung sinabi ni Cupid. Wag kang maniwala dyan."

            Pinanliitan ko siya ng mata.

            "So hindi ka na virgin? Ganon?"

            "Hindi! I mean yes! N-no. I-I mean I'm still—y-you know."

            Napakamot siya sa likod ng tenga niya.

            "Wala akong naintindihan sa sinabi mo."

            Napayuko siya.

            "H-hindi ko pa ginagawa ang bagay na yun."

            "Aahhh. Really?"

            "O-oo nga!"

            "Ba't parang nahihiya ka? Masama ba na virgin pa ang isang 24 years old na lalaki?"

            "H-hindi. Hindi lang ako comfortable sa ganyang topic."

            "Asus!" siniko ko siya. "Nahiya pa siya."

            Mas lalong namula ang mukha ni West.

            Kawawa naman ang isang 'to. Kinakabahan na nga, inaasar pa.

            Isinukbit ko ang braso ko sa braso niya.

            "Ang pogi mo."

            Napangiti siya.

            "Thanks."

            Hinampas ko siya nang mahina.

            "Anong thanks?! Dapat sinabihan mo rin akong maganda. Aba abuso ka ha! Give and take tayo rito."

            Napatawa siya.

            "Sige na. Maganda ka."

            "Ano napilitan?"

            Umiling siya.

            "You're more than beautiful, Jillian."

            Hindi ko mapigilan ang paglawak nang ngiti sa labi ko.

            "Kilig ka naman!" sabi ni Cupid habang papalapit sa amin at dala dala na ang mga bagahe namin. "Binobola ka lang niyang si West. Ayan ang maleta mo, ang bigat bigat!" reklamo niya.

            "Bwiset ka kahit kelan. Panira ng moment leche," kinuha ko sa kanya yung maleta ko.

            "Wala manlang thank you?!"

            Nginitian ko siya, "you're welcome."

            Inismiran lang ako ni Cupid. Laki talaga nang problema ng isang yun.

            Sabay sabay kaming lumabas nina West at nakita ko naman agad sina daddy na papalapit sa akin.

            Ngumiti ako at kinawayan sila. Pero nagulat ako nang makita ko ang expression ng mukha ni daddy.

            Kunot ang noo niya, mukha siyang galit at nagmamadali siyang maglakad papalapit sa akin.

            Parang bigla akong kinabahan ng sobra.

            Teka, hindi naman kami magkaakbay ni West nung naglalakad palabas? Hindi naman mukhang kami? Alam na agad ni daddy bago ko pa sabihin? May nagsabi kaya sa kanya? Eh shet, sino naman?!

            Hinatak ako ni daddy at nagulat ako nang tignan niya nang masama si Cupid.

            "Stay away from my daughter," mariin niyang sabi rito.

            Napalingon ako kay Cupid. Seryoso siyang nakatingin sa daddy ko. Nawala na ang playful aura niya.

            "Wag mo na kaming guluhin," pagbabanta ni daddy.

            "D-daddy? Bakit? Magkakilala kayo? Ano yung sinasabi mo?"

            "Let's go, Jillian."

            "T-teka daddy!"

            Napatingin ako kay Cupid.

            "Ano 'to?"

            Hindi siya sumagot sa akin. Napalingon ako kay West. Halata rin ang gulat sa mga mata niya.

            "Daddy wait lang."

            "No! Uuwi na tayo!"

            At bago pa ako maka-angal, hinatak na niya ako palayo kina West.

~*~

WEST.

"What was that?!" tanong ko kay Cupid.

            Napabuntong hininga si Cupid.

            "Ayun ang asawa ng kapatid ko na ina ni Jillian."

            "Why is he mad at you? At nakilala ka niya?!"

            "Hindi ko binura ang alaala niya. Hindi ko pwedeng burahin ang alaala niya dahil pati ang memories ng kapatid ko, mawawala na sa kanya. I don't want to take that away from him. He loves my sister so much and I understand why he is so mad at me. Kasi katulad ni Ayesha, damay ako sa galit niya kung bakit namatay ang babaeng mahal niya."

            Napabuntong hininga ako.

            "Let me guess. Kagagawan na naman ni Aphrodite?"

            Tumango si Cupid.

            "Seriously, ano pa ba ang ibang ginawa ng iyong ina?!"

            "Ginagawa niya lang ang tungkulin niya, West."

            "Tungkulin?! Dahil sa tungkulin niya ang daming napapahamak!"

            "West, lagi silang binibigyan ng choice ni Aphrodite," sabi naman ni Psyche. "Laging may choice. At kung ano man ang nangyari sa kanila, ayun ay dahil sa pinili nila. May mga katungkulan silang tinalikuran, West."

            Napa-suntok ako sa pader sa gilid ko.

            "What should we do? Kung galit sa'yo ang daddy ni Jillian at nakita niya na kasama kita, malamang hindi niya na ito papayagan na lumapit sa akin."

            "Kakausapin ko siya. Kailangan niya malaman ang lahat ng tungkol kay Jillian." Nilingon ako ni Cupid, "yung compass?"

            "I gave it to her."

            Tumango siya.

            "I can feel that she's in danger, West."

            Napaangat ang tingin ko kay Cupid.

            "P-pero nasa kanya ang compass. It will keep her safe right?"

            "It will. Pero ikaw ang inaalala ko. Dahil ibinigay mo ang proteksyon mo kay Jillian, maaring ikaw naman ang mapahamak."

            Napahinga ako nang malalim.

            "As long as she's safe.."

            Tinapik ako sa balikat ni Cupid.

            "I will keep you both safe, West. I promise that. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa inyo ni Jillian."

To be continued...


Aly's Note


Alam kong may mga mag co-comment na "MAGKAKILALA SI CUPID AT ANG DADDY NI JILLIAN?!"

Back read na lang po sa SWSCA chapter 33 :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro