Chapter 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 18 ♡__♡

Ika-walong henerasyon na si Dane ng kanilang pamilya kaya maraming antigong muwebles sa palibot ng malaking bahay. Ngunit hindi niya magawang ipagmalaki ang mga munting kayamanang naipon ng mga ninuno. Alam kasi niyang walang halaga kay Czarina ang kayamanan.

Muling inalihan ng agam-agam si Dane nang manatiling tahimik si Czarina hanggang sa makapasok sila sa loob ng marangyang tahanan ng mga magulang. Parang wala ito sa sarili. Parang tau-tauhan lang na sumusunod sa bawat iutos niya.

Isang katulong ang sumalubong sa kanila.

"Good afternoon, Sir Dane. Nandoon po sina Sir at Ma'am sa Conservatory"

"Salamat, Aling Inday"

Buong pagsuyong hinawakan ni Dane ang isang siko ni Czarina habang naglalakad sila. Gusto niyang magsalita ang dalaga para malaman naman niya kung ano ang iniisip nito.

Ngunit wala rin siyang lakas ng loob na mag-umpisa ng pag-uusap kaya hindi na rin umimik hanggang sa makarating sila sa kinaroroonan ng mga magulang niya.

Naramdaman ni Dane ang pagkamangha ni Czarina nang Makita ang mag-asawang Donald at Soledad Villafuerte. Nahulaan niya agad kung bakit nagulat ang dalaga.

Ang mag-asawang Villafuerte kasi ay isang elderly couple na. Mas mapapagkamalang grand-parents dahil nasa early seventies na. May edad na kasi nang magsipag-asawa kaya medyo naging pasunod na sa pagpapalaki sa mga anak, lalo na sa bunsong si Nicole.

Hindi rin mapapagkamalang ubod ng yaman ang dalawa dahil ang kasuotan ay simple lang bagama't may kalidad ang uti at yari. Si Mrs. Villafuerte ay walang suot ni isang alahas. Gardening day marahil ngayon. Pihong naging abala sa pagbubunot ng mga damo sa hardin ang mag-asawa.

"Iho, mabuti't dumalaw ka. Ang balita ko'y naka-vacation leave ka ngayon?"

Pulos puti na ang maikling buhok ni Donlad Villafuerte. Nakangiti ito habang kuryosong nakatingin kay Czarina.

"Sino ang kasama mo, Dane?"

"Kaibigan ko si Czarina, Papa. Isa siyang modelo"

"Ah, gagawa ka siguro ng seksing advertisement ng mga produkto natin, ano?" ang pabirong wika ni Mr. Villafuerte habang kinakamayan ang dalaga.

"Good afternoon, Sir"

Kimi ang ngiting nasa mga labi ni Czarina habang nakikipagkamay sa matandang lalaki.

"Oy, huwag mo ngang sarilinin ang bisita ng anak natin"

Sumabad ang matandang babaeng nakaupo sa isa sa mga rattan chairs.

"Sino ba 'yang dalagang kasama mo, iho?"

"Si Czarina, Mama. Kaibigan ko"

"She's beautiful, iho" papuri ni Soledad Villafuerte habang sinisipat ang dalaga.

"Thank you, Ma'am. Good afternoon po"

Magalang ang pahayag ni Czarina.

"Good afternoon din, Czarina. Come and sit beside me, iha"

Tinapik ng ginang ang katabing rattan chair.

Lihim na ikinatuwa ni Dane ang ginawa ng ina. Bihira kasing magpakitang-giliw si Soledad Villafuerte sa mga babaeng nagiging bisita ng anak na binata.

Sumegunda sa pagpapakitang-giliw si Donald Villafuerte kaya ilang sandal lamang ay halatang na-relaxed na si Czarina. Nakangiti na ito habang nakikinig sa mga kuwento ng mag-asawa tungkol sa mga anak. Nagtatanong pa nga ito ng tungkol sa childhood ni Dane.

Matapos magsalo sa isang espesyal na meryenda, namasyal sila sa paligid ng maluwang na bakuran. Ipinagmalaki ni Mrs. Villafuerte ang herbal garden. Ang vegetable garden naman ang hobby ni Mr. Villafuerte.

Hindi nila namalayan ang matuling paglipas ng mga oras. Hanggang sa mag-imbita ang matandang babae.

"Dito na kayo mag-dinner, iha"

Si Czarina ang inimbita ni Mrs. Villafuerte.

"Magpapahanda ako ng espesyal na hapunan"

"Po?"

Huminga ng saklolo ang pagsulyap ni Czarina kay Dane.

"Sa ibang araw na, Mama. May pupuntahan pa kami ni Czarina"

"Buweno, bumalik kayo dito next week"

"Huwag mong kalimutan dalhin dito si Czarina sa isang linggo" segunda ni Mr. Villafuerte.

"Magpapaalam na kami sa inyo, Mama, Papa. Thank you for giving us an enjoyable visit"

"Tingnan mo nga ang anak naming, Czarina. Napakapormal, ano?"

"Marunong din pong maging presko si Dane paminsan-minsan, Ma'am"

Magaan ang pahayag ni Czarina.

Malaki ang nabawas sa tensiyon ni Dane nang marinig ang sinabi ng dalaga. He tried not to raise his hopes too high. Ayaw niyang umasa nang husto pero ang kanyang paningin ay laging napapasulyap sa Bundok Santillan na natatanaw mula sa kinatatayuan ng Villafuerte Residence. Marami na ang nagsabing may mahika ang tinaguriang Bundok ng Pag-ibig ngunit ngayon lang niya susubukang humiling.

'Ibigin din sana ako ni Czarina...'

"Hay, oo nga, iha"

Tumawa nang malakas ang matandang babae.

"Nagmana kasi sa kanyang Papa, kaya may kaunting kayabangan si Dane. Naku, pagpapasensiyahan mo na lang sana siya palagi, ha?"

"Ang Mama talaga, walang bilib sa akin. Imbes na ipagtanggol ako, inihulog pa ako"

Nagbiro si Dane sa ina.

"Nagagalak kaming makilala ka, Czarina. Sana ay magustuhan mo kami bilang mga bagong kaibigan mo"

Czarina was overwhelmed. Halos hindi nakapagsalita. Gayunman, nangusap naman ang mainit na ngiti ng dalaga.

Matapos ang mahabang paalam, nakasakay na uli sa kotse sina Dane at Czarina. Kumaway silang dalawa bago tuluyang nakalabas sa tarangkahan ang sasakyan nila.

Malayu-layo na ang kanilang nararating nang ihinto ni Dane sa road shoulder ang kotse. Bigla na lang niyang naramdaman ang matinding pagnanais na kausapin na nang masinsinan ang dalaga.

"Bakit tayo huminto?"

Napamaang si Czarina dahil wala namang pasyalan o tindahan ang lugar na hinintuan nila.

"Will you marry me, Czarina?"

Walang abug-abog ang pagnulas ng marriage proposal mula sa bibig ni Dane.

"Ha?"

Nanlaki ang mga mata ni Czarina.

"Gusto kong pakasalan kita, Czarina. Sabihin mo n asana sa akin kung ano ang dapat kong gawin para pumayag kang magpakasal sa akin"

Nagsusumamo na ang taimtim na tono ng pagsasalita niya.

"Please, tell me. Luluhod ako sa harapan mo..."

"No!"

Czarina was scandalized.

"No, don't beg, Dane. Isa lang ang gusto kong malaman mula sa'yo"

"Ano 'yon?"

"You can have me already anytime. Bakit gusto mo pa akong pakasalan?"

Naumid ang dila ni Dane. Para kasing inilagay siya sa bingit ng isang matarik na bangin. Isang pagkakamali lang, tiyak na mahuhulog siya. Mawawala ang kaligayahan niya, pati ang kinabukasan.

'Oh, God, ano ba ang dapat kong sabihin sa babaeng ito?'

Nanalangin sa loob ng isipan si Dane.

Dininig naman ng nasa Itaas dahil ginamit ang puso niya.

"Because I love you so much, Czarina"

Sinseryo ang simpleng pahayag na iyon.

"Oh, Dane!"

Gumaralgal ang boses ni Czarina.

"You are my life. You are my happiness" patuloy ni Dane.

Pawang nagmumula sa kanyang puso ang mga katagang sinasambit.

"Mahal na mahal na mahal kita, Czarina"

"Oh, Dane! I love you, too!"

Muling napabulalas si Czarina

"Yes! Yes, I shall marry you!"

"Czarina? Totoo ba ang narinig ko?"

"Oo, Dane. Magpapakasal na ako sa'yo ngayon"

"Paano--? Bakit--?"

Dane was still dazed. Hindi pa rin siya makapaniwalang napa-oo na ang dalaga sa marriage proposal niya.

"Ano ba ang hindi ko ginawa noong tumanggi ka?"

"Marami"

Matamis nang ngiting sumilay sa mga labi ni Czarina.

"Una, hindi mo sinabing pag-ibig ang dahilan ng pagpapakasal mo sa akin. Ikalawa, ngayon lang kita nakilala nang lubos"

"Oh! Czarina! I guess, pareho lang tayo. I was so arrogant then. Inasahan kong susunggaban mo ang marriage proposal ng isang Dane Niel Villafuerte kahit hindi pa ako nagpapakilala sa pamilya mo. Tinuruan mo ako ng leksiyon noon"

"Sinaktan kita noon, Dane. I'm sorry"

"But I thanked you. Dahil kung hindi mo ako tinanggihan, baka hanggang ngayon ay napakalaki pa rin ng ulo ko"

"Nagsisi ako noong nakipaghiwalay sa'yo. kaya nagpasalamat ako nung bumalik ka—kahit malinaw na naghihiganti ka lang"

Dane groaned.

"Pasensiya ka na, sweet-heart. Nasaktan ang ego ko noon, pero nagbago agad ang damdamin ko nang malaman ko ang tungkol sa iyong mga magulang"

"Naging manhater ako dahil sa pang-iiwan sa amin ni Papa"

Naalala ni Dane si Mary at ang pakikialam niya sa modeling career ni Czarina nang marinig ang katagang 'manhater'

"I have a sin to confess, Czarina. I fervently hope that you could forgive me"

"There's nothing to forgive" ang maagap na salo ni Czarina.

"Narinig ko ang pag-uusap n'yo ni Mary"

"Ha? Paano?"

"Nakinig ako sa extension telephone na nasa kuwarto"

"Oh"

Nanliit si Dane.

"Patawarin mo ako, Czarina. Nagpakababa ako kanina...."

"Ssh... Wala kang dapat ihingi ng tawad, Dane. Gano'n din ang desisyon ko. Hindi ko pala kayang sikmurain ang trabahong tinanggap k okay Mary"

"Talaga?"

"Oo. Mayroon na siyang improvement kaya naniniwala akong sandaling panahon na lamang ang ilalagi niya sa Secret Garden. Kakasya na sang savings at ang pagbibilhan ng mga antique items sa bahay namin"

Seryoso ang mahabang paliwanag ni Czarina.

"Hindi ko na kailangang isakripisyo ang self-respect ko para maipagamot si Mama"

"I'm glad to hear that, Czarina. Nabigla ako nang marinig ko ang tungkol sa Thailand assignment mo"

"Kaya pala parang tulala ka kanina"

"Nabigla uli ako ngayong pumayag ka nang magpakasal sa akin, mahal ko"

"Sana naman ay hindi ka na tulala ngayon. I want to seal our engagement with a kiss"

Malinaw na naintindihan ni Dane ang tinuran ng bagong fiancée. He kissed her soft lips tenderly."My curiosity is killing me, Czarina. Hindi na ako dapat magtanong pero gusto kong malaman kung ano ang nagpabago sa isip mo—bukod sa pag-big ko sa'yo"

"Lalong nawalan ng kulay ang buhay ko nung hiwalayan kita. Palagi kitang naiisip sa lahat ng sandali. Naalala ko ang mga katangian mong nagustuhan ko"

"Anu-ano naman ang mga katangiang iyon?" he asked eagerly.

Czarina smiled at him impishly. Nangislap ang mga mata ng dalaga matapos ngumiti nang pabungisngis sa kanya.

"Maginoo ka, lalo na sa mga matatanda. Napansin din 'yan agad ni Tiya Arlene. Ipinakita mo rin ang sipag at tiyaga mo nung nanliligaw ka at nung naglilinis ka sa masukal na bakuran namin"

" 'Yan lang?"

Kunwa'y nadismaya si Dane pero ang totoo ay umaawit na ang puso niya sa galak.

"Wala ba 'yung mapagmamahal ako? Maalalahanin?"

Tuluyan nang napahagikgik si Czarina pero nagseryoso din agad

"The greatest compliment I could give you is by falling in love with you with all my heart, mind, body and soul"

Naantig nang husto si Dane. Ganito ang pinakamimithi niyang mangyari noon. At ngayong natupad na, labis-labis ang kaligayahang nadarama niya.

"Saan tayo magpapakasal"

He whispered a question.

"Puwede ba sa Santillan's Chapel?"

"Puwedeng-puwede. Kukunin nating ninong at ninang sina Senyor Robert and Senyora Emelia"

Isang halik uli ang iginawad ni Dane sa mga labi ni Czarina.

"Saan naman ang honeymoon?"

"Thailand?"

"Oh, no...pero kung doon talaga ang gusto mo...."

"Anywhere, my lover"

Pumulupot ang mga braso ni Czarina sa leeg ni Dane.

"I'll be happy wherever you are"

"Let's go home, darling" he groaned his request

"My home is you, sweetheart"











E.N.D

Hi Guys,

       Thank you for supporting this story. Sana po palagi nyo sanang basahin paulit-ulit. Huwag nyo po sanang kalimutan i-Vote at Comment po. Malaking bagay po iyon sa'kin.
         Salamat sa nagsubaybay ng kwentong ito. ^__^
         I hope you guys still keep supporting all Publish story her..

Thank you guys!!! ♡♡♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro