Chapter 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 3 ¤__¤

Agad na nagpaalam si Dane sa bayaw at sa kapatid nang makabalik sila sa lamesa. Walang imik si Czarina pero nakikinig at nagmamasid siya.

Walang nagawa si Nicole kundi pukulin ng matalim na irap si Czarina nang inaakalang walang nakakapansin.

Hindi naman nagpakita ng reaksiyon si Czarina. Bakit pa? Malapit na siyang maglaho sa mundo ng mga Villafuerte......

"Ikaw na ang bahala kay Nicole at ako na ang bahala sa restaurant bill" habilin ni Dane sa bayaw.

"Oo, Kuya. Maraming salamat. Pasensiya ka na, Czarina" wika ng hiyang-hiya pa ring si Albert.

Ikiniling ni Czarina ang ulo at pinilit na ingiti ang bibig.

"Goodnight to both of you" sambit niya.

"Happy birthday uli, Nicole"

Nakipagbeso-beso pa siya sa mag-asawa bilang pakitang-tao.

"Thank you. Oy, 'pakita mo sa akin ang pasalubong sa'yo ni Kuya, ha?"

Nicole said with no trace of sensitivity in her little-girl voice.

Hindi na tumugon si Czarina dahil hindi naman naghihintay ng sagot si Nicole. Ang talagang pakay nito ay makapang-inis lang.

At ang tanging kalasag ni Czarina ay isang blangkong maskara. Bata pa siya nang matutunan ang pinakamabisang panlaban sa isang mundong mapanghusga at mapanuri ay magkunwaring manhid at bulag.

Hawak pa rin ni Dane ang kamay ni Czarina habang tumatawid sila sa gitna ng restauran, patungo sa maluwang na pintuan. Wala siyang lingun-lingon sa paglalakad dahil ayaw niyang makakita ng mga matang nakatingin sa kanya kahit nararamdaman niyang sinusukat siya. Tinitimbang siya.

"Pasensiya ka na sa kapatid ko. Medyo tinablan na siguro sa ininom na alak kaya naging matabil na" sambit ni Dane nang nakasakay na sila sa elevator.

Kahit hindi nakainom si Nicole ay talagang matalas ang tabas ng dila. Ngunit hindi niya gustong magkagalit ang magkapatid kaya tumango si Czarina.

"Naiintindihan ko"

Hindi siya sumulyap sa katabi. Nakatutok ang kanyang mga mata sa metal na sahig.

Bumuntong-hininga si Dane bago nagpatuloy.

"Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideyang wala sa isip natin ang pagpapakasal"

Bumuntong-hininga rin si Czarina kaysa umamin na siya ang nagbigay ng ideya kay Nicole.

"Hindi ganito ang pinlano ko para sa unang gabi ng pagbabalik ko buhat sa New York" dugtong pa ni Dane

"I didn't expect that Nicole would ruin our first evening together"

Halos dalawang linggo nawala ang lalaki. Marami itong inasikasong negosyo sa ibang bansa, particular na nga sa New York.

"Our first evening together is not yet ruined" pagtatama ni Czarina

"Ngayon pa lang nagsisimula ang unang gabi natin, hindi ba?"

"Una at Huli...."

Bulong ni Czarina sa sarili.

Napatitig si Dane kay Czarina.

"Alam mo tama ka" he whispered huskily.

Unti-unting pumungay ang mga mata.

"Kalimutan muna natin si Nicole" mungkahi ni Czarina habang hinahaplos ng hintuturo niya ang ibabang labi ni Dane.

"Kalimutan muna natin ang buong mundo"

"Paano?"

A thick masculine eyebrow curved upwards quizzically.

"Isipin mo lang na nasa isang isla tayo" tugon ni Czarina.

"Nasa gitna iyon ng malawak na karagatan at malayung-malayo sa kabihasnan"

Isang marahang ngiti ang sumilay sa sensuwal na bibig ni Dane.

"Doon ka ba nagpupunta kapag nawawala ka?" he asked in a wondering tone

Napamaang si Czarina.

"Alam mong nawawala ako.....?"

"Oo"

Dane kissed the tip of her nose.

"Kabisado ko na ang mga palatandaan kapag lumilipad sa malayo ang isipan mo"

"Oh"

Unti-unting bumalik sa normal ang paghinga ni Czarina. Ang akala niya ay alam na ni Dane ang tungkol sa kanyang sikreto.

"Paminsan-minsan, masarap mangarap nang gising" nag-adlib siya sa magaan na tono.

"Dreamer ka pala"

"Libre ang mangarap"

Isang malungkot na ngiti ang kusang sumilay sa bibig ni Czarina.

"Ano naman ang malimit mong mapangarap?"

Nagkabit ng mga balikat si Czarina.

"Kung anu-ano lang...... Word peace, happiness ang success for everyone...." she said carelessly.

Sinasadyang maging mababaw ang dating.

" 'Yung para sa sarili mo lang ang gusto kong malaman" Dane specified.

"More projects and more assignments, siyempre" she replied flippantly.

Tumawa si Dane pero nagseryoso agad.

"Mahirap ang trabahong modeling. Hindi ka ba nag-iisip ng career switching?"

"Wala na akong ibang alam na skill kundi modeling"

"What about having a business of your own?"

Nakaligtas sa pagsagot si Czarina nang bumukas ang kambal na pintuan ng elevator. Ang Paradise Suite ay nasa ground floor. Isa iyon sa dahilan kung bakit nagustuhan niya ang suite. Madaling umalis tuwing iniiwan niya sa madaling-araw si Dane.

"Idaan na natin sa desk ang credit card ko" wika ng lalaki

Ganito rin ang ginawa nito sa restaurant kanina. Idinaan sa cashier ang American credit upang mabayaran na ang mamahaling dinner treat para sa birthday ng bunsong kapatid.Umiling si Czarina.

"No need" tanggi niya

"Binayaran ko na"

Binawasan niya nang malaki ang savings dahil importante para sa kanya ang mabigyan ng isang memorable night ang lover.

Gusto niyang maging maganda ang mga huling alaala bago sila maghiwalay ng landas ni Dane Niel Villafuerte......

"Let me reimburse you"

"No"

Napadiin ang pagsuksok ni Czarina sa doorkey kasabay na mariing pagtanggi.

"Consider it a gift"

Natigilan ang lalaki.

Nakapagsalita lang uli ito nang nakapasok na sila sa suite.

"Ok, I won't insist but you will accept my own gift for you"

"Tatanggapin ko kung hindi masyadong mamahalin"

"Hindi kita bibigyan ng hindi mamahalin. You are so precious to me"

"Then you have to settle for another rejection" she quipped nonchalantly.

Inilapag ni Czarina sa ibabaw ng dresser ang pulang handbag, na katerno ng pulang evening dress.

"But that's unfair, Czarina" he complained gently

"Ang tinatanggap mo lang sa akin ay mga bulaklak---na kailangang hiningi ko lang. Samantalang ikaw ay napakarami nang ibinigay sa akin"

"Let me have a bit of self-pride, Dane" katwiran niya

"Ang kagandahan ko lang ang ipinagbibili ko---hindi ang buong sarili ko"

"Hindi naman kita binibili, ah?" Dane protested

"I just want to shower you with gifts because you please me very much"Czarina smiled a meaningless smile.

"Speaking of shower, mauuna na ako sa bathroom"

"Magaling ka talagang umiwas, Czarina" he disapproved in frustration.

"This is our first night after two weeks of separation, Dane" Czarina pointed out

"Don't ruin it" utos niya bago hinila pasara ang pinto ng banyo.

Maingat na hinubad ni Czarina ang evening dress, underwear at stockings bago iniayos sa isang hanger na nakasabit sa likod ng pinto.

Ibinalot niya ng tuwalya ang mahaba at alun-along buhok bago nag-shower nang maligamgam. Sinabon niyang maigi ang buong katawan. Gusto niyang maging mabangung-mabango para kay Dane.

"Bakit ini-lock mo ang pinto?" ganito ang masuyong pasalubong ni Dane nang lumabas si Czarina sa banyo.

"Sasabay sana ako sa'yo"

Ngumiti nang matamis si Czarina. Balot na balot siya ng malaking toweling robe at bath towel mula ulo hanggang sa sakong. Over-sized ang roba kaya pati ang mga kamay niya ay nakatago rin sa maluluwang na manggas.

"Dalian mong mag-shower" wika niya

"Ok. Hintayin mo ako, ha?"

"Bilisan mo. Baka tulugan kita" ang pabirong pahabol ni Czarina

"Isang minute lang" pangako ni Dane.

"Wait for me!"










ABANGAN......

VOTE & COMMENT...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro