Chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 5 +__+

"Bakit---bakit parang napaka-aggressive mo ngayon?"

Nagtataka pa rin talaga si Dane. Nagtanong ito kahit paos na paos pa rin ang tinig at kahit naghahabulan pa rin ang pagkabog ng dibdib. Pabugso-bugsong dumadapyo sa sensitibong balat ng leeg niya ang mainit na hininga.

"Maybe, I missed you so much as you did?" she whispered lightly.

Kunwari lang ang pabirong tono para maitago ang pangungulilang nadarama. Isipin pa lamang na malapit na niyang wakasan ang mga sandaling kaligayahan sa piling ng lalaking ito, nasasabik na agad siyang makaniig muli ang mangingibig.

"I'm glad, Czarina"

He was delighted. Natuwa si Dane. Tumagilid ito sa pagkakahiga sa tabi ni Czarina upang matunghayan ang kanyang mukha.

"That's a good sign, darling" ang masuyong sambit pa nito.

Czarina was unnerved with his joy. Kabaligtaran kasi ng lungkot sa dibdib niya ang katuwaan ni Dane.

"What do you mean?" maang niya

"Gusto ko rin sana kasing yayain kang magsama na tayo" he uttered the suggestion so casually.

Kaswal ang pagkakasambit pero seryoso ang mukha ni Dane.

"Gusto mong....magsama....na....tayo?" ang pautal na ulit ni Czarina

She was breathless once again. Parang mapupugto na ang hininga niya.

"I'll buy you a beautiful house" pangako ni Dane.

He sounded so eager.

"Kahit saang subdivision mo gustuhin, pero dapat ay malapit lang sa bahay ko para madali akong makakapunta sa'yo" he elaborated in a very pleased tone.

"Gusto mong..... mag-live-in tayo?" Czarina wanted to be sure.

"Sa umpisa lang naman tayo magli-live-in, darling" pang-aalo ni Dane.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kapag nakapag-adjust na tayo sa isa't isa, I want to marry you"

"No!"

Hindi napigil ni Czarina ang mapabulalas nang marinig ang salitang 'marry'. May nakakabit na trauma ang katagang iyon. Bumalikwas siya ng bangon. Gusto niyang makalayo agad kay Dane.

"Bakit?"

Nagulat si Dane kaya hinayaan siyang bumangon.

"Czarina, ano'ng masama sa sinabi ko? Bakit ganyan ang reaksiyon mo?"

Pumitlag si Czarina nang hawakan ni Dane isang braso niya. parang napaso. Tuloy-tuloy na tumindig. Dali-daling dinampot ang roba sa sahig at isinuot. Nanginginig ang mga daliri niya kaya hindi maibuhol ang tali ng roba. Hinapit na lamang niya ang mga lapels sa harapan at niyapos nang mahigpit ang sarili.

"Sumisira ka sa kasunduan natin" she accused him shakily.

Humarap siya sa lalaki ngunit hindi makatingin nang diretso.

"Ano'ng kasunduan?"

Maliksing tumayo si Dane. Dinampot nito ang tuwalyang nasa sahig at itinapis sa beywang.

"No strings attached. No commitment"

Tumalikod siya upang hindi ma-distract sa mabalahibo at maskuladong dibdib.

"That's a ridiculous agreement" pakli ni Dane. Nakakunot ang noo.

"You mean, hindi ka seryoso sa kasunduan natin?"

"Imposibleng hindi tayo magkaroon ng commitment sa isa't isa. We've been lovers for more than seven months"

Padaskol na ang pagsasalita ng lalaki. Halatang nagpipigil ng iritasyon.

"Pero ganyan lang ang relasyong gusto ko!" giit ni Czarina.

"Ayokong magkaroon tayo ng commitment sa isa't isa"

"Czarina!"

Papiksing tumalikod si Dane. Lumakad palayo pero agad ring bumalik para harapin siya.

"Kundi lang kita nakuhang virgin, iisipin kong nagtu-two-timing ka!" he expressed with sheer frustration.

Parang sinampal si Czarina. Dagling nagsikip ang dibdib niya. Ngunit sa halip na ipagtanggol ang sarili, minabuti na lamang na tumakas. Nagdumali siyang tumalikod para lumabas ng silid-tulugan.

"Saan ka pupunta?"

Tinugis siya ng matigas na tinig ni Dane.

"Iinom ako ng tubig" she mumbled as she hurried outside.

Mahina ang pagsagot niya dahil basag na ang tinig.

Sumunod si Dane ngunit hindi agad nagsalita. Nagpalakad-lakad lang muna habang ini-inom ni Czarina ang mineral water na nanggaling sa mini-refrigerator.

"Ano pa ba ang hahanapin mo sa akin, Czarina?"

Malumanay na ang boses ni Dane. His tone was reasonable.

"I am an eligible bachelor. Hindi ako nagyayabang kapag sinabi kong maraming babae ang mag-aagawan sa akin"

"That's true" sang-ayon ni Czarina.

Mahinahon na rin siya. She swallowed her agitation forcefully.

"Pero ano ba ang nakita mo sa akin?" ganting-tanong niya.

"You are beautiful and sexy. You have a class"

Walang gatol ang tugon ni Dane.

"And we're great in bed"

Czarina tried not to wince. Kahit desidido siyang manatiling mistress lang ni Dane hanggang gusto nito, medyo naiinsulto pa rin siya kapag pinupuna ang sensuwalidad niya. nahihiya pa rin siya sa kanyang sarili sa tuwing naaalala ang mga erotikong sandal sa piling ng lalaki.

"Thank you" she whispered.

Her voice was husky with humiliation.

"Excuse me---"

Pupunta na siya sa banyo para magbihis.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Czarina"

Pinigil siya ni Dane.

"I've---I've nothing to say anymore" nakayuko si Czarina.

Nakayapos nang mahigpit ang mga braso sa sarili.

"Gusto kong marinig ang sagot mo sa marriage proposal ko"

"The answer is no" pakli niya.

Pigil-pigil ang nagpupumiglas na damdamin.

"Bakit?"

Dane seemed genuinely bewildered.

"Bakit?!" paimpit ang pagbulalas ni Czarina.

"Nagtatanong ka pa?" she retaliated desperately

"Sa umpisa pa lang, sinabi ko na sa'yong ayoko ng long-term commitment. At sinabi mo naman na ayaw mo rin ng permanenteng relasyon. Ipinaintindi mo sa akin na masawain ka, hindi ba?"panunumbat niya.

"Noon 'yon" Dane retaliated angrily

"Sinabi ko noong hindi ko na kailangang magpakasal dahil nabigyan na ni Nicole ng apo ang mga magulang ko. Pero nagbago na ang prioridad ko. Gusto ko nang magka-asawa't mga anak ngayon"

Pumikit nang mariin si Czarina. Gumiti ang mga butyl ng luha sa mga mata niya. Gusto na niyang bumigay. Dahil ang maging asawa ni Dane ay isang pangarap ng natupad. Ang maging ina ng mga anak ng lalaking natutuhan nang ibigin ay magbibigay sa kanya ng lubos na kaligayahan....

Ah, sino ba ang niloloko niya?

Sa fairy tale lang nangyayari ang mga bagay na perpekto. At malayong mangyari kay Czarina ang mga bagay na masasaya dahil hindi siya naniniwala sa mga fairies.

Isa siyang sinikal na babae. Bata pa siya, alam na niyang hindi para sa kanya ang love ang marriage stuff!

"I want to know you better. Seven months na tayo pero ni isang detalyeng tungkol sa'yo wala pa akong nalalaman."

Nagpatuloy sa pagsasalita si Dane nang hindi na umimik si Czarina. Ang tono ay mababa at nang-aamuki.

"Hindi ko alam kung saan ka nakatira. Hindi ko alam kung sino ang mga magulang mo. Ang edad mo at ang cellphone number mo lang ang alam ko"

"Our set-up suited us perfectly before. Bakit kailangan mo pang alamin ang mga walang kuwentang bagay? Kilalang-kilala mo na ang katawan ko"

Nangatwiran si Czarina kahit parang gumagapang ang balat niya.

"Hindi na ako kuntento sa physical relationship lang" pagtatapat ni Dane.

"I want to own all of you"

"No!"

Nanlaki ang mga mata ni Czarina. Papilig siyang umiling. Pinilit iwaksi ang pagkagimbal.

"I'm sorry Dane" sambit niya

"Sa ibang babae mo na lang ialok ang marriage proposal mo"

Tumalikod siya at maliksing lumakad palayo.

"Czarina, hindi ako nagmamadali"

Humabol ang maskuladong boses ni Dane.

"Pag-isipan mo munang maigi ang tungko sa pagpapakasal mo sa akin"

"Hindi magbabago ang desisyon ko" ang mariing pahayag ni Czarina.

Huminto siya sa aktong pagpihit sa door knob ng bathroom door.

"Mas gusto kong manatiling mistress mo kaysa magigg legal wife mo!"









ABANGAN......

VOTE & COMMENT...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro