Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, laws, principle, characters, business, places, event and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.

~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~

Nakatingin lang ako sa bintana ng aming classroom, pinapanood ang ilang paro paro na nag liliparan mula sa mini garden na pinag gigitnaan ng building kung saan ang aming room. Nasa ikatlong palapag ang room kung nasaan ako kita din ang ang nag gagandahang bulaklak na bunga ng isang puno.

Napapikit naman ako dahil sa gandang musika na syang pinapakinggan ko mula sa aking earphone, isang klasikong musika ang aking ang pinapakikinggan sa pamamagitan naman nito ay narerelax naman ang buong pagkatao ko. Idinilat ko muli ang mga mata ko at tumingin ulit sa labas.

Lunch break kaya madaming mga estudyante na asa baba ang iba ay nasa bench ng garden ang iba ay nakaupo sa Bermuda kung saan nila nilapag ang blazer nila na parte ng uniporme namin bago sila umupo.

Dahil tamad akong bumaba sa canteen ay ayaw ko rin naman makipag siksikan dun kaya nag pa bili na lang din ako ng lunch sa mga kaibigan ko para dito na lang kami sa room kumain.

Kunot ang noo kong Nilingon ang taong nag hugot ng earphone ko "Gwyn! Gwyn!" alog ni Khaye ang isa sa bakla kong kaibigan

"Ano ba!" inis kong wika ko dito

"Tse! Gwyn Reese Manle" ani nya sa buo kong pangalan

"Tss bakit istorbo ka nag momoment ako dito e"

"Yung nga..." wika nya sa mababang tono "Si Jairus nakikipag suntukan!" sigaw nya

"Ha?!"

"Si Jairus nakikipag suntukan!"

"Ano?!"

"Si Jairus Gail Emerson nakikipag suntukan!"

"Ha ano?!"

"Ay paulit ulit tayo teh"

"Ganun talaga may masabi lang hehe" sumeryeso ako "Pero bakit ako ang tinatawag mo? Bakit hindi ka mag sumbong sa dean o teachers "

"Ikaw ang best friend nun. Kababata mo sya remember duh, tsaka sayo lang naman nakikinig yang bestfriend mo" inismiran naman nya ako

"Tss" tumayo ako at nilagay ang ang mp3 ko sa bag "Nasaan na ba?" wika ko bago kaming sabay na lumabas ng classroom "Ano ba nangyari?"

"Hindi ko alam ang nangyari, bumibili lang kami tapos biglang may nag kagulo pag punta namin dun nakita namin si Jairus, siempre umawat muna kami then shock na lang ang bakla ng biglang dumating ang mga tropa tropa din ni Jairus na aawat daw sana pero dinamay ng mga kaibigan din ng kabilang grupo" kwento ni khaye habang mabilis kami nag lalakad "E mukhang ayaw paawat ng Papa Jairus, same din ang tropa ni Jairus kaya ayun ikaw ang naisip kong tawagin na" pag labas namin ng building namin ay nakita ko ang kumpulan ng tao sa di kalayuan ng senior highschool canteen.

"Tss puntahan mo si Dean ako na ang bahala dito" wika ko kay Khaye at lumapit sa nag kukumpulan "Excuse me" wika ko ng makipag siksikan sa mga Estudyante

Nang mapunta ako sa harap kung nasaan din ang mga kaibigan ko na sumisigaw para umawat, Nilingon nila ako at tinawag ang pangalan ko pero hindi ko pinansin, halos napaatras kami ng biglang may natumba sa harap namin. Inaninag ko ang lalaking nasa harap ko. Napangiwi ako naman ng makita ang kaibigan ni Jairus na si Joms.

"Joms tayo!" inalalayan ko ito na tumayo at hinarap ang lalaking sumapak kay Joms "Mag tigil na kayo!" sigaw ko pero walang natinag

"Gwyn" tawag ni Joms sa akin sabay hawak sa kamay ko at nilagay ako sa likod nya, halos mapapikit naman ako ng umatake nanaman si Joms ng sapak kaya pumunta na ako sa gitna at pilit pinag hihiwalay ang mga nag aaway.

"Aray!" sigaw ko sabay hawak sa braso kong nasapak "Sinong sumapak sakin!" sigaw ko ulit

"Ayos ka lang?" tanong ni Joms na nasa gilid ko na

"Are you okay?" tanong naman ni Jairus mula sa likod ko

Hindi ko naman napansin na nasa likod ko na pala ang mga kaibigan ni Jairus sila Bryson, Caleb at si Joms.

"Yaaaaaa" sigaw ng kaaway sabay patakbong lumapit sa amin kaya ang nangyari ay nakisali na ako sa gulo nila

Laking pasalamat ko dahil hindi pa ako nakakapag palit ng uniform dahil bago mag lunch kanina ay PE subject namin.

Akma akong sasapakin ng isang lalaki ng bigla kong isangga ang kamao nya at saka ko rin ito sinapak sa mukha, sinipa ko naman ang lalaking papalapit sa gawi ko dahilan para ito ay matumba. Hinila ko naman ang tenga ng lalaking pasugod sana kay Jairus bago ko ito aksidenteng natuhod sa kanyang ari. Narinig ko naman itong simigaw at gumulong gulong sa sahig.

"Owwww sorry, nadala lang ako. don't worry mag kakaanak pa naman siguro" hingi ko ng paumanhin

"G@go ka" wika nya habang na namimilipit sa sakit

Halos sabay sabay naman kaming napalingon ng marinig namin ang pito dahilan para mapatigil din kami.

Shete ang Dean. Nawala sa isip ko yun. Jusko naman lagot ako nito.

"All of you, go to P. O. D now!" wika ng Dean na pinapapunta kami sa prefect of discipline "The rest go to your room" nginiwian ko ang mga lalaking nakaaway namin at tinignan ng masama "I said in P. O. D now!" padiin nitong sigaw

Tinignan kami ng mga lalaki bago naunang umalis "Let's go" wika ni Jairus bago kami sumunod

"Ayos ka lang Gwyn?" tanong ni Joms sa tabi ko

Halos pigil ngiti kong hinarap si Joms at sumagot "Ayos lang naman ikaw ba?" nakangiti kong tanong

"Ayos lang din" tumungo tungo lang ako at hindi na sumagot

Nang makapasok kami sa pod ay naka upo na doon ang kaawaay namin habang may mga hawak na ice pack, napatingin ako sa mga kasama ko na wala masyadong galos.

Wala pa ang dean kaya halos mag labanan ng tingin ng mga kaaway at siempre papatalo ba naman ang mga kasama ko.

"Ano ang nangyari?" Nilingon ko si Dean na nakaupo na pala

"I was about to buy a drink and a food, then bigla nya na lang ako sinapak ng hindi ko alam" kwento ni Jairus

"Sinabi ko naman sayo diba layuan mo ang girlfriend ko" wika naman ng kabilang grupo

"Excuse me?" natatawang wika ni Jairus "I don't know you, I don't even know the name of your girlfriend, oo unang pag kikita natin sinabihan mo ako na layuan ko ang girlfriend mo but, I don't know her, maraming babae ang lumalapit sa akin malay ko ba kung sino dun ang girlfriend mo"

'Nag yabang pa talaga' bulong ko sa isip

"Ha! Mayabang ka talaga e, no, si Dian. Si Dian ang girlfriend ko tanda mo na"

"Si Dian?" tawa ni Jairus "Hahaha let me say this, yung girlfriend mo ang nalapit sa akin, tsaka isa pa sayong sayo na sya, hindi ganun ang tipo ko sa babae"

"Enough" wika ng Dean "E kayo, yung mga kasama nyo ano role nyo?"

"Umaawat lang ho kami/Nawaat lang po" sabay na wika ng dalawang grupo

"Naawat pero bakit nakikigapag suntukan din kayo? Ganun ba ang naawat" pumikit ang dean na parang nauubusan ng pasensya, pag dilat nito ay sa akin na nakatingin "Ms. Manle kasali ka rin? Ano naman ang rason mo at bakit nakikisapak ka rin?"

"Same Reason Mr. Tatum, nakikiawat" wika ko

"Halos wala pa sa kalahating taon ang klase ay ganyan na, graduating kayo ng senior highschool lahat diba. Bakit hindi kayo mag tino" iling ilang na wika ng Dean.

"Sorry Mr. Tatum" sabay sabay naming wika

"Tomorrow for your punishment, I will give you 2 days community service, period. Do you understand that?"

"Yes sir" Wika ng lahat

"I can't hear you" 

"Yes sir" sigaw ng lahat

"Good" kumuha ng papel ang dean

Patay. May record nanaman ako.

"Full name" wika ng dean

Nag simulang mag sulat ang kabilang grupo.

Tinignan ko si Jairus "Ayos ka lang?" bulong ko tumungo ito bilang sagot, napatingin ako sa gilid ng labi nya dahil may tama pala sya "Punta tayo ng clinic mamaya" wika ko

Inabot na sa amin ang papel, ako na ang nag sulat ng mga pangalan namin para madali na lang at hindi na mag pasahan.

Bryson Winston

Caliber Johnson

Joms Gonzalo

Jairus Gail Emeron

Gwyn Reese Manle

"Go back to your class now" tatayo na sana kami ng biglang nag salita ang Dean "Gonzalo, Manle and Emerson stay here" nag ka tinginan lang kami ni Joms habang si Jairus ay wala ng emosyon ang mukha tinignan ko din ang mga kapwa namin estudyante na papalabas na.

"Rayden Jomar Gonzalo, Gwyn Reese Manle And Jairus Gail Emerson. I can't believe this" huminga si Dean ng malalim bago tumingin sa amin. Napatungo naman ako at napatingin kay Jairus na nakatingin lang sa malayo "Kaibigan ko ang mga magulang nyo at hindi ko inaasahan na sa loob ng ilang taon na pagiging dean ko rito ay magiging laman kayo ng P. O. D, I respect your parents name, ano na lang ang sasabihin ko sa ibang tao pag nalaman nila na hanggang ngayon ay pinag bibigyan ko kayo, na hindi porque na kaibigan ko magulang nyo ay ganyan"

"Tss" Nilingon ko si Jairus "Are you done?"

"Jairus" awat ni Joms

"Jairus ano ba manahimik ka na lang" bulong ko

"Tch hindi pa ako nakakapag lunch at late na ako para sa subject ko, kung nasasawa ka na pag sabihan kami then expelled mo na kami" nanlaki ang mata ko sa huling linya na sinabi ni Jairus bago ito tumayo at lumabas

"Jai-Aish sorry po Mr. Tatum, sorry po ulit, hindi na po ulit mauulit" tumayo ako "Mauna na po kami" paalam ko bago tumungo at lumabas ng P. O. D. Naiwan naman si Joms doon na humihingi pa rin ng tawad.

Pag labas ko ng P. O. D ay lumingon lingon ako para hanapin si Jairus, nang makita ko ito ay patakbo akong lumapit at sinabayan lang sya sa pag lalakad. Hindi naman ako umimik nung una pero nung mapadaan kami sa clinic ay hinila ko sya papasok narinig ko pa sya umangal pero hindi ko pinansin.

"Umupo ka dyan" utos ko

"Tss"

"Nurse Gia" tawag ko lumabas naman ang nurse

"Oh sabi ko na nga ba at dadaan kayo dito, tara dito ng magamot ko na ko na kayo"

"Hindi na po ako na lang ang gagamot kay Jairus, wala din naman po akong tama" nakangiti kong wika

"Kung sabagay hindi rin sya papayag na mag pa hawak sa iba hahaha" tawa nya habang bumalik sa upuan nya at nag sulat

"Salamat po dito" tumungo lang sya sa akin at kinuha ko ang ice pack at cream bago lumapit kay Jairus na naka cross arm na nakatingin sa akin "Wag mo ako titignan ng ganyan a"

"Tss dalian mo na lang gutom na ako"

"Wow salamat sa pag gamot ng sugat mo a"

"Your welcome"

Nginiwian ko lang si Jairus habang ginagamot ang sugat nya.

Inayos ko ang ice pack at nag simulang dampian ang pasa nito.

"Wag ka na makikipag away, ha" wika ko "Tignan mo ang pogi mo pa naman nag kakaroon ka tuloy dumi sa mukha"

Nang maramdaman ko ang mga mata ni Jairus na naka tingin sa akin ay inaangat ko ang aking panangin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero yung mga mata nya na diretso naka tingin sa akin na parang may sinasabi. Binuka nya ang bibig nya na parang may sasabihin sa akin. Huminga sya ng malalim bago umiwas ng tingin sa akin. Bumilik ang tingin nya sa akin bago tumayo.

"Gutom na ako" wika nya bago nag lakad palabas, napailing lang ako sa kanya. Tinignan ko lang ang pintuan kung saan sya lumabas bago tumayo na rin at inaayos ang gamit.

Ano ang nangyari dun?

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro