Chapter 45

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janauary na at bukas may pasok na ulit kami, nakatingin lang ako sa braclet na bigay sa akin ni Jairus na nasa box pa, hindi ko ito tinatanggal sa box.

Ewan pero kinikilig ako dahil sa bigay nya sa akin. Nabigay ko din naman ang regalo ko sa kanya na couple keychain.

Napatingin naman ako sa picture frame naming dalawa kasama ang aso. Pinilit ko talaga sya na kumuha ng litrato.

Napatingin ako sa isang papel sa gilid ng lamesa. Ito yung papel na binigay ng bata nung bago mag noche buena.

Binuklat ko ito at tinignan ang papel.

EW llWi lilK ouRy miaLfy nOe yB eNo eb Aredy

-Merry Christmas, Peyton

Nangunot ang noo ko dahil sa naka sulat, siguro typo errors lang at sa baba talaga ang message. Pero typo errors e sulat kamay sya

"Gwyn" katok ni Kuya

"Come in" tiniklop ko ulit ang papel

"What is that?"

"Christmas greeting lang"

"Kanino galing?"

"Ah sa bata nung sa party nung 24, bakit?"

"Wala lang, here" abot sa akin ni kuya ng envelope "About sa company, well yeah nakakabawi na ang Peyton, kailan mo pala balak mag pakita sa mga empleyado at sa tauhan ng Peyton"

"Siguro after ko grumaduate ng senior"

"Okay kailangan mo mag focus sa acads mo, nasabi na ba ni mama sayo ang pag aral mo sa europ?"

"Oo pinayagan nya ako kumuha ng kursong gusto ko"

"So ano plan mo?"

"Persue my dreams, I want to be an architect kuya, but don't worry hindi ko papabayaan ang company"

"Kahit anong plano mo susuuportahan ka namin"

"Thank you kuya, your are the best kuya"

"Ofcourse ako lang naman ang kuya mo"

"Sus, anyway Kailan mo balak ligawan si Jaime"

"Psh" Tumalikod si kuya at lumabas ng kwarto ko

"Ilalakad kita sa kanya don't worry hahahah" sigaw ko

Napailing lang ako at tinignan ulit ang bracelet na bigay ni Jairus.

Nang hapon ay nasa bahay lang ako at inaayos ang company.

Kinuha ko ang laptop ko at nag open ng email. Tinignan ko ang list ng Peyton Organisasyon.

Madami na ding tauhan di tulad noong nakaraang tingin ko.

Peyton Organization History

Ang peyton ay binubuo ng apat na lider. Boss, underboss, consigliere at caporigimes.

Ang peyton ay naitatag noon 1954 na pinangunahan ng great lolo ko. Isa syang pure italian.

Ibig sabihin may lahi kaming italiano. Tinignan ko ang unang pahina.

CAPORIGIMES

Pag lipat ko sa next page ay una kong nakita ang tungkol sa capos o caporigimes. Ang namumuno dito ay ang mga Capistrano. Sila Zarah Capistrano at ang pamilya nila. Bukod sa mga Capistrano ay may iba pang capos. Pero sila Zarah ang pinaka main na namumuno sa lahat.

Noon pa man ay sila na ang namumuno sa mga tauhan, o soldiers kung tawagin. Under din ng capos ay ang associates.

Ang mga associates ay hindi member ng grupo pero nag tratrabaho sila para sa amin. Hindi sila pwede sumuway sa mga utos na pwede namin ibigay sa kanila, pero sa oras na sumuway sila o gawin alin ang ano man na labag sa batas ng organisasyon ay kamatayan ang parusa. Kung baga sila din ang mga bodyguards, Hitmen, at drivers. Halimbawa na lang pag sundalo ka sila ang unang ilalaban o i-deploy sa gera. Bilang maging associate ka kailangan mo maging money maker para masigurado na kada lingo ay may napasok na pera sa Capos.

Ang soldier's naman ay sila ang syang gumagawa ng pag patay, beating, torture, association, bombing arson, kidnapping, extortion, blackmailing, bribery, death threats, witness intimidation at marami pang iba. Hindi tulad ng associate ang soldier lang ang may karapatan na gawin ang lahat ng iyon, sila ang mga lehitimong may kasanayan na sa trabaho at sa mga gawin na yun, sa oras na naging soldier's ibig sabihin ay nahasa na ang loyalty mo sa organisasyon. May dalawa silang trabaho, kumita ng malaki at pumatay ng tao para sa boss at sa organisasyon.

Pang huli ay ang Caporigimes o Capos sila ang pinaka captain ng soldiers at associate, ang capos lang din ang may karapatan na makausap ang consiglier, underboss at ang boss sya ang may karapatan na gawin ang lahat ng gusto nya at ipautos sa mga soldier's at associate, ang trabaho nya ay panatilihin na buo at matatag ang mga soldiers ay associate, trabaho nya din na siguraduhin na araw araw may napasok na malaking halaga sa pinaka boss, trabaho din nya na siguraduhin na walang ibang nakakaalam sa mga gawain na kanilang ginagawa, kumbaga sya na ang bahala sa mga gobyerno para pag takpan ang kanilang negosyo.

CONSIGLIER

Ang mga sumunod naman na pahina ay ang Consiglier na pinamumunuan ng mga Flores. Ang pamilya nila Lenox Flores. Bukod sa pag gawa ng iba't ibang klase ng bomba ay sa kanila at sa pamilya nila nang gagaling ang mga Consiglier o ang kanang kamay ng dalawang boss, sya ang bahala sa iba't ibang transaksyon na nangyayari underground, sya ang nag bibigay ng utos sa Capos sa mga next na gagawin. Sya din ang isa sa pinaka mataas. Sya ang nag bibigay ng advice sa bosses. Sya din ang nag uutos na suhulan ang gobyerno o patayin sa oras na malaman ang kanilang ginagawa o sa oras na lumihis ito ng landas at gumawa ng labag sa batas ng organisasyon.

UNDERBOSS

Ang pangalawang namumuno sa lahat. Pinamumunuan ito ng mga Gonzales. Ang pamilya nila Khaye. Bukod sa magaling mag hack si khaye ay kailangan nya sihuraduhin na nagagawa ng lahat ang kanilang mga gawain. Sunisigurado din nito na bawat araw ay may nagagawa ng lahat ng tauhan ang mga pinapautos ng boss nila.

Ang great lolo ko at ang great lola nya ay mag kapatid. Bali pinsan ko si Khaye. Malayo na nga lang.

BOSS

Sya ang pinakamataas sa lahat, sya ang pinaka head may karapatan sya ipautos ang lahat ng gustuhin nito. Siempre ang namumuno nito ay kami, may nakalagay pa dito na 'Girls shall not be the boss' pero dahil si mama lang ang tagapagmana ay hindi natupad ang bagay na iyon. Hindi naman nagawa ni mama ang tungkulin ng pagiging boss kaya sa akin napunta ang responsibilidad na yun, kumbaga ako ang kauna unahan na babaeng mamumuno sa Peyton bilang boss. Ako ang din ang m ay karapatan na gawin ang lahat ng gusto ko. Walang batas para sa boss, hindi limitado ang galaw.

Hindi tulad ng boss ay limitado ang galaw ng underboss, kumbaga sa underboss may batas pa syang sinusunod na naayon sa organization habang ang boss ay wala.

Pero kung lalake lang ang pwedeng mamuno sa organisasyon, ano ang pwede kong magawa bilang kauna-unahang babaeng lider ng organisasyon.

Tinignan ko ang ilang pang pahina at puro rules na ng Peyton ang nakikita ko. Nag scroll pa ako papunta sa next pages. Puro transaksyon ang nakikita ko. Siguro kailangan ko dagdagan ang negosyo ko tumaas pa.

Napangiti ako. Tama kailangan ko pa dagdagan ang negosyo ko. Pero anong negosyo naman ang gagawin ko.

Napatingin ako sa orasan ko 7:30 na pala.

"Miss Gwyn, kakain na daw po" wika ng kasambahay namin sa labas ng kwarto ko

"Sige susunod ako" inayos ko ang ilang gamit ko at ang aking sarili bago lumabas ng kwarto ko.

Kilala ko na naman ang mga tauhan ko. Pero ang sabi ni Kuya kailangan ko daw harapin ang tauhan ko. So it means ay bilang boss kailangan ko na gumawa ng desisyon na hindi na bumabase kay kuya, sya kasi ang pansamantalang namumuno dito ngayon.

Sa hapag kainan ay napag usapan namin pag pasok ko sa kolehiyo. Katulad nga ng sabi ng nanay ko kung maari sa europa ako sa isang sikat na paaralan doon. Sinabi ko naman na hayaan muna nila ako mag isip dahil sa kursong kukunin ko ay hindi pa sigurado.

Pagkatapos namin mag usap tungkol sa kurso ko ay napag usapan namin ang tungkol sa negosyo. Sinabi ni mama na pag aralan ko isa isa ang tungkol sa kompanya para makapag handa ako sa oras na ako na ang mamuno ganun din si papa na tinutukoy ang isa pang negosyo dahil hindi daw habang buhay ay si kuya ang gagawin nun dahil darating ang araw na mamumuno din si kuya sa inferno bilang isang Hades.

Hindi na naman tulad ng dati na limitado ang galaw at nalalaman ko. Ngayon hinahayaan nila na malaman ko ng buo ang gusto ko malaman.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat ako sa taas at nag linis ng sarili bago mag handa sa para bukas sa pag sisimula ulit ng klase.

Sinabit ko ang uniform ko na na plantsahana na at stockings at ang sapatos ko.

Pinatay ko ang ilaw ng kwarto ko at humiga, bago binuksan ang lamp na moon sa gilid ng kama ko. Tinignan ko naman ang mga nag glow na star sa kwarto ko.

Mula naman dito ay kita ko pa rin ang ilang kulay pulang dots o mga camera.

Hanggang kailan kayo mag mamasid sa akin? Tumayo ako at binuksan ang balkonahe ng kwarto ko.

Tulad ng dati ay ramdam ko pa rin ang ilang mata na nakatingin sa bahay namin.

♥To be continued♥

I want to dedicate this chapter sa isa sa mga sumusuporta ng story na ito _Pretty_poisonous_ you can follow her guys

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro