Chapter 47

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nasa botanikal kami ng tatlo kong kaibigan para ayusin ulit ang ramble message.

Y d a E k s r0 M n t s.
S W e o

E n d M o e T I T0 R y P s r e m U o

I m l
Fa y

"Ang sakit na ng brain cells ko" wika ni Khaye

Nakakabuo na kami ng salita pero hindi tumutugma sa nga sumusunod na salita.

Ang tanging nabuo lang naman ay ang salitang.

Days, week, or months.

"Hey girls" halos lumabas ang iniinom ko sa may ilang ko ng may narinig akong bumati, nataranta naman sila Lenox at Zarah.

"Ano ginagawa nyo dito?" tanong ni Caleb at umupo sa tabi ko

"E kayo ano ginagawa nyo dito" wika ko, umupo naman si Jairus sa tabi ko at tinignan ang papel kukunin ko sana ito ng hawakan nya ang kamay ko

"Death threats" tumingin sa akin si akin si Jairus, bago tumingi sa papel "Days, weeks or months. Spend more time to your family." basa ni Jairus. Nag katinginan kami ng mga kaibigan ko.

Bakit ang bilis nya makuha ang message.

"Who send you this?" tanong ni Jairus, tumingin ako sa mga kaibigan mo, Wala akong balak sabihin sa kanya ang lahat ng tungkol dito

"Ano kasi Jairus-"

Pinutol ko ang sasabihin ni Zarah "Nag prapractice lang kami kung paano gumawa ng mga death threats na pa cramble" tinignan ko sya ng ilang segundo sa mata bago umiwas, alam kong nakatingin pa sya sa akin kaya iniba ko ang usapan "Next time na lang ulit tayo gumawa" naka ngiti kong wika sa mga kaibigan ko bago binigyan ng 'Don't say anything' look si Zarah

"Its that so" wika ni Jairus "Here"

"Ano yan?" tanong ko

"Research nyo pinabibigay ni Mr. Javier" Binuklat ko ang papel at nakita ang ilang gawa namin, konti lang ang kailangan namim i-revise

"Thanks"

Nag usap usap lang ang ilan kong kaibigan habang ako ay lumilipad sa mga sulat na pinapadala sa akin.

Kailangan ko masabi ito kay kuya o kailangan ko ba talaga sabihin sa kanya.

Nang mag ring ang bell ay umakyat na din kami. Habang nag lalakad, kami pabalik ay tahimik at mabagal lang kami kung mag lakad pabalik.

Nag tatawanan ang mga kaibigan namin na nasa harap. Natatawa naman ako pag nag, aasaran ng dalawang bakla at si Caleb.

"Rohan told me that you are going to study in europe" wika ni Jairus

"Oo pero sabi ko pag iisipan ko, ayaw ko umalis dito e, nandito ang mga kaibigan ko"

"I see"

"Ikaw saan ka mag college"

"Undecided"

"May mga school sa manila gusto mo mag school tour tayo?" tanong ko

"Uy bakla narinig ko yun, g ako" singit ni Khaye

"Ako din aba hindi lang kayo ang mag college, tsaka kung nasaan ka Gwyn doon din dapat ako" Wika ni Lenox

"Ano ikaw lang dapat kasama kami ni Zarah" wika ni Khaye, tumungo tungo si Zarah.

"Sige sa Friday maaga naman ang uwian punta tayo sa manila maganda ang nga school sa loob ng intramuros"

"Tapos sabayan na natin ng gala" wika ni Zarah

"Madami pogi sa mga school doon" malanding wika ni Lenox

"Bakit ka pa nag hahanap ng pogi sa manila e nandito naman kaming apat hahaha"

"Ew kayong dalawa" turo ni Khaye kay Caleb at Bryson "Para kayong penis at testes na nag lalakad"

"Hahahaha" Tawanan naming apat, maliban kay Jairus na malayo ulit ang tingin, napatingin ako kung saan sya nakatingin pero wala naman akong nakita bukod sa daanan papuntang classroom

"Let's go" aya ni Jairus bago manguna pabalik sa room

Sa mga ganun na asta ni Jairus alam kong may nakita sya. Pero ano ang nakita nya.

Sumunod na kami kay Jairus at pumasok sa room bago umupo. Ilang minuto pa ay dumating na ulit ang instructor namin at nag turo.

Dahil puro practical exam ang gagawin namin ay tinuruan lang kami kung ano ang mga gagawin namin sa darating na february para sa final grading namin. Sa last week naman ng february ay may senior ball siempre kasama ang lahat ng senior high, after graduation naman doon gaganapin ang graduation ball, siempre kami lang lahat ng gragraduate ang nandoon.

Nang sabihin ng guro ang about sa ball ay nag karoon ng hiyawan ang buong room, nag karoon tuloy ako ng motivation para tapusin ang mga requirements namin.

Last subject na namin para sa araw na ito. Hinayaan naman kami na gawin ang iba naming gawain.

Nag push talaga ako na tapusin ang diorama sa sabado at gumawa ng sample product para matikman namin kung ano pa ang mga idadagdag o ibabawas sa product.

About sa research namin ay binigyan ko sila ng gawain para ma revise ang ilang mali.

May kanya kanyang mundo ang nasa loob ng room habang ang teacher namin ay lumabas saglit.

Napalingon naman ako ng may narinig akong nag strum ng gitara kasabay ng pag pukpok ng Beatbox.

♪ ♬"Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo ako masaktan paminsan minsa
Bawat sandali na lang"

Siempre ang nangunguna sa tugtugan ang tropa ni Jairus at ilang lalake. This time si Jairus ang nag gitara at kumakanta.

Napangiti ako ng tumingin si Jairus sa gawi namin. Sumasabay na rin ang mga classmate namin na kumakanta.

Grabe mamimiss ko ang bagay na ito. Tama nga ang sabi nila ang best pa rin ang highschool life.

♪ ♬"Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sisadya
Mo ako masaktan paminsan minsan
Bawat sandali na lang
At aalis, mag babapilik
Ating ulitin sabihin
Na mahalin,

Ilang saglit pa ay nag iba ang tono ng gitara kasabay ng ibang kanta. Halos mag hiyawan ang lahat ng tumayo ang isa naming kaklase na lalake at may inabot na isang rosas sa kaklase naming babae.

Halos mag papukpukan kaming apat ng kaibigan ko dahil sa kilig. Si Jairus ang nag gigitara si Joms ang nag beatbox ang kaklase naming lalake na ang nakanta. Magandang ang boses nya.

***
A/N
(Play nyo guys yung it might be you, habang sinusulat kong itong part na ito bigla syang nag next sa kanta na pinapakinggan ko)

***

Binigay ng kaklase naming lalake sa babae ang rosas. Tumigil sya sa pag kanta habang sila Jairus ay patuloy sa pag tugtog.

"Audrey Walker, can you be my girlfriend" propose ng lalake sa babae

"Kyahhhhhh"

"Sana all"

"Hope lahat"

"Nawol"

React ng mga kaklase naman habang kaming apat ay halos mag bugbugan sa kilig. Halos tignan ko ang dalawang bakla dahil napapansin ko na napapalakas na ang palo nila.

"Ay sorry bakla nadala lang kami" patawad ni Khaye

Umiling lang ako.

Nang mag uwian na ay sabay sabay kaming nag lakad.

Kapansin pansin naman ang pag kalapit ni Bryson at Zarah. Actually nung nakaraan ko pa napapansin ang bagay na yun.

Napatingin naman ako kay Joms at Sofy na mag kaholding hands. Si Lenox naman ay kasama si Luis na nag haharutan sa daan habang si Emory ay ayon inaasar si Khaye na halatang naiirita na ang bakla. Si Dian naman ayun at nauna dahil dadaan daw sya sa designer nya para mag patahi na ng susuotin na gagamitin sa ball.

Si Jairus naman ay nasa likod ko habang ako ay nasa unahan nya.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko na may mga kaparehas na. Sana ako din.

"Uy sa Friday tuloy ang oplan hanap school natin sa manila" wika ni Lenox

"Uy sama ako" wika ni Emory

"No" wika ni Khaye "Bwibwisitin mo lang ako at hindi ko maeenjoy ang gala"

"Sige sumama ka" wika ko

"Hoy Gwyn binebenta mo na ako dito sa babaeng mukhang bakla" napangiwi si Khaye

"Uy maganda naman si emory a" wika ni Zarah

"Ah basta ayaw ko" umalis na si Khaye at sumakay sa sasakyan nya

Tinawanan lang namin siya bago mag paalam sa isa't-isa.

Friday na at katulad ng napag usapan namin ay afterclass pupunta kami ng manila para mag hanap ng school, nag palit kami ng damit bago umalis para maayos ang galaw namin mamaya. Dahil 12 ang uwian ay nag pasya kami na kumain muna sa mall bago umalis at pumunta sa manila. Pinili naman namin na mag commute.

Nang makarating kami sa manila sa loob ng intramuros ay pumasok kami sa isang school na nandoon. Nag tour kami sa mga school na napupuntahan namin, ang dalawang bakla naman ay tuwang tuwa, siempre ako din dahil ang dami naming nakikitang mga pogi.

Nang matapos kami sa pag toutour ay gumala naman kami. Halos nag punta kami sa mga museum, basta siguro lahat ng museum na nadoon sa intra ay napuntahan namin, halos ma full naman din ang sd card ng cellphone ko dahil puro picture kaya ang ginawa ko hiniram ko ang cellphone ni Jairus at doon kumuha ulit ng mga litrato. Nag group selfie din kami.

Alas-Siete na ng gabi at nasa manila pa kami. Nasa loob pa rin kami ng fort santiago.

"Kuhaanan mo ako ng picture Jairus, tapos pasa mo din sa akin a" binigay ko sa kanya ang cellphone nya at inayos ang sarili "Gandahan mo pang profile ko sa social media"

Nag pose ako ng kung ano ano. Kinuha ko ang cellphone ko at medyo na disappoint dahil kundi blurred ang pictures ay naka wacky ako. Tinignan ko si Jairus.

"Hoy picture kayo ni Jairus" tumabi ako kay Jairus at ngumiti bago kami Kuhaanan ng litrato ni Zarah.

Nag tagal pa kami ng isang oras sa fort Santiago bago kami nag pasya na umalis na.

Nag lalakad naman kami palabas ng intramuros ng maramdaman ko na parang may nasunod sa amin. Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at hinawakan ang pepi spray.

Ilang sandali pa ay may humarang sa amin na isang grupo ng mga lalake.

"Holdap ito, ibigay nyo sa amin ang lahat ng pera, cellphone nyo kung ayaw nyo masaktan" wika ng isa, may mga hawak silang mga balisong "Hindi ba kayo natatakot sa amin" wika ulit nya tinignan ko ang mga kasama ko na prentang naka tayo lang

"Nako manong mali yang ginagawa nyo" wika ni Khaye "Hayaan nyo kami makalabas at maka uwi na, medyo hagard na rin ako e"

Sarkastikong tumawa ang isang lalake "Aba mukhang di nga kayo takot"

"Look manong Ayaw ho namin ng gulo" wika ni Joms "kaya itigil nyo na ito, hayaan nyo ho kami makadaan"

"Gusto nyo na ba mamatay?" tanong ulit ni manong

"Ayaw pa naman ho, pero kung ipag papatuloy nyo hindi kami mag dadalawang isip na lumaban" wika ni Bryson

"Aba sino ba kayo? Ako ang hari dito"

"Well ako ang susunod na Dracul" turo ni Joms sa sarili "Ito naman ang mga Peyton at ang isang ito ay anak Hades" turo nya sa akin "Ito" turo nya kay Jairus "Well isa siyang Emerson, nothing special pero tropa nya si kamatayan"

"Tss" si Jairus

"Ano ba pinag Sasabi nyo, Hala sige kung gusto nyo mamatay, saktan nyo na ang mga yan at kunin ang mga gamit"

"Sure ka na po ba manong?" tanong ni Lenox

"Aba wala na Atrasan yan" wika ni Caleb

"Masyado kayong maraming satsat, Hala sige todasin na yan"

Awtomatiko naman lumaban ang mga kaibigan ko habang ako at si Jairus ay hindi gumagalaw sa kinatatayuan.

Siguro kaya na nila. Nag cross arm lang ako at pinapanood ang mga kaibigan namin na makipag laban. Nag katinginan kami ni Jairus at sabay na nag buntong hininga.

Ilang sandali pa ay natapos na din at halos lahat ng holdaper ay naka higa na sa sahig. Tinignan ko ang mga kaibigan namin na parang hindi man lang pinag pawisan sa ginawa.

"Let's go" wika ni Jairus sumunod ako sa kanya

Pero napa hinto din ako, Nag labas ako ng pera "Need nyo pampagamot" wika ko tinignan ko naman ang mga kaibigan ko at nag labas din sila ng pera at binigay sa mga lalake

"Hanep ngayon lang ako nakakita na binigyan pa ng pampagamot ang mga binugbog nila hahahaha" wika ni Bryson

"Let's go" aya ni Jairus bago mag lakad palayo

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro