Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Halos alas-dies na ng gabi at paikot ikot lang ako sa kama. Badtrip naman maaga pa ako papasok bukas. Hindi pa ako makatulog dahil hanggang ngayon ay pinag iisipan ko kung <ano ba talaga ang dapat na gawin para hindi ko na sya gustuhin. Kung pwede lang sana mag papalit ng puso ay ginawa ko na.

Tumayo ako sa pag kakahiga at sinuot ang balabal ko sa katawan, lumabas ako sa balkonahe ng aking kwarto at umupo sa upuan na nandoon bago tumingala. Ang daming mga bituin na siyang bumubuhay sa madilim na kalangitan. Huminga ako ng malalim.

Bakit kaya ganun, kung sino pa ang taong pinapangarap natin, yun pa ang hindi pwedeng maging atin. Kung sino pa ang taong ginugusto mo, siya pa ang hindi mapapa-sayo.

Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mata ko. Ang komplikado naman ng buhay ko. Madrama na kung madrama. Pero sadyang hindi ko na yata makukuha yung love na gusto ko.

Ganun ba talaga ako kahirap mahalin? Pagod na din ako kasi ako manghingi ng love at ng attention. All this time, I always beg for my parents attention and I want to feel the parents love na sinasabi nila. Pero hindi ko maramdaman sa kanila. Sinubukan kong hanapin sa iba ang love. Pero hindi ko makita.

Wala e. Mahirap talaga siguro akong mahalin

Pinunasan ko ang luha ko at nilingon ang cellphone ko na tumutunog sa loob ng kwarto. Huminga ako ng malalim at tumayo. Nangunot ang noo ko ng makita ang name ng caller. Bakit gabing gabi natawag ito. Sinagot ko ito at hindi nag salita. Nasa tenga ko lang ang cellphone ko at lumabas ulit ng balkonahe.

"Gwyn" tawag ng nasa kabilang linya

"Jairus"

"Bakit gising ka pa?"

"Can't sleep"

"Then Stop over thinking"

"I can't stop it"

Narinig ko syang bumuntong hininga "Do you want me to go there?"

"No need" umupo ako sa upuan at tumingala ulit sa langit "Bakit gising ka pa?"

"Can't stop over thinking too"

"Ano naman iniisip mo?"

"Nothing"

"Tch" huminga ako ng malalim "Jairus"

"Mm?"

"Do I deserve to be loved?"

"Of course. Everyone deserve it"

"Sa tingin ko. Ako hindi" pinunasan ko ang ang luha ko "Everyone deserve to be happy. But I can't feel it. I feel that... That... Nobody likes me... Nobody wants to be with me... Nobody wants to take care of me... Nobody wants my presence... And... And nobody can love me... Bakit ang unfair ng mundo, Jairus. Bakit hinahayaan nila na masaktan ako? Bakit hinahayaan nila na paulit ulit ko maramdaman ang lahat ng ito?" tuloy tuloy ang pag tulo ng luha ko at tuloy tuloy din ang pag punas ko sa mga ito

"The world is fair, Gwyn. Nasasabi mo lang lahat ng iyan kasi nasasaktan ka. But believe me, the world is fair. Pinakumplikado mo lang" mula sa kabilang linya "Because you always think that nobody likes you, nobody wants to be with you, nobody wants to take care of you, nobody wants your presence, and nobody can love you. You always focused for one person. You always focused for the love that you want him to give it to you. Don't focus for one person, Gwyn. Try to look around, that nobody is always on your side. There is nobody that willing to love you, a nobody who want to be you, a nobody who always take care of you, a nobody always want your presence and a nobody who always love you"

Sunod sunod and pag tulo ng luha ko dahil sa mga sinabi nya. Halos tumaba ang puso ko dahil dun. Halos mapangiti ako sa mga sinabi nya, kahit hindi ko masyado naiintindihan.

"You want ice cream?" tanong nya

"Huh?"

"Im in outside" tumayo ako at dumungaw sa labas ng bahay, ngumiti sya at tinaas ang plastic, ngumiti ako "Stop smiling come outside at malamok dito" wika nya sa kabilang linya

"Otw na" pinatay ko ang cellphone ko at nag madaling bumaba para puntahan Sya.

KINABUKASAN nagising ako dahil sa sunod sunod na pag tawag sa akin.

"Gwyn Reese aba gumising na at tatanghaliin ka sa pag pasok, aba ano oras ka ba natulog bata ka" wika ni Manang

"Good morning po manang" wika ko at tumayo at uminom ng tubig

"Galing daw dito si Jairus kagabi sabi ni Eduardo" tukoy nito sa asawa na siyang isa sa mga driver din namin

"Umuwi din po kagabi after namin maubos ang ice cream"

"O'sya maligo ka na ito na ang mga gamit mo, naka handa na din ang almusal sa baba"

"Opo manang"

Huminga ako ng malalim at nakita ko ang sarili ko sa tapat ng salamin. Namamaga ang mga mata ko dahil kagabi.

Buti na lang nandyan si Jairus. Hindi nya talaga ako iniwan kagabi kahit paulit ulit na lang ako. Buti may Jairus na laging nandyan.

Nung mga panahon na pakiramdam ko na unlovable ako, nandyan si Jairus para iparamdam sa akin na lovable ako. Yung mga panahon na akala ko nag iisa ako, nandyan si Jairus para samahan ako. Yung mga panahon na umiiyak ako, lagi syang nasa tabi ko para punasan ang luha ko. Yung mga panahon na nalulungkot ako, lagi syang nandyan para pasiyahin ako, kahit minsan waley ang joke nya.

"Kuya?" tawag ko ng makita ang nakakatanda kong kapatid, tumayo sya at hinarap ako "Kuya" lumapit ako sa kanya at niyakap sya

"How are you my Princess?" niyakap nya ako pabalik at ng makakalas sya ay pinaupo nya ako sa tabi nya at nilagyan ng pagkain ang plato ko

"Fine how about you, Kuya, kamusta study" tanong ko habang kumakain

"Ayos naman. Susunduin ka ba ni Jairus? Ihahatid na kita"

"Oo nga pala" uminom ako ng tubig at nilabas ang cellphone ko para tawagan si Jairus

"Paalis na ako ng bahay" sagot nya mula sa kabilang linya

"Wag ka na dumaan dito, ihahatid na daw ako ni Kuya" wika ko hindi naman agad sya naka sagot kaya tinignan ko ang screen ng cellphone ko "Hello?"

"Ah... Yeah... Okay"

"Sige kita kits na-ay binaba" nginiwian ko ang cellphone ko "Apaka Bastos talaga kahit kailan" bulong ko habang naka tingin sa cellphone ko

Nag kwentuhan kami ng kuya ko at kung minsan ay nakikikwento din si Manang. Minsan lang kung umuwi si Kuya kaya sinusulit ko na. Pero masaya sana kung kasabay namin ang magulang namin na kumain kahit ngayon lang. Pero dahil mahalaga ang trabaho nila, nasa trabaho na sila.

"Reese" Nilingon ko si Kuya sa tabi ko habang nag mamaneho papunta sa eskwelahan kung saan ako pumapasok "Can you do me favor?"

"Ano yun kuya?"

"Stay away from Jairus"

Nangunot ang noo ko "Huh? Pero bakit?"

Huminga ng malalim ang nakakatanda kong kapatid "He's not good influence to you"

"Kuya ilang taon ko ng kasama si Jairus. Paanong hindi sya naging magandang inpluwensya sa akin"

"You don't know him very well "

"Huh?"

"Just please do that to me"

"I'm sorry, Kuya. But you know that I can't do that. Except for you, si Jairus na lang ang laging nandyan sa tabi ko. Handa ko gawin lahat ng gusto mo at hihilingin mo, kuya, wag lang yan"

"You don't know him, Reese"

"Paanong hindi ko sya kilala, kuya"

"Just do what I said, Reese"

"Give me a reason, Kuya, why do I need to avoid him?"

"You don't understand"

"Parehas kayo nila papa. Ganun ba sa tingin nyo kakitid ang utak ko para hindi ko maintindihan"

"No. There are things you don't need to know right now. There are things you can't understand right now. But do that to me, stay away from him"

"I'm sorry, Rohan" tawag ko sa pangalan ng kapatid ko "I can't do that. As long as I don’t see the reason why I have to avoid him. Then I won’t do that" Umiwas ako tingin sa kapatid ko at tumingin na lang sa labas.

Kaya kong gawin lahat pero ang layuan ang taong may malaki ng parte ng buhay ko, hindi ko kaya. Katulad ng sinabi ko. Si Jairus na lang din ang taong palaging nandyan sa tabi ko pag nangangailangan ako ng makakasama.

Hindi ko na pinansin ang kapatid ko ng makarating kami sa eskwelahan, bigla na lang ako bumaba kahit narinig ko pa itong nag sasalita at sinasabi na susunduin nya daw ako mamaya.

Hindi ko alam kung bakit nya sinabi na hindi ko masyado kilala si Jairus, pero sya itong kasama namin ni Jairus nung mga bata kami at wala akong makitang dahilan para layuan ko sya. Kung ano man ang dahilan nya, kung ano man ang naging problema ni kuya kay Jairus ay hindi ba pwedeng labas na ako dun.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro