The Saddest Math Love Story

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

THE SADDEST MATH LOVE STORY
written by Endee (loveisnotrude)

I HATE Mathematics.

Mula nang magsimula akong mag-aral ay hindi ko na nagustuhan ang asignaturang 'yon. Bukod kasi sa pinapasakit lang nito ang ulo ko, unti-unti rin nitong nilalason ang utak ko na . . . baka kaya ayaw ko ng Math ay dahil bobo ako.

Mabuti na lang at hindi ako nagpalason dahil hindi naman talaga doon nasusukat ang pagiging matalino ng isang tao.

Ayon nga, dahil mahina ako sa Math, nang tumuntong tuloy ako ng Grade 9, kinailangan kong mag-take ng summer class para makapag-advance ako sa Grade 10 at hindi ako mapag-iwanan. At ayon ay sa ayaw o sa gusto ko. Oo, wala akong choice.

Hindi ko na nga gusto ang isang oras at kalahati na discussion nang paghahanap sa "x" na 'yan tapos kailangan ko pang i-sakripisyo ang once in a blue moon kong bakasyon. Ang unfair lang!

'Yong mga kaklase ko, kanya-kanya ng tweet ng mga ganap nila at post sa IG story kung saan sila ngayong summer o anong beach ang pupuntahan nila. Habang ako, imbyernang-imbyerna na walang magawa kundi makinig at maipasa ang lintek na Math subject na 'yan!

At mas lalo pang nakakaasar dahil ang magtuturo sa akin ay walang iba kung 'di ang pinakaiinisan kong lalaki sa section namin. Si Mat, 'yong valedictorian at Best in Math namin since Grade 7.

Bakit ko siya kinaiinisan? Wala lang. Feeling ko kasi ang yabang niya por que't siya ang pinakamatalino sa Math sa buong school.

Sa pagsisimula ng summer vacation at summer class ko with him, wala akong ibang ginawa kundi ang ipaalala sa sarili na kumalma at 'wag ilabas ang inner-bitch-self ko.

But I failed.

Dahil first week pa lang nagbabangayan na kami. And it was his fault! May pinaglalaban kasi siya na hindi ko maintindihan.

"Alam mo bang hindi aysmptotes ang pinakamalungkot na love story sa Math," he said out of the blue. "Kasi 'di ba, they just approach each other but will never have the chance to touch each other . . ."

I glared at him. Hindi naman ako na-inform na bukod sa tutoring ay may story telling pa palang magaganap.

I kept silent. Hindi siya pinansin at nag-focus na lang sa paghahanap kay "x" . . . na naman.

". . . pero at least they will always have the excitement of touching each other."

Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Hey, Sipnayan!" nang banggitin niya ang tunay na pangalan ko, napatigil ako sa pagso-solve.

Nakalimutan niya na bang 'wag na 'wag niya kong tatawagin sa tunay na pangalan ko dahil nakakairita? Oo, Sipnayan ang tunay kong pangalan. In English translation, Mathematics. So sinong matutuwa ro'n, aber?

"Ano bang trip mo sa buhay?" inis na tanong ko.

"Makinig ka na muna kasi sa kwento ko. Promise, sobrang interesting nito," nakangiti niyang pagpapaliwanag.

"Fine!" pagsuko kong tugon. "Ano ba kasi 'yon?"

"I'm telling you about the saddest—"

"Yeah, whatever, just go straight to the point. Ayokong nagsasayang ng oras."

"I'm telling you nga kasi na hindi aysmptotes ang saddest love story in Math."

"O siya, ano ba 'yang pinaglalaban mo?"

"Intersection point kasi talaga 'yon."

Napakunot ako ng noo. Wala talaga akong maintindihan. Pero para tigilan niya ko, sige, kunwari nage-gets ko siya.

"And why is that?"

"Because they meet. They do. But they will only meet once. After that, they will never meet again." Tahimik lang akong nakikinig sa seryosong paliwanag niya. "It's like destiny has played on them. Why would the universe conspire to let them meet only to part ways in the end? Only once. And never again."

After I heard that, bigla akong napaisip. Kahit papaano naman ay naintindihan ko ang gusto niyang iparating. Hindi ko inakala na kaya niya pang gawan ng kwento ang mga simpleng terminologies—okay, hindi simple—pero 'yon nga, nagawan niya pa ng hugot ah.

After that, hindi ko inakala na magiging magkaibigan kami.

At doon nagsimula ang lahat.

Summer vacation.

Summer class.

Hindi ko inakala na ang kinaiinisan kong tao ay siyang magpapatibok ng abnormal sa puso ko.

As the days passed by, unti-unti na ring nahulog ang loob ko sa kanya. Sa mga kwento niya about Math theories. Sa mga corny jokes niya na, syempre, related sa Math. At sa mga hugot niya pa . . . na related pa rin sa Math.

Pero ang mas lalong hindi ko inakala ay ang pag-reject niya sa akin nang mag-confess ako sa kanya right after our Moving-Up Ceremony.

At doon ko na-realize na our story is like the "intersection point story" he mentioned a year ago. The saddest Math love story he told me.

Oo, nag-meet kami. Pero 'yon na lang pala 'yon. Hanggang doon lang pala ang lahat. At isang beses lang pala 'yon. Dahil right after our MUC, hindi ko na siya muling nakita pa.

Mukhang pinaglaruan nga kami ng tadhana—lalo na ako. Imagine, I hate Math . . . pero ayon, I fell to Mat, the guy who loves Math . . .

And the guy who can't love me back.

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro