Kabanata 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 2

Jenny

                  Maaliwalas ang umagang sumalubong sa 'kin ngayon. Mabuti naman at nang makapaglaba na ako. Ilang araw ding pabalik-balik ang ulan, dahilan kung bakit 'di ako nakakapaglaba. Ayoko kasing maglaba kung hindi rin agad matutuyo ang mga damit ko. Wala rin naman akong washing machine kaya't umaasa ako sa init ng araw.

                  Tumayo na ako't inayos ang hinigaan ko. Dumiretso na rin ako sa banyo para maglinis ng sarili at magpalit ng damit. Matapos 'yon ay nagsuklay na ako ng buhok at nagsimula nang maglakad papuntang likod-bahay para maglaba.

                  Subalit napatigil ako nang mapansin ang isang bagay, ang portrait ni Mat na ako mismo ang nagpainting.

                  "Mat?"

                  Tila bumalik sa isipan ko ang nangyari kagabi. Nakahiga lang ako habang naghihintay ng bulalakaw, nagiisip-isip hanggang sa nasabi ko na lamang ang mga salitang, Sana totoong tao ka na lang Master Villegas. Gustong-gusto na kitang makita.

                   Kasabay ng pagsabi ko no'n ay ang paglapit ng isang lalaki sa akin na hindi ko rin akalaing makikita ko, si Mat, si Master Villegas.

                   'Di ako pwedeng magkamali, siyang-siya iyon, kahawig na kahawig niya iyong portrait ni Master Villegas na pinainting ko.

                   Ngunit, imposible naman 'yon. Si Mat magiging totoong tao? Hindi kapani-paniwala. Baka panaginip lang iyong kagabi. Maliban sa sinabi niya ay wala na akong maalalang ibang nangyari. P-pero, paano nga kung totoo iyon, kung tinupad nga ng bulalakaw ang hiling ko kagabi?

                  "Aish! Mababaliw ako sa kakaisip. Makapaglaba na nga."

                   Mabilis rin  naman akong natapos sa paglalaba at sa iba pang gawaing bahay. Sa dami ng ginawa ko ay 'di ko na rin inalala pa ang napanaginipan ko slash nangyari kagabi. Baka mabaliw pa ako sa kakaisip.

                  Nagbabasa lang ako ng mga confessions sa Facebook page na Spookify nang biglang may tumawag sa akin. Nang tignan ko naman ang caller ay nalaman kong ito ang best friend kong si Wendy.

                   "Oh?"

                  "Jen, pasama naman."

                  "Saan?"

                  "Sa ukay-ukay."

                  "Okay, saan tayo magkikita?"

                   "Sa 7 11 na lang."

                   "Now na?"

                  "Yup."

                  "Okay magbibihis lang ako saglit."

                  "Bilisan mo ah. Ay by the way fren, alam mo ba, may bago na naman akong kachat ngayon, eh 'di ko naman ma "end chat" kasi pogi, tapos feeling ko mayaman. Eh maganda nang maging segurista, 'pag hindi kami nagkatuluyan ni George atleast my sub..."

                  'Di ko na lamang pinansin ang pinansin ang mga pinagsasabi ni Wendy. Sigurado akong tungkol lang ang mga 'yon sa mga nakakachat niya sa isang dating site. Hinayaan ko na lamang siyang magsalita nang magsalita, 'di lang rin naman ako makakasingit.

                  Wala naman akong angal sa mga pinaggagagawa niya, bilang best friend, sinusuportahan ko siya sa mga kalandian niya, gano'n din naman siya sa 'kin eh, suportado niyang ang kahibangan ko kay Mat.

                  Mat, na naman. Aish! Umalis ka sa utak ko, naguguluhan lang ako 'pag naiisip kita.

                  "Oh fren, andyan ka pa ba?" Tapos na pala siya sa mga chika niya.

                 "Yup"

                  "Mabuti naman dahil may mga sasabihin pa ko sa 'yo. Hay nako, nakakainis..." Hindi pa pala.

                   Ito kasing si Wendy ay mas komportableng magsabi ng mga hinaing niya sa buhay at mga nararanasan niya araw-araw through phone call. Maski ako naman gusto kong through phone call na lang niya sabihin. Eh pa'no, 'pag nagkakataong kasama niya ako't nagsasabi siya, kung hindi ako hahampasin dahil sa kilig, pipisilin naman ang braso ko dahil sa pangigigil. Buti na lang minsan puro daldal lang siya.

                  Ako naman ay mas kumportable kung sasabihin ko sa personal ang mga nararanasan ko, mapaproblema man o mga masasayang karanasan. Kahit naman kasi madaldal si Wendy, magaling iyan sa pagpapayo at pagpapaliwanag ng mood ko.

                  "Oh pa'no fren, baba ko na muna 'to ha, nagchat kasi si Winston." Winston? Ito siguro iyong bago niyang kachat.

                  Siguro ang iba'y playgirl na ang tingin kay Wendy 'pag sila ang nasa posisyon ko ngayon. Pero, dahil matagal na kaming magkaibigan, naiintindihan ko ang pinaggagagawa niya. Masyado lang siyang nasaktan sa nakarelasyon niya noon kaya nililibang niya ang sarili niya sa pamamagitan ng pakikipagchat sa kung sino-sinong foreigner.

                  Nagsuot lang ako ng three quarter pants at puting v-neck shirt. Hinayaan ko namang nakalugay ang lagpas-balikat kong buhok. Nagtsinelas lang ako dahil maguukay lang naman kami ni Wendy.

                 "Para po." Sabi ko sa tricycle driver saka iniabot ang bayad.

                  Pagkababa pa lamang ng tricycle ay nakita ko na agad si Wendy. Nasa tabi lang ng glass wall si Wendy kaya nakita ko agad. Pangiti-ngiti siya habang nakatingin sa screen ng hawak niyang cellphone. Siguro'y nakikipagchat na naman ang kaibigan kong ito.

                  Pumasok na ako sa 7 11 saka bumili ng ice cream. Mukhang 'di naman ako napansin ni Wendy. Binilang ko pang mabuti ang sukli ko bago mag-angat ng tingin at maglakad.

                  Nanlaki ang mata ko nang makita si Mat sa labas. Nakatayo siya sa tabi ng isang sasakyan. Alam kong siya 'yon, at siya rin ang nakita ko kagabi.

                  Siguro nga, siguro nga hindi lang 'yon basta panaginip.

                  Lumapit agad ako kay Wendy saka siya tinapik.

                  "Oh, andito ka na pala."

                  "Wendy."

                  "Eh bakit para kang nakakita ng multo. Omg fren, wag ka namang mananakot, alam mong-"

                  "Wendy, si Mat nasa labas."

                  "Huh? Oy, nasobrahan ka na ata ng kahibangan dyan sa Mat na 'yan."

                  "Hindi. Totoo. Nasa labas siya, tignan mo do'n sa-" napatigil ako nang wala akong makitang Mat sa labas. Asan na 'yon?

                  "Wala naman eh. Hay nako, maupo ka nga't ubusin mo na iyang ice cream mo at nang makapag-ukay na tayo."

                  "Pero-"

                  "Sige na. Fictional character si Mat, hindi siya tao. Paanong makikita mo 'yon? Hay nako fren." Pagsermon niya sa akin saka bumalik sa pakikipagchat.

                   Napatingin ulit ako sa labas. Aaminin ko na hibang nga ako kay Mat to the point na nahihiling ko na lang sa bulalakaw na sana'y totoo na lang siya. Pero alam ko pa rin ang mga nakikita ko, alam kong nando'n si Mat kanina.

                  Aish! Ginugulo mo na naman ang isip ko Mat.

                  "Alam mo ba fren, pupuntahan daw ako ni George dito sa Pinas. Kaya nga tayo nandito ngayon at nang makabili ako ng damit na gagamitin ko 'pag mamamasyal kami." Panimila ni Wendy sa kanyang litanya. Andito kami ngayon sa ukayan. Si Wendy ay nagtitingin ng mga damit samantalang ako'y nakatayo lang at nagiisip-isip.

                  Ang daming tanong sa isip ko. Kagaya ng, kung nasaan siya, kung nagkatotoo ba talaga 'yong hiling ko, kung tao na ba talaga siya, at kung bakit niya ginugulo ang isip ko.

                  "Iniisip ko nga kung ieend chat ko na si Winston. Kasi naman 'di ba, nakakahiya naman kung together na kami ni George tapos may kachat pa akong iba. Anong masasabi mo Jen?"

                  Bakit pa kasi siya nagpakita ulit kung aalis din agad? Kung magpapakita na lang din siya, sana nagpaliwanag muna bago umalis.

                  "Kaya lang fren, sayang din, ang pogi no'n. Mas pogi kay George. Well, pareho naman silang pogi. Lamang lang ng ilang paligo si Winston. Nako fren-teka nga nakikinig ka ba sa 'kin?"

                  Natauhan naman ako nang makaramdam ako ng tapik sa balikat.

                  "Mmm?"

                  "Ay nako, 'wag mo sabihing si Mat na naman ang iniisip mo?"

                  "Huh?"

                  "Oy kinukunsinti ko iyong kahibangan mo kay Mat pero itong pag-iisip mo dahil nakita mo siya kuno 'di pwede. Ano ba fren, uulitin ko ha, fictional character si Mat, 'di tao. Kaya imposibleng makita mo siya."

                  "P-pero nakita ko talaga siya. Kagabi nagpakita rin siya sa 'kin, alam kong siya 'yon, pati 'yong kanina."

                  "Eh bakit 'di ko nakita? Alam mo fren, oras na siguro para humanap ka ng lalaking magmamahal sa 'yo at mamahalin mo, 'yong totoong tao, para matigil na iyang kahibangan mo, over na eh."

                   "P-"

                   "At 'wag mong mamasamain ha, kasi concerned lang ako sa 'yo. Dapat pala no'ng una pa lang ay 'di ko na sinuggest iyong app na wattpad, kung alam ko lang na wala 'tong maidudulot na maganda sa 'yo."

                  Napayuko na lang ako. Siguro nga ilusyon lang iyon, 'di ko talaga nakita si Mat. Napabuntong hininga na ako.

                  "Don't worry fren, ako bahala sa 'yo. Irereto kita sa mga kakilala— "

                   "At sinong nagsabing pwede siyang ireto?" Rinig kong sabi ng isang boses sa likod ko. Bago pa ako makalingon ay naramdaman ko ang isang kamay na umakbay sa akin.

                  At sa pagtingin ko sa lalaking katabi ko ngayon ay isang salita lang ang nasabi ko.

                  "Mat."

Feel free to comment your reactions and suggestions! And don't forget to vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro