Prologue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jenny

Malamig ang simo'y ng hangin sa paligid. Mamasa-masa rin ang mga damo dahil sa dumaang ulan kanina. 'Di ko rin naman maitatanggi ang amoy ng basang lupa. Pero kahit na gano'n ay 'di ako nagpatinag, inilapag ko pa rin ang dala kong karton sa damuhan, saka ipinatong ang dala kong kumot. Inilapag ko rin ang dala kong unan at libro pagkatapos ay humiga na.

Heto na naman ako, umaasa, eh wala nga kasing love life. Kung totoo lang sana si Mat.

Napatingin ako sa librong nasa tabi ko. Ito ang pinakaunang librong nailimbag ni Amalaya, at ang akin ring pinakapaborito. Ang love story nina Mat at Win, na dahilan kung ba't ako hibang na hibang kay Mat. Madalas nga ay inilalagay ko ang sarili ko sa pwesto ni Win, nakakainggit lang kasi. Minsan nasasabi ko na lang sa sarili ko, ang swerte naman ng babaeng 'to, sana all.

Nasa labas ako ngayon dahil maliwanag ang buwan. 'Di naman ako lobo o aswang na sa gabi naghahanap ng makakain. Isa lang akong babaeng naghihintay sa isang bagay na imposible.

Posible kayang maging tunay na tao ang mga fictional characters?

Malamang hindi. Oo siguro kung sa mga nobelang may genre na fantasy. At baka, baka lang naman magiging posible 'pag humiling ako sa isang bulalakaw.

Kaya nga ako nandito't nakahiga, nakatingin sa mga bituwing nagkalat sa kalangitan, na sinasamahan ang buwan sa pagbibigay liwanag sa kalupaan.

Buti pa ang buwan may kasama, ako wala.

Nako, humuhugot na naman ako.

Gabi-gabi, kung maaliwalas ang kalangitan, hinihintay ko ang paglabas ng mga bituwin, at ang pagdaan ng bulalakaw. Ang sabi kasi ni mama noong bata ako, humiling ka sa bulalakaw, magkakatotoo. At siyempre, bilang batang wala pang kamalay-malay noon, naniwala ako.

Dahil doon gabi-gabi, maliban kung umuulan, akong nakatambay sa tapat ng bintana ng kwarto naming magkapatid, naghihintay hanggang sa makatulog ako, mabuti na lang at magaan ako noon, naililipat pa ako sa higaan ko. At hanggang ngayon, kahit nagdalaga na, ipinagpapatuloy ko pa rin ang paghihintay. Oo, simula noong una kong paghihintay hanggang ngayon, wala pa akong nakikitang bulalakaw. Pero tuloy pa rin, kung hindi naman paghihintay ng bulalakaw ang ginagawa ko, pagrerelax at nagsisilbi ko na rin itong hobby.

May isa lang naman akong hiling.

"Sana totoong tao ka na lang Master Villegas. Gustong-gusto na kitang makita."

Laking gulat ko naman dahil kasabay ng pagsabi ko no'n ay ang pagdating ng isang 'di ko kilalang lalaki. Napaupo agad ako pagkakita rito. Sinubukan kong aninagin ang kanyang mukha pero 'di ko magawa dahil sa buhok niyang abot balikat. Nakatakip ang buhok nito sa kanyang mukha.

Naglakad pa siya sa papunta aking kinaroroonan, saka lumuhod. Samantalang ako'y 'di makagalaw dahil na rin sa kuryosidad, nais kong malaman ang itsura niya sa 'di ko rin alam na dahilan.

Tila bumagal ang oras nang inayos niya ang kanyang buhok at makita ko ang kanyang mukha.

"Ako ba ang hinahanap mo?" Aniya saka ako kinindatan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro