SS2 : Ch.66 - The Murderer

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


[DAMIAN's]

"Ama ?!"

"Oras na para tapusin ko na kayong lahat .." nakangisi ito . He pulled out his sword at itinapat sakin . "Pero pagbibigyan kita na depensahan at ipagtanggol ang sarili mo .. Tayo !!" utos nito.

Kaya dahan dahan akong bumangon . At hinarap sya , kinagat ko ang hinlalaki ko at gumawa ng baril gamit iyon . Isa ito sa mga tinatago kong kapangyarihan .

"Yan ba ang kapangyarihan mo ?" tumawa ito ng nakakaloko na nagpakunot ng noo ko .

"Tuso ka talaga ama ?" sigaw ko.

"Bakit ? Ano bang akala mo sa akin ? Mala-anghel sa sobrang bait ?"

"Alam na naming magkakapatid na gagawin mo ito . "

"Hmm .. Sana nakikita ng iyong ina ang sinasabi mo sakin .. Ang kaso .." he lick his sword and look at me .

I know what that means .. Ayoko sanang maniwala .. Ayokong makita ng babaeng mahal ko ang isa pang halimaw na nasa loob ko .. AYOKO !!

"I can remember how she beg to me to have mercy on her .." SLAAASSSHHH !!

"ARGGHH !!" tinamaan ang pisngi ko.

I can feel her presence .. Nagwawala ito .. But I keep my focus to this murderer .. Ang tunay na pumatay sa aking ina ..

"Kung ikaw ang pumatay sa kanya , who is the lycan na hinarap mo sa amin ni Eleazar ?!" may halong galit ang boses ko . Oo , wala na 'kong paki sa makikita nya .. I will make my revenge for my mother and my brothers na naging sunud sunuran sa gusto ng tunay na halimaw na ito .

"A dummy .." nakangisi ito ng nakakaloko na feeling mo , gusto mong hiwain ang bunganga nito ..

FLASHBACK ...

"Ama , Nasaan si ina ?" salubong ko kay ama na nanggaling sa isang labanan . Samantalang si Eleazar naman na noo'y sampung taong gulang pa lamang ay naka-upo't nagbabasa lamang . Alam ko at ramdam ko ang galit nya sa aming ama . Pero dahil sa mura at inosente kong kaisipan , hindi ko agad yun naintindihan ..

Tumingin sa akin si ama na may lungkot sa kanyang mga mata . Ngunit pilit ko naman itong sinawalang bahala . Lumuhod sya sa harap ko hanggang sa magpantay na kami . Umiling sya at niyakap ako ng mahigpit . Hinagod ko ang kanyang likod para gumaan ang kalooban nito .

Ano kayang problema ?

Bakit malungkot si ama ?

Nasaan si ina ??

Ang daming tanong ang gumulo sa mura kong isip . Mga tanong na hindi ko kayang tanggapin kung ano man ang kasagutan .

"A-ama ?" mahinang tawag ko dito pero nanatili lang itong nakayakap sakin . "Ama , nasaan si ina ?"

Sa wakas ay humiwalay si ama at sinenyasan ang mga alagad nito na sina Phoenix , Lance at Yoru . May daladala sila - hindi , may kinakaladkad sila na isang lalaki na pilit kumakawala .

"Wala akong ginawa sa kanya ! Hindi ko sya pinatay !!" sigaw ng lalaki .

Sinong pinatay ?

Sino ang lalaking ito ?

Ayan na naman , panibagong mga tanong sa utak ko . Nagtataka ako , na sa halip na sagutin ni ama ang tanong ko , ay sya namang pagpasok ng humihiyaw na lalaking ito .

"Damian , Eleazar .. Siya , ang pumatay sa inyong ina .." turo turo ni ama ang nagwawalang lalaki .

Para akong pinako sa aking kinatatayuan , Si ina ? Pinatay sya ? Parang gustong bumigay ng mga tuhod ko sa natuklasan . Agad akong niyakap ni Eleazar . Bakas sa mukha nya ang kanyang galit . At lungkot .

"PAPATAYIN KITA !!!" sigaw ni Eleazar . Bigla itong kumawala sa akin at binunot ang espada ni ama at pinutol ang ulo ng Lycan na kaharap namin - ang pumatay sa aming ina .

Agad itong naging abo . Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa nakita ko . Tumalsik sa mukha ko ang dugo ng lalaki na pinatay ni Eleazar .

Hindi ako makapaniwala - hindi .. Ayokong maniwala .. Na patay na ang aking ina .. Ang sakit sa dibdib . Ang sakit isipin na ang babaeng nag-alaga , nag-mahal at nag-aruga sa amin ay wala na ..

Sinumpa ko sa aking sarili na mula sa araw na iyon . Hindi ko na pakakawalan pa ang babaeng magmamahal at titingin sa akin hindi bilang isang halimaw o demonyo , kundi isang lalaking dapat mahalin .

END OF FLASHBACK ...

"DAMIAN !!" nagising ako sa pagbabalik tanaw ng marinig ko ang boses ng babaeng pinakamamahal ko .

Lalaban ako , para sayo ina , Eleazar at Cherrie ..

Kahit pa paslangin ko gamit ang aking sariling kamay ang lalaking nasa harapan ko ..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro