i

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"I TOLD you all I can't do that kind of sh*tty thing!" sabi ng dalaga habang pilit na umaalis sa kamay ng mga sundalo ng palasyo.

"Huwag ka ng mag sinungaling pa," may galit na sabi ng prinsepe ng kaharian habang nakatutok ang sandata sa dalagang nakaluhod sa kaniyang harapan.

"Tsk, If you all really think that I'm the one who k*lled that Peridot girl, then okay, I admitted. ANO? ANO KIO OKAY KANA?? Inamin ko na ang kasalanan na hindi ko naman ginagawa, okay kana ba? Are you now satisfied? ANO?! ANSWER ME! SATISFIED NABA KAYONG LAHAT SA PAG AMIN KO?!" nakataas ang dalawang braso nito habang may malaking ngiti na pinapakita sa iba.

"YOUUU!" labis-labis ang galit na nararamdaman ng binata kaya siya na mismo ang nag patong ng parusa na ibibigay para sa dalaga.

Isang tunog ng pag wasiwas ng espada ang umalingawngaw sa bawat sulok ng palasyo ng Aldrajaro. Kasabay no'n ay ang pagbagsak sa lupa ng dalagang napag hinalaang nag lason sa dalagang si Alexandrite.

Ang katapusan ng kaniyang buhay na naitakda ng kapalaran ay nangyari na, bukod sa kaniyang ama na isang Marques ay wala ng ibang nagluksa para sa dalaga. Nalaman ding hindi natuluyang namatay si Alexandrite dahil narevive siya ng isang Saintes ng Holy Temple na pinag dalhan para sa kaniya. Dahil do'n ay nagkatuluyan nag dalawang magkaibigan sa huli at habang buhay na magsasama.


"WAAAAHHHH!!!!" umalingawngaw ang tili ko sa buong kwarto, matapos mabasa ang kwentong "Until Forever, Season 3" mula sa paborito kong manunulat na si Yva.

"Nakakainis!!! Bakit tapos na agad?? Hindi pa nga alam kung sino talaga ang gustong lumason kay Alexandrite eh," nakabusangot kong complain pagkasara ng libro.

Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi ko lang saka tinawagan ang kaibigan ko para i-chika ang tungkol sa last season ng Until Forever.

"Mhiee!"

"Oh? Ano nanaman ang nangyayari sayo?" tanong nito mula sa kabilang linya.

"Mhie! Natapos ko na 'yong last season!!"

"Eh, ano namang nangyari? Tapos mo na pala, bakit? Hindi ba endgame?" tanong nito, may kalakasan ng konti ang boses nito na palagay ko ay may ginagawa sa baba.

Oo sa baba. Ang ka-call ko ay nasa baba lang ng kwarto-hindi ko nga lang alam kung saan, pero dahil tamad akong bumaba mag sasayang ako ng pantawag.

"Nag end-game naman.."

"Eh, bakit ang lungkot ng boses mo?"

"Ewan, hindi ako satisfied, mhie! Tapos, hindi man lang nag investigate kung sino ang nag lason kay Alexandrite, inakusahan agad kay Quinzaine tapos bigla nalang pinatay! Nakakaawa tuloy!" pag susumbong ko sa kaniya bago isinubsob ang mukha sa unan.

"Huh? Akala ko ba hate mo 'yan Quin-kung ano mang pangalan ng kontrabidang 'yan," anito matapos agad na sukuan ang pag bigkas sa pangalan ng kontrabida sa nabasa kong kwento.

"Kase naman mhie... nakakaawa nga siya!" nanlulumong aniko.

"Oh, eh, anong gagawin mo? Hindi naman pwedeng puntahan mo 'yong writer ng story na 'yan ta's mag cocomplain ka sa kan'ya."

Ah!

Bumangon ako at nabuhayan sa kaniyang sinabi saka dali-daling lumabas ng silid at bumaba ng hagdan para pumunta sa kaibigan ko na nakita kong nag luluto sa kusina.

"Ang talino mo talaga Ayi!" hinihingal ngunit hindi 'yon hadlang para mamungay ang aking mata dahil sa ideya mula sa kaniya.

"Ha? Pinag-HOY! BABAE 'WAG MONG SABIHIN PUPUNTAHAN MO BAHAY NO'N?" hindi makapaniwalang tanong nito at sinagot ko lang naman ito ng nakalolokong ngiti.

"Lilla, naku! Subukan mo lang talaga, makikita mong hinahanap mo!" May halong pagbabantang anito habang hawak ang espatulang ginagamit.

"Ano ka ba naman, nag bibiro lang ako!" Natatawang ani ko pero ang ganda talaga ng suggestion niya.

Napailing-iling nalang siya saka ako inutusang ihanda na ang lamesa para sa aming tanghalian.

Matapos mananghalian ay nagpaalam sa'kin si Ayi na aalis at baka malate ng uwi kaya sandamakmak na bilin nanaman ang iniwan nito sa akin na tanging "oo" lamang ang sinagot ko hanggang sa masatisfy siya kaya umalis na.

Habang nanonood ng isang romance movie ay napalingon ako sa librong nasa aking harapan.

"Bahala na."

Walang pag dadalawang isip kong dinampot ang libro saka kinuha ang susi ng apartment at nag mamadaling kunin ang ibang kinakailangang gamit bago lumabas at sinara ang bahay.

Para mapabilis sa pag byahe ay napag desisyonan kong mag grab papunta sa bahay ng isang kilalang manunulat na nag ngangalang Yva. Alam ko ang address niya dahil madalas akong nag padala ng mga appreciation gift.

"Manong, sigurado kang ito ang tamang address ha?" paninigurado kong tanong sa matandang lalaking driver bago lumabas ng backseat pagka tapos mag bayad.

"Opo ma'am, basta tama rin 'yong binigay mong address," pahabol ng matanda bago pinaandar ang sasakyan paalis.

Gadd! Kinakabahan ako, what if hindi niya ako harapin?

Nag ooverthink na 'ko ngunit ikinuyom ko ang aking kamay saka pinatatag ang loob dahil naandito na naman ako, huli na para umatras pa.

Lumapit ako sa gate at nag doorbell. Ilang beses ko pang inulit ang pag doorbell pero kahit tunog ng kuliglig ay walang nasagot. Kaya naman ay sinilip ko ang loob mula sa gilid ng gate napag alamang hindi pala ito naka-lock.

Bukas? Hindi kaya ay lumabas siya?

Napag desisyunan kong mag antay ng ilang sandali sa labas dahil hindi naman ako pwedeng pumasok, baka ay makasuhan pa ng trespassing. Ilang sandali pa ay may isang ginang na dumaan na mukhang napansin ako kaya ay lumapit sa akin.

"Ineng, anong ginagawa mo riyan? Ke-init-init ng panahon naka tambay ka pa sa labas," usisa ng ginang.

"Ah, okay lng po, inaantay ko lang po kase 'yong nakatira dito baka lumabas lang po saglit," sagot ko, tiningnan ng ginang ang bahay na tinatambayan ko.

"Ay r'yan ba? Mag doorbell ka lang ineng, hindi naman nalabas ang dalaga d'yan kapag ganitong mga oras," anito at ang mas ipinagtataka ko ay pa'no nito nalaman ang gano'ong pribadong bagay.

"Pa'no niyo po alam?" hindi ko na napigilang mag tanong.

Natawa naman ang ginang bago sumagot. "Ako kase ang nag papaupa sa nakatira r'yan at madalas talagang ayaw niyang lumalabas lalo na kapag ganitong oras." napatango-tango lamang ako dahil sa natuklasan at siya naman ay nag paalam na aalis na raw.

Nagpa salamat pa ko rito bago muling tumayo at nag doorbell ngunit wala paring lumalabas.

Siguro ay dahil sa sinabi ng ginang kanina kaya may pag dadalawang isip ako kung papasok ba ako sa loob. Pakiramdam ko kase ay may hindi tama, pero hindi ko naman alam kung ano ba at saan nanggagaling ang kabang nararamdaman ko.

Dahan-dahan akong nag lakad papuntang pintuan ng bahay saka muling kumatok at pagka tapos ay pinihit ang pinto, nang bumukas ay marahan niyang binuksan ang pintuan.

"Mhm... t-tao po? Papasok na po ako," saka ako tuluyang pumasok.

Napansin niyang hindi gano'n kalaki ang bahay ng manunulat iba mula sa labas, isa-isa kong pinuntahan ang mga posibleng pag tambayan ng manunulat; mula sa salas, kusina, banyo, likod bahay, at panghuli ang silid nito.

May pag iingag kong pinihit ang door knob, nang mabuksan ko ang pinto ay malaya kong inilibot ang paningin.

"AHH!!" hindi ko inaasahan ang aking madadatnan at halos matumba ng makita ang manunulat na nakahandusay sa sahig.

Parang nag proseso pa sa utak ko ang kasalukuyang pangyayari dahil hindi ko man lang maigalaw ang aking mga paa.

Anong nangyari?

Hindi ko pa naranasang makasaksi ng ganitong pangyayari sa tanang buhay ko kaya para hindi ko na rin alam ang gagawin.

Nang magka laya na ang aking katawan mula sa pag kakahinto ay agad ko itong nilapitan at sinuri ang kaniyang pulso ngunit hindi ko ito mahanap.

Natataranta na ako na hindi ko na alam ang dapat gawin kaya napag desisyunan kong lumabas upang humingi ng tulong ngunit bago pa makalabas ng silid ay may isang pigura na lumitaw mula sa kung saan at kasalukuyan itong may hawak na baril- isang silent gun na nakatutok.. sa akin.

Para nanaman akong naging bato dahil sa hindi makagalaw na mga hita ko lalo na ng makilala kung sino ito. Tinanggal niya ang pagka tutok sa akin ng baril.

"A-ayi? A-anong ibig s-sabihin n-nito?" maguguluhang tanong ko, hindi ako naniniwalang magagawa niya ang ganito.

Sa kasalukuyang ko lang napag tantong hindi ko nga talaga kilala kung sino nga ba talaga ang tinuring kong kaibigan.

"Sabi ko naman kase sa'yo, 'wag mo nang ituloy ang binabalak mo, masyado ka kaseng pasaway," anito bago kinasa ang baril.

"A-ayi.. p-please... d-don't.. do this.." pag mamakaawa ko. Lumuhod ako habang patuloy na nag mamakaawa para sa aking munting buhay.

"Sorry mhie ha, hindi kase ako nag iiwan ng ebidensya... at isa ka na do'n- Agh!

Parang isang hangin ang dumaan sa akin matapos niyang tuluyang gatilin ang gatilyo ng baril at hindi ko alam kung sinadya o hindi ang ginawa niyang pagtama ng bala sa puso ko.

Tanggap ko ang kamatayan, noon pa lang ay hindi na ko takot mamatay pero hindi ko alam na sa kamay ng tinuturing kong pamilya ako malalagutan ng hininga.

"Pasensya na Lilla, trabaho lang.." huli kong rinig na sinabi nito bago tuluyan na ring bumigay ang talukap ng aking mga mata.


ANG HINDI ko alam ay pagkatapos ng pangyayaring iyon ay ang katapusan ng buhay ko ngunit iba pala ang isinulat ng tadhana.

"HUMAYO KAYO AT BILISAN ANG BAWAT KILOS!"

"BILISAN!! ANG YOUNG LADY AY NAGKA MALAY NA!!"

Nakaririnig ako ng mga boses at habang tumatagal ay palakas ito nang palakas. Nang magawa kong maigalaw ang aking kilay dahil sa mga boses na aking naririnig ay unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.

Nasa hospital ba 'ko?

Hindi niya ba 'ko napatay ng tuluyan?

Sunod-sunod ang mga katanungan sa aking isipan. Ngunit nang tuluyan ko ng maibukas ang aking mga mata ay luminaw ang paningin ay saka ko lamang napag tantong hindi ako pamilyar sa mga nasa paligid.

Ni hindi mga naka coat ang mga ito gaya ng normal na mga doctor. Napansin ko ring kakaiba ang mga pagbigkas nila ng mga salita kaya may lalo kong naguluhan at muling kusang bumagsak ang talukap ng mata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro