AljSandelaria's One Shot Story

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

The Other Side

One Shot Story 


Love is the most precious thing people can experience, but on the other side, love itself is... selfish.

MALAWAK ang ngiting pinakawalan ko nang makita si Ivan na naglalakad papalapit sa akin. Nasa isang book café ako sa may BGC kung saan kami unang nagkita at nagkakilala. Dito namin napagpasyahang magkita kasi walang pwedeng maka-alam na may relasyon kaming dalawa.

May mga bagay kasi na kahit na gaano pa kaganda at kasaya ay kailangan lang na manatiling sikreto dahil masyado itong... masakit.

He's the man that I love, the man that makes my life complete, it may sound cheesy and corny but it's the truth, but he's also my best of friend's boyfriend.

I've known Melody, my best of friend since ages of time, and I met Ivan on this certain book café. That time, it was summer and I'm reading a romance novel when he approached me by putting a coffee on the table in front of me. He smiled and introduced his self, from that day onward his killer-smile didn't get off of my head anymore.

Yes. I'm so much in love with my best friend's boyfriend to the point that I even did everything to have him in my arms.

May relasyon silang dalawa ni Melody, kung hindi ako nagkakamali ay mag-i-isang taon na sila. Naalala ko pa noong nililigawan pa lang siya ni Ivan, lagi akong nasasaktan kapag nagku-kuwento sa akin ang matalik kong kaibigan. Hindi ko alam na ang Ivan pala na tinutukoy niya ay ang Ivan na nakilala ko sa coffee shop. Nalaman ko lang noong ipakilala na niya ako ng personal.

Kapag isinasama nila ako sa mga lakad nila ay masakit sa akin. Pero tiniis ko 'yon para sa lalaking mahal ko at para sa matalik kong kaibigan. Pero kagaya nang sinasabi nila ay tanga ang pag-ibig. At para sa akin ay totoo iyon.

Minsan ay nakakagawa tayo ng mga bagay na kung hindi tayo ang masasaktan ay makakasakit tayo. At iyon ang nangyayari sa akin ngayon. May relasyon pa sila ni Melody pero ginawa ko ang lahat para mahulog siya sa akin. Ginawa ko ang lahat ng bagay na hindi naiparanas sa kanya ni Melody.

Lahat.

Tama ang iniisip niyo. Inahas ko ang kasintahan ng matalik kong kaibigan. Sa kunwento kong ito ay alam kong madami ang maiinis sa akin. Ako ang masama, ako ang kontrabida, ako ang ahas, ako ang kabit at wala akong ibang puwedeng maging idahilan kung hindi ang nagmahal lang ako.

"Hey..." Sinalubong niya ako ng yakap at marahang halik sa pisngi, "How are you?"

"I'm doing well. I just want to see you. Sige na, baka hinihintay ka na ni Melody."

Nakita ko ang lungkot na bumakas sa kanyang mukha nang marinig ang pangalan ni Melody. Nakukunsensiya ako na niloloko namin ang matalik kong kaibigan, nahihirapan ako sa sitwasyon, at alam ko na gano'n din ang nararamdaman niya.

"Will you be okay?" tipid akong ngumiti at marahang tumango.

It really hurts to get stuck with the things in between. Most of the times, I can't help but to wonder if what's worth it to sacrifice, is it the love for your best friend, or the love for someone special? But at the end of the day, you'll still ask yourself if it's really worth it.

Hindi ko maintindihan pero bumibigat ang puso ko habang pinapanuod si Ivan na naglalakad palayo sa akin. Tapos na ang nakaw na sandali namin at kailangan kong isauli na ulit siya sa totoong nagmamay-ari sa kanya.

Ganito ang naging sitwasyon namin sa loob ng halos anim na buwan. Anim na buwan na sila ni Melody noong nagka-relasyon din kami at oo, halos anim na buwan na naming niloloko ang matalik kong kaibigan. Nasanay na ako na lagi lang panakaw ang mga sandali namin.

Mahal ko kaya nagpapakatanga ako.

"Alison, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya. Madalang na lang siya mag-text, minsan hindi pa niya sinasagot ang mga tawag ko, tapos ayaw pa niyang ipahawak sa akin ang cellphone niya. Halata na may itinatago siya. Sa tingin mo besh, may iba kaya siya?"

Tanong ni Melody na napakadaling sagutin para sa normal na matalik na magkaibigan pero para sa akin ay napakahirap. Kung sasagot ako sa kanya ay madadagdagan lang ang kasinungalingan ko. Kung sasabihin ko naman sa kanya ang totoo ay... mawawala silang dalawa sa akin.

"H-Hindi ko alam... baka abala lang siya sa pagaaral. Kausapin mo."

Nalungkot at nasaktan ako nang makita si Melody na ipinatong sa mesa ang kanyang ulo. Bakas sa mukha niya ang matinding kalungkutan. Alam ko na walang sikreto ang hindi nabubunyag, pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang lahat.

Inilabas ko ang cellphone ko at agad na nagpadala ng mensahe para kay Ivan.

Ako:

Babe, kausapin mo si Melody. Naghihinala na siya sa 'yo.

Ivan:

Sorry, babe. Medyo naging busy lang. Sige, kakausapin ko siya. I miss you.

Ako:

I miss you too, babe.

I feel like I am the Queen on the chess game that's trying to protect the King. One bad move and I'll surely lose the battle, and I don't think I can risk everything.

Isang araw ay naglalakad ako papunta sa silid aralan namin nang makita si Melody na mabilis na naglalakad papunta sa direksiyon ko. Mukha siyang galit pero mas nangingibabaw parin sa mga mata niya ang... sakit.

Agad akong nabigla nang salubungin niya ako ng isang malakas na sampal. At sa ginawa niyang iyon ay alam kong alam na niya. Alam na niya ang sikreto ko na ayaw kong malaman nilang lahat, ang bagay na kinatatakutan kong mangyari.

"Kaya ba lagi kang nagiiwas ng tingin at hindi ka makasagot ng maayos kapag tinatanong kita? Of all people, you're the last person I thought would ever hurt me, but I thought wrong!"

Kasabay ng pamumuo ng mga luha ko ay ang pag-alis niya. Aminado ako na kasalanan ko ang lahat. Aminado ako na nasaktan ko siya. At alam ko na kahit na anong paliwanag ko ay hindi niya pakikinggan. Walang ibang dahilan akong puwedeng sabihin sa kanya kung hindi ang... nagmahal lang ako.

Pagkatapos nang nangyari ay agad kong tinawagan si Ivan para makipagkita sa kanya. Pumunta kami sa book café kung saan kami laging nagkikita. Kung saan saksi ang tahimik na lugar na ito sa mga nakaw naming sandali.

"Sorry, sorry..." bulong ni Ivan habang yakap ako.

"Paano niya nalaman?"

"Hindi ko alam na pinakealaman pala niya ang cellphone ko. Nabasa niya ang lahat ng conversation natin." Malungkot akong ngumiti, ramdam ko pa rin ang pamamasa ng mga mata ko.

"Mahal mo ba ako, Ivan?"

"Oo naman. Mahal na mahal kita."

"Paano kung papiliin kita sa aming dalawa?"

"A-Ayaw ko siyang saktan... ayaw kong may masaktan sa inyo."

"Nasasaktan na kaming dalawa."

Kung pipiliin ko ba'ng ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Ivan at isantabi ang pagkakaibigan namin ni Melody ay hindi ba masasayang ang lahat ng luha ko? Kung mas pipiliin ko ba ang pagkakaibigan namin ni Melody ay babalik kami sa dati? Magiging masaya ba sila? Kaya ko ba na ako na lang ang umako sa lahat ng sakit?

Hindi madali para sa akin ang bagay na ito. Alam ko na paulit-ulit na pero iyon ang totoo. Kahit saang anggulo ay ako ang lalabas na masama at si Melody ang kakampihan ng lahat ng tao.

No one would want to hear the voice inside me. No one would ever open their eyes for me and try to see my side. No one. And that's because I am the antagonist on my very own best friend's love story.

Inilabas ko ang cellphone ko at agad na nag-tipa ng mensahe para sa kanilang dalawa. Ako ang nag-umpisa sa lahat ng ito, ako ang nagpakumplikado kaya ako rin ang dapat na umayos.

Ako – Melody:

Wala akong ibang puwedeng idahilan sa 'yo kung hindi ang nagmahal lang ako. Sorry. Alam ko na galit ka kaya hindi ko hihilingin na patawarin mo 'ko. Pero puwede bang magkita tayo at magusap? Sa likod ng university.

Ako – Ivan:

Kita tayo sa likod ng university.

Ginawa ko 'yon para makapagusap sila. Ginawa ko 'yon para maayos pa nila ang kung ano mang nasira ko. Nang makita ko silang magkasama sa likod ng university ay agad akong napangiti ng mapait.

Ako – Ivan and Melody:

Sana maayos niyo ang kung ano mang dapat ayusin. Sorry if I added myself up in the picture. If you still can, please do give your relationship another chance and be happy.

Pagkatapos no'n ay hindi na ako ulit pumasok hanggang sa muling dumating ang bakasyon. Pinatay ko ang cellphone ko. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila. Hindi ako lumabas ng bahay. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magmukmok, umiyak at... manghinayang sa lahat ng bagay na pinakawalan ko.

Way back, I was always excited whenever its summer, but right now, I don't feel like it. I feel like everything turned back to beginning.

Isang araw ay nagpasya akong pumunta sa book café kung saan kami unang nagkita at nagkakilala ni Ivan, gusto kong magbasa ng mga romance novel gaya ng nakaugalian ko nang gawin tuwing summer. Pagkapasok ko sa book café ay nagulat ako nang makita si Ivan at Melody na magkasama.

Mas lalo akong nagulat nang makitang kumaway sa akin si Melody at ngumiti. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at hinila na ako palapit sa pwesto nila ni Ivan dala ng gulat.

"Alam ko na gustong-gusto mong magtanong pero hindi mo magawa. Hindi na namin binigyan ng tiyansa ang relasyon namin. Ipinaliwanag na niya sa akin ang lahat. Tanggap ko na. Nasasaktan ako at gusto kong magalit sa 'yo pero mas nangingibabaw pa rin sa akin ang mga masayang alaala natin bilang matalik na magkaibigan,"

"Siguro nga minahal niya ako at nagpapasalamat ako ro'n, pero alam ko na ang nararamdaman niya para sa 'yo ay umukit na sa puso at isipan niya. Alam ko na hindi lang ako ang nasaktan, hindi lang ako ang nahirapan, pero sana... kaya niyo pang ayusin ang mga bagay puwede pang ayusin. Besh, give your relationship a chance and be happy."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Melody, marahan siyang humalakhak at niyakap ako kaya agad na may namuong luha sa mga mata ko. Tinignan ko si Ivan at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin, bakas sa mukha niya ang matinding kalungkutan at pangungulila.

"I guess you two need time to talk, I'll go ahead and just see you guys around." Ngumiti sa akin si Melody at niyakap ulit ako bago siya umalis sa book café. Tinignan ko ulit si Ivan at nakita ko ang mga luhang namuo sa mga mata niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"It's you that I want to share my while life with, babe. Maybe, we caused Melody too much pain, but only God knows how much I am thankful because she understands. I... I wished that she'll find the right man for him. I'm so sorry, babe. I'm sorry for everything. I love you so damn much." Bulong niya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil masyadong nakakagulat ang mga pangyayari. Pero siguro hindi ko na rin kailangang sumagot, madalas ay sapat na ang katahimikan bilang kasagutan. Niyakap ko siya pabalik at ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Love is indeed the most amazing and precious thing that people can experience. Maybe, no one can fathom what it really means but having the feeling of it inside us is enough to explain why love exists.

With Love, we can feel so many things... pain, remorse, happiness, depression, anger, melancholy, nostalgic, craziness and even stupidity. We have our own perspective when it comes to Love but one thing's for sure: On the other side, love itself is... selfish.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro