Kaechossan's Special Chapter

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Jinggay's Story from My Aloof Husband

Codename: Kessia


#TWFBP2020 #TWFBYore


Jinggay's POV

Sobrang saya ko ngayong araw dahil day off ko! Sino ba naman ang hindi matutuwa eh ilang linggo na akong walang day off dahil sa laging busy ang mga boss ko sa trabaho? Dati ang dali lang mag request ng day off pero ngayon iba na kasi nanjan na si Genoah. Ako ang nag aalaga sa kanya lalo na pag wala si Maam Geneva at Sir Ralph.

Kaya deserve ng beauty ko ang magpahinga today. Lalo na at meron akong textmate na kikitain.

Napahagikgik ako dahil sa kilig sa isipang makikita ko narin sa wakas ang lalakeng dalawang buwan ko ng ka-textmate. Kaya kailangan maganda ako mamaya pag nagkita kami para hindi naman masayang ang effort niya na makipagkita sakin.

Pakanta-kanta ako habang naliligo pati sa paglalagay ng lotion, pagbihis at pagsuklay ng buhok ko. Naglagay ako ng konting lipstick na bigay sakin ni Maam Gen. Konting-konti lang talaga ang nilagay ko sa isang banda at kinalat nalang ito sa buong labi ko. Ayoko kasi maubos agad dahil imported pa naman ito. Binili daw 'to ni maam nung may flight siya sa UK.

Pagkatapos kong mag ayos ng mukha ko, sinuot ko na ang sandals ko na ako mismo ang bumili sa UK.

Oh diba, parehong galing UK ang mga suot ko. Ang kinaibahan lang, ang isa ay imported at ang isa naman ay local. Syempre ang isa galing United Kingdom at ang isa naman ay galing Ukay-Ukay.

Paglabas ko ng kwarto ko ay dumiretso ako sa kusina para uminom muna ng tubig bago magpaalam.

Hinanap ko agad si sir nung matapos akong uminom.

Nakita ko siya sa office room niya dito sa baba pero may kausap pa siya sa cellphone kaya hindi muna ako nagsalita. Papatapusin ko muna siya sa kausap niya.

"Jayyyy!"

Napatingin ako sa maliit na bubwit na andito pala sa loob ng office. Hindi ko siya nakita agad dahil natakpan ito ng desk ni sir. Ngayon nakita ko na siya dahil lumabas na siya don sa ilalim ng desk.

Naglalakad na siya pero hindi pa gaano kagaling. Isang taon palang kasi siya. Kailan lang siya natutong maglakad ng sarili niya.

Nilapitan ko siya at nung nasa harapan ko na siya ay napa-squat ako para magka-level kami ng konti.

"Tawag mo si ate?" Tanong ko sa kanya.

"Ghdksbdjdld Jayy!"

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya basta ang alam ko lang ay sinabi niya ang pangalan ko. 'Jay' kasi ang tawag niya sa akin dahil hindi niya masabi-sabi ang buo kong pangalan. Bulol pa kasi siya magsalita.

"Ang cute-cute mo talaga! Pa-kiss nga!" Sabi ko saka pinanggigilan na hinalikan siya sa mataba niyang pisngi. Ang taba ng pisngi kasi nito lalo na lagi itong pinipiga ng mommy niya.

Tumawa naman siya sa ginawa ko.

Akmang magpapakarga ito sa akin dahil nilahad niya ang mga kamay niya pero napailing ako, "Op op op! Hindi pwede, baby. Magugusot ang damit ni ate. Meron pa kasi akong date hehe Kaya hindi kita makakarga. Doon ko nalang sa daddy mo magpa-karga, okay?"

Hindi niya naiintindihan ang sinabi ko kaya pilit parin siyang nagpapakarga sakin.

"Ay nako, Noah. Hindi nga pwede. Baka magmukha akong panget mamaya sa date ko." Saway ko sa kanya at pinisil ng slight ang pisngi niya.

"Jinggay."

Napatingin ako kay sir na tinawag ako. Tapos na pala siyang makipag usap sa phone.

"Wait lang, baby. Kakausapin ko lang ang pogi mong daddy." Sabi ko kay Noah.

"Sir." Sabi ko saka tumayo na para harapin siya.

Tiningnan niya ang ayos ko. Nakita ko pang napakunot ang noo niya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Ganda ko sir no?"

Imbis na sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi niya, "Are you leaving now?"

Tumango ako, "Opo, sir. Kaya magpapaalam lang sana ako na aalis na po ako."

Malalim na napabuntong hininga siya na kinataka ko. Oh. My. Gulay. Nalulungkot ba si sir na aalis ako? Mas gusto niya bang wag ako mag day off para andito lang ako? Nako naman. Nagiging clingy na talaga sa akin ang mga amo ko. Paano nalang sila pag wala nako? Tsk tsk tsk.

"Ito namang si sir ang OA. Mami-miss niyo agad ako, sir, no? Wag kayong malungkot, sir. Babalik naman ako mamayang gabi eh. Isang araw lang naman ang day off ko." Sabi ko sabay hampas ng kamay ko sa hangin kunwari nagpa-cute.

Kumunot ang noo niya. "What are you talking about? I'm not sad that you're going."

Ouch. Ang saket saket naman, sir. Hindi talaga marunong sumakay si Sir Ralph eh. Tama nga si Maam Gen, napaka-prangka nitong si sir.

"Eh bakit po ba kasi ganyan reaction niyo?" Muntik na akong napa-roll eyes dahil sa disappointed ako. Paasa talaga si sir eh.

"I just talked to my assistant. I have to visit a branch. We're having problems there. They need me immediately."

"Ah ganun po ba? Sige, sir. Mag ingat kayo don. Gusto niyo po ba e-prepare ko ang gamit ni Noah? Pati yung gatas at diaper niya na dadalhin niyo."

"I'm not taking my son with me. I will be busy, I won't be able to attend to his needs."

Nanlaki ang mga mata ko na napasinghap pa, "Hala, sir! Iiwan niyong mag isa dito sa bahay si Noah?!!! Papaano siya kakain?! Mag titimpla siya ng gatas niya ng sarili niya?! Kakain siya mag isa?! Papalitan ang diaper niya at maghuhugas ng poopoo niya mag isa?!! Hindi pwede, sir. Magagalit si Maam Gen!!!" Hysterical na sabi ko kay sir dahil ayoko iwan niya mag isa dito si Noah. Kawawa ang bata. Hindi niya kayang mag isa at gawin lahat ng yun. Ano bata palang siya, pagod na agad siya? Hindi pwede yun.

"I'm not crazy enough to do that to my son." Kunot-noong sabi ni Sir Ralph sa akin. Napapailing siya saka napamewang, "Jinggay, I'm telling you this to ask you a favor."

Nanlaki lalo ang mga mata ko sa naiisip na pabor na sinasabi ni sir, "Sir! Hindi pwede. May date ako. Nangako na ako na magkikita kami ngayon."

"You can still go on your date. I allow you to bring Genoah with you."

"Po?!!" Gulat na sabi ko. "Sir, date yung pupuntahan ko tapos magdadala ako ng bata???"

"Why not?" Kunot-noong tanong ni sir.

"Unang beses palang kaming magkikita ng manliligaw ko tapos may dala akong anak. Baka ma-turn off yun sakin at iwan ako. Isa pa, hindi pwede lumabas si Genoah na kasama ako. Magagalit si Maam Gen."

Isang taon palang kasi si Noah at ayaw ni Maam Gen na nilalabas ito ng bahay lalo na pag hindi siya, si Sir Ralph or si Madame Dee ang kasama ng bata.

"I will call her to explain the situation. She will understand for sure. As for your date, if he doesn't like you bringing a child then maybe he's not the one for you. It's for you to know if he's the man you want to be with." Sabi pa ni sir. Binibilog lang ni sir ang ulo ko eh. Kilala ko yang si sir. Magaling mang-uto yan eh. Pero sabagay may point siya lagi eh kaya minsan mahirap talaga magpalusot sa kanya. Matalino kasi.

Ano pa nga ba ang magagawa ko eh wala talagang magbabantay kay Genoah? May lakad si sir. Si Maam Gen may trabaho din. Si Madame naman kung saan-saan pumupunta yun.

Napapailing ako saka nilahad ang kamay ko sa kanya na kinataka niya.

"What's that?"

Tumaas ang isang kilay ko, "Syempre, sir, hihingi ako ng baon namin ni Noah. I only have enough money for my date. We need baon."

Napapatapik ako ng paa sa sahig habang tinitingnan si sir na kinuha ang wallet niya sa bulsa niya saka lumabas ng pera mula doon. Nanlaki ang mga mata ko habang binibilang niya ang tag-iisang libo doon.

Napangisi ako sa isip ko. Maganda pala isama to si Noah eh. Malaki pala magpabaon si sir.

Pagkatapos niyang magbilang ng pera ay nilagay na niya ito sa palad ko. Napakunot ang noo ko sa nakitang pera na nilagay niya sa kamay ko.

"500??" Takang tanong ko.

"Yeah, I think that's enough for my son's expenses, right? He doesn't have an adult appetite yet."

Napanguso ako, "Sir naman eh. Akala ko pa naman yung binibilang niyo ang ibibigay niyo sakin eh. Paasa ka, sir. Dagdagan niyo na kasi sir. Tutal day off ko naman talaga dapat ngayon eh."

Napapailing siyang kumuha ulit sa wallet niya saka naglagay ng dalawang libong peso.

Napangiti ako ng malapad saka binulsa agad yung pera para hindi na niya bawiin, "Salamat, sir! Makakaasa kayong babalik ng busog na busog itong anak niyo. Nagdidighay pa!"

"Puro ka kalokohan." Sabi niyang napapailing na naman. "Make sure you take care of my son. Wag mo siyang pabayaan while you're in a date."

"Of course, sir. Takot ko lang kay Maam Gen." Sabi ko saka kinuha si Noah na kanina pa nakakapit sa binti ko. Kinarga ko siya. "Hali kana, baby. Bibihisan na kita. Sige, sir. Alis na ko."

Tumalikod na ako sakanya para pumunta sa kwarto ni Noah para bihisan siya at ayusin ang mga gamit niya.

"And also, Jinggay." Pahabol pa niya.

Ayan na naman si ser. Nagiging clingy na naman. Sabihin niya lang kasi ng diretso pag ayaw niya talaga akong mawala sa paningin niya.

Humarap ako ulit sa kanya.

"Yes, seeer?" Sabay beautiful eyes ko.

Infairness hindi na nagagalit sakin si Sir Ralph pag ginaganyan ko siya o binabara minsan. Hindi gaya dati na hindi mo talaga mabiro yan. Iba talaga ang nagagawa ng powers ng isang Geneva Tan sa isang Ralph Tan. Nakaka-earthquake. Yinanig nito ang puso ni sir, ayun nabasag ang yelo na nakabalot sa puso niya.

Crush ko talaga yan si sir matagal na. Nauna pa ako nung wala pa si maam. Actually, pati si Sir Sander crush ko din at yung assistant ni Sir Ralph na si Leo. Minsan nga hindi ko na alam sino pipiliin ko sa kanila eh. Ang ending, wala akong napili. Hayyy.

"I told the driver to ready the car. You'll use it. There's also a bodyguard who'll go with you."

"Sir, wag na. Magje-jeep nalang kami ni Noah." Saka nakakahiya sa ka-date ko no.

Napakunot nanaman ang noo niya, "Do you think I will let you commute with my son? No, you bring the car. It's for the safety of you both."

Napanguso ako. "Okay po." Payag ko nalang.

Wala naman akong magagawa dahil yun ang gusto ni sir. Saka ayoko din may mangyaring masama samin ni Noah. Ang hirap talaga pag anak ng milyonaryo ang kasama mo, bawal mag jeep.

Pagkatapos kong ayusan si Noah ay kinarga ko na siya pati ang isang bag na may mga gamit niya.

Sumakay kami ng kotse at nagpahatid sa park kung saan kami magkikita nung textmate ko. Na excite ako bigla. Matagal ko tong hinintay.

"Jinggay, sigurado kabang dito kayo magkikita ng ka-blind date mo?" Tanong ni Kuya Paul, yung bodyguard na kasama namin na nakaupo sa front seat.

"Oo naman. Sure na sure." Sagot ko.

"Ang cheap naman ng ka-date mo. Dito kalang dinala." Natatawang sabi ni Kuya Allen, yung driver.

"Hindi ah. Traditional lang kasi daw siya. Parang noong unang panahon, ganun. Mas sweet kaya yung ganito." Depensa ko sa kanila.

"Traditional kunwari. Ang sabihin mo, tinitipid kalang nun." Sabi pa ni Kuya Paul.

Napapailing ako saka kinuha na sa Noah sa car seat niya, "Ewan ko sainyo. Lalabas nako."

"Ingatan mo ang anak ni sir." Sabi ni Kuya Allen.

"Of course, kuya. Me pa.I'm the best care taker in town." Sagot ko saka inirapan siya bago ako bumaba ng kotse. Tumawa pa talaga siya. Pinagkakaisahan ako lagi ng dalawang to eh.

Sinakay ko si Noah sa stroller niya saka tinulak siya este ang stroller papunta sa park. Nakasunod sa amin si Kuya Paul kaya nagsalita ako, "Wag ka masyadong dumikit, kuya. Mapagkakamalan akong mayordoma nitong park. Mas lalo tayong pagtitinginan eh. Sabi kasi sayo wag kang may uniform eh."

"Maglakad kana nga lang. Dami mong reklamo." Seryosong sagot niya.

Napanguso nalang ako saka hinanap na kung saan yung textmate ko. Nung makarating ako sa gitna ng park ay kinuha ko ang cellphone ko.

Tinext ko siya.

Hi, andito nako sa park. Andito kana ba? **wink wink**

Ilang segundo lang ay may nag reply kaagad.

Andito na ako, babe. Anong kulay ng damit mo?

Napangiti ako dahil sa tinawag na naman niya akong babe kahit hindi pa kami. Kinikilig si ako!!!

Kinikilig na nag reply ako,

Ikaw muna. Anong suot mo at anong kulay?

Gusto ko kasi ako ang unang makakita sa kanya ng sa ganun ay ako ang lalapit sa kanya tapos makikita niya akong papalapit tapos matutulala siya habang tinitingnan ako. Tapos mapapangiti ako saka din siya ngingiti sa akin tapos hindi na siya makapaghintay na lapitan ko kaya siya na ang humakbang para salubungin ako tapos bigla niya akong hahawakan sa bewang at tititigan sa mukha at makikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kagandang-ganda sakin.

"Uy, Jinggay!" Naputol ang pag i-imagine ko nung ginulat ako ni Kuya Paul.

"Bakit?!" Inis na sabi ko.

"Kanina pa nagreply yung textmate mo. Basahin mo na kaya? Nag i-imagine kapa jan eh."

"Ito naman si kuya ang atat." Sabi ko saka binasa na ang reply.

Naka-itim ako na tee shirt. Maong na pantalon saka naka puti na rubber shoes.

Napaangat agad ako ng tingin at hinanap kung sino ang naka damit na ganun dito sa park. Nung may makita akong naka-itim na shirt at naka pantalon ay doon tumutok ang mga mata ko.

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ang ayos nito. Hypebeast ba to?! Agad akong nag reply sa kanya.

Naka shades kaba?

Nanlalamig ang mga kamay ko habang hinihintay ang reply niya. Pag nag reply siya ng 'Oo' ay ibig sabihin siya itong nakikita ko na naka-shades. Nako, wag naman sana siya yun. May hawak din kasi siyang cellphone eh.

Agad kong binuksan ang message niya nung nag reply siya. Dalawang letra at nakapagpatigil ng mundo ko.

Oo.

Halos mamutla ako sa reply niya. Nung bumaling ako ulit kung nasaan siya ay bigla itong nag alis ng shades niya at mas lalo akong nanlumo sa nakita. Parang lahat ng kilig na naramdaman ko ay biglang naglaho.

Siya yan?!!!

Nako po. Akala ko... Bakit ganyan?? Hindi naman yan ang picture na sinend niya sakin eh! Hindi ganyan ang mukha niya na alam ko. Scam ba ito?!

Nung mapansin ko na parang may hinahanap siya sa paligid ay bigla akong tumalikod sa gawi niya.

Baka kasi makita niya ako.

"Siya ba yung naka-itim?"

"Shhh!" Saway ko kay Kuya Paul.

Narinig kong tumawa siya, "Ang panget ng taste mo, Jinggay. Akala ko ba gwapo? Eh mukhang kaninang umaga lang naligo eh. Tapos yung suot niya ay parang sasayaw ng hiphop."

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Na-scam talaga ako. Binudol niya ko.

"Hali kana. Alis na tayo." Sabi ko saka tinulak na yung stroller ni Baby Noah. Aalis na ako. Bahala siya jan. Ayoko makipag date sa kanya.

"Papalapit siya sa atin."

Natigilan ako sa narinig ko. Nung matauhan ako ay nagsalita agad ako, "Alis na sabi tayo." Hindi parin siya gumalaw sa pwesto niya kaya naman hinigit ko na ang damit niya pero hindi parin natinag.

"Excuse me, Miss Beautipul."

Nanlaki ang mga mata ko dahil may tumawag sa aming lalaki na iba ang boses.

"Itatanong ko lang sana kung ikaw ba ang ka-textmate ko? Ikaw ba si Jinggay?" Aba ang lakas din ng loob. Hindi ko sini-send ang picture ko sa kanya kaya alam kong hindi niya alam ang totoong mukha ko. Buti nalang talaga hindi ko binigay ang picture ko.

"Ah, siya n—-"

Mabilis akong humarap at siniko si Kuya Paul dahilan para tumigil siyang magsalita.

"Mukha bang Jinggay ang pangalan ko??" Taas kilay na sabi ko kunwari ay nagsusungit para hindi na siya magtanong pa.

"Sorry for the inconvenience, miss beautipul. Akala ko kasi ikaw eh." Sabi niya saka tumingin sa kay Noah. "Anak ninyo?"

Mabilis akong tumango, "Oo. Bakit?"

"Ang cute niya. Like me." Sabi niya na halos mapaubo ako sa sinabi niya. Siya, cute?? San banda? Ang tapang-tapang pa ng pabango niya. Ang totoo, pabango ba ang pinanligo nito???

Bago pa ako mapa-atsing ay nagpaalam nako.

"Alis na kami, kuya." Sabi ko sa kanya saka mabilis hinila si Kuya Paul palayo sa lalaking yun.

Bumalik na kami ng kotse at tama nga na pagtatawanan nilang dalawa ako. Buong byahi ay inaasar nila ako. As expected sa dalawang yan. Hindi ko nalang sila pinansin dahil naiinis parin ako na niloko ako nung lalaking yun. Sabi niya maayos siya, hipster ata yun eh.

"Sige, pagtawanan niyo pako. Kayo magbayad niyang inorder niyo." Sabi ko sa dalawa na mula pa kanina sa kotse ako pinagtatawanan hanggang dito sa restaurant na kinakainan namin ngayon.

Dito nalang kasi kami dumiretso dahil ang aga pa para umuwi saka tinatamad akong magluto sa bahay dahil wala naman sina sir at maam. Kaya dito nalang kami nag lunch sa labas. Niyaya ko sila dito dahil pera naman ni sir itong ipangbabayad ko na sana ay gagamitin ko sa date ko na hindi nga natuloy.

"Bakit? Kami lang ba tumatawa? Tingnan mo yung bata, tumatawa din." Turo ni Kuya Allen kay Noah.

Napatingin ako kay Noah na tumatawa nga.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Tawa ka jan. Kampon ka nga ng daddy mo." Tumawa pa siya na parang naaaliw. "Bayaran mo yang kinain mo."

"Ito naman pati bata pinapatulan. Kasalanan ba namin na epic fail yang date mo??"

Napanguso ako dahil inuulit pa talaga nila sakin.

Bahala sila jan. Hindi ko nga pinansin. Naiinis parin kasi talaga ako.

Nagyaya na akong umuwi ng bahay nung matapos kaming kumain. Saan naman kasi kami pupunta eh ang init-init. Sa bahay nalang, may aircon pa.

Pinatulog ko na si Noah nung nasa bahay na. Nakatulog narin ako katabi niya dahil sa inaantok na din ako. Ang aga ko kasi nagising kanina para paghandaan ang date na yun. Nauwi lang sa wala.

Nagluto ako ng dinner pagkagising ko. Narinig ko na ang sasakyan sa labas kaya baka dumating na si sir. Binilisan ko ang pagluto saka sinerve na ang mga ito sa mesa. Saktong tapos na akong mag ayos ng hapag ay pumasok si sir sa dining room kasama si Maam Gen. Sinundo siguro nito si maam sa airport. Tapos ihahatid sila ni sir mamaya sa bahay na inuupahan ni maam. Ganito na kasi ang set up nila ngayon hanggang sa ikasal na sila.

Nasa amin ni sir si Noah pag may trabaho si Maam Gen. Pag si Sir Ralph naman ang busy, kay Maam Gen si Noah. Pag may trabaho sila pareho, ako ang nagbabantay kay Noah. Minsan si Madame Dee din ang nagbabantay.

"Kain na po." Walang ganang sabi ko sa kanila.

"Nasan si Noah?" Tanong ni maam.

"Tulog po sa kwarto niya." Sagot ko na nahahalata na wala akong gana.

Tumango si maam saka umupo na para kumain. Ganun din ang ginawa ni Sir Ralph. Habang kumakain sila ay nagse-serve ako ng juice nila.

"Kamusta pala ang lakad mo, Jinggay? Hindi naman ba naging sagabal ang anak ko sa date mo? Pasensya kana, si Ralph kasi may importanteng lakad eh."

"Okay naman po." Tipid na sagot ko.

Nakarinig ako ng mahihinang tawa kaya naman napaangat ako ng tingin para tingnan kung sino yun.

Si Sir Ralph lang naman na nagpipigil ng tawa.

"Bakit ka tumatawa, Ralph?" Takang tanong ni maam. Oo nga. Bakit siya tumatawa eh wala namang nakakatawa?

Napatikhim siya para pigilan ang tawa niya bago sinagot si Maam Gen, "Paul told me what happened. Her date didn't go well." Sabi ni sir.

Chismoso talaga ni Kuya Paul kahit kailan.

"Ha? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni maam pero si sir ay kung makatawa wagas.

Kinwento ni Sir Ralph kay Maam Gen ang nangyari. Detailed na detailed talaga sa nangyari ang kinwento niya. Iba talaga si Kuya Paul magkwento, wala talagang shortcut eh. Buong-buo yung kwento. Sinasadya siguro na ipahiya ako.

Tumawa naman si Maam Gen pero mabilis lang tapos bumaling sa akin, "Ang epic nun, Jinggay."

Napaiwas ako ng tingin. "I don't want to talk about it."

Mas lalong natawa silang dalawa.

"Tawang-tawa kayo jan, maam. Gusto niyo agawin ko sainyo si sir?" Biro ko pero seryoso ang mukha ko.

Natawa siya, "You can't. Mahal ako niyan. Gandang-ganda yan sakin eh."

"Wow, confident." Sabi ko.

"Of course. Diba, Ralph?" Sabi pa nito saka kumindat pa kay sir.

"Of course, love." Sagot naman ni sir.

Eh di sila na sweet.

Akmang aalis na sana ako nung pinigilan ako ni Maam Geneva, "Makakahanap karin ng para sayo, Jinggay. Wag kang magmadali. Dadating din yan sa tamang panahon na hindi mo ini-expect. Sa sobrang paghahanap mo, tingnan mo yang laging mga nakukuha mo. Puro hindi bagay sayo o kaya hindi mo naman type." Sabi niya.

Napanguso ako. "Experience niyo ata yan, maam, eh. Kusa lang kasi dumating si Sir Ralph sa buhay niyo. Ang ganda niyo kasi eh. Eh paano naman ako? Sa ganitong beauty ko?"

"Maganda karin naman ah."

Napangiti ako bigla sa sinabi ni Maam Gen, "Naks, salamat po."

"Basta wag ka masyadong maniniwala sa textmate-textmate na yan. Pati yang mga dating apps na yan. Ang taong para talaga sayo ay dadating sa tamang panahon."

Napabuntong hininga ako ng malalim, "Opo, hindi na po. Hindi narin ako magpapa-load."

Sinayang lang nung lalaking yun ang dalawang buwan na load ko. Pinambili ko nalang sana yun ng pagkain nabusog pako.

"Good. Stop wasting your money on that stuff." Sabi naman ni Sir Ralph.

Pilit akong ngumiti sa kanila. Tama naman kasi sila. Nahihiya na ako dahil dami ko ng false hope na binibigay sa kanila dahil akala ko talaga siya na yun eh. Nagulat ako nung tumayo si Maam Gen saka niyakap ako na kinagulat ko. Hindi ko inasahan kasi.

"When you find the one for you, we will support you. You can count on that. Just be patient. True love takes time na dumating. Kaya don't be sad, okay? Habang wala kapang love life, kami muna ang magmamahal sayo —ako, si Ralph at pati narin si Noah.."

Ngumiti ako sa narinig, "Salamat po, maam. Ang swerte ko po talaga na kasama ko kayo. Hindi ako nag iisa."

"We love you, Jinggay. Parang pamilya kanarin namin." Sabi ni maam tapos si Sir Ralph naman ang tumayo saka lumapit sa akin. "Where's my change?" Tanong ni sir. Akala ko sasabihan niya din ako ng magandang mga salita. Maniningil pala.

Tukoy niya sa pera na binigay niya sakin kanina.

"Sir, hindi ba pwedeng keep the change nalang?"

Napapailing si Sir Ralph pero natawa din. "Because you're broken-hearted, okay you can keep the change."

Napangiti ako saka nilapitan si sir at agad niyakap sa leeg, "Thank you, sir!"

May tumikhim bigla, "Ahem."

Imbis na matakot ay nilabas ko ang dila ko para asarin si Maam Gen.

"Akin yan." Sabi pa niya.

Nanlilisik na ang mga mata niya kaya humiwalay na ako agad ng yakap kay Sir Ralph. Ito kasi si maam minsan ang damot.

"Okay na po ako. Hindi na ako broken-hearted." Nakangiting sabi ko sa kanila.

Napapailing si sir saka sinabing. "I don't know why I have two crazy people in my life."

Natawa nalang kami ni Maam Gen dahil sa sinabi ni sir. Minsan nakakaaliw asarin si sir lalo na pag magkasama kami ni Maam Gen. Pero buti nalang hindi na siya madaling mapikon. Nasanay narin siya.

Kahit wala man akong lovelife, masaya naman ako ngayon sa buhay ko dahil kasama ko ang Tan family. Napakalaki nilang biyaya sa akin. Sila na ang naging pamilya ko dito sa Manila. Sa tagal ko ng naninilbihan sa kanila, naging close na ako sa kanila. Ang babait naman kasi saka masaya pa kasama sa bahay lalo na si Maam Gen. Simula dumating siya, naging makulay itong bahay.

Makakapaghintay naman yang lovelife na yan eh. Tama si Maam Gen, hindi dapat ako magmadali dahil darating lang yan sa tamang oras. Napansin ko kasi, the more na naghahanap ako, the more na mali ang nahahanap ko. Kaya natuto na ko, maghihintay na ako ng tamang oras na ibibigay sa akin ang lalaking para sakin talaga.


The End. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro