VIII - Nami

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nami's Pov

"Father, bendisyunan po ninyo ako sapagkat ako ay nagkasala." Usal ng isang babae sa loob ng kumpisalan at pagkaraan ay agad na nitong sinabi ang lahat.

Matapos ang kumpisal ay agad na lumabas ang pari at marahan na pinunasan ng panyolito ang noo nito. Tumingin ito sa akin at iniabot ko ang isang baunan na naglalaman ng pagkain.

"Kanina ka pa naghihintay?" Tanong nito habang nagpapalit ng kasuotan.

"Halos kararating ko lang, tinanghali na rin kasi si Daddy magluto ng umagahan." Magiliw kong tugon at lumapit sa baunan na dala ko. "Adobong baboy, ni-request ko pa na lutuin niya 'yan gaya ng paborito mo."

"Hanggang ngayon hindi ko parin lubos na maisip kung paano mo napapapayag ang amain mo na magpunta rito." Usal nito. Agad napadako ang isipan ko kay Papa.

"Kamusta na ang kapatid mo, si Asari." Dagdag niya at ngumiti sa akin.

"Mabuti na ang kalagayan ni Asari, gumaganda na rin daw ang recovery ng katawan niya at inaasahan namin na madidischarge na siya this week." Sagot ko habang pinapanood ito na matapos ang kaniyang tanghalian.

Inayos niya ang baunan at iniabot sa akin.

"Salamat, nabusog ako ng sobra. Pakisabi na lang din kay Ezme na dumalaw naman minsan." Sabi niya na ikinatawa namin pareho.

"Alam mo naman na mahiyain masyado si Inang para bumaba sa sasakyan, hayaan mo at pipilitin ko kapag naisama ko na rin si Asari sa pagpunta rito sa simbahan."

Naglakad lakad kami patungo sa labas  upang lumanghap ng sariwang hangin.

"Masyado nang lumalala ang sitwasyon ngayon, hindi man aktibo sa paksiyon ngunit bali-balita ang panggugulo ng ibang miyembro ng X. E. Z. E. Nababahala ako sa kung ani pa ang pwedeng mangyari sa hinaharap." Saad niya at agad ko naman tinugunan.

"Huwag kang mag-alala, palagi akong nakabantay sa mga nagaganap at alam kong alam mo na ano mang oras ay kaya kong protektahan ang sarili ko."

"Naniniwala naman ako, isa ka ng ganap na dalagitang may lakas ng loob gaya ng ama mo. Ang iniisip ko lamang ay ang mga tao na pwedeng maapektuhan kapag naging grabe pa ang lahat ng ito." Sagot nito hanggang sa may isang lalaking nakasuot ng puting apron at maong ang lumapit kay Father Luke at yumukod rito.

"Oy Ac napadaan ka, anong sadya mo?" Pagtawag niya sa pangalan ng lalaking may matipunong katawan.

"Father, m-may gusto sana akong pag-usapan natin tungkol sa isang mahalagang bagay." Sagot nito at nagkatinginan kaming tatlo.

"Isang usapan kung saan ang mga ginoo lamang ang maaaring makaalam, naiintindihan ko. Mauuna na rin pala ako at mukhang kanina pa naghihintay si Inang Ezme sa Van." Pagpapaalam ko at nag-iwan ng kaway mula sa malayo pagkatapos makarating sa sasakyan.

"Halatang giliw na giliw ka sa pari na iyon, binibini." Sabi ni Inang habang nag-aayos.

Wala akong nasabi ngunit isang matamis na ngiti lamang ang aking naging tugon bago nito tuluyan na paandarin ang sasakyan namin.

--

"Paano pala ang klase mo, wala ka bang balak pumasok ngayong araw?"

"Ah sinabi kasi ng school na walang klase this week sa kadahilanan na maulit ang nangyari noong nakaraan." Sagot ko.

"So ang balak mo na lang ngayon ay maglibot ng maglibot?"

"Minsan hindi ko naman talaga maiwasan na isipin kung bakit ikaw ang driver k-"

"Dahil ako lang naman ang nag-alaga sa iyo mula ng bata ka pa, ipinagkatiwala ka sakin ng ama mo at ipinangako ko sa kaniya na hindi kita pababayaan kaya ng binigyan niya ako nito." Sabi niya at itinuro ang isang tila metal na bagay sa binti nito. Hanggang sa..

"Inang sa harap, may tao!" Sigaw ko sa isang lalaking sumulpot sa harapan namin dahilan upang mabilis na maapakan nito ang preno.

"T-titingnan ko, dito ka lamang sa loob." Sabi niya at agad na bumaba sa sasakyan. Hindi maipaliwanag ang ekspresiyon ng mukha nito kaya bumaba na rin ako upang makita.

May mga bahid ng dugo papunta sa katawan at halata na hindi maganda ang lagay ng lalaki.

"Nabagok yata ang ulo niya, kailangan natin siyang dalhin sa hospital!" Takot na sabi ni Inang.

"Pero napakalayo na natin mula sa bayan, iuwi na lang kaya natin siya sa bahay at magpatawag ng doktor. Marunong ka naman na magbigay ng first aid 'di ba?" Tanong ko at walang pagdadalawang-isip na sinang-ayunan niya ito.

Agad kaming nakarating sa bahay at mabilis akong tumakbo sa loob ng bahay upang kumuha ng mga gamit, dinala naman niya ang lalaki habang hawak ang ulo nitong may malaking tela upang pigilan ang pagdurugo.

Dinala niya ito sa aking kwarto at inihiga sa kama ko, napatingin ako sa I.d ng lalaki at tila pamilyar sa akin ang pangalan niya nang mabasa ko ito.

Xeon Parker.

--

"Maagap na nalunasan ang sugat mula sa ulo niya, kailangan lang niya ng pahinga at pagkatapos at magkakamalay na ulit siya." Sabi ng doktor na tumingin kay Xeon at agad rin na nagpaalam pagkatapos.

"Medyo malaki pala ang inabonohan ko sa doktor na iyon kaya natural lang na magigising pa 'yan." Singhal na sabi ni Inang habang nakatingin sa pitaka nito. "Pero hindi ka naman kaya pagagalitan ng ama mo? Nagdala ka ng lalaki sa bahay at mismong sa kwarto mo pa pinatuloy."

"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin, hindi ba? Saka anong masama naman kung babawiin ko naman at sulitin ang kabataan ko na kinuha niya sakin." Sagot ko na ikinatikom ng bibig niya.

Marahan kong hinawakan ang ulunan ni Xeon habang tinitingnan ang maamo nitong mukha.

Bagay na mas lalong nagpapaalala sa akin mula sa kaniya..

Kay Syrius.

"So dito na ba 'yong point na magpa-flashback na lahat ng nangyari mula sa nakaraan tapos kung paano kayo nagkakilala ni Syrius?"

Paladesisyon yarn?

"Hindi na, sobrang laki na rin kasi ng exposure ko sa istorya. Dapat nga hanggang noong ika-28 words lang ako rito eh."

"Mabuti pa siguro ay hayaan na muna natin siya mag-isa."

"Sige."

*Phone Ring

Lennon..

Sino 'to?

''Hello?"

"Uy pre- Sino ka?"

"Ako si Nami, aksidenteng napunta sa akin ang cellphone ni Xeon."

"H-ha?! Paanong.. i-send mo ang address at ako na mismo ang pupunta sa kaniya."

"P-pero, nagkaroon kasi ng problema. Nabangga kasi namin siya habang nasa daan kami. Ihahatid na lang namin siya o ipasusundo ko na lang ba?"

"Mabuti pa siguro kung ako na mismo ang pupunta upang lalo mong maipaliwanag sa akin ng mas malinaw."

"Sige, itetext ko na lang sa iyo ang address ko para mapuntahan mo."

--

Unio's Pov

"Dali ilabas mo na kahit ulo lang, para namang hindi ko 'yan nakita dati."

"Nahihiya yata sayo, grabe ka raw kasi kumain."

Hala, anong kagaguhan na naman ang nagaganap sa sala?!

"A-arayyy!!!" Sigaw ni ate dahilan upang mapatakbo ako bigla papunta sa baba.

"Ateee?!" Sabi ko gulat kaming apat na  nagkatinginan sa isa't isa. Nakita ko ang isang maliit na asong hawak nito at kasalukuyan na kagat kagat siya sa daliri. "Anong ginagawa ninyo?!"

"W-wala hehehe, si Ray kasi nagdala ng aso niya. Look, mukhang nag-eenjoy sila ni 17Xynch." Pagpapaliwanag ni ate.

"Rogelia, stay!" Sabi ng lalaki na kasama nito at masiglang tumahol naman ang aso.

"Kanina pa akong basa sa laway niya."

"Hindi ko nga alam kung bakit ang hilig niyang dilaan ka, magmula pa kahapon hindi ba?"

"Oo, hahaha!" Pag-uusap nila at nakamasid na umalis sa kanilang dalawa.

Binabantayan ko kayo!

Naglakad ako paakyat ng hagdanan papunta sa kwarto nang wala ng marinig na kung ano sa kanila.

Hindi ko naman maiwasan na isipin kung ano ba talaga ang nasaksihan ko kahapon.

What if kaya siya mukhang pawisan ay dahil sa laway lang ng aso na dala ng lalaki niya?

What if wala talaga silang ginagawang kababalaghan?

What if sadyang madumi lang talaga ang isip ko?

Haysst!

Nagtungo ako sa harap ng computer at pinagpatuloy na lamang ang paglalaro.

"Baka kulang lang ako sa tulog kaya kung ano ano na ang pinag-iisip ko." Sabi ko sa sarili ko. Tama, baka ganoon na nga.

"Ayos ka lang, ano ba ang nangyari?" Tanong ng kalaro ko.

"W-wala naman, mukhang may naglalampungan lang na mga pusa sa kusina kanina. Ituloy na nga lang natin ang laro."

--

Luke's Pov

"Ano ba ang sasabihin mo sana at naparito ka, Ac?" Tanong ko ngunit walang itong tugon.

"Magsalita ka Ac, may masakit ba sayo."

"F-Father.." Utal na sabi nito habang umiiyak. Napansin ko na lamang na may dugo na tumutulo rito. "N-natatakot ako."

Mabilis kong iniangat ang damit nito at hindi nga ako nagkamali, may kalmot ito sa katawan at sigurado akong hindi ito basta lamang nanggaling sa anumang hayop.

"S-saan mo nakuha 'yan?"

"Sa i-isang zombie.. sa likod ng tindahan ko. A-ayokong maging katulad nila, Luke." Sabi nito at lumuhod sa harap ko.

"M-manalig ka kapatid."

"Naniniwala ako sa kaniya, pero natatakot pa rin ako. Hindi ko alam ang gagawin."

"Paano ba nagsimula iyan?"

"S-si Khien, nalaman niya na may alam ako. Dumating sila sa tindahan at pinagbantaan ako na magiging katulad ng mga pinag-ieksperementuhan nila."

Pinahiga ko ito at agad akong kumuha ng gamit upang linisin ang sugat niya. Mabilis na lumalala ang sugat nito.

"Kumapit ka lamang sa akin, magiging masakit ito." Sabi ko at agad na binuhusan ito ng alcohol.

Umalingawngaw sa buong simbahan ng sigaw mula sa kaniya.

Ramdam ko ang sakit mula sa pagtitig sa ekspresiyon ng mukha nito.

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit walang mabuting naidudulot ang lahat ng ginagawa ko.

"Na-nahihirapan na a-ako Father, ka-kailangan mo na gawin ang huling bagay na naiisip ko."

"H-hindi."

"Tapusin mo na ang buhay ko, hindi ko kakayanin tanggapin ang pwede kong magawa ko kung sakali na magbago na ako." Sabi nito at kumuha ng maliit na kutsilyo mula sa bulsa nito.

"A-Ac hindi ko yata kaya."

"Gawin mo o ako mismo ang papatay sayo, sige na!"

At mula roon ay mabilis ko itong isinaksak ang kutsilyo sa kaniyang dibdib.

"Mabuti kang kaibigan Ac, maaari ka na magpahinga. Tanggapin ka niya nawa at maging mapayapa ang iyong paglalakbay."

"S-salamat Father."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro