X - Alliance

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Yuri's Pov

"UMILAG KA, RAY!" sigaw ko nang makita ang isang malaking bookshelves na papabagsak sa kaniya na agad niyang naiwasan.

"All I just need is your cooperation. I'll promise, everything is gonna be alright."

"Nababaliw ka na talaga.."

"Ginagawan ko lang kayo ng pabor, bandang huli makikinabang din naman ang lahat."

"Ang gawing zombie kaming lahat?"

"Ang magkaroon ng pagkakapantay-pantay." mariin na sagot ng ama ni Nami. "Sumunod ka na lang sa akin, kung gusto mo pa na abutang buhay ang anak mo sa ospital."

"S-si Asari?! H-hindi, huwag mo lang subukan na gawan siya ng masama kung hindi ay ako mismo ang tatapos sa buhay m-"

"Edi gagawa tayo ng bago, napakadali lang gumawa at umayos ng problema Nami. Kayang-kaya ko gawin ang lahat na mismong hindi magagawa ng Luke na iyon." Saad nito na ikinabigla naming lahat.

"Akala mo ba ay hindi ko malalaman na lagi kang nagpapaalam para lang pumunta sa pari na iyon imbis na mag-aral ng maayos para sa kinabukasan mo? Nakikita ko sa mga mata mo na gusto mo siya, kaya huwag ka mag-alala dahil isasama ko rin siya."

"Hindi mo pwedeng gawin 'yan!" sigaw ni Nami kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata nito.

"Pero ngayon, kailangan ko munang tapusin ang mga harang sa harap ko!" sabi nito at agad na tumakbo papalapit sa akin.

"Hoy! Kalabaw lang talaga ang tumatanda, hindi ako!" Sigaw na boses ng tao sa pintuan ng basement at isang malakas na putok ng baril ang dumagundong sa silid.

Si Manang Ezmeralda.

"Inang!"

"Kuhanin na ninyo ang mga kaibigan ninyo bago pa mahuli ang lahat!"

"Buhay ka pa?!" Bulalas ng lalaki na nakahiga sa sahig habang hawak ang sugatan nitong braso.

Agad kaming nagtakbuhan papunta sa kinaroroonan nila Lennon at Zyndel, at sa awa naman ng Maykapal ay buhay pa sila.

"Tara na mare, aalis na tayo." Sabi ko at inakay namin silang dalawa hanggang sa makalabas sa basement.

"Alam kong anumang oras ay magbabago na rin ang anyo ko kaya pipigilan ko siya hanggang makakaya ko. Kailangan mong siguraduhin ang kaligtasan ni Asari, ako na ang bahala rito." Sabi ni Inang habang hawak ang isang shotgun.

"Pero Inang.."

"Wala nang pero-pero Nami, ang hiling ko na lang sa iyo ay mag-iingat ka palagi at ganoon din kayo ng mga kasamahan mo. Gusto ko matapos ang lahat ng ito ay dadalhan mo ako ng manok ni Mang InaRald ha."

"Pagbabayaran ninyo ng malaki ang kapangahasan na ito Nami, magkikita pa tayo at ako mismo ang papatay sayo!" Sigaw ng ama ni Nami at dali-daling isinara ni Inang ang pintuan.

"Lumabas na tayo bago pa malaman ng ibang mga gwardya ang kaguluhan." Sabi ni Ray at mabilis kaming tumakbo papunta sa labasan.

Walang mga nagbabantay sa paligid.

Pagkakataon na namin para makaalis.

"Kailangan nating puntahan si Asari sa lalong madaling panahon."

--

Zevia's Pov

"Ay sarado ang tindahan ni Mang Ac, sayang naman."

"Doon na lang tayo kumain sa bagong bukas lang na Preselle's Burger, balita ko romance-fantasy theme raw ang bilihan na iyon." sabi ni Esor. Pero paborito ko pa naman sa Mang InaRald.

"Libre ko na, basta 'wag ka na malungkot uwu." Sabi nito at tila nagpa-cute pa sa harap ko na parang bata.

Minsan hindi ko na lang talaga maintindihan si Esor.

Pumayag na rin ako at pagkatapos ay kumain na nang mapayapa hanggang sa mabundat sa tubig dahil sa anghang, bagay na tinawanan naman nitong kasama ko.

"Ang ganda mo naman pala eh." Biglang sinabi niya sa akin na ikinagulat ko. "Lalo na kapag nakangiti ka."

"Ikaw din naman, ang sarap mong kasama lalo na kapag hindi mo gaanong inintindi iyang mga creepy stuffs mo." Tugon ko at nagtawanan kami pareho.

Natapos ang maghapon namin at nagpasiya kami na dito na maghiwalay upang umuwi na rin sa bahay. Gusto ko na ring humiga sa kama at makapagpahinga na.

Naglalakad-lakad ako hanggang sa may nag-notif sa cellphone ko.

Nag-text pala si Ezor.

"Nag-enjoy ako sa date, sana ikaw din."

At mula sa text na iyon, hindi ko na lang maiwasan na mapangiti.

"Magaling, paunti-unti na natin natatapos ang mga plano nila."

"Pero ang balita ko ay may binabalak silang isang malaking pangyayari at inaasahan na magaganap ito sa loob ng ilang araw mula ngayon."

Ha? Sino 'yon?!

"Mabuti pa ay maghanda na rin tayo, mukhang mahaba-habang trabaho pa ang gagawin natin." sabi ng lalaking may hawak na folder kasama ang dalawa pang tao at pare-pareho silang nakasuot ng mask, nakita kong lumiko sila sa isang eskenita kaya mabilis ko itong sinundan.

At sa pag-uusisa ay hindi ko naiwasan na makatabig ng isang basurahan sa gilid ng pinagtataguan ko.

"Sino 'yan?!" sigaw ng isa lalaking nakasuot ng sumbrero at tila nagtataka na papalapit sa akin.

"May tao ba?"

"Itumba mo kung kailangan." sabi ng iba pa habang naririnig ko ang papalapit na yabag ng mga paa papunta sa kinaroroonan ko.

Hala?!

Kailangan kong umisip ng paraan.

"M-meow!"

"Tsk, pusa lang pala." sabi ng lalaki matapos akong makita sa inuupuan ko at naglakad palayo. Eh?

Bulag ba siya?

Nang maramdaman ko na wala na akong naririnig na mga paa ay pagapang akong umalis at umuwi na ng bahay. Nakakakaba.90o

Pero ang ipinagtataka ko lang lalo ay kung bakit ako hinayaan ng lalaki na iyon kahit na nakita niya mismo ako sa mata.

"Handa na ang hapunan, kakain ka ba?" Tanong sa akin ni Helen nang magkasalubong kami sa pintuan ng bahay.

Hindi ako umimik at nagtungo sa kusina.

Nakuha agad ng pansin ko ang ulam namin na Chopseuy at Menudo.

Dalawang putahe na paborito ko.

Kumuha siya ng sandok at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

Tila bumabalik na naman ang mga ala-ala mula sa nakaraan.

*Flashback

"Paaa, saan ka pupunta?! Huwag mo kaming iwan ni mama!" pagmamakaawa ko habang nakayakap sa mga bisig nito.

"Zevianna anak ko, aalis lamang si Papa. Maghahanap lang ako ng trabaho para sa inyo ng Mama mo, sana maintindihan mo." sabi nito at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Gusto mo ng maraming regalo hindi ba? Pag-uwi ko, marami akong pasalubong para sa iyo."

Pero alam ko na nagsisinungaling siya.

"May iba ka nang pamilya, ayaw mo na kay Mama. Narinig ko ang usapan ninyo kagabi, ayaw mo na sa amin!"

"H-hindi, mahirap pa kasi ipaliwanag sa ngayon. Pero balang-araw maiintindihan mo rin, babalik si papa at maaayos din ang lahat."

"Ano na Janni, may balak ka pa ba na sumama? Tara na at iwan mo na ang mag-inang hampaslupa na iyan!" sigaw ng isang matabang babae sa loob ng tricycle at hindi maganda ang tingin nito sa amin.

"Heto na! Sige na Zevia, aalis na si Papa. Palagi ka mag-iingat at huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Mama."

"Tara Zevia bitawan mo na ang papa mo, may iba na siyang kinasama." pag-awat sa akin ni Mama ngunit hindi ko mapigilan na hindi nagwala dahil sa nararamdaman ko.

At age of 7, naabanduna ako ng aking ama at nabuhay nang may sama ng loob kay mama.

--

"Anak, may masakit ba sa iyo? Nagluto ako ng lugaw para gumaan ang pakiramdam mo."

"Anak, huwag mo naman sana pagdabugan si mama. Ginagawa ko naman ang lahat para sa'yo."

"Anak congratulations, pasado ka sa exam para sa university mo!"

Palagi niya akong sinusuportahan at tinutulungan sa mga problema ko.

Naalala ko pa noon, napapa-away pa ako dahil sa kaniya.

"Hindi ba broken family kayo? Nabalitaan ko iniwan ng tatay mo ang mama mo kasi hindi na raw siya nag-eenjoy sa kama kaya pinili niya na lang na humanap ng bago."

"Putanginamo ka!"

Masakit pero kinailangan ko na maging malakas para hindi na nila ako kutyain sa nakaraan ko.

"Pinatawag na naman ako sa school kasi may sinapak ka raw na mga kaklase. Hindi mo na sana ginawa iyon."

Natatakot lang naman ako na awayin ka pa nila, Ma.

"Hindi ako galit, anak. Nag-aalala lang si mama dahil ayokong may mangyari na masama sa iyo."

Hanggang sa hindi ko na tuluyan na mapigilang mapahagulgol kay mama.

*End of Flashback

--

"Pagpasensiyahan mo na si mama, hindi kasi ako perpekto hindi gaya ng mga ina sa napapanood mo sa telebisyon. Isa lang naman akong ina na ang gusto lamang ay ang tanggapin mo kahit iniwan na tayo ng papa mo." saad ni mama na nagpabalik sa akin mula sa katinuan.

Tama naman si Mama, una pa lang.

Hindi niya kailanman ginusto na mapahamak ako.

"Mahal na mahal ka ni Mama, Zevia." at sa huling sinabi niya at hindi ko inaasahan ang pagpatak ng mga luha ko papunta sa lamesa na kinakaharap ko.

Mahal na mahal din kita, Ma.

Natapos ang aming hapunan at mabilis akong humiga sa kama ko sa aking kwarto at nanatiling nakatulala sa kisame.

Maraming nangyari ngayong araw na hindi ko inaasahan.

Nagsisimula na akong dalawin ng antok nang bigla naman na nag-vibrate ang cellphone ko sa isang text message galing kay..

Blaze.

Ano naman kayang kailangan nito sa akin sa ganitong oras ng gabi?

"We need your help, ASAP."

Huh?!

--

Third Person's Pov

Sa kabila ng pagkabigla ay hindi maalis ni Zevia ang pagtataka sa kung anong nangyari kay Blaze.

Sinagot nito ang text at naging matanong sa ilang mga bagay-bagay hanggang sa tuluyan na ngang ikinwento ni Blaze ang lahat.

Samantala, habang nasa biyahe sila Yuri ay walang paglagyan ang kaba nito sa pag-aalala sa kung anong maaaring mangyari matapos nitong malaman ang ilang mga rebelasiyon sa buhay ni Nami.

"Are you okay, Nami?" tanong ni Callista na bumasag ng katahimikan sa loob ng sasakyan.

Tumango si Nami bago tumugon. "Nag-aalala lang ako sa kalagayan ni Inang."

"She will be alright, ginawa niya ang dapat niyang gawin para iligtas ka."

"Sana nga." sabi ni Nami sa kaniyang sarili.

"Malapit na tayo sa ospital." saad ni Blaze na siyang nagmamaneho ng sinasakyan nila.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na nga ang mga ito at saktong nakasalubong naman nila si Zevia na nag-aabang sa labas ng kwarto na binanggit ni Blaze.

"Nasaan na siya, Zevia?!" bungad na tanong ni Blaze.

"Hindi ko alam, sinabi ng nurse na may nag-discharge na raw sa kaniya ilang oras na ang nakakalipas." saad ni Zevia at nagkatinginan naman sina Yuri at Nami. "Sinabi ng Nurse na ilan sa mga lalaki ay nakasuot ng lab coat na kapareho ng sa mga nagtatrabaho raw sa X.E.Z.E. ang mga pumunta."

"Kailangan natin sila na makita at malaman kung saan nila dadalhin ang anak ko." sabi ni Nami.

"How can we do that?" sabat ni Callista.

"Isang paraan lang ang naiisip ko na pwede nating gawin.." paghinto sa pagsasalita ni Nami at seryoso itong tumingin sa amin. "We're gonna go to their Corporation."

"Akala ko, to the moon." pabulong na sabi ni Unio.

"You say something, little boy?"

"Let's go!"

"Roadtrip, broom broom."

"Unio!"

"Sabi ko nga, tara na."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro